EPISODE 2

1823 Words
PAGKAPASOK sa loob ng bahay ni Jaxson ay nakita nito ang kanyang Mommy. Nakaupo sa sofa at may hawak na bote ng alak. Napabuntong-hininga siya. Nang makalapit sa kinauupuan nito ay agad niyang inagaw mula sa kanyang ina ang bottle ng whisky. Lately, napapansin niyang laging umiinom ang ina. Hindi niya alam kung ano’ng problema nito. Parang wala naman silang away ng kanyang ama dahil normal lang ang lahat sa kanila kapag magkasama ang mga ito. “Mom, please stop drinking. You're already drunk!” saway niya sa ina. “Hey, honey, I’m just having a good time. Give it to me. I’m not drunk, okay?” napailing si Jaxson sa ina. Inilapag niya sa mesa ang bottle ng whisky at saka ito hinarap. “Look at yourself, Mom. Hindi mo na maayos ang sarili mo. ‘Yan pa rin ang suot mo noong umalis ako kaninang umaga. So it means kanina ka pa umiinom,” she merely chuckled and waved her hand away, as if dismissing me. “Go away hindi ka naman nakatutulong sa nararamdaman ko. Pareho-pareho lang kayo, wala kayong pakialam sa akin!” her face became bold, and her eyes were filled with rage as she gazed at me. “It’s not true, Mom. I love you. Tell me what is the problem?” I asked then I sat next to her. I take her hand in mine. She burst out crying. I couldn’t help but stare at her as she sobbed. Kailangan kong makausap si Daddy upang malaman kung ano’ng problema nila ni Mommy at nagkakaganito siya? UMUPO sa pasimano si Ava habang hinihintay ang ina. Nag-aalala siya dahil lagi na lang overtime sa pinagtatrabahuan ang ina. Baka magkasakit na si Nanay dahil wala na siyang pahinga dahil puro na lang trabaho. Naawa na ako sa kanya. “Ate, kumain ka na, nakatulog na si Avel.” Sabi ng kapatid kong si Avie, ang sumunod sa akin. Inakbayan ko ang kapatid. “Hihintayin ko pa si Nanay sabay na lang kaming kakain,” sabi ko. “Baka mamaya pa uuwi si Nanay. Alam mo naman na laging overtime siya sa trabaho niya,” sabi ng kapatid. Hinawakan ko ang tuhod ng kapatid at tinapik. “Mauna ka ng matulog. Ako na lang maghihintay kay Nanay,” sabi ko sa kapatid. “Sure ka, ate?” Tumango ako. Tumayo na ang kapatid at pumasok na sa loob ng silid nila. Ako naman ay naiwan. Hinampas ko ang braso ko nang may dumapong lamok. Kinamot ko iyon. Pumipikit ng kusa ang mga mata ko tanda na inaantok na ako. Isabay pa ang pagkulo ng tiyan ko dahil hindi pa ako kumakain ng hapunan. “Sabi ni Nanay alas nuebe narito na s’ya? Ala diyes na, ah?” kausap ko sa sarili. Pinatong ko ang baba ko sa tuhod habang nakatutok ang mga mata sa labas ng bahay namin. Pipikit na sana ang mga mata ko nang marinig ang paghinto ng sasakyan. Nakita kong may itim na sasakyang huminto sa tapat ng bahay namin. Napatayo ako, nawala na ang antok ko. Kunot noo akong napatitig sa itim na sasakyan na mukhang mamahalin. Kahit gabi na makikita mo ang kintab ng sasakyan na natatamaan ng ilaw na nanggagaling sa poste na nasa tapat lang ng bahay namin. Lumabas sa loob ng sasakyan si Nanay at may isang lalaki na may edad ang bumaba rin sa kabilang pinto. Sandali pang nag-usap si Nanay at ang lalaki, sumakay na ang lalaki sa sasakyan. Nilapitan ko agad si Nanay ng makaalis ang sasakyan. “’Nay, sino iyon?” tanong ko habang tinatanaw ang papalayong sasakyan. “Boss ko iyon. Nahihiya nga ako dahil hinatid pa ako hanggang dito sa bahay. Ayoko sana, eh, nakahihiya namang tumanggi.” Ani ni Nanay. “Kumain ka na ba?” tanong niya sa akin. Umiling ako. “Hinihintay kita ’Nay, ayoko naman kumain na hindi kita kasabay." Humilig ako sa dibdib ni Nanay. “Bakit hindi ka pa kumain? Paano kung bukas pa ako makauwi ibig sabihin niyan bukas ka din kakain? Mali ‘yun anak huwag mo na akong hintayin. Alam mo namang palagi kaming nag-o-overtime,” hindi ako kumibo. Niyakap ko na lang si Nanay. NAPAHINTO ako sa paglalakad patungo sa room ko nang makita ko na naman ang crush ko. Nakaupo siya at parang may malalim na iniisip. Nagtago ako sa isang puno at sinilip ng palihim si Jaxson. Kumakabog na naman ang puso ko habang nakatitig sa kanya. Kapag ganitong nakikita ko siya hindi ko maiwasang kabahan. Napatago ako ng mapadako ang tingin niya sa banda rito. Napahawak ako sa dibdib ko. “Patay! Nakita kaya niya ako? Hindi naman sana,” bulong ko sa sarili. Napapikit ako ng mga mata. “Why are you looking at me?” Nanigas ang katawan ko nang marinig ang pamilyar na boses. Parang malapit lang. Ako ba ‘yung sinasabihan niya? Nagmulat ako ng mga mata. Gusto kong mapasigaw dahil nasa harapan ko lang si Jaxson. Mas dumoble ang kab*g ng dibdib ko. Feeling ko nga naririnig niya ang tib*k ng puso ko. Iniling ko ang ulo ko habang tikom ang bibig ko. Naningkit ang mga mata nito, hindi siya naniniwala. “Do you think I will believe you? I saw you, you're peeping from here.” Naging triple na ang kab*g ng pus* ko. Parang lalabas na sa rib cage ko. “H-Hindi, no? Napatingin lang naninilip na agad?” kanda utal na tanggi ko. Diyos ko sana maniwala naman s’ya. Kung bakit kasi sinilip ko pa. Hayan tuloy nahuli ako. Natawa si Jaxson na ikinainis ko. “Ano naman ang nakakatawa?” Kung kanina ay natatakot ako ngayon ay inis ang nararamdaman ko dahil sa pagtawa niyang parang nang-iinsulto. “Hindi ka marunong magsinungaling. Nakita na kita na sumisilip kanina hindi mo lang napapansin.” Anito. Napahiyaw ako ng hilahin niya ako. Napayakap tuloy ako sa kanya. Nagkatitigan kaming dalawa nang magtama ang aming mga mata. Nagbaba ako ng ulo at bahagya ko siyang itinulak. Dahil sa hiyang nararamdaman ay tumakbo ako hanggang sa marating ang room namin. Hingal na hingal akong naupo sa silya. “My God! Ava, anong ginawa mo?” kausap ko sa sarili ko. Parang wala na akong mukhang maihaharap kay Jaxson. “Hoy, sinong kausap mo diyan?” Muntik na akong mapatalon sa gulat nang sumulpot sa tabi ko ang kaibigan kong si Kara. Napahawak ako sa dibdib ko. Hinampas ko ang braso nito. “Grabe ka naman! Nakakagulat ka!” sabi ko habang nakahawak sa dibdib ko. Magkakasakit yata ako sa puso nito. “Nagulat ka sa lagay na ‘yon?” pabiro niyang sabi. Hindi naman kasi ako kagaya ng iba na kapag nagugulat napasisigaw. “Eh, kasi-” napakamot ako sa ulo ko. Sasabihin ko ba sa kanya ang nangyari? Baka naman pagtawanan naman ako nito. Huwag na nga. “Wala!” Sabi ko na lang. “Anong wala? Meron ’yan, may sasabihin ka.” Pamimilit nito sa akin. “Wala nga, ang kulit mo!” Hindi na kami nagsalita nang dumating ang teacher namin. HABANG naglalakad kami palabas na ng gate ng school namin kinukulit pa rin ako ni Kara. “Hindi ko pa nakalilimutan ’yung kanina. Ano sasabihin mo ba?” pangungulit niya sa akin. Napairap ako sa kanya. “Wala nga ’yun. Bakit ba big deal sa iyo ’yun pagkagulat ko kanina?” Siniko niya ako kaya napalayo ako sa kanya. “Kilala kita, Ava, hindi ka marunong magsinungaling. ’Yang mga mata mo hindi nagsisinungaling, kung saan-saan dumadako. So it means nagsisinungaling ka,” wala na akong magawa kundi aminin na lang. Hindi niya ako titigilan hangga't hindi ko nasasabi sa kanya. Malalim akong huminga. “Okay, fine! Nakita ko kanina si Jaxson dahil sa curiousity sinilip ko siya sa malayuan. Napatulala ako sa kanya kaya hindi ko napansing nakatingin na pala sa akin. Kaya sa sobrang hiya tumakbo ako at nagtago sa puno. Pero sinundan niya ako at sinabi niyang nakita niya ang pagsilip ko sa kanya.” pag-amin ko. Nag-init ang pisngi ko. Tumawa ang kaibigan na ikinalukot ng noo ko. Itinulak ko siya sa inis. “Aray naman!” reklamo nito. “Pinagtatawanan mo ako!” inis na sabi ko. “Ano naman masama sa pagtawa ko? Kasi naman nakakatawa ka! Alam mo ’yun, nai-imagine ko ang itsura mo kanina.” tawa ng tawa ang kaibigan. Napasimangot ako kasi napipikon na ako sa kanya. Tinalikuran ko na siya at iniwan na tumatawa pa rin. “Bahala siya doon kainis siya!” inis na sabi ko. Dahil sa inis sa kaibigan hindi ko napansin ang kasalubong kong tao. Napahiyaw ako nang mabangga ko ang kaslubong ko at napaupo ako sa semento. Nabitawan ko ang libro ko at natapon sa mukha ng kabanggan ko. “Oh my god! Ahhh!” tili ng nakabangga ko. Napatingin ako sa taong nabangga ko. Napakagat labi ako dahil ang nabangga ko ay ang nobya ni Jaxson. Ang sama ng mukha niya habang nakaupo at diring-diri sa semento inuupuan niya. Marahas na napatingin si Candy sa akin. “You b***h!” itinayo ng kasama nitong kaibigan si Candy. Pupulutin ko na sana ang mga libro na nasa semento ng hablutin niya ang buhok ko. Napadaing ako sa sakit. Pinalo niya ang ulo ko ng libro. Mabuti na lang naisangga ko ang kamay ko. Dahil sa higpit ng hawak niya sa buhok ko ay hindi ako makaalis. “Sorry hindi ko sinasadyang banggain ka.” Hinging paumanhin ko habang inaalis ko ang kamay niyang nakahawak sa buhok ko. Pakiramdam ko gusto niyang bunutina ng buhok ko sa higpit ng pagkakahawak nito. Biglang niyang binitawan ang buhok ko. “Oh my god! You’re so kadiri. Where's my alcohol?” tanong nito sa kasama. Kinuha naman ng isang kasama nito ang alcohol sa loob ng bag ni Candy. Napatingin kami sa dumating. It’s Jaxson. Dumagundong ang puso ko sa kaba. Nandito na naman ’yung pakiramdam na ninenerbyos. “Look, Jaxson, what she did to me. She pushed me!” Sumbong ni Candy kay Jaxson. Napaawang ang mga labi ko sa kasinungalingan niya. Hindi ko siya itinulak, nagkabanggaan lang kami. Hindi ko naman sadya iyon. “Is that true?” Tanong niya sa akin. Umiling ako. “H-Hindi totoo. N-Nagkabanggaan lang kami p-pero hindi ko sinasadya.” Paliwanag ko kahit nauutal dahil sa kaba. Sinulyapan niya si Candy at gayon rin ako. “Let’s forget about it. Come on we got to go.” Utos ni Jaxson kay Candy. Nanlaki ang mga mata nito. Hindi makapaniwala sa naging reaction ng nobyo nito. Hindi na nagsalita pa ito at iniwan na lang niya si Candy na mukhang umuusok sa galit ang ilong nito. Bago pa niya ako pagbalingan ng galit ay nagmadali na akong umalis. Habang naglalakad napangingiti ako. Hindi siya nagalit sa akin. So, it means may konti naman siyang concern sa akin. Umuwi akong may nakapaskil na ngiti sa aking mga labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD