Episode 21

1536 Words
AVA “NAY!” Tawag ko sa kanya. Kinuha ko ang kamay niya at nagmano. “Bakit ngayon ka lang anak? Alas sais na?” Tanong niya sa akin. “May tinapos po kaming report sa isang subject. Hapon na po natapos. Bakit ang aga niyo yata ngayon, Nay?” Tanong ko. Sabay na kaming pumasok sa loob. Nilapag ko ang bag sa ibabaw ng lamesa namin. “Sumama kasi ang pakiramdam ko kaya nagpaalam muna akong mag-under time sa trabaho.” Kinapa ko ang noo ni Nanay. Medyo mainit nga siya. “Uminom na po ba kayo ng gamot? Hindi niyo na sana ako hinintay. Nagpapahinga na lang sana kayo.” Sermon ko sa ina. Napangiti si Nanay sa sinabi ko. Hinaplos niya ang balikat ko. “Siyempre naman ngayon ko lang naman gagawin ito. Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na salubungin ka galing ng school.” Yumakap ako sa kanya. “Basta Nay, alagaan mo ang sarili para sa amin. Ikaw na lang ang meron kami kaya huwag mo kaming iiwan,” sabi ko. “Hindi naman ako mawawala sa inyo. Kung makasabi ka naman parang mamatay na ako bukas. Malakas pa ako para mawala sa mundo. Mag-aral kang mabuti anak iyan lang ang maipapamana ko sa iyo.” Tumango ako sa bilin niya. Niyakap ko siya. Kinabukasan pinag-isipan kong huwag kausapin si Jaxson. Isosoli ko rin itong singsing na binigay niya. Napag-isipan kong dapat kong i-priority ang Nanay at mga kapatid ko. Mas uunahin ko sila bago ang sarili ko. Ayokong maging makasarili. Nakikita ko ang paghihirap ni Nanay sa pagtatrabaho tapos ako nakipagrelasyon lang at may balak pang magpakasal. Mali ang naging desisyon ko. ***** Napahinto ako sa paglalakad nang makita ko si Jaxson papalapit sa akin. Tumalikod ako at nagmdaling naglakad. Narinig ko pagtawag nito sa pangalan ko. Nagpatuloy ako sa mabilis na paglalakad at hindi ko siya nilingon. Napahiyaw ako nang hablutin nito ang isa kong braso. Napaharap ako sa kanya. “Why are you avoiding me?” Tanong niya sa akin. Winaksi ko ang braso ko sa pagkakahawak nito sa akin. Nagtagis ang bagang ko. Parang inosente ang mukha nito kung makatanong ng bakit ko siya iniiwasan. Hinugot ko ang singsing at iniabot sa kanya. Napatingin si Jaxson sa singsing. Umangat ang ulo nito at seryoso akong tinitigan. “Bakit mo sinosoli sa akin? It’s yours at hindi mo aalisin iyan sa daliri mo.” Akmang kukunin nito ang kamay ko ay agad kong iniwas iyon. “Tigilan na natin ito, Jaxson. Bumalik ka na kay Candy dahil mas bagay kayo kaysa sa akin.” Umiling siya sa sinabi ko. “No! I can’t do that! Ikaw ang pinili ko. Bakit mo ako pinagtutulakan sa taong hindi ko mahal?” Huminga ako ng malalim at nagsalita. “Hinintay kita kahapon. Isang oras akong naghintay Jaxson. Pero ang masakit makikita kitang kasama si Candy. Akala ko ba ako ang pinili mo? Akala ko ako ang mahal mo?” Tumulo ang luha ko. Agad kong pinahid ang luha ko gamit ang palad ko. “Naisip kong mas priority ko ang pag-aaral ko kaysa ang makipagrelasyon. Balikan mo si Candy, siya ang nararapat sa iyo at hindi ako,” sabi ko. Hinila ako ni Jaxson at niyakap. Pakiramdam ko ay iipitin niya ako sa sobrang higpit ng yakap niya sa akin. Parang ayaw niya akong pakawalan. Masakit man ang gagawin ko, ito ang makakabuti sa aming dalawa. Tama si Kara bata pa kami para isipin ang kasal. “No, Ava, hindi ako papayag. Wala lang ako magawa kaya pumayag akong ihatid siya. Ikaw naman talaga ang ihahatid ko kahapon. I am so sorry kung pinaghintay kita. Wala akong intensyon paghintayin ka. Believe me.” Paliwanag niya. Hindi mababago niyon ang desisyon ko. Nakapagdesisyon na ako na tapusin ang relasyong walang patutunguhan. Kumawala ako sa pagkakayakap niya. “Mas mabuting tapusin na natin ito. I told you mas importante ang pangarap ko.” Kinuha ni Jaxson ang kamay ko at hinawakan nang mahigpit. “Hindi ko naman aalisin sa iyong tuparin ang mga pangarap mo. Mag-aaral ka pa rin kahit kasal na tayo. Ang pinagkaiba lang magiging mag-asawa na tayo, titira sa iisang bubong. Ayaw mo niyon palagi tayong magkasama. Please stay with me.” Pakiusap niya sa akin. I looked at him. Nangungusap ang mata. Kapag titigan ko pa ng matagal ang mata niya ay baka mawalan ako ng lakas ng loob na tumutol. I shook my head. Kinuha ko ang palad ni Jaxson at nilagay doon ang singsing. “Ibigay mo iyan sa babaeng nararapat at hindi ako iyon.” Pagkasabi ko niyon tinalikuran ko na siya at mabilis na naglakad palayo sa kanya. Nang makalayo ay tumigil ako sa pagtakbo. Tumulo ang luha ko. Masakit sa akin ang desisyon kong layuan si Jaxson. Pakiramdam ko pinira-piraso ang puso ko. Kailangan kong gawin ito dahil makakabuti sa aming dalawa ito para matahimik ang buhay namin. Hangga’t kami ni Jaxson ay hindi kami magiging masaya dahil may nasaktan kaming tao. Nanigas ang katawan ko nang maramdaman ang brasong pumulupot sa beywang ko. “Baby, please don’t leave me. I love you so much believe me,” sabi ni Jaxson. Hindi ko naigalaw ang kamay ko. Nanatili lang akong nakatayo. Naramdaman ko ang tubig na pumatak sa kamay ko. He’s crying? Pinikit ko ang mata ko nang mariin. Nangingibabaw sa akin ang pagmamahal ko sa kanya. Hindi ko kayang makita siyang umiiyak nang dahil sa akin. Mahal ko siya at naniniwala ako sa sinasabi niya. Ramdam ko iyon kapag magkasama kami at sinasambit niya na mahal niya ako. “Kailangan nating itago ang relasyon natin. Ayokong saktan ka ni Candy.” Hinaplos niya ang buhok ko. Napasandal ako sa kanyang balikat habang nakatanaw sa labas ng veranda ng bahay ng lola ni Jaxson.   “Pumapayag ako. It’s okay na itago muna natin ang relasyon natin. Ayoko ang gulo at baka madamay ang kaibigan kong si Kara,” sabi ko. Yumakap sa akin si Jaxson at hinagkan ang noo ko. Niyakap ko rin siya.Napatingala ako sa kanya. “Ang mahalaga mahal natin ang isa’t isa. Kahit tayong dalawa lang ang nakakaalam ng relasyon natin. Remember this, I will love you whatever happens,” sabi niya. Ramdam ko ang sinseridad ng bawat salita niya. Siya ang taong pagkakatiwalaan ko. “Kapag naka-graduate ka na magpapakasal na tayo. Hindi na ako makapaghintay na mangyari iyon,” sabi niya at ngumiti. Hindi ako nakagalaw nang yumuko ito at nilapit ang mukha sa mukha ko. Ilang hibla ang layo ng mukha namin. Ramdam ko ang init ng hininga niyang tumatama sa ilong ko. Napaatras ako ngunit mas lalo lang niyang inilapit ang mukha nito. Napaigtad ako nang hawakan nito ang baba ko at kintalan niya ako ng halik! Hindi ko maigalaw ang labi ko nang maramdaman kong humahagod ang mainit na labi ni Jaxson. Hindi ako sanay na halikan ng lalaki. Unang beses na nangyari ito! Ito ang unang halik ko. Mas diniin pa nito ang labi sa labi ko. Mas maalab ang paghagod ng labi niya. Nanatiling nakatikom ang labi ko. Napanganga ako nang maramdman kong pinasok ni Jaxson ang dila niya sa loob ng bibig ko. Sinipsip niya ang dila ko. Sa hindi malamang dahilan ay nagustuhan ko ang ginagawa niya. Hinuli ko ang dila niya at ako naman ang sumipsip dito. Napapaungol ako nang mahina at gayon din si Jaxson. Nakaramdam ako ng kakaiba sa katawan ko. Pakiramdam ko ay mas sasabog! Gusto ko ang halik niya, nakakaadik. Gumapang ang kamay ko patungo sa ibabaw ng kanyang dibdib. Napaungol ako nang maramdaman ang kamay ni Jaxson sa ibabaw ng dibdib ko. Pinisil niya iyon at saka nilamas. Sa ginawa niyang iyon ay natauhan ako. Naitulak ko siya.   Mali ito! Hindi dapat ako magpadala sa tukso. May mga pangarap pa akong dapat tuparin. Gulat na gulat si Jaxson sa ginawa kong pagtulak sa kanya. “I-I am so sorry, baby.” Hinging paumanhin nito nang ma-realize nitong mali ang ginawa namin. “Wala kang kasalanan. Tumugon ako kaya nadarang lang tayong dalawa sa tukso.” Ani ko. Lumayo ako sa kanya at umupo sa pang-isahang sofa. He look at me. “Ihahatid na kita baka gabihin ka sa pag-uwi kung mamaya pa kita ihahatid.” Bigla ay sabi ni Jaxson. Galit ba siya sa ginawa kong pagtanggi? Kita ko ang pagkadismaya niya sa mukha nito. Tumango na lamang ako. Pareho kaming tahimik, nakikiramdaman at nagkahiyaan sa nangyaring halikan. Hanggang sa narating namin ang bahay. Nag-atubili pa nga akong mapalingon sa kanya para magpaalam. “Salamat sa paghatid,” sabi ko. Napangiti si Jaxson. “It’s okay. I have to bring you home. I am so sorry for what happened. Promise I will not do it again. But can I have a goodnight kiss? Don’t worry it is just smack.” Tumango ako bilang pagpayag. Inilapit niya ang kanyang mukha sa mukha ko. Halos maduling ako sa pagkakatingin sa kanya. Naramdaman ko ang init ng hininga niya sa mukha ko. Nakapikit ang mata ni Jaxson at ako naman ay nakamulat. Dumampi ang labi nito sa labi ko. Bumilis ang t***k nang puso ko nang magkatitigan kami ni Jaxson. “I love you.” Biglang sabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD