Episode 17

1690 Words
AVA HABANG nag-aabang ng masasakyan pauwi hindi maalis sa isipan ko ang sinabi ni Kara. Kahit baliw iyon minsan may laman rin ang mga payo niya sa akin. Kaso nga lang mas sinusunod ko ang puso ko. Hindi ko naman kasi kayang iwasan si Jaxson lalo pa kapag tinitingnan niya ako. Nagulat ako nang may humintong sasakyan. Hindi ako nakakilos nang lumapit sa akin ang taong kanina ko pa iniisip. Nakangiti siya. Mukhang haggard ang mukha, pero hindi pa rin kumukupas ang kanyang kaguwapuhan kahit mukhang pagod. “Ihahatid na kita,” sabi ni Jaxson. Akmang kukunin niya ang dala kong libro ng iiwas ko ang kamay ko. “Huwag na. magpahinga ka na lang, mukhang pagod ka na. Saka ma-traffic papunta sa bahay namin at baka matatagalan tayo sa daan,” sabi ko para hindi na siya magpumilit. Nangunot ang noo ni Jaxson. Nagulat ako nang hablutin niya ang bag ko at hinawakan ang isang kamay ko. Hinila niya ako papunta sa sasakyan nito. Agad nitong binuksan ang front door. “Get in.” Utos nito. Hindi ako nakagalaw at napatitig sa guwapong mukha ni Jaxson. “Come on baby, sakay na.” Sa pagkakasabi niya ng baby ay biglang sumikdo ang puso ko. Bumilis ang t***k ng puso ko. “Hindi mo na ako kailangan ihatid. Pagtuunan mo na lang ng oras si Candy. She is your fiancee at malapit na kayong ikasal. Ayokong makasira ng relasyon,” sabi ko. Napatingin sa akin si Jaxson. Sumalubong ang kilay nito. “I am not getting married. At wala akong balak na pakasalan si Candy. I have so much more important things to prioritize than her. I’ll be handling the company and it’s a big responsibility,” sabi nito habang nakatingin sa aking mata. Nagpameywang ito habang titig na titig sa akin. “Sinong nagsabi na magpapakasal na ako? Si Candy ba? Kaya ka umiiwas sa akin dahil sa nalaman mo?” Sunod-sunod na tanong nito. Umiwas ako ng tingin. Ayokong sagutin ang tanong niya. Napaigtad ako nang maramdaman ang kamay ni Jaxson na pumatong sa kamay kong nakasiklop. Pinisil niya iyon kaya napatingin ako sa kanya. “Ikaw ang gusto kong makasama Ava at hindi si Candy. Kung magpapakasal ako gusto kong ikaw ang babaeng ihaharap ko sa dambana at gusto kong ikaw ang magiging ina ng mga anak ko.” Umawang ang labi ko sa tinuran ni Jaxson. Totoo ba ang sinasabi niya o baka naman kinukuha niya lang ang loob ko para bumigay sa mga salita niyang nakakadala. I shook my head. “Hindi ako ang nararapat na babae sa iyo, Jaxson. Mahirap lang ang pamilya ko at wala akong maipagmamalaki sa pamilya niyo. Ano na lang ang sasabihin nila na pumatol ka sa isang mahirap? Baka sabihin pa nilang ginagamit kita para umangat sa buhay. Masakit masabihan ng isang salita na hindi naman totoo. You better choose Candy over me.” Paliwanag ko. Sana pakinggan niya. He chuckled. “Hindi mo madidiktahan kung ano’ng nilalaman ng puso ko, Ava. Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba. Sino ba sila para pag-aksayahan ko ng panahon? They are just nothing. I don’t care kung ano’ng sabihin nila. This is my life not their life.” Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko habang nakikinig sa sinasabi ni Jaxson. “Please baby, get inside. It’s getting late.” Anito na nakikiusap. Sumunod na lang ako at pumasok sa loob ng sasakyan. Marahang sinara ni Jaxson ang pinto. Nagulat ako nang ikabit ni Jaxson ang seatbelt. Gahibla na lang ang layo ng mukha naming dalawa. Nakadikit ang likod ko sa backrest nang ilapit ni Jaxson ang sarili sa akin. Ramdam ko ang hininga nitong tumatama sa mukha ko. Napahawak ako sa magkabilang tagiliran ng upuan. “Ako lang ang paniwalaan mo, Ava at huwag ang ibang tao. Totoo ang sinasabi ko I am not lying. Mahal kita at ipaglalaban kita sa lahat ng hahadlang sa atin. Hindi kita sasaktan. Aalagaan kita na parang mamahaling kristal. Pangako ko iyan. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong damdamin.” Pag-amin nito sa totoong damdamin. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko siya. May parte sa sarili ko na nagsasabing huwag akong maniwala, pero merong parte na paniwalaan ko siya. Ang hirap magtimbang sa nararamdaman ko para sa kanya. “Tell me Ava. Do you love me too?” Napatitig ako sa mata ni Jaxson. Nagmamakaawa. Napalunok ako. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba ang tanong niya. May nagtutulak sa aking sabihin ko ang nararamdaman ko, pero pinipigilan kong magsabi ng totoo. Ngunit sadyang mahina ako pagdating sa pag-ibig. Mahal ko si Jaxson. Ano’ng masama kung aminin ko sa kanya ang nilalaman ng puso ko? The feeling is mutual. “M-Mahal din kita.” Pag-amin ko. Hindi ko na iisipin kung ano’ng kahihinatnan ng pag-amin ko. Ang mahalaga ay pareho kami ng nararamdaman para sa isa’t isa. Masuyo niya akong hinalikan sa labi. Naglumikot ang kamay niya papunta sa ibabaw ng dibdib ko. Pumigsi ako ngunit nanigas ang katawan ko nang maramdaman ang kanyang palad niyang marahang humihimas sa ibabaw ng dibdib ko. Nagtayuan ang balahibo ko dahil sa kakaibang pakiramdam na ngayon ko lang naramdaman. Masarap. Napasinghap ako nang maghiwalay ang labi namin. “Thank you, Ava. Hindi ka magsisisi sa naging pasya mo.” Anito at niyakap ako. Kahit mali ang pinasok ko, ang mahalaga mahal namin ang isa’t isa. Naniniwala ako sa pangako niyang hindi niya ako sasaktan. Pagkalabas ng bahay upang pumasok sa eskwelahan ay nakita ko ang sasakyan ni Jaxson. Nakasandal pa ito sa hood ng sasakyan nito habang hinihintay ako. Hindi ko inaasahang susunduin niya ako. Lahat ng dumadaan ay napapatingin kay Jaxson. Sino’ng hindi mapapatingin sa lalaking ito? Napakagwapo niya sa pagkakasandal sa hood ng sasakyan. Although nakasuot ng uniform na pang-estudyante pero angat pa rin ang pagiging mayaman nito. Napansin ko ang nakapatong sa hood sa bandang gilid niya. Pumpon ng bulaklak. Nilapitan ko na siya. “Jaxson. . .” Tawag ko sa kanya. Napalingon siya sa akin. Agad pumaskil ang ngiti niya sa labi nang makita ako. Kaagad niya akong nilapitan. Binigay niya sa akin ang bulaklak na kinuha ko naman. Hindi ko mapigilang kiligin, hindi ko lang pinahalata pero sa kaibuturan ng puso ko ay masaya ako. Ngayon ko lang naranasang may magbigay ng bulaklak. Sa ganito kagwapong lalaki pa. “Thank you. Hindi ka na sana nag-abala pang bigyan ako ng bulaklak. Nakakahiya naman mukha pang mamahalin itong binili mo.” Nahihiyang wika ko. Inamoy ko ang pink rose. Minsan lang ako makakita ng pink rose. Karamihan red rose o white rose. “It’s okay baby, para naman sa iyo iyan kaya balewala kung mahal.” Nakangiting sabi niya na ikinagalak ng puso ko. May side palang sweet ang lalaking ito. Madalas ko kasing makita sa kanya ang pagkabrusko. At saka hindi ko siya nakikitang sweet kay Candy. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigiling sumilay ang ngiti sa labi ko. “Iiwan ko na lang sa bahay. Ilalagay ko sa plorera na may tubig baka malanta. Sayang.” sabi ko. “Okay. I’ll wait you here,” sabi ni Jaxson. Nagmadali akong bumalik sa loob ng bahay. Nilagay ko sa plorera at nilagyan ng tubig. Inalis ko muna ang nakalabalot sa bulaklak bago ko nilagay sa plorera. Pinagmasdan ko ng ilang segundo bago ako nagmadaling lumabas ng bahay. Habang papalapit kami sa school kinakabahan ako. Ayaw ko kasing malaman ng iba kami na ni Jaxson. Alam kong maraming magagalit sa akin dahil may fiancee na si Jaxson, pero pinatulan ko pa. Napalingon ako kay Jaxson na seryosong nakatingin sa daan habang nagmamaneho. “Sa malayo mo na lang ako ibaba. Baka maging issue pa ang pagsakay ko sa sasakyan mo kung makikita nilang kasama mo ako. Hindi tama dahil may fiancee ka na,” sabi ko. Napakunot noo si Jaxson. “So? Wala silang pakialam kung may relasyon tayo. Ang sa amin ni Candy ay pawang pagpapanggap lang. Pinilit lang nila ako sa isang relasyong hindi ko gusto. Kaya ang sa amin ni Candy is just nothing, huwag mo silang isipin. Ang isipin mo tayo.” Umiling ako. Ayokong magkagulo. Ayokong awayin na naman ako ni Candy at ma-suspend na naman ako. Baka madamay pa ang best friend ko. “No, Jaxson, mas mabuting ilihim na lang ang relasyon natin. Hindi tama sa mga mata ng tao. Tama sa atin, pero siyempre iba ang iisipin nila. Ayokong pagmulan ito ng gulo. Please, Jaxson.” Pakiusap ko. Huminga ng malalim si Jaxson. Alam kong napipilitan lang siya. Pero para sa amin naman itong gagawin ko. “Okay, pagbibigyan kita sa ngayon. Pero sa susunod hindi na kita mapagbibigyan. Ayokong itago ka lang. I want to know them that you’re the one I really love.” Anito. Sumilay ang ngiti sa labi ko.Binaba niya ako sa malayo. Nilakad ko na lang. “Ava! Ava!” Napalingon ako sa tumawag. It’s Kara. Hingal na hingal nang makalapit sa akin. Napahawak pa ito sa tuhod habang habol-habol ang hininga niya. “Hoy! Bakit kasama mo si Jaxson? Nakita ko iyon bumaba ka sa sasakyan niya. Huwag mong sabihing nagsasama na kayo?” Nanlaki ang mata ko. “Anong nagsasamang pinagsasabi mo riyan? Nakisakay lang ako kasi sinundo niya ako sa bahay. Nakakahiya namang tanggihan ko. At saka nakatipid ako ng pamasahe,” sabi ko. “Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin. Bakit kasama mo siya? Diyos ko naman Ava, hindi ka na natuto sa ginawa ni Candy sa atin? Huwag mong dagdagan dahil kung mangyayari iyon iiwan na kita,”sabi ni Kara. “Magkaibigan lang kami. Ikaw ang masama ang iniisip. Kilala mo ako, hindi naman ako ang lumalapit sa lalaki.” Pagsisinungaling ko. “Sus! Ava, alam kong hindi kayo magkaibigan. Sinasabi ko sa iyo walang magandang idudulot ang pagmamahal mo na iyan kay Jaxson. Hindi papayag si Candy na malamangan mo siya. You know that b***h, gagawin ang lahat para hindi mapunta sa iba si Jaxson.” Natigilan ako sa sinabi ni Kara. Pero paano pa ako makakaalis kung hulog na hulog na ako? Ayokong mawala si Jaxson sa buhay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD