Masalimuot na buhay ni Rylie

2155 Words
Sa kabilang dako ng Maynila, may mga ilang mayayaman na tao ang nagtipon tipon para sa isang grand opening ng isang japanese restaurant. Lahat ng kumbidado sa kaganapan na iyon ay pawang bongga ang mga kasuotan at masasabi mo na talagang nabibilang sa mga 'rich and famous' people. Idagdag pa dito ang mga nag gagandahang sasakyan na dumadating sakay ng ilang mga pulitikong imbitado din sa kaganapan na iyon. Maya-maya ay humarap sa lahat ng naimbitahan ang isang lalaking hapon para pangasiwaan ang gaganaping ribbon cutting sa bagong restaurant na iyon. "salamat po, sa lahat ng nakadalo sa kaganapang ito, lubos kaming nagpapasalamat sa inyong suporta para mas maging matagumpay pa ang aming negosyo. Lubos ang aming kasiyahan sa inyong walang sawang pagtangkilik ng mga masasarap na pagkaing inihahanda namin, sa pagbubukas ng aming ikatlong branch, nais kong tawagin ang isang babae, walang iba kundi ang aking asawa na siyang nasa likod ng mga masasarap na putahe dito sa aming restaurant. Walang iba kundi ang pinakamamahal kong si.... Mrs. Cecilia matsuda!!" Kasabay ng masigabong palakpakan ay ang paglitaw ng isang babae na nakasuot ng isang red and black japanese inspired dress na may hawak hawak pang black handbag na napapalibutan ng ilang mamahaling dyamante. Sa tindig pa lang nito ay kakikitaan siya ng katapangan at katatagan na para bang wala ni isang tao ang maaari siyang apakan o saktan, taas noo siyang humarap sa kanyang panauhin at nagbigay ng ito ng matamis na ngiti. ******Matapos ang event********** Matagumpay na naipagdiwang ang grand opening ng matsuda's oishi food resto. Halos lahat ay talaga namang maganda ang feed back sa restaurant na ito, maganda ang venue, ambiance, good service at higit sa lahat ay ang mga pagkain na sobrang sarap. Kakaunti na lamang ang mga panauhin sa lugar na iyon dahil ang iba ay nag sipag alisan na dahil sa tapos na ang naturang event. Sa isang banda ng restaurant na iyon malapit sa entrance ay nag-uusap ang ilang mga investors kasama sina mr and mrs. Matsuda. "we are very glad that we invest in this wonderful restaurant" papuri ng isang matabang hapon in japanese accent at masaya itong nakipagkamay kay mr. Matsuda. "we are also thankful that you chose and trust our business, right Cecilia?" masayang tugon ni Mr.Matsuda. "oh! yes honey, we are very thankful" tugon ni Cecilia na parang lumilipad ang isipan nito ng panandalian at nagbigay nalang ng pilit na ngiti sa kanilang kausap. Di din nagtagal ay nagpasya nang umuwi halos lahat ng mga natitirang bisita, maging sina mr. Matsuda ay naghanda na rin sa pag uwi. Nang makarating sa sasakyan ay nakita nila ang isang babae na may katandaan na at talaga namang bongga sa kasuotan, halatang hindi din ito magpapatalo sa mga bisita. Mababakas sa mukha nito ang labis na pagkainip. "Ma? ba't di pa kayo sumasakay? Sana ay sa loob ng sasakyan na lamang niyo kami inantay" pagkagulat ni mr. Matsuda at lumapit agad sa kanyang ina para humalik. Hahalik din sana si Cecilia ngunit nag-iwas lang ang donya ng mukha. "Shiro, anak, mabuti pa ay bilisan na natin at gusto ko ng magpahinga, makakasama sa akin ang hangin dito" maigsing tugon ng donya sabay pasok agad sa loob ng kotse. Tinignan na lamang ni Shiro si Cecilia ng makahulugang tingin na nagpapahiwatig na intindihin na lamang ang ginawa ng kanyang ina. ***sa kabilang dako ng siyudad*** Sabay sabay na naglalakad pauwi si Rylie kasama sina Steven at Amy na kahit pagod ay pinipilit pa din na maging masigla at masaya ang araw na ito. Habang naglalakad, napansin ni Steven na parang nabibigatan na si Rylie sa timbang dala-dala nito, samahan pa ng ibang gamit na nakalagay sa kanyang bag, kaya agad naisipan ni Steven na tulungan na lang si Rylie sa pagbuhat noon. "aah, ehh, Rylie, buti pa ay tulungan na kitang magbitbit dyan, baka nahihirapan ka na eh" pag-aalala ni Steven. "naku Steven, okay lang, nakakahiya naman sayo, tsaka baka mabigatan kana may bitbit ka din kaya" pagtanggi ni Rylie habang patuloy sila sa paglalakad. "uyyy, may concern factor, ako Steven hindi mo aalukin ng tulong?" pag kantyaw ni Amy sa kanila. "ikaw talaga Amy, kahit ata langgam ay makakayang dalhin yang dala mo, (bumaling ulit kay Rylie) okay lang yun Rylie, kaya ko naman eh, sanay ako sa mga ganyan, buti pa etong bag ko nalang ang bitbitin mo kasi magaan lang naman to" pagpupumilit ni Steven sabay kuha sa baldeng dala-dala ni Rylie at abot naman nito sa bitbit na bag. "sure ka na kaya mo ha? Salamat" tugon ni Rylie habang inaaayos ang pagkakabitbit ng bag ni Steven. "wow, parang mag-asawa lang ah, may ganun factor, hahaha, naku Rylie wag kang mag alala, kayang kaya ni Steven iyan ano, sa laki ba naman ng mga muskels niyan" pabirong epal ni amy na ikinamula naman ni Rylie. napailing na lamang si Steven at nagpatuloy na sila sa paglalakad hanggang makarating sa bahay nila Amy. Nagpaalam na si Amy sa dalawa at nagpatuloy na maglakad ang dalawa hanggang makarating naman sila sa bahay nila Rylie. "salamat talaga Steven ha? Buti na lang at nandiyan ka, uhm.. Kayo ni Amy" malambing na wika ni Rylie. "wala yun, ikaw pa, sa tagal na natin magkakilala, sino pa ba ang magtutulungan, siya nga pala Rylie, kunin mo ito, binili ko ang hopia na iyan kanina" tugon ni Steven sabay abot ng isang supot ng hopia. "naku, ikaw talaga nag abala ka pa. Salamat ulit ha? Hayaan mo at makakabawi din ako sa iyo" masayang pasasalamat ni Rylie na agad tinago ang supot ng hopia sa kanyang bag. "o sige Rylie, kita nalang tayo bukas ha? Goodnight" paalam ni Steven. "sige salamat ulit, ingat ka pauwi ha?" tugon ni Rylie at inihatid na lamang niya ito ng tingin. Mababakas ang saya sa mukha ni Rylie sa tagpong iyon, ngunit, masaya na sana eh, saktong papasok na siya ng gate ay nakita niya ang kanyang tiya Martha na nakatitig ng masama sa kanya. "tsang, magandang gabi po" maigsing bati ni Rylie na hindi nito magawang tumingin sa mga mata ng kanyang tiya Martha. Saktong kakapasok pa lang ni Rylie ay hinila agad nito ni Martha sa buhok na naging sanhi sa pagkakabitiw ni Rylie sa tangan nitong balde. Malakas na hinila nito si Rylie sa loob ng bahay na tila matatanggal ang mga piraso ng buhok nito mula sa anit. "tsang masakit ho" daing ni Rylie sa ginagawang paghila at pagsabunot ng buhok sa kanya ng kanyang tiya. Itinulak si Rylie ng tiyahin sa may sofa na dahilan ng pagkakalugmok nito doon. "nagawa mo pang makipaglandian?! Ganyan ka na ba kakati ha?! Alam mo ba kung anong oras na??? Hindi mo ba alam na delikado na ang mag pagala gala sa kalye ng ganitong oras?" sermon ni Martha na tila uusok na ang ilong sa galit. "tsang kasi po ay natagalan lang po kami sa paglalakad, may kabigatan ----" paliwanag ni Rylie na natigilan dahil sinapawan siya ng kanyang tiya. "aba't umaangal ka pa? Hoy! Paano na lang kung may makasalubong kayong magnanakaw ha?" bwelta ni Martha. Nagulat naman si Rylie dahil pumasok sa kanyang isip na tila nag alala sa kanya si Martha. "eh tsang, wala naman po nangyaring masama sa akin, tsaka kasama ko naman din po si Steven" paliwanag ni Rylie. "aba?! At anong palagay mo? Sa iyo ako nag aalala?! Hoy bakla ka! Wag ka ngang magpatawa, gumising ka dyan sa ilusyon mo! yung pera ang inaalala ko! Wla akong pakialam kahit may mangyari pa sa iyo! basta ligtas yung pera! Akin na nga yung kinita mo!" pang iinsulto ng kanyang tiyahin at agad niyang inabot ang pera. "isaksak mo sa kokote mo ito ha? (sabay dutdot ng hintuturo sa noo ni Rylie) kahit kailan ay hindi ako mag aalala sa iyo! Ang importante yung pera na kinita mo! tandaan mo yan!" bulyaw ng kanyang tiyahin sabay alis patungo sa kwarto nito. Naiwan lang na nakalugmok si Rylie na unti-unting pumapatak ang luha sa kanyang mata. Wala siyang ideya kung hanggang kailan niya matitiis at maatim ang paghihirap sa kamay ng kanyang tiyahin, na kung wala na bang katapusan ang maari niyang danasin sakit dito. Pero wala nanaman siyang ibang mapupuntahan eh. Agad naman siyang niyakap ni Shiela upang siya ay damayan, hindi niya namalayan na ito ay naroon pala. "kuya Rylie, pagpasensyahan mo na si inay ha? Baka meron lang siya ngayon, kaya alam mo na" pagdamay ni Shiela kay Rylie. "wag kang mag-alala, okay lang ako, mukhang parati naman mayroong buwanang dalaw si tiya eh, sige na, buti pa ay magpahinga ka na at may pasok ka pa bukas" tugon ni Rylie habang pilit na inaayos ang sarili. "sige kuya, sure ka ha?" sagot ni Shiela na nagpaalam kay Rylie at bumalik na sa kwarto nito. Nag ayos muna si Rylie sa sala at inayos din nito ang baldeng naglalaman ng mga gamit na nahulog niya kanina bago mapagpasyahan na kumain ngunit tila hindi din siya pinagtirhan ng kanyang tiya ng pagkain, laking pasalamat na lang niya sa binigay ni Steven na hopia at kahit papaano ay magkakalaman ang kanyang sikmura. ********************** Sa bahay ng mga matsuda... Tahimik na nagsasalo salo ang pamilya Matsuda na tila walang ni isa man lang sa kanila ang nais bumasag sa katahimikan na iyon. Tila mga tunog lang ng kubyertos at pinggan ang maaaring makalikha ng ingay sa tensyon na pumapalibot sa pamilya. Noong una pa lang kasi ay tutol na ang ina ni Shiro na si madame Yumi Matsuda kay Cecilia. Nakilala lang kasi ito ni Shiro sa isang bar bilang waitress. Dahil sa sobrang angking kagandahan ni Cecilia ay naging interesado dito si Shiro at talagang kinilala niya ito ng husto. Hanggang sa matutunan niya na lang itong mahalin at hanap-hanapin. Nakatakda na sanang i-engage si Shiro noon sa ipinagkasundo sa kanya ng ina ngunit dahil nga sa dumating si Cecilia sa buhay ni Shiro ay hindi na iyon natuloy pa. "Koji, anak, bakit nga pala hindi ka nakapunta sa opening ng restaurant kanina?" pagbasag sa katahimikan ni Shiro. Tumingin lang si Koji sa ama, magsasalita na sana siya ngunit naunahan siya ng kanyang lola. "hay nako Shiro, alam mo namang hindi mahilig si Koji sa mga ganyang okasyon, dapat ay itong pamangkin mo nalang na si Harajima ang pinapunta mo doon" sabat ni madame Yumi. "oo nga tito, para kahit papaano ay lumawak pa ang aking ideya sa negosyo natin" wika ni Harajima ng may ngiti sa labi. "pero mas kailangan ng anak kong si Koji na dumalo sa mga ganoong okasyon lalo na pag patungkol ito sa mga negosyo ng ating pamilya, dahil di magtatagal ay siya na ang magpapatakbo dito" paliwanag ni Shiro. Napa-ismid lang ang kanyang inang si Yumi, halatang napakalaki ng pagtutol nito, na napainom pa bigla ito ng tubig at tila nawalan na din ng gana pang kumain, samantalang bumakas naman sa mukha ni Harajima ang lungkot sa sinabi ng kanyang tiyo. Napansin ni Cecilia ang naging reaksyon ni madame Yumi ngunit isinantabi niya na lamang ito. Ang hindi niya lang maintindihan ay kung bakit parang pati kay Koji ay ayaw din ng ina ni Shiro, na mas binibigyan pa nito ng pansin at prayoridad si Harajima. *******sa bahay nila Martha******* Kinabukasan... Halos tapos na sa gawaing bahay si Rylie at nakapag ayos na din ito para makapunta na ng palengke para hindi na masermonan pa ng kanyang tiyahin. Saktong paglabas niya ng pintuan ay siya naman ang dating ni Andrew. "o Andrew, maaga ka ata ngayon, tiyak kong gutom ka na, kumain ka na lang diyan at nakapagluto na ako ng pagkain, kelangan ko na kasing pumunta sa palengke agad, kaya hindi na kita mapapaghainan" sabi ni Rylie na may ngiting abot tenga sa pagsalubong niya kay Andrew. Tulad ng dati ay parang hindi lang nito pinansin si Rylie at nagbitiw lang ito ng nanlilisik na tingin. Sa pag aakalang papasok na agad si Andrew sa loob ng bahay ay nagulat na lang si Rylie ng biglang hilahin ni andrew ang kanyang kwelyo. ITUTULOY.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD