Sapat na ang minsan mo akong inangkin

Sapat na ang minsan mo akong inangkin

book_age16+
70
FOLLOW
1K
READ
others
family
drama
bxb
betrayal
secrets
affair
like
intro-logo
Blurb

Kwento ng kambal na pinaglayo ng tadhana.

Ang isa ay lumaki sa karangyaan at ginhawa.

Habang ang isa naman ay lumaki sa matinding paghihirap at puno ng pasakit.

Ngunit, magkaiba man ang kapalaran na kanilang sinapit sa loob ng mahabang panahon ay muling paglalapitin ang kanilang landas.

Sa mga suliranin na pumapalibot sa kanila magawa kaya nilang makilala ang isa't isa.

Malaman kaya nila ang buong katotohanan sa kanilang pagkatao? gayon puro kasinungalingan at pagkukunwari ang nakapalibot sa kanila?

chap-preview
Free preview
Pagkakahiwalay ng kambal
Pagkagat pa lamang ng dilim ay agad na bumuhos ang napakalakas na ulan sa buong kamaynilaan, sabayan pa ito ng malalakas na hangin na humahampas sa mga bubong ng bahay na halos ang iba ay tila liliparin na. Sa gitna ng malakas na ulan ay may isang babae na tinatahak ang daan na kakakitaan na ng pagbaha, ngunit sadyang hindi ito sapat para mapigilan siya sa kanyang pupuntahan. Kalong ang dalawang sanggol sa kanyang mga bisig na walang humpay sa pag-iyak dahil sa pagkakabasa sa ulan at sa matinding lamig na nararamdaman, na sinasabayan pa ng malamig na paghampas ng hangin. Mababakas sa babae ang labis na paghabol ng hininga na para bang ito ay may tinatakasang panganib, sabayan pa ng mga luhang dumadaloy sa kanyang pisngi. Ilang bahay din ang kanyang nilagpasan bago marating ang bahay na kanyang pupuntahan, di ganon kalakihan ang bahay na iyon. Kung titignan ito sa labas ay sadyang kakasya lang talaga ang apat na tao at Masasabi na kahit papaano ay may kaya pa din naman ito. Nakailang tawag din siya ng 'tao po' sa bahay na iyon sa kung sino man ang maaaring abutan doon. Hindi naman siya nabigo dahil ilang saglit lang ay iniluwa ng pintuan ang isang babae sa bahay na iyon. Pagkakita pa lang ng babae na nagmula sa bahay na iyon sa kung sino man ang tumatawag sa kanila ay dali-dali itong kumaripas ng lakad patungo sa kanilang gate. "cecilia?! Diyos ko! Napasugod ka! Ang mga bata! Naku baka magkasakit sila! Ano bang ginagawa mo?!" gulat na gulat na wika ng babae na agad pinayungan ang mag-iina. "ate martha, nagmamakaawa ako, kung maaari sana ay kupkupin mo na muna ang dalawang anak ko, huwag kang mag-alala ate, ipinapangako ko na gagawa ako ng paraan para mabalikan sila" pagmamakaawa ni cecilia na di alintana ang lamig na dala ng ulan. Tila hindi naman makapagsalita si martha sa sinabing iyon ng kanyang kapatid, ni hindi niya alam ang magiging reaksyon niya sa pakiusap nito. "nako cecilia, may kahirapan din kami sa buhay, heto nga at nabaon kami sa utang dahil nakisabay pang mawalan ng trabaho ang asawa kong si nestor, buti pa ay pumasok ka muna sa loob ng bahay at sabihin mo na din ang iyong dahilan kung bakit kailangan mong gawin ito" paanyaya ni martha ngunit pinigilan siya ni Cecilia. "ate wag na, wala na akong oras na magpaliwanag pa, parang awa mo na, ikaw lang ang tanging tao na malalapitan ko, please ate martha." pagmamakaawa ni cecilia na hindi na mapigilan pang maiyak ng lubos. "kailan mo ba sila babalikan? Kasi sa totoo lang cecilia baka hindi ko kayanin na alagaan at suportahan ang dalawang ito, alam mo naman na may anak din ako" paliwanag ni martha sabay kuha sa isang sanggol. "basta ate, gagawa ako ng paraan para mabalikan ang mga anak ko sa lalong madaling panahon, maraming salamat" tugon ni cecilia sabay bigay sa isa pang sanggol. "saan mo ba balak pumunta?" tanong ni martha habang hirap sa pagpapakalma sa dalawang sanggol. "bahala na ate, sana ay alagaan mo silang mabuti at ituring na parang anak na din" tugon ni cecilia na puno ng luha ang mga mata at agad itong tumakbo palayo. "cecilia?! Saan ka pupunta!? Cecilia?!!" pagtawag ni martha na hindi na ininda pa ni cecilia hanggang sa tuluyan na lang itong mawala sa kanyang paningin. **************** Labis na kaguluhan ang bumabagabag sa isipan ni martha habang inaasikaso ang dalawang sanggol dahil baka tuluyan pang magkasakit ang mga ito. Di naman nagtagal at napansin ng kanyang asawa na si nestor ang dalawang sanggol at agad na nilapitan ito. "martha? Anong ibig sabihin nito? Dalawang taon pa lang ang anak natin at nagdagdag ka pa ng alagain? Nahihibang ka na ba? Ano ang ipapakain natin diyan?" pagkadismayadong tanong ni nestor na talagang mababakas sa mukha ang inis. "pwede ba nestor? Sa tingin mo ba ay ginusto ko din na kupkupin ang dalawang ito? Kung hindi ko lang kapatid yung nagmakaawa ay hindi ko tatanggapin itong dalawang sanggol na ito ano!" tugon ni martha na halos kakatapos lang ayusan ang dalawang sanggol. "eh anong plano mo ngayon diyan? Baka bukas makalawa eh pare parehas na tayong mamatay sa gutom niyan?" si nestor na hindi mapakali sa kung ano ang gagawin. "magrelax ka nga lang, babalikan naman daw sila ni cecilia eh, pero bibigyan ko lang siya ng isang buwan, kung hindi niya magagawang balikan ang mga anak niya sa oras na iyon?wala na akong magagawa kundi ipaampon ang isa sa dalawang sanggol na ito" paliwanag ni martha na parang unti unting bumubuo ng plano sa kanyang isipan. "ikaw talagang babae ka hindi ka nag iisip, eh kung ipapaampon mo din lang, bakit hindi na lang natin ibenta? Magkakapera pa tayo. Eh, anong plano mo naman dun sa isa? Ba't di nalang silang dalawa ang ibenta natin?" sambit ni nestor na hindi mawari ang iniisip ni martha. "di ka din nag-iisip eh no, anung tingin mo sa akin ubod ng sama? slight lang ano, eh di dito sa atin yung isa, ano pa nga ba? malay mo ay magkaroon naman ng silbi sa atin ang isa dito" paliwanag ni martha sabay tingin ng makahulugan kay Nestor. "ikaw ang bahala, basta ibenta na lang natin yung isa, may kakilala ako, tiyak kong malaking halaga ang ibibigay noon, sa hitsura pa lang ng mga batang iyan tiyak approve na approve sa mga titingin" pagtatapos sa usapan ni nestor. MAKALIPAS ANG LABING PITONG TAON Kasabay ng pagtilaok ng manok ay ang maingay na hampas sa pintuan at bunganga ni martha ang bubungad upang gisingin si rylie. "hoy batugan! Bilisan mong bumangon diyan at ipaghanda mo na ng almusal at pampaligo sina andrew at shiela! Ako ay aalis na papuntang palengke para magtinda! Pagkatapos mo sa lahat ng gawain mo dito sa bahay ay sumunod ka agad sa palengke naintindihan mo?! Ayaw ko ng babagal bagal alam mo yan!" walang awat na bulyaw ng kanyang tiya martha. bawat umaga ay ganito ang eksena na nararanasan ni rylie, talak ng kanyang tiya martha ang unang gigising sa kanya. Kasunod na noon sa araw-araw niyang pag gising ay ang pagsilbihan ang mga pinsan bago pumasok sa eskwelahan, pagkatapos ay ang walang katapusang paglilinis ng bahay bago pumunta sa palengke para magtinda kapalit sa kanyang tiya martha. Tanging pagsang ayon lang ang maitutugon ni rylie, kahit naman na ayaw pa niyang bumangon sa pagkakahiga ay wala din naman siyang magagawa dahil siya din ang malalagot. Si Rylie cruz, 18 years old, maputi, makinis at para bang maaari siyang ihalintulad sa mga artista, kung titignan mo nga lang siya ay para siyang isang maharlika. Maganda ang hubog ng mukha, mapupungay ang mga tila nangungusap na mga mata, matangos ang ilong at may pagkapula ang manipis na labi. Sakto lang ang pangangatawan nito sa height niyang 5'7". Simple lang ito kahit pa siya ay nabibilang sa mundo ng mga bakla. Dapat ay graduate na din siya sa highschool pero pinagpasyahan ng kanyang tiyahin na huwag muna siyang mag-aral sa kadahilanang nawalan nanaman ng trabaho ang kanyang tiyo nestor at kailangan nilang mag doble kayod. Matapos makaalis ng kanyang tiyahin ay agad na niyang inasikaso ang paghahanda para sa pagpasok ng kanyang dalawang pinsan. ******************** Saktong pagkatapos niyang maghain ay lumabas na sa kanyang kwarto ang pinsan niyang si Andrew. "good morning Andrew, kain ka na, pagkatapos niyan ay nakahanda na din ang pampaligo mo" masayang bati ni Rylie sa kanyang pinsan na tila hindi naman siya pinansin. Si Andrew Martinez ay ang panganay na anak nila Martha at Nestor, 20 years old, 2nd year na sa kolehiyo sa kursong computer science. May pagkaangas at gaspang ang ugali nito. Ilang siya sa mga bakla kaya ganun na lamang ang trato niya sa pinsang si Rylie. Hindi din nagtagal at nagising na din si Shiela at bumati ito ng masigla kay Rylie. Si Shiela martinez ay ang bunsong anak nila Martha at Nestor, 14 years old at graduating na sa elementarya. Malapit ang loob nito kay Rylie kahit pa kontra dito ang ama at kapatid niya. "magandang umaga din Shiela, kain ka na" masayang tugon ni Rylie kay shiela. "kuya Rylie, anong hairstyle ang gagawin mo sa akin ngayon?" tanong ni Shiela habang kumukuha ng sinangag na kanin. "siguro ay tirintas na lang" maigsing tugon ni Rylie habang naghuhugas ng mga pinaglutuan. Sasagot pa sana si Shiela ngunit naunahan siya ng kanyang kuya. "bilisan mo nang kumain diyan! Puro ka daldal!" sermon ng kanyang kuya Andrew, wala naman magawa si Shiela kundi sumimangot nalang. ***sa palengke *** Abalang abala ang mga nagbebenta at mga namimili, magkabila ang mga transaksyon para makabenta lang ng paninda sa kanilang mga suki. Ganito ang pang araw araw na eksena na bumubungad kay Rylie pagkapalit niya sa pwesto ng kanyang tiyahin. Sa di kalayuan ay matatanaw ang pwesto ni Martha na abala sa pagbebenta ng mga paninda nitong karne. "mareng Martha, wala pa ba yung utusan mo?" pagtanong ng isang babae na halos kaedaran lang ni Martha. "nako Tessie, ewan ko ba doon sa bwiset na iyon! Napakakupad talaga, makakatikim sakin yung baklang iyon mamaya pagdating" may halong inis ni Martha habang iniaabot ang sukli sa kanyang suki. "baka naman lumandi pa mare, hahaha" biro ni Tessie habang binubugaw ang mga langaw sa kanyang paninda. "naku subukan lang niya nang makita niya ang hinahanap niya, oh, ayan na pala ang anak mong si Steven eh, swerte mo sa anak mong iyan sobrang sipag" tugon ni Martha. "siyempre naman ano, may pakiramdam ako na si Steven ang mag aahon sa akin sa hirap" pagmamayabang ni Tessie habang nakapamaywang pa. "matagal pa ba yung utusan mo? Para sabay na tayong umuwi?" dagdag pa ni Tessie. "parating na iyon, antayin mo na lang ako" tugon ni Martha. Nakarating na si Steven sa puwesto ng kanyang nanay Tessie na katabi lamang ng pwesto ni Martha at agad itong humalik sa pisngi ng nanay. "magandang umaga nay, magandang umaga din ho aling Martha" pagbati ni Steven na agad nagsuot ng apron. Ngiti lang ang tugon dito ni Martha na agad itinuon ang atensyon sa kanyang customer na tumitingin ng kanyang mga paninda. "bait talaga ng anak ko, o mare! Ayan na pala ang utusan mo, nagpaganda pa ata" pagpuna ni Tessie habang inaayos ang mga bibitbitin pauwi. "inay naman, wag niyo naman pagsalitaan ng ganon si Rylie, tsaka baka namamalik mata lang kayo, natural lang na maganda si Rylie ano" pagtanggol ni Steven sa kanyang kaibigan. "tse! Whatever! Wag ka ngang mangielam! May diperensya na ata yang mata mo, magpaspas ka na lang ng mga langaw diyan!" tugon ng kanyang nanay. Pagkalapit pa lang ni Rylie sa pwesto nila ay sampal at sabunot na agad ang sinalubong sa kanya ng kanyang tiyahin. "aray ko ho, tsang masakit po" pag inda ni Rylie sa sakit ng sabunot na ginagawa sa kanya ng tiyahin. "talagang masasaktan ka kung parati kang babagal bagal! Hala! At bilisan mo na!" bulyaw ng kanyang tiyahin. "naglinis pa ho kasi ako at nagluto ng pananghalian" paliwanag ni Rylie. Isang pingot sa kanyang tenga ang ginawa sa kanya ng tiyahin. "aba! At nangangatwiran ka pa! Ano ang gusto mong palabasin? na ako pa dapat ang gumawa noon? Hoy! Baka nakakalimutan mo! Palamunin ka lang namin kaya wala kang karapatan na magreklamo!" bulyaw ng kanyang tiyahin na tila tumaas pa ang presyon nito. "naku Martha, halika na, hayaan mo na iyan at ako ay nagugutom na, magtatanda na iyan" sabat ni Tessie na handang handa na sa pag-uwi. Tinignan lang ng masama ni Martha si Rylie sabay kuha na ng kanyang dadalhin pauwi. Pagkaalis pa lamang nila Martha ay agad na nilapitan ni Steven si Rylie dahil alam niyang nasaktan ito sa ginawa ng tiyahin nito. Nangingilid man ang luha sa mga mata ni Rylie ay tiniis nalang niya ito para di na maluha pa. "Rylie? Kung bakit ba kasi nagtyatyaga ka dyan sa tiyahin mong iyon, kung tratuhin ka ay akala mo hindi ka kadugo" pagdamay ni Steven kay Rylie at inakbayan ito. "wala naman akong magagawa eh, kailangan ko nalang magtiis, wala na din naman akong mapupuntahan pa" malungkot na tugon ni Rylie sabay kalas sa pagkakaakbay kay Steven at agad din itong nagsuot ng apron. "bayaan mo, nandito lang naman ako para damayan ka at para tulungan" sabi ni Steven habang tinutulungan si Rylie na itali ang apron sa likod nito. Si Steven dela cruz, ay isa sa matalik na kaibigan ni Rylie, madalas siya nitong ipagtanggol sa mga umaapi dito. Siya ay 18 years old, moreno, gwapo, maganda ang pangangatawan dahil na din sa batak sa trabaho at may taas itong 5'9". Graduating na din dapat siya ng highschool ngunit nagpasya siya na huminto na muna para makatulong sa nanay at ng may kasabay din daw si Rylie sa pag gradweyt. Habang itinatali ni Steven ang tali ng apron sa likod ni Rylie ay may isang babae naman ang sumulpot sa likod nila. "wow ang sweet naman nitong dalwa! o Rylie? minaltrato ka nanaman ng tiya mo ano? Halata sa hair mo eh, anung style yan?" pagbati ng babae sa kanila. "hayaan mo na amy, sanay na ko kay tiyang Martha, teka mukhang tinanghali ka ata" tugon ni Rylie at inayos na ang sarili matapos matali ni Steven ang apron. "oo nga amy, eh di sana naabutan mo kung gaano talaga kasama ang tiyahin nito" dagdag ni Steven na bumalik na sa kanyang pwesto. "naku, kahit naman di ko nakita ay ma-vivisualize ko naman ang kalupitan ng bruha " pagkairitang sabi ni Amy na pumunta na din sa kanyang pwesto na kalapit lang ng kina Rylie. "kayo talaga, tiyahin ko pa din iyon, tsaka malaki pa din ang pasasalamat ko sa kanya dahil kahit papaano ay hindi niya ako pinabayaan" paliwanag ni Rylie. "di pinabayaan? tapos ganyan trato sayo? ano ka martyr? Naku ikaw talaga! Masyado kang mabait eh, dapat maging palaban ka din minsan" sermon ni Amy kay Rylie. Napabuntong hininga na lamang si Rylie sa payo ng kanyang mga kaibigan at pinag tuunan na lamang ng pansin ang pagtitinda.... ITUTULOY...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Jerk and The Transgender (Hot Trans Series #1)

read
57.2K
bc

NINONG

read
385.3K
bc

NINONG III

read
406.8K
bc

NINONG II

read
643.2K
bc

Beauty As The Beast

read
36.0K
bc

BAYAW

read
79.4K
bc

POSSESSIVE HEIRS1-ACE ANDERSON

read
71.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook