Nagbabadyang panganib

2712 Words
"A-a-andrew.. N-n-nasasaktan ako" nahihirapang sambit ni Rylie dahil sa pagkakahila sa kanyang kwelyo na parang siya ay nasasakal. "talagang masasaktan ka! Hindi mo ba alam ng dahil sa iyo pinagtatatawanan ako ng barkada ko?!" bulyaw ni Andrew na lalo pang hinigpitan ang pagkakahaltak sa kwelyo ni Rylie. "A-a-aray!!! di.... Ko.. alam ang.. Sinasabi mo, Andrew please.. Tama na" pagmamakaawa ni Rylie na nangingilid na ang luha sa mga mata nito. "alam mo ba kung bakit ha!? Dahil sa may kamag anak daw akong bakla na kagaya mo!!!" bulyaw ulit ni Andrew sabay bitiw ng malakas na suntok sa sikmura ni Rylie. Natumba si Rylie sa lupa dahil sa sobrang sakit ng pagkakasuntok sa kanya ni Andrew at naging dahilan din para siya ay mas mapaluha. Sa sobrang galit na nararamdaman ni Andrew ay susuntukin pa sana ulit niya si Rylie ng biglang may boses na pumigil sa kanya. "hoy! Tigilan mo ang kaibigan ko! hudas ka!" bulyaw ni Steven na agad pumasok ng gate para saklolohan si Rylie. "aba! Hoy pakialamero ka! Buti pa ay umalis ka na bago pa kita idamay! O baka gusto mo naman ay sabay ko kayong bugbugin ng baklang iyan!" galit na banta ni Andrew. "Rylie? Ayos ka lang ba? hoy ikaw! Wala naman ginagawa sa iyo si Rylie ah, kaibigan ko ang sinasaktan mo kaya may pakialam ako!" pagtanggol ni Steven habang inaalalayan si Rylie pagtayo. Saktong kakatayo pa lang ni Rylie ay nagbitiw na agad si Andrew ng suntok ngunit sadyang maliksi si Steven at naiwasan niya agad ito. Bumawi naman agad ng suntok si Steveb na sumapol naman diretso sa mukha ni Andrew. Natumba si Andrew sa lupang kinatatayun nito mula sa natanggap na suntok nito mula kay steven na sumapol sa panga niya. Gulat na gulat naman si Rylie sa nangyari at agad na inawat si Steven kahit pa may nararamdamang sakit sa ginawang pagsuntok sa kanya kanina ni Andrew. "Steven! Tama na! Halika na at umalis na tayo" gulat na sabi ni Rylie na todo pigil kay Steven. "eto ang tatandaan mo ha! Subukan mo lang saktan ulit si Rylie at makikita mo! hindi lang iyan ang matitikman mo!" galit na wika ni Steven habang dinuduro si Andrew. Masamang tingin lang ang naging tugon ni Andrew habang pinapakiramdaman kung nagkaroon ba ng sugat ang natamo niyang suntok sa pisngi. Agad naman na umalis sina Steven para pumunta na sa palengke at iniwan si Andrew na nakalugmok sa lupa. "magbabayad kang pakielamero ka! Sisiguraduhin ko iyan!" sa isip-isip ni Andrew. ********************** Sa isang bilibid prison... Seryosong nag-uusap ang isang preso at isang lalaking nakasuot ng itim na isang abogado. "mr. Arevalo, kaunting panahon na lang at makakalaya ka na, matatapos na din ang pagkakabilanggo mo dito sa loob ng labing limang taon" masayang balita ng lalaking nakaitim. "sa wakas, makakapaghiganti na din ako! sa paglabas ko dito sa kulungan ay pagbabayarin ko agad siya! Lalo na sa paglayo niya ng kambal ko sa akin!" may pagkapoot na bigkas ni mr. Arevalo. "hinay-hinay lang, tandaan mo na mahirap ang padalos dalos, kailangang pag isipan ang bawat hakbang, remember may criminal records ka na, kaya mahirap na" payo ng lalaking nakaitim. "tama ka sisiguraduhin kong pagsisisihan ng babaeng iyon ang ginawa niya sa akin" tugon ni mr. Arevalo sabay bitiw ng malademonyong ngiti na tila ba isa isang bumubuo ng plano sa kanyang isipan. ********************* Sa palengke..... Halos hindi naman makapaniwala si Amy sa ginawang pagtanggol ni Steven kay Rylie. "wow! Astig ka pala Steven eh, biruin mo, kung nandoon ako ay para lang akong nanonood ng live action!parang yung napapanood ko sa mga pelikula, siguro naman ay matututo na ng leksyon ang salbahe na iyon!" wika ni Amy sa sobrang pagkamangha sa kwento ni Steven. "kundi lang ako pinigilan nitong si Rylie eh lulumpuhin ko ang mayabang na iyon, wala naman palang ibabatbat" pagmamayabang ni Steven. "dapat Steven ay hindi mo na ginawa iyon, baka mamaya ay mapahamak ka pa ng dahil sa akin, alam mo naman na kakaiba ang ugali noon ni Andrew, tsaka paano nalang pag nalaman iyon ni tiya Martha?" nag-aalalang tugon ni Rylie. "hay nako! Ayan ka nanaman! Isa pa iyan tiyahin mo na iyan eh, alam mo gurl dapat lang iyon kay Andrew dahil mali ang ginawa niya okay?" pagkairitang sabi ni Amy na halos magkamatay na ang mga langaw sa sobrang lakas ng pagpaspas niya. "tsaka rylie wag mo na akong alalahanin, kaya ko ang sarili ko, takot lang nun sa mga muscles ko, kaya wag ka ng mag-isip ng kung anu-ano, di naman tama na ganoon na lang ang gagawin sa ng hayop na yun sayo" pagtugon ni Steven. "salamat Steven ha? Laking pasasalamat ko at naging kaibigan kita, kayong dalawa ni Amy, parati kayong nandyan para sakin" tugon ni Rylie na hindi maitago ang kagalakang nadarama. "ang cheesy ha? Nako baka mamaya ay manalo ka pa ng best actor ay! este actress award pala, tama na ang drama natin" pa-epal ni Amy at sabay nagtawanan lang silang tatlo. *********************** Sa mansion ng mga Matsuda.. Tahimik na humihigop ng kape si Cecilia habang nakadungaw sa asotea ng kanyang kwarto at tila abala ito sa kausap niyang tauhan niya sa kanyang cellphone. "kamusta na ang pinapagawa ko Raul? Nahanap mo na ba ang kapatid ko?" tanong ni Cecilia na halata sa kanya ang pagnanais makasagap ng magandang balita. "ma'm, may nakapagsabi po na matagal na silang lumipat ng bahay, wala naman po makapagsabi kung saan sila lumipat, pero wag po kayong mag-alala gagawin ko po ang lahat para mahanap sila" tugon ni Raul mula sa kabilang linya ng cellphone. "salamat Raul, mapagkakatiwalaan ka talaga, hindi na ako makapaghintay pa na makita ang kambal kong anak" wika ni Cecilia. Bigla naman ang pagpasok ni Shiro ng kwarto kaya labis na nakaramdam si Cecilia ng kaba at agad na nagpaalam sa kausap nito. "Cecilia? Sino yang kausap mo?" pag-usisa ni Shiro habang isinusuot ang polo na kanyang susuotin. "ah naku, wala iyon, tungkol lang sa restaurant" pag alibi ni Cecilia na agad naman tumayo at lumapit sa kinaroroonan ni Shiro at kinuha ang necktie sa may kama para isuot kay Shiro. "ah, mukhang abala ang pinakamamahal ko ah, ano sasabay ka na ba sa akin sa pagpasok sa trabaho?" tanong ni Shiro habang inaayusan siya ni Cecilia ng kanyang necktie. "naku hon, mauna ka na lang at baka mahuli ka pa, di ba may meeting kayo ngayon sa kumpanya? Sabay na lang kami ni Koji okay?" pangungumbinse ni Cecilia sabay pisil sa pisngi ni Shiro. "okay honey, i'll just pick you up later at the restaurant okay?" paalam ni Shiro sabay halik sa asawang si Cecilia. ********************* Sa bahay nila martha... Wala nanamang tigil si Martha sa kakatalak sa asawang si Nestor dahil umuwi nanaman itong lasing. "ano ka ba naman Nestor! Puro ka inom! Wala ka namang trabaho! Ano? Aasa ka na lang sakin sa mga bayarin dito sa bahay ha?!" bulyaw ni Martha na walang humpay. "hay nako! Naghahanap naman ako ng trabaho ah! Masyado ka lang kasing atat!" tugon ni Nestor ng may pagkalasing at napapakamot pa sa kanyang ulo. "naghahanap?! Diyos ko po! Apat na buwan ka nang naghahanap pero sa araw- araw na maghahanap ka ng trabaho parati ka na lang lasing!" bulyaw pa din ni Martha sa sobrang pagkainis at bigla naman na lumabas si Andrew ng kanyang kwarto at napansin ni Martha ang pasa sa pisngi nito. "hoy Andrew! Anong nangyari sa pisngi mo ha? Napaano yan? Napaaway ka ba?" pag-uusisa ni Martha na nilapitan ang anak upang sipatin ang pisngi. "wala ho ito nay" maigsing tugon ni Andrew at nilagpasan lang ang kanyang nanay ngunit pinigilan siya nito. "hoy Andrew! Baka naman mamaya eh puro pakikipag away na lang ang inaatupag mo sa eskwela ha? Ayusin mo ang buhay mo! Baka matulad ka diyan sa ama mong walang kwenta!" walang patid na sermon ni Martha na daig pa talaga ang armalite. Ngunit hindi na ito binigyan pansin pa ni Andrew at dumiretso lang na lumabas sa kanilang bahay sabay kuha ng cellphone sa bulsa at may tinawagan. "o tol! Musta? Anung meron?" sagot ng isang lalaki sa kabilang linya ng cellphone. "pare! May gusto sana akong pa-resbakan eh" tugon ni Andrew sa kausap. "aba at mukhang malaki ang kasalanan sa iyo ng tao na yun ah, sige sabihin mo sa akin kung sino para maturuan ng leksyon" sagot ng lalaki sa kabilang linya ng cellphone na walang pag aalinlangan. ********************** Sa bahay ng mga Matsuda... Naisipang mag sun bathing si madame Yumi sa gilid ng pool na akala mo naman ay nasa beach. Feel na feel ang malaking payong at paghigop ng kanyang fresh buko juice. Sa kalagitnaan ng kanyang pagrerelax ay biglang tumunog ang kanyang cellphone at agad na sinagot iyon. "hello darlin' how are you? Napatawag ka?" masayang bati ng madame dito. "hi tita, i'm fine, nangangamusta lang po, tsaka i have a great news for you" masayang tugon ng babae mula sa kabilang linya ng cellphone. "ikaw talaga hija, just call me mama, alam mo namang ikaw ang mas gusto kong manugang kaysa sa kaladkaring babae na iyon, well ano naman ang magandang balita mo?" pagtataka ni madame Yumi sabay higop sa kanyang fresh buko juice. "well mama, malapit na akong bumalik ng pilipinas, i'm sure Shiro will be so surprised" pagbabalita ng babae. "really hija? That's great! Ngayon mas maisasagawa na natin ang plano ng magkasama, tiyak kong malalaman ko din ang itinatagong baho ng Cecilia na iyan" wika ng madame na tila may masamang balak na naglalaro sa isip nito. "dont worry mama, everything will be perfect, magsisisi ang Cecilia na iyan sa pag eksena sa amin ni Shiro" pagbabanta ng babae na labis naman na ikinangiti ni madame Yumi. "okay dear, i'll expect more from you" pagtatapos ng kanilang usapan. Pagkatapos na pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay sumenyas ito na agad naman na may lumapit na isang utusan. "gusto kong matyagan mo ng mabuti lahat ng kilos ni Cecilia" utos ng madam sa kanyang utusan at walang patumpik tumpik ay agad na umalis ito. ********************** Palubog na ang araw na binabaybay nila rylie at steven ang daan nila pauwi.... Hindi na nakasabay si Amy dahil mas maaga itong pinauwi ng kanyang ina. "buti na lang at mas maaga tayong nakauwi ngayon" panimula ni Rylie. "oo nga eh, buti na rin iyon para hindi ka mapagalitan ng tiyahin mo" tugon ni Steven habang patuloy sila sa paglalakad. "uhm, Steven, salamat talaga ha? Napakabait mo talaga sa akin, lalo kong ipinapasalamat na hindi nagbago ang pakikitungo mo sa akin kahit nalaman mo na..... Na.... Ganito ako" medyo nag aalangan na sabi ni Rylie. Natigilan bigla sa paglalakad si Steven na bigla namang napansin ni Rylie kaya agad din itong huminto. "bakit hindi mo masabi? Na bakla ka? Ano ka ba, dapat nga at ipagmalaki mo iyan dahil totoo ka sa sarili mo, na totoong tao ka, na hindi ka mapagpanggap, Rylie, wala naman akong pakialam sa kung ano ka pa, matagal na din naman tayong magkaibigan hindi ba? Halos mag tatatlong taon na. Tsaka wala naman problema sa iyo, mabait ka, masipag, simple, maganda, madami kang talento" seryosong pagkakasabi ni Steven habang nakatitig lang sa mga mata ni Rylie. tila naman biglang nakadama si Rylie ng pagkakilig, na para bang may sumusundot sa bawat parte ng kanyang katawan na naging dahilan para siya ay mamula. "asus! Nambola ka pa, pasensya ka na po mister de la cruz kasi wala akong barya eh" tugon ni Rylie na naging dahilan din para mapatawa si s Steven. "gumagana nanaman iyang kakulitan mo ha? Eh bakit ka namula? Kinilig ka ano? Pero pwera biro totoo ang sinabi ko, tsaka natandaan mo yung sinabi ko sa iyo?" tugon ni Steven kay Rylie. "Alin doon? madami ka kayang sinabi" pagtataka ni Rylie na hindi maisip ang ibig sabihin ni Steven. "nag uulyanin ka na ba? Di ba nung panahon na nagtapat ka sa akin ng totoo mong pagkatao, sabi ko na ako lang dapat ang aaligid na lalaki sa iyo, na magiging kaibigan mo at wala ng iba?" pag papaalala ni Steven. "ano? Parang wala naman akong maalala, tsaka parang daig mo pa ang isang boyfriend nun ah" pa demure na tugon ni Rylie pero deep inside kinikilig. Tila nagdilim naman ang mukha ni Steven sa itinugon ni Rylie sa kanya kaya agad na binawi ni Rylie ang kanyang sagot. "joke lang, eto naman, siyempre naalala ko, tampororot na agad" si Rylie na may simpleng pagsundot pa sa tagiliran ni Steven. "kunwari ka pa, sobrang kinilig ka naman noon" pang aasar ni Steven, "hoy hindi ah! Pero eto lang masasabi ko, napaka swerte ko simulala ng makilala kita, ikaw ang takbuhan ko pag may umaaway sa akin o kaya pag napapagalitan ako ni tiya, pinapagaan mo ang loob ko, para ngang mas kapamilya pa kita eh" malambing na tugon ni Rylie. "ikaw talaga, ang drama mo, hmmm.. cute mo talaga!" tugon ni Steven sabay pisil sa pisngi ni Rylie. "aray ko! Ikaw talaga, pinanggigilan mo nanaman ako, halika na nga at baka mapagalitan nanaman ako ni tiya Martha" sabi ni Rylie habang hinihimas ang kanyang pisngi. Ngiti lang ang tugon ni Steven. Maglalakad na sana ulit sila ng biglang may lumitaw na limang lalaki at agad silang pinalibutan. Agad naman na nakaramdam ng kaba si Rylie at si Steven naman ay naging alerto at agad dumikit kay Rylie para proteksyonan ito. "biruin mo yun, may madadatnan pala tayong love birds? Ang sweat!" pang aasar ng isa na unti unting lumalapit kina Rylie. Pawang mga mata lang ang maaaninag sa mga lalaki na ito dahil sa nakabalot ang mga mukha nito na animo'y magnanakaw. "t-t-teka, anu bang k-kelangan niyo?" kinakabahang saad ni Rylie. Hindi siya sinagot ng mga ito at mga malademonyong tawa lang ang maririnig dito. "Rylie, wag kang mag alala, poproteksyunan kita, basta pag nakahanap ka ng tiyempo ay tumakbo ka na agad at humingi ng tulong" bulong ni Steven kay Rylie habang minamatyagan ang mga galaw ng limang lalake. "pero Steven, hindi kita pwedeng iwanan, mamaya ay kung mapaano ka pa" pagsalungat naman ni Rylie na halos hindi na malaman ang gagawin. Magsasalita pa sana si Steven ng biglang sumugod ang isang lalaki sa kanyang gilid para siya ay suntukin ngunit maliksing nakaiwas dito si steven at binigyan niya agad ito ng malakas na sipa. Dahil sa pagkabigla ay Napalayo naman ng kaunti si Rylie kay Steven na abala sa pagsugod muli ng isa pang lalaki na muli naman niyang naagapan. Hindi namalayan ni Rylie na may sumugod sa kanya at agad siya nitong hinawakan sa dalawang kamay. Abala si Steven sa pagsugod ng tatlong lalaki na maagap naman niyang naiiwasan at kahit papaano ay nakakabawi naman siya ng suntok. Pinilit na makawala ni Rylie sa kamay ng isang lalaki ngunit sadyang mas malakas ito at nagawa pa nitong pilipitin ang kanyang kamay, hanggang sa nakita nalang niya na naapuruhan si Steven ng suntok at natumba ito... ITUTULOY..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD