Episode 20

1079 Words
AVA NAGMADALI si Ava sa paglalakad nang makita si Jaxson. Tumakbo ako at hingal na hingal na narating ang room namin. Nagtatakang tiningnan ako ni Kara. “Bakit ganyan ang hitsura mo? Parang may humahabol na rapist.” Natatawang sabi ng kaibigan. Ano’ng nakakatawa sa hinabol ng r****t? Nakakatakot iyon, pero mas natatakot ako sa inasal ni Jaxson. Parang hindi siya ang kaharap ko kahapon. “Akala ko late na ako. Tanghali na ako nagising kanina kaya nagmamadali ako sa pagpasok.” Pagsisinungaling ko. Ayokong ikwento sa kanya ang nangyari kahapon. Baka mag-aalala ang kaibigan at sugurin si Jaxson. Nakakatakot pa naman siya kapag nagalit. Habang hinhintay ang teacher namin ay hindi ko maiwasang mapatingin sa harapan. Ang bilis ng t***k ng puso ko. Kinakabahan akong baka lumitaw na lang si Jaxson at gawin na naman niya ang ginawa niya sa akin kahapon. Akala ko nga magmamarka ang kamay niya sa braso ko. Mabuti na lang hindi. Ang sakit ng pagkakahawak niya, para ngang pipigain niya ang braso ko. Tinuon ko sa book ang mata ko. Binuklat ko iyon at nagbasa. Napadaing ako nang sikuhin ako ni Kara sa tagiliran. Napalingon ako sa kanya. “Ano ba ang sakit niyon, ha?” Reklamo ko. Napahimas ako sa tagiliran ko. May nginunguso si Kara kaya napatingin ako sa nginunguso niya. Umawang ang labi ko nang makita si Jaxson. May hawak siyang manila paper. May nakasulat doon na “I am so sorry, baby. Please forgive me.” Hindi ko maigalaw ang katawan sa kabiglaanan. Naririnig ko ang mga classmate ko sa sigawan nilang may halong tukso. Sa tabi ni Jaxson ay may malaking teddy bear na color yellow which is my favorite color. At may pumpon ng bulaklak sa kabilang side. Mas lalong nanigas ang katawan ko nang pumasok si Jaxson dala ang teddy bear at bouquet ng white roses. Nakasunod lang ang mata ko sa kilos ni Jaxson. Hindi ako nakapagsalita na tila tinakasan ako ng boses. Gusto ko siyang tanungin kung bakit siya nandito, ngunit hindi ko magawa. Napasinghap ako nang lumuhod sa harapan ko si Jaxson. Nagsinghapan din ang mga classmate ko dahil sa ginawa ni Jaxson. Ang hindi ko napaghandaan ay nang ilabas niya ang maliit na kahon. Binuksan niya iyon, nakita ko ang singsing. Napakaganda ng singsing na may bato sa gitna. Hindi ko na naitikom ang bibig ko dahil sa kabiglaanan. “I don’t take a no for an answer. I will marry you.” Hindi ako nakapaghanda ng isuot niya ang singsing sa palasingsingan ko. Namangha ako sa bato na nasa ibabaw ng singsing. Napatingin ako kay Jaxson. Nakangiti siya. Para siyang anghel ngayon. ***** Hindi ko maialis ang tingin sa kamay kong may engagement ring. Napakaganda naman kasi nitong design ng singsing. Hindi pa rin ako makapaniwalang binigay sa akin ito ni Jaxson. “Hoy ano iyan?” Tanong ni Kara. Umupo siya sa tabi ko. Wala kasi si Kara nang ibigay sa akin ito ni Jaxson. Absent ito kahapon. Napasinghap ang kaibigan ko nang makita ang singsing na nasa palasingsingan ko. “Totoo iyan? Hindi ba engagement ring ang tawag diyan?” Napatingin sa akin si Kara. “Huwag mong sabihing binigay ni Jaxson iyan?” Tanong nito. Tumango ako bilang tugon. “Oh my god!” Hindi makapaniwalang turan nito. “Binigay niya sa akin kahapon. Ayaw ko sanang tanggapin, pero pinilit niya ako. Pinaliwanag niyang totoo ang intensyon niya sa akin. He wants to marry me after I graduate in Senior High. Ipagpapatuloy ko pa rin naman ang pag-aaral sa College at siya na raw bahala,” sabi ko. Hindi ko maialis ang mata sa singsing. Para bang ayaw kong mawala iyon sa paningin ko. “Ava, alam mo ba ang sinasabi mo? Engaged na si Jaxson at malapit na ang kasal nila. Sabihin na nating seryoso si Jaxson sa iyo, pero taken na siya.” Natigilan ako sa sinabi ng kaibigan. Hindi ako nakaimik. Mali nga bang tinanggap ko ang singsing? Gusto kong batukan ang sarili ko dahil mali na ay tinatama ko pa. “Ibalik mo sa kanya iyan at itama ang mali. Magugulo lang ang buhay mo kung itutuloy mo ang gusto ni Jaxson.” “Hindi ko alam kung ano’ng dapat kong gawin. Nagtatalo ang isip at puso ko.” Inakbayan ako ni Kara. “Alam kong mahirap gawin, pero iyon ang dapat mong gawin. Alam ba ng Nanay mo yang singsing at pagpo-propose ni Jaxson sa iyo?” “Hindi ko pa nasabi kay Nanay. Wala pa akong lakas ng loob na sabihin. Naghahanap ako ng tamang tiyempo para sabihin sa kanya. Hindi pa sa ngayon.” Ngumuso ang kaibigan. “Kailan kapag kasal na kayo? Ano ka ba mag-isip ka nga! May kutob akong hindi maganda ang kalalabasan kapag itutuloy mo yang pagpapakasal kay Jaxson. Please Ava makinig ka naman sa akin kahit ngayon lang.” Pakiusap ng kaibigan. Hinawakan ko ang kamay niya at tinitigan siya. “Nararamdaman kong totoo sa akin si Jaxson. Huwag mong isiping masamang tao siya. Tingnan mo nga binigyan niya ako ng mamahaling singsing.Sa palagay mo lolokohin lang niya ako, gumastos siya ng malaki sa pagbili nito. Hindi naman siguro siya mag-aaksaya ng pera para lang lokohin ako. Kilala natin ang mga klase ng manloloko. Tayo ang nanakawan.” Umiling ang kaibigan na parang hindi siya satisfied sa sagot ko. “May kakaiba akong pakiramdam na hindi tama. Masaya naman ako para sa iyo. Pero ito lang ang masasabi ko mag-ingat ka at huwag ka masyadong nagtitiwala.” Tinapik ni Kara ang balikat ko. Hinintay ko si Jaxson sa abangan ng dyip, pero mag-iisang oras na akong nakatayo rito ngunit wala pa siya. Siguro uuwi na ako dahil magdidilim na. Sumakay na ako sa humintong dyip. Ngunit bago pa umandar ang dyip napatingin ako sa labas. Kumunot ang noo ko nang makita ang sasakyan ni Jaxson, huminto sa harap ng gate ng school. Kakawayan ko sana siya ngunit laking gulat ko nang dumating si Candy. Nawala ang ngiti ko nang makitang inalalayan ni Jaxson si Candy papasok sa sasakyan nito. Hindi ako makapaniwala sa nakita. Niloloko ba ako ni Jaxson? Tama ba na nagtiwala ako sa kanya? Tumalikod na ako nang madaanan nila ang sinasakyan kong dyip. Napahawak ako sa puso ko dahil nasaktan ako sa nakita ko. Hindi ko maiwasang magselos. Pagkauwi ng bahay ay nakita ko si Nanay na nag-aabang na sa akin nasa harapan ng bahay namin. Nagtaka naman ako dahil maaga siya ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD