Episode 19

1171 Words
AVA HINDI ko alam kung sino’ng paniniwalaan ko? Si Candy na nagsasabing siya ang gusto ni Jaxson o si Jaxson na nagsasabing mahal niya ako at hindi lolokohin. Napapatingin na lamang si Kara sa akin. Hindi naman siya nagsalita dahil tahimik lang ako habang nakaupo at nakatingin ng diretso sa pisara. “Ava, don’t tell me nahulog ka na kay Jaxson kaya ganyan ang reaction mo? Sinabi ko naman sa iyo huwag mong seryosohin ang magagandang sinasabi niya. Kung mahal ka nga niya hindi niya gagawin ito sa iyo.” Payo sa akin ni Kara. Hinawakan niya ang kamay ko. Napalingon ako sa kanya. Pilit ko pa ring kinukumbinsi ang sarili ko na hindi ako lolokohin ni Jaxson. Sinabi niyang mahal niya ako at paniwalaan ko iyon. Isang buntonghininga ang pinakawalan ko. “Huwag na lang nating pag-usapan.” Pag-dismiss ko sa sinabi niya. Humarap ako sa unahan. Saktong dumating ang teacher namin kaya tumahimik si Kara. Pero kita ko sa peripheral vision ko na napapasulyap siya sa akin. Punong-puno ng katanungan ang isipan ko. Kailangan kong malaman kung totoo ngang tuloy ang kasal nila. At kung bakit nasali ako sa pagkamatay ng Mommy ni Jaxson? Ano’ng kinalaman ko roon? Ni hindi ko pa nga na-meet sa personal ang Mommy ni Jaxson. Hanggang sa natapos ang klase namin naging tahimik ako. Madalang lang akong magsalita, kung may itatanong lang si Kara. Napahinto kami sa paglalakad ni Kara nang makita si Jaxson. Palapit siya sa kinatatayuan namin. Napangiti si Jaxson at akmang kukunin ang dala kong libro at bag ng umiwas ako. “Huwag mo na akong ihatid may pupuntahan pa kami ni Kara. Hindi ba Kara?” sabi ko sa kaibigan. “Ah, oo may pupuntahan nga kami malayo ‘yon.” Rason ng kaibigan. Hinawakan ko na ang kamay ni Kara at hinila. Naglakad na ako kaya napasunod ang kaibigan. “Ihahatid ko na kayo kung saan ang pupuntahan niyo. Delikado sa inyong dalawa kung sasakay pa kayo ng dyip.” Suhestiyon ni Jaxson. “Hindi na at baka roon na kami matulog. Tita ko kasi ang pupuntahan namin.” Pagsisinungaling ko. Parang walang narinig si Jaxson, bigla niyang kinuha ang dala kong libro at hinablot ang bag kong nakasukbit sa balikat ko. Nagkatinginan kami ni Kara. Pareho kaming napalunok. Pagkatingin ko kay Jaxson natakot ako sa uri ng tingin niya. Nakapangingilabot pero nang kumurap ako ay nakangiting Jaxson ang nakita ko. Namalikmata lang ba ako? O totoo iyon? “Huwag na lang tayo tumuloy, Ava. Next time na lang tayo pumunta roon. Aba ‘yong napag-usapan natin, ha?” Pagpapaalala ni Kara sa akin. I nodded as a reply. Naglakad paalis si Kara at sumakay sa dyip na huminto. Naiwan ako kasama si Jaxson. “Iniiwasan mo ba ako?” Tanong nito. Napalunok ako sa tanong niya. “H-Hindi. Bakit ko naman gagawin iyon?” Sagot ko nang hindi nakatingin ng maayos sa kanya. Ayokong makita niya sa mukha ko na nagsisinungaling ako. I am not good in lying. “Iniiwaasan mo ako. Tell me Ava, what’s wrong?” Napapikit ako ng mariin at nagmulat ng mata bago humarap sa kanya. “Jaxson, iwasan na natin ang isa’t isa. Ayokong maging issue ang pakikipaglapit mo sa akain para hindi matuloy ang kasal niyo ni Candy. Ayokong makasira ng isang relasyon. Please lang Jaxson, huwag mo na akong kakausapin pa.” Pakiusap ko sa kanya. Tiningnan niya ako ng seryoso. “Look Ava if Candy tells you something about the wedding it’s not true. She just made a story that is a lie. Look at me.” Hinawakan niya ang baba ko at pinatitig niya ako sa mata. “Believe me. She’s just making a way to separate us. She wants to destroy us both.” Pilit kong inuunawa ang sinasabi niya at pilit kong pinipigilan ang sariling paniwalaan ang sinabi niya. Ako ang mali dahil ako ang umiksena sa kanila ni Candy. Kaya wala akong karapatang magalit. Umiling ako. “Tapusin na natin ang kabaliwan na ito, Jaxson,” sabi ko. Kinuha ko sa kanya ang libro at bag ko. Akmang aalis ako nang hawakan ni Jaxson ang braso ko nang mahigpit at tila gusto niyang pigain. Natakot ako sa hitsura ni Jaxson. Tila nagbabaga sa galit ang mata niya. Ang labi niya ay nag-isang linya. Parang sinaniban ng demonyo. Takot na takot ako. Nanginig ang buong katawan ko dahil sa takot. “J-Jaxson, pakiusap b-bitiwan mo ang kamay ko.” Pakiusap ko sa kanya. Ngunit parang walang narinig si Jaxson. “No! You can never leave me like that! You are mine! Mine!” Naitulak ko si Jaxson. Tumakbo ako ng mabilis. Hindi ako lumingon, natatakot akong baka sumunod. Parang hindi na siya si Jaxson. JAXSON NAIBALIBAG ko ang bote ng alak at tumama sa pader. Nagkalat ang basag na bubog sa sahig. Matapos akong takbuhan ni Ava ay inis akong umalis at nagpunta sa condo ni Hermes. Madalas akong magpunta rito kapag inis ako kay Daddy at walang magawa sa bahay. Hindi ako masayang tumira sa malaking bahay namin. Paano ako magiging masaya kung walang tao at ako lang. Atleast dito sa condo ni Hermes kahit paano naaaliw ako dahil may kausap ako kahit siraulo ang isang ito. “Dude kung ayaw sa iyo ni Ava switch ka na lang kay Candy. Tutal siya naman ang pakakasalan mo hindi si Ava,” sabi ni Hermes sa akin. Galit ang nararamdaman ko sa kanya. I want to crash her with my bare hands. “Hindi pa ako tapos sa babaeng iyon. I need revenge for my Mom. Siya ang magbabayad sa kasalanan ng ina niyang puta! Lintek lang ang walang ganti. I want her to suffer and I make her life miserable. She doesn’t have room for happiness. She deserves to be punished.” Galit na galit ako nang malaman ko kung sinong babae ni Daddy. Walang iba kung hindi ang Nanay ni Ava. Aksidente ko lang nalaman iyon nang makita silang magkasama at hinatid sa bahay mismo nila Ava. Gusto kong saktan si Ava kanina ngunit kailangan ko pa siyang paamuin para maging kampante siya sa akin. But I burst out I can’t help myself to show the real me. “Dude, walang kinalaman si Ava sa kasalanan ng Nanay niya. Siya na ang kusang lalayo dahil alam niyang nakakasakit na siya. So it means may conscience pa siya. Kung sa iba lang iyan kahit may asawa papatulan pa. Mag-isip ka nga Jaxson at baka pagsisihan mo ang ginagawa mo at baka sa’yo bumalik lahat ng iyan,” sabi ng kaibigan. Kumuha ako ng alak at tinungga ko mismo sa bote. Hindi ko maramdaman ang tapang ng alak nang dumaan sa lalamunan ko. Mas nangingibabaw sa akin ang galit at poot sa puso ko sa taong nanakit sa Mommy ko. Magbabayad silang lahat! Hindi ko pagsisihan ang pagsira ko sa buhay ni Ava. Siya ang magbabayad ng kasalanan nila. Sisiguraduhin kong gagapang siya sa hirap. Sisirain ko ang buhay niya at iiwan ko siyang wasak na wasak!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD