Episode 18

1163 Words
JAXSON PAGKATAPOS ng klase ko ay pumunta ako sa opisina ni Daddy. Ngayon ang araw ng orientation ko. Ako ang pumalit sa position ni Mommy as a COO. Bukod sa company ni Daddy, si Mommy ay nagmamay-ari ng bookstore. Minana nito sa lola at lolo nito. Ako na rin ang hahawak niyon dahil wala namang magpapatakbo niyon kundi ako na nag-iisang anak. As of now kailangan ko pang matutunan ang pagpapatakbo ng isang kompanya. Mahirap sa akin dahil wala akong alam sa isang business. Ang alam ko lang ay magbulakbol at manglustay ng pera ng magulang ko. I wore my formal suit. I really hate this kind of clothes. Puwede naman sigurong rugged ang isuot ko? As long as I am performing na ginagawa ko ang trabaho ko, wala naman sigurong masama? “Good afternoon, Dad.” Bati ko sa Daddy ko na abala na naman sa pagbabasa ng mga papeles na nakatambak sa ibabaw ng lamesa niya. Ganito ba ang laging ginagawa ni Daddy? I find it boring. Binaba nito ang salamin sa mata. He motion me to sit down. “Here, pag-aralan mo iyan.” May inaabot siya sa aking folder. Gusto ko sanang mapairap dahil sa inis. Ito na naman kami. I am sure hindi ko na naman maiintindihan itong nakalagay dito. Tumango lang ako sa tugon kay Daddy. “Do I need to read all of this?” Itinaas ko ang folder na punong-puno ng laman. Dad nodded. Napabuntonghininga ako ng malalim. As in malalim na hindi maarok ng sino man. “Dad, I am just a senior high school student. Do you think I can understand all these that written here? I have no idea. I don’t know where to start?” Reklamo ko. I am not that intelligent person that I can easily understand what’s in these f*cking folder. I wanted to throw these away and leave the f*cking building. And have some fun with my friends. “I know you still coping up. I am here to teach you. All you need to do is read it first. Then ask me if you have something you never know,” sabi ni Daddy. I can’t do anything but obey him even against my will. I am just a son nothing to be proud of. Wala akong ginawa sa maghapon kung hindi magbasa. I am the type of person hates to read. I don’t even write because I have someone do it for me. Pumasok ang Secretary ni Daddy na may dalang meryenda. Napatingi ako doon. Wala naman akong ganang kumain. “By the way nagkausap na ba kayo ni Candy? By next week aayusin na natin ang mga kakailanganin sa kasal niyo.” napatingin lang ako kay Daddy. “I haven’t seen her. Bakit kailangan pang naroon ako pwede naman ang wedding coordinator na lang ang mag-asikaso niyon,” sabi ko. “Of course kailangan ka roon. Kayong dalawa ang mamimili ng susuotin niyo at pati na ang design ng venue at pati sa pagkain kayo rin ang mamimili.” Napatirik ako ng mata sa sinabi ni Daddy. “Look Dad I have no time. Malapit na rin ang exam namin. Kailangan kong mag-review.” I reason out. “Isang araw lang naman iyon at ilang oras lang. Hindi naman siguro ikakawala ng oras mo ang dalawang oras? Anak para rin naman sa inyong dalawa ito ni Candy. We both benefit if we merge our company with them. It’s a big help. Ayokong may mawalan ng trabaho kaya ko ginagawa ito.” Nag-igting ang panga ko. Ano’ng pakialam ko sa mga taong hindi ko naman kilala?  “So ako ang last resort mo para makatulong sa kanila. How about me? Did you think of me? Do you know how I feel? Ganyan naman kayo Dad walang pakialam sa nararamdaman ko.” Naghihinanakit na wika ko kay Daddy. Binaba ko ang folder na hawak ko sa lamesa. “Son, alam kong mahirap sa part mo dahil tinatanggalan kita ng karapatan na mamili ng babaeng mamahalin mo. Pero anak isipin mo rin ang ibang tao. Maraming umaasa sa company na ito. Alam kong kalabisan na humingi ng pabor sa iyo. Kailangan nating magsakripisyo kung minsan para lang maabot natin ang gusto natin. Think about it.” They had always manipulated me in every aspect. I have no freedom to do what I wanted. I’ve tried to disobey them, but I have no courage to fight. “I will try, Dad.” sabi ko na lang para hindi na humaba ang usapan namin. Mas lalo lang akong napu-frustrate sa nangyayari sa buhay ko. May dapat pa akong asikasuhing bagay. AVA Palabas na kami ni Kara ng school ng harangin kami ng grupo ni Candy. Kinabahan ako. Baka sasaktan na namin kami ng kaibigan ko. “Naku ito na nga ba sinasabi ko Ava. Narito na naman ang babaeng demonyita,” sabi ni Kara. Humigpit ang hawak ko sa strap ng backpack ko. Dumiretso lang kami nang lakad ngunit hinarang muli kami. “Hey! Huwag niyo kaming iwasan mga loser.” Tumingin ako kay Candy. Gusto ko sanang sabihin hindi kami loser. Magsasalita pa sana si Kara nang pigilan ko. Alam kong magsasalita na naman ng kung ano-ano ang kaibigan. Napatingin siya sa akin. Kunot noo. Pinagkrus ni Candy ang kamay niya sa harapan at tiningnan kami ni Kara na may pang-uuyam. Tinaasan pa ng kilay habang pinapasadahan kami ng tingin mula sa ibaba at pataas sa mukha namin. Napansin ko ang hawak nitong puting sobre. “I don’t want to see your face, loser, because I’ll despise you. I'm only here to deliver it to you.” May iniabot siyang sobre. Atubli kong kunin, pero sa huli kinuha ko. “Ito lang masasabi ko, hindi ka seseryosohin ni Jaxson dahil mababang uri ka lang sa paningin niya. Do you think magugustuhan niya ang katulad mo? Ew!” Pang-iinsulto nito. “Nakakaawa ka naman kasi ang tanga mo. You had no idea he was deceiving you while you believed his lies.” Dagdag pa nito. Napakuyom ako ng kamao. Napakasama niya para hamakin niya ako. Ni hindi niya ako kilala ng lubos kung makapag-insulto. “We have to go bye!” Paalam nito. She waves her hand while grinning. Mas lalo akong kinbahan. Napatingin ako sa hawak kong sobre. “Grabe naman makasabi ng loser ang babaeng iyon akala mo maganda. Puro naman makeup ang buong mukha niya. Ano kaya iyan?” Turo ni Kara sa hawak ko. “Buksan mo kaya para malaman natin ang nilalaman,” sabi ni Kara. Nanginginig ang kamay ko habang binubuksan ang sobre. Dahan-dahan kong nilabas ang laman niyon. Napasinghap si Kara. Ako nama’y hindi matigil ang puso sa mabilis na pagtibok. Pakiramdam ko ano mang sandali mahihimatay ako. “It’s a wedding invitation!” sabi ni Kara nang makita ang naka-engross sa papel. Mas lalong kinabahan ako nang makita ang nakalagay na pangalan ng dalawang tao.  Candy & Jaxson. Nabitiwan ko ang wedding inivitation.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD