EPISODE 22

1635 Words
AVA Grabe ang epekto sa akin ni Jaxson dahil hindi ako dalawin ng antok. Pakiramdam ko nandito pa rin sa labi ko ang labi nito. Iba ang epekto sa akin ng halik ni Jaxson. Nakakawala ng sarili at nakakapanghina ng tuhod. Kanina hindi ako makatingin ng diretso kay Nanay dahil para bang nagawa akong krimen. Krimen ba ang humalik sa boyfriend? Hindi naman siguro. Ngunit hindi ko maiwasang makaramdam ng guilt. Ngayon lang kasi ako natututong magsinungaling sa Nanay ko. Hindi ko naman gawain iyon. Napatitig ako sa bubong naming yero. Rinig na rinig ko ang patak ng ulan sa bubungan namin, pero tila mas malakas ang pagtibok ng puso ko dahil sa kaiisip kay Jaxson. “Ava, bakit ang rupok mo pagdating kay Jaxson? Oo mahal mo, pero kailangan mo muna i-priority ang pag-aaral. Bata pa ako para sa pakikipaghalikan.” Kausap ko sa sarili ko. Napahawak ako sa pisngi ko nang maramdaman ang pag-iinit ng pisngi ko. Mukhang mahal ko na si Jaxson at hindi ko na kayang mawala sa kanya. Nakatulugan ko na ang pag-iisip kay Jaxson. JAXSON TINUNGGA ko ang bote ng whisky. Natawa ang kaibigan sa inasal ko. Nandito ako ngayon sa condo ni Hermes. Nang maihatid ko si Ava ay dito ako dumiretso. “Mukhang may gumugulo sa isipan mo, dre?” Wika ni Hermes. “I don’t have a problem kung iyon ang nasa isip mo. I only want to drink.” Wika ko kahit totoo ang sinabi niya. Hindi ko alam, pero nakonsensya ako sa ginawa ko kay Ava. Hindi dapat ako naging malambot sa babaeng iyon. Kailangan maging natigas ako at walang patawad. Tinungga kong muli ang bote ng whisky. “Dito ka na lang matulog sa condo ko dahil siguradong lasing ka na niyan mamaya. Kung makatungga ka diyan sa whisky parang tubig lang.” Natatawang turan ni Hermes. “Iyan naman ang balak ko. I want to sleep here. Wala rin naman pakialam si Daddy kung umuuwi pa ba ako. Ang gusto lang naman niyon magtrabaho at asikasuhin ang company niya. He doesn’t care with me at all.” May hinanakit sa bawat salita ko. Totoo naman ang sinabi ko dahil magmula nong bata pa ako ay hindi na niya pinaramdam sa akin ang kalinga ng isang Tatay. Ang pampalubag loob niya sa akin upang maibsan ang lungkot ay binibilhan niya ako ng mga materyal na bagay. Ayaw ko man napipilitan na lang akong tanggapin. “Tungko ba ito kay Ava?” Tanong ni Hermes. Siya ang nasasabihan ko ng sama ng loob sa mundo. He always there to listen. Hindi ko siya sinagot. Tanging ngisi lang ang tugon ko. Napailing ang kaibigan. Kailangan kong magbuo ng plano. Kailangan kong paalalahanan ang sarili ko. No mercy, iyan ang dapat itatak ko sa sarili ko. Naging busy ang araw namin ngayon dahil nalalapit na ang graduation ng Senior high. Tanging sa text na lang muna kami nakikipag-communicate ni Ava. “Jaxso!” Napalingon ako sa tumawag. Napairap ako ng lihim nang makita ko si Candy. She’s with her friends. I bored to look at her. “What?” “Iyan ba ang dapat mong isalubong sa fiancee mo?” sabi nito. Lumapit siya sa akin at walang sabing hinalikan ako sa labi. Wala akong tugon. Napasulyap ako sa kaliwa ko, nakita ko roon si Ava na nakatingin sa amin ni Candy. Tumugon ako sa halik ni Candy. Matagal ang naging halikan namin. Nakita ko ang pag-alis ni Ava. Tumaas ang sulok ng labi ko. Nagsisimula palang ako Ava. Patikim palang iyan. I want you to feel the pain. I want you to suffer just like my mother. Ipapatikim ko sa iyo ang lupit ng paghihiganti ko. Nang masiguro kong wala na si Ava tinulak ko si Candy. “You have a mind-blowing kiss,” sabi ko. Nakaisip ako ng taong gagamitin ko para pasakitan si Ava. Napatingin ako kay Candy. Ngiting-ngiti siya sa akin na parang nakuha niya ako. In her dreams. Pareho-pareho lang naman sila, manloloko just like my Dad. AVA HINDI mapigilan ni Ava ang pagluha dahil sa nakita kanina. Jaxson and Candy are kissing. Hindi lang basta kissing iyon dahil kita ko ang pagyakap ni Jaxson sa beywang ni Candy. Pinahid ko ang luha ko nang makita ko si Kara na palapit sa kinatatayuan ko. “Ava!Ava! Nag-text si Nanay dinala sa ospital ang Nanay mo at pati na ang mga kapatid mo. Nagkaroon ng sunog sa lugar natin at kasama ang bahay niyo.” Nanlaki ang mata ko sa binalita sa akin ni Kara. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. “Ava, halika na puntahan natin ang Nanay at mga kapatid mo sa ospital,” sabi ng kaibigan ko. Hinila na niya ako. Sumakay kami agad ng dyip. Halos takbuhin ko ang operating room para makita ang Nanay at mga kapatid ko. Halos humagulgol ako nang iyak dahil sa pag-aalala sa kalagayan nila. “Tahan na Ava, magiging okay ang lahat. Hindi sila pababayaan ng diyos. Magtiwala tayo sa kanya.” Tanging iyak lang ang naging tugon ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung magtitiwala pa ba ako sa diyos kung kukunin niya sa akin ang mga mahal ko sa buhay. Tinapik ni Kara ang balikat ko. Wala siyang magawa para payapain ako sa pag-iyak. Napatayo kami ni Kara mula sa pagkakasalampak sa semento nang makita namin ang doktor na nag-opera kay Nanay. “Dok, kumusta na ho ang inoperahan niyong babae. Nanay niya po iyon at iyong dalawang bata kapatid niya po iyon,” sabi ni Kara. Inalis ng doktor ang surgical mask at tiningnan niya kami ni Kara. “Kinalulungkot ko, hindi na umabot pa ng buhay ang Nanay mo at ang dalawang bata na dinala dito. Nagtamo sila ng 3rd degree burn na halos buong katwan nila ang nasunog.” Nabigla ako sa sinabi ng doktor at gayon rin si Kara. Hindi totoo na iniwan na ako ng Nanay at mga kapatid ko. Hindi totoo! Pumasok ako sa operating room. Nakita ko ang nakatalukbong na tatlong bangkay. Napasalampak ako sa sahig at umiyak nang umiyak. Habang nakatingin sa kabaong ni Nanay at mga kapatid ko ay hindi matigil sa pag-agos ang luha ko. Hindi ako nagsasalita at tanging hikbi lang ang maririnig sa akin. Walang magawa si Kara, tanging tingin na lang na may awa ang nagagawa niya. Hindi ko matanggap na wala na sila. Paano na ang buhay ko? Sila lang naman ang mahalaga sa akin at sila ang pinaghuhugutan ko ng lakas ng loob para matupad ko ang pangarap ko. Wala na sila. Ano pa ang silbi ng pangarap ko? Bumalong muli ang masagana kong luha. “Ava, nandito si Jaxson.” Bulong ni Kara. Hindi ako tuminag. Wala akong pakialam kung sino ang dumalaw. Wala akong lakas para kausapin sila. Pakiramdam ko ay walang saysay ang buhay ko. Napaigtad ako nang may yumayakap mula sa likuran ko. Wala akong reaction sa ginawa niya. Nakatitig lang ako sa kabaong ni Nanay. “I am so sorry about what happened to your Mom and siblings. I am just be here,” sabi niya. Hindi ko siya sinagot. Nanatili lang akong tahimik na umiiyak. He sigh. Kumuha ng upuan si Jaxson at tumabi sa akin. He held my hands and hold them tight while looking at me. Pero hindi ako nakatingin sa kanya. “Naiintindihan ko ang pakiramdam mo dahil napagdaanan ko na rin iyan. Hindi kita pipiliting magsalita. Iiyak mo lang iyan then after that matatanggap mo rin na wala na sila. But it’s hard to let them go. You wanted to hold them back but you can’t. You have no right to do that. It’s their destiny. All you can do is to accept that they are gone and not coming back,” sabi ni Jaxson. Ang hikbi ko ay naging hagulgol. He hugged me. Napasubsob ako sa dibdib ni Jaxson at umiyak. Wala akong pakialam sa mga taong nasa paligid. Ang gusto ko lang umiyak. Sobrang bigat ng nararamdaman ko. Napakasakit na iwan ka ng minamahal mo na hindi ka handa. Natapos ang burol nang ilang araw. Nailibing na ang Nanay at mga kapatid ko. Nakatulala lang ako habang hawak ang larawan nilang tatlo. Walang luha ang lumalabas sa mata ko. Nasahid na yata sa kaiiyak nang ilang araw. Mugto na rin ang mata ko. Ang gusto kong gawin ngayon ay matulog at sana hindi na ako magising sa bangungot nangyari sa akin. Paano na ang buhay ko? Mag-isa na ako rito sa bahay. Bawat sulok ng bahay namin ay nagpapaalala sa kanila. Mas lalo akong nasasaktan. “Ava. . .” Napalingon ako sa tumawag. Si Jaxson. May dalang supot. “Hindi ka na dapat nag-abalang dalhan ako ng pagkain. Hindi ko rin naman iyan makakain. Wala akong gana,” sabi ko. Ilang araw nang hindi maayos ang kain ko. Sapilitan pa nga ang ginagawa ni Kara para lang kumain ako. Para bang nawalan na ako ng gana sa lahat ng bagay. Pati yata paghinga ay parang ayaw ko ng gawin. Ang gusto ko lang ngayon ay sumunod sa kanila. Tinitigan ako ni Jaxson at nagbuntonghininga. “Listen to me. Hindi pa katapusan ng mundo para mawalan ka ng pag-asa. Malulungkot ang Nanay mo kung ganyan ka, wala kang gana sa lahat ng bagay. Namatayan din ako, Ava, pero hindi ko inisip na sirain ang buhay ko.” Napabaling ang mata ko sa kanya. “Tatlong tao ang nawala sa akin. Ikaw ay may Daddy pa. Ako walang natira. Sabihin mo nga paano pa ako mabubuhay kung wala na sila? Mag-isa na ako. Sila ang inspirasyon ko para matupad ang mga pangarap ko. Paano pa ako magpapatuloy sa buhay ko kung wala na ang mga mahal ko. Sabihin mo! Paano?” Napaiyak ako. Napakasakit na iniwan nila ako. Kinabig niya ako at niyakap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD