JAXSON
NANGUNOT ang noo ni Daddy nang makita niya ako. I look at them they were reading some papers on the table. Nginitian ako ng babae, ngunit hindi ako ngumiti pabalik sa kanya.
“ Did you forgot something?” Tanong ni Daddy. Hindi ako nakapagsalita dahil inisip ko pa kung ano’ng idadahilan ko.
“I forgot to ask what time I’ll be here tomorrow?” I said.
“You need to be here around 10:00 AM sharp. As much as possible you come here as early as 10.” He said. I nodded.
Umalis na rin ako agad. Napahinga ako nang malalim dahil akala ko mahuhuli ko na sila sa akto. Nagbuga ako ng hangin dahil pakiramdam ko ay nawalan ako ng hangin sa dibdib. Sa hindi malamang dahilan ay medyo nanginginig ang kamay ko. Nagpasya na akong umuwi sa bahay. I need to ready myself for tomorrow kahit ayaw kong gawin.
*****
Kinaumagahan ay maaga akong nagising. Hindi ko nga inaasahang magigising ako nang mas maaga kahit kaunti lang ang tulog ko. Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi dahil sa kaiisip sa magiging trabaho ko sa opisina ni Daddy.
Pagkababa ng hagdan nakita ko si Daddy sa sala na may kausap sa phone. Hindi ko na lamang pinagkaabalahang pakinggan kung ano’ng pinag-uusapan nila. Nagugutom na ako dahil hindi ako kumain sa bahay kagabi. Kumain kami ni Ava, pero kaunti lang ang nakain ko dahil sa panonood sa kanya habang kumakain.
Nagsuot ako ng pang-executive attire. Although hindi ako nagsusuot ng ganitong klaseng damit ay meron akong nakatago sa cabinet ko. I usually wore faded jeans, t-shirt and rubber shoes na mas sanay kong suotin. Napayuko ako at tiningnan ang suot kong leather black shoes. Mukha na akong tao. Naisaisip ko.
Nilagyan ko ng gel ang buhok ko upang hindi magulong tingnan. Niluwagan ko ang necktie na suot ko. Pakiramdam ko kasi nasasakal ako.
Sumakay ako sa sasakyan ko. Bago ko i-start ang kotse ko ay pinasadahan ko pang tingnan ang buhok ko sa rearview mirror ng sasakyan ko. Nang masiguro na okay naman ang pagkakaayos ng buhok ko ay in-start ko ang engine.
Pagkapasok pa lang ng building ay pinagtitinginan ako ng mga empleyadong nakakasalubong ko. Binati nila ako ngunit hindi ko sila pinansin. Wala naman akong pakialam sa kanila.
“Where is Dad?” Tanong ko sa sekretarya ni Daddy na napaangat ng ulo. Mukhang busy ito sa pagtipa sa computer at hindi niya napansin ang pagdating ko.
“Pumunta ka na sa conference room nandoon na ang Daddy mo. Dalhin mo ito kailangan mo iyan para mamaya.” Binigya niya sa akin ang isang folder. Binuklat ko iyon para makita kung ano’ng laman niyon. Pinasadahan ko ng tingin ang nilalaman ng papel. It’s about a report.
Nagpunta na ako sa conference room na nasa susunod na floor. Pumasok na ako agad sa conference room nang marating ko ang floor. Napatingin ako sa kasama ni Daddy.
Bakit nandito ang babaeng ito?
“You need to read those paper.” Turo ni Daddy sa folder na nasa harapan ko. Maraming magtatanong sa iyo mamaya.” Anito.
Binuklat ko ang folder at kinuha ang isang paper. Sumama ang mukha ko nang makitang ang dami kong babasahin. Really? Am I going to read it all? What the heck! I hate reading figures! Sa school nga wala akong panahong mag-review ng lesson ko dahil tamad akong mag-aral. Ang gusto ko lang ay magluto. Ayokong magpatakbo ng isang kompanya.
“Dad, do I need to memorize all that has been written here?”
“Hindi mo namang kailangang i-memorize ang lahat ng nakasulat. Ang tatandaan mo lang ang iyong mga importante. I was at your age nang pamunuan ko ang company ng lolo mo. Wala rin akong alam at that time. Ang alam ko lang magbarkada.” Pag-amin ni Daddy.
Hindi na ako nagsalita dahil alam kong hindi rin naman siya makikinig sa akin. Napilitan na lang akong basahin ang report. Napahikab ako nangg matapos kong basahin ang ilang pahina ng papel. Kahit paano ay may naintindihan naman ako sa nabasa ko. Bahala na para mamaya.
Inayos ko ang necktie ko nang magsimula na ang meeting. Hindi ko mapigilang kabahan at pagpawisan ng butil-butil sa noo kahit aircon naman ang loob ng conference room. First time kong humarap sa mga taong may matataas na posisyon sa kompanya ng aking ama.
AVA
NAPASANDAL ako sa puno habang hawak ang binabasang libro. Breaktime kaya rito ako pumunta na madalas kong tambayan. Hinihintay ko si Kara na bumili ng meryenda naming dalawa.
Nakita ko si Kara na humahangos dala ang biniling kwek kwek at fishball.
“Hoy alam mo ba ang balita?” Napakunot noo ako sa tanong ni Kara. Binigay niya sa akin ang isang supot na may lamang kwek-kwek.
“Anong balita?” Tanong ko. Umupo sa tabi ko si Kara.
“Tuloy na tuloy na pala ang kasal ng dalawa.” Balita nito na nagpakunot sa noo ko. Hindi ko alam kung sino ang taong tinutukoy niya.
“Sino ba ang sinasabi mong tao?” Tanong ko. Hinampas niya ang balikat ko. Napangiwi ako.
“Sino pa ba si Candy at Jaxson. Ayon sa narinig ko pagkatapos ng graduation ang kasal nila. Mukhang hindi na makapaghintay ang magulang ni Candy na maikasal ang dalawa. Nag-merge na kasi ang kompanya ng dalawang pamilya. Diyos ko hindi ko ma-imagine na napakabata nilang magpakasal. Labing siyam na taong gulang lang sila. Ano naman kaya ang alam ng ganyang edad sa pagpapamilya? Hindi ko ma-imagine ang sarili kong may asawa na at may anak!”
“Mayayaman nga naman ayaw ng ibang makinabang sa kanilang kayamanan kung hindi sila lang. Parang Chinese lang, no?” Dagdag na sabi ng kaibigan.
Hindi ko mapigilang malungkot at makaramdam ng paninibugho dahil taken na talaga si Jaxson. Alam kong maling magkagusto ako sa taong committeed na sa iba. Pero mapipigilan ko bang tibukan ng puso kung palaging malapit siya sa akin?
“Totoo na iyan?” Paniniguro ko kahit alam kong totoo na iyon. Nanlaki ang mata ni Kara at hinampas na naman ako sa balikat. Inirapan ko siya.
“Totoo nga! Umaasa ka bang ikaw ang pipiliin ni Jaxson? Hello! Nanaginip ka lang ng gising dahil hindi mangyayari na ikaw ang pipiliin niya. Mas matimbang ang pamliya kaysa ibang tao.”
Halata bang umaasa ako? Nagbuntonghininga ako. Inakbayan ako ni Kara.
“Alam mo Ava, hindi masamang mangarap, pero huwag masyadong dibdibin. Masakit ang umasa sa wala. Kaya hangga’t kaya mo pang pigilin ang damdamin mo para kay Jaxson, gawin mo na ngayon. Huwag kang papa-apekto sa pinapakitang kabaitan ni Jaxson. I’m sure he is just using you para hindi lang siya malungkot. Remember, kamamatay lang ang Mommy niya kaya ganoon ang pakikitungo niya sa’yo dahil naghahanap siya ng makakaramay at ikaw iyon.”
Naiintindihan ko ang ibig sabihin ni Kara.
“Susubukan ko pero hindi ko alam kung maiiwasan ko ba si Jaxson. Siya itong palaging lumalapit sa akin. Ano’ng gagawin ko?”
Napailing si Kara. “ Nasa iyo iyan, Ava. Kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan. Ganoon lang iyon.” Hindi ako nakakibo. Tama naman ang kaibigan ko. Kung kaya ko namang gawin ay bakit hindi ko gawin? Ayaw ko lang kasing gawin dahil umaasa akong magugustuhan ako ni Jaxson.
Tahimik ko na lang kinain ang kwek-kwek. May punto ang kaibigan ko kaya ano pa’ng saysay na makipagtalo ako sa kanya.