Tinatahak ni shiro ang daan pauwi maneho ang isang sasakyan kasama ang asawa nitong si Cecilia.
Biglang napansin ni Shiro ang pag-iba ng kilos ni Cecilia na para bang may kaba itong nararamdaman.
"hon? Are you okay? What's wrong?" pag-aalala ni Shiro sa kanyang asawa.
"ha? Nako wala ito, para lang kasing may nararamdaman akong hindi magandang mangyayari, hindi ko maintindihan eh" tugon ni Cecilia ng may pagkabalisa.
"baka naman masyado ka nang stressed out sa trabaho, pwede ka naman mag leave, dont be harsh on yourself" pagpapagaan ng loob ni Shiro kay Cecilia at sabay hinawakan ang kamay nito.
"well siguro nga, baka pagod lang ito, pero dont worry, kaya ko naman, mas lalong magiging masama ang pakiramdam ko pag sa bahay lang ako, lalo pa at nandoon ang mama mo" paliwanag ni Cecilia sabay tuon ng pansin sa mga istrakturang nadadaanan nila.
"Cecilia, pagpasensyahan mo na si mama, besides wala nanaman siyang magagawa dahil ikaw lang ang mahal ko, at ilang taon na din tayong kasal. Matututunan ka din na matanggap ni mama dont worry, malay mo di magtagal eh gumaan na sa iyo ang loob niya" tugon ni Shiro sabay pisil at halik sa kamay ni Cecilia.
"sana nga hon, iniisip ko din kasi si Koji, baka maapektuhan din siya sa nangyayari, napansin ko kasi na parang ayaw din ni mama sa kanya" pag-aalangan ni Cecilia.
"baka nagkakamali ka lang, imposible naman na pati ang anak natin ay idamay pa ni mama, calm down okay? Masyado ka lang nag iisip eh, dont worry, everything will be okay" pagpapakalma ni Shiro kay Cecilia.
Tanging buntong hininga na lamang ang naitugon ni Cecilia na labis pa din ang kaguluhan sa kanyang isipan.
*********************
Pagpapatuloy ng pangyayari kina Rylie.....
Sobrang pagpupumiglas ang ginawa ni Rylie ng makitang napuruhan ng suntok si Steven.
"Steven!!! Bitiwan mo akong lalake ka!!" pagpupumiglas ni Rylie sa lalaki at agad niyang tinapakan ang paa nito sabay siko sa mukha ng makawala siya sa mga kamay nito.
Labis na nag alala si Rylie sa nangyari kay Steven, kaya dali dali siyang pumunta kay Steven para saklolohan ito, ngunit di niya namalayan ang pagbitiw ng suntok ng isang lalaki na tumama sa kanyang sikmura.
Napaluhod si Rylie sa sakit ng suntok na kanyang natamo na nasaksihan naman ni Steven.
Nilabanan ni steven ang sakit ng mga tadyak na ginagawa sa kanya ng tatlong lalaki at agad naman siyang nakakita ng isang mahabang kahoy na ginamit niya upang paghahampasin ang tatlong lalake hanggang malugmok sa lupa.
Akmang susuntukin pa ulit si Rylie ng isang lalaki ay agad naman kumilos si Steven at naagapan itong hampasin ng malakas ang lalaki.
"rylie? Okay ka lang ba? Halika na! Eto na ang pagkakataon nating umalis bago pa sila makabangon ulit" pag-aalala ni Steven habang inaalalayan si Rylie patayo.
Hindi nila namalayan ang isa sa grupo ng masasamang lalaki ay naglabas ng patalim at dali daling tumayo upang sugurin sila.
Di pa man gaanong nakakalayo sina Rylie ay namataan agad ni Steven ang nakaambang panganib sa pagsugod ng lalaking may patalim.
Agad naman na naitulak ni Steven si Rylie palayo sa kanya.
Laking gulat nalang ni Rylie ng makita niya si Steven na nagtamo ng saksak sa katawan nito.
"Steven!!!!" maluha luhang sigaw ni Rylie at dali daling nilapitan ang bumagsak na si Steven.
Na alarama naman ang mga lalaki at agad na tumakbo paalis, tila ba kinabahan sa kanilang ginawa.
"Steven!!" sigaw ni Rylie habang patuloy sa pagluhang hinahaplos si Steven.
"b-buti.. N-n-nalang.. At.. D-di ka.. N-n-nask-tan" nahihirapang bigkas ni Steven habang pinipilit haplusin ang mukha ni Rylie kahit may iniindang sakit.
"Steven, huwag ka na muna masyadong magsalita, ipunin mo ang lakas mo at hihingi ako agad ng tulong, magpakatatag ka Steven okay?!" mabilis na sambit ni rylie na walang patid ang pag agos ng luha sa kanyang mga mata at agad na kumaripas ito ng takbo sa mga bahay - bahay.
Di naman siya nabigo dahil may nakita agad siyang traysikel na paparating na agad silang sinaklolohan.
*******sa bahay nila Martha********
Sa kabilang banda ay tila hindi naman mapakali si Martha sa kaiisip kung bakit masyadong natatagalan si Rylie sa pag-uwi.
"ma? Ba't di po ba kayo mapakali diyan? Ako ang nahihilo sa inyo eh" pag-usisa ni Shiela na itinigil muna ang pagbabasa sa kanyang libro.
"hay nako! Wag mo na nga lang akong pansinin! bakit ba kasi sobrang tagal ng Rylie na iyon! Anong oras na ah!" inis na inis na tugon ni Martha.
"eh ma, baka may dinaanan lang po si kuya Rylie" si Shiela na halos magkanda duling duling na sa paikot ikot ng kanyang ina.
"dinaanan? Malilintikan talaga sa akin yang bakla na yan eh! Humanda siya lalo pag nawala yung pera na kinita niya" tugon ni Martha na lalong nagpatindi ng galit nito.
Bigla namang lumabas si Andrew ng kanyang kwarto at dali-daling pumunta sa labas ng kanilang bahay.
"hoy Andrew! Baka naman lalabas ka pa ha?! Gabi na! May pasok ka pa bukas!" walang humpay na bulyaw ng kanyang ina na hindi naman niya pinansin.
Agad na sinagot ni Andrew ang tawag sa kanyang cellphone.
"ano?!! Bakit ka ba kasi nagdala pa ng patalim?! Di ba sabi ko turuan niyo lang ng leksyon! hindi patayin! Grabe naman oh, baka sumabit tayo niyan!" pagkabahala ni Andrew.
"kung hindi ko ginawa iyon baka naman kami pa ang napuruhan, pero huwag kang mag-alala, wala naman nakakilala sa amin eh" paliwanag ng lalaki sa kabilang linya ng cellphone.
"dapat lang! kundi pare parehas tayong sasabit niyan, tsaka Dapat ay yung pinsan ko nalang na bakla yung sinaksak mo" pag angal ni Andrew na halos hindi mapakali sa nangyari.
"alam mo pre, ang gulo mo din eh no, wala na tayong magagawa nangyari na eh, siguro naman ay masaya ka na sa pag ganti na ginawa namin" tugon ng lalaki.
"pwede na din, ako na lang ang bahala sa pinsan kong salot, kita nalang tayo sa eskwela bukas" pagpaalam ni Andrew.
Hindi naman namalayan ni Andrew na narinig lahat ng kanyang kapatid na si Shiela ang lahat ng kanyang mga sinabi.
Hindi ito makapaniwala na magagawa iyon ng kanyang kuya.
Dali dali naman itong nagtago ng may isang tao na nagtungo sa kanilang bahay at may dala dalang masamang balita.
Agad naman itong tinugon ni Andrew at ibinalita na lang sa kanyang ina na si Martha.
**********************
Sa hospital...
Patuloy na ginagamot si Steven sa loob ng emergency room habang si Rylie naman ay iniimbestigahan ng ilang pulis ukol sa nangyari sa kanila.
"pasensya na po pero wala po akong nakilala sa limang lalaking nanakit sa amin, lahat po sila ay nakatakip ang mga mukha at pawang mga mata lang ang tangi kong naaninag" paliwanag ni Rylie sa police na labis pa din ang takot na nararamdaman.
"may naaalala ka bang mga tao na galit sa iyo o sa kaibigan mo? Na pwedeng gumawa sa iyo nito? Malinaw kasi na hindi pagnanakaw ang motibo ng grupong gumawa sa inyo nito" tugon ng pulis.
"sa pagkakaalam ko po ay wala naman, pero pasensya na po kayo talaga kasi sobrang gulo po ng isip ko ngayon" tugon ni Rylie.
"o sige, yun na lang muna sa ngayon, basta itutuloy na lang namin ang pag iimbistiga, makipag ugnayan ka na lang sa amin kapag may naalala o natuklasan ka, tatanungin na lang din namin ang kaibigan mo oras na maging maayos na siya" pag paalam ng pulis at umalis na ito.
Halos maluha luha pa din si Rylie sa mga pangyayari lalo pa at nasa panganib ngayon si Steven.
Bigla naman ang pagdating ni aling Tessie at ni Amy sa hospital na parehong naghahabol ng hininga.
"diyos ko!!! Ang anak ko?!! Anong nangyari?!!" paghihisterical ni aling Tessie na tumakbo agad sa pintuan ng emergency room at pilit na sinisilip ang anak.
Agad namang nilapitan ni Amy si Rylie na nakaupo sa isang sulok at agad niyakap ito.
"girl! Anong nangyari sa inyo? Ano okay ka lang ba? Hindi ba napinsalaan yang beauty mo?" pag-aalala ni Amy na nakuha pang mag biro.
"okay lang ako, ang labis kong inaalala ay si Steven, malubha ang kalagayan niya ng dahil sa akin, bigla nalang may humarang na limang lalaki sa amin at sinugod kami" salaysay ni Rylie habang wala pa din patid ito sa pag iyak.
"nako girl, wag kang mag alala, makakayanan ni Steven yan maniwala ka lang, teka, may nakilala ka ba kahit isa man lang sa mga lalaking iyon? May kinuha bang pera? O mga lasing na nagtrip?" sunod sunod na tanong ni Amy na daig pa ang imbestigador.
"wala akong nakilala, nakatalukbong lahat ang mga mukha nila, wala din silang kinuhang pera sa amin at tiyak na hindi din naman sila lasing" tugon ni Rylie.
"nakapagtataka naman, para kasing halatang planado ang nangyari, biruin mo nakatakip pa ang mga mukha nila, para kasing malabo kung pinagtripan lang kayo, belive me, may kutob akong nagplano niyan, at feeling ko yung demonyo mong pinsan iyon" paliwanag ni Amy.
"pero Amy, mahirap magbintang ng wala naman tayong maipapakita na ebidensya, tsaka siguro naman hindi kayang gawin ni Andrew iyon" pagsalungat ni Rylie.
"basta, ikaw na din ang may sabi hindi ba? Na kakaiba ang ugali ng pinsan mo na iyon? Malakas ang kutob ko na siya yun" pahabol ni Amy.
Bigla naman lumapit si Tessie sa kinaroroonan nila Rylie at Amy na bakas dito ang labis labis na galit.
"ikaw!!!!(sabay duro kay Rylie) ikaw ang may kasalanan nitong salot ka!!!" bulyaw ni Tessie at agad sinabunutan si Rylie.
Agad namang inawat ni Amy ang pagsabunot ni Tessie kay Rylie ngunit sadyang hindi ito nagpapigil.
"aling Tessie, tama na ho! wala naman pong kasalanan si Rylie sa nangyari! tsaka wala naman pong may gusto nito" patuloy na pag awat ni Amy.
Maluha luha naman nagpupumiglas si Rylie sa tindi ng pagsabunot at kalimitang paghampas na ginagawa sa kanya ni Tessie.
Agad namang kumaripas ng takbo sina Martha kasama ang mga anak na sila Shiela at Andrew ng makita ang nangyayari at tuluyan na din na naki awat.
"Tessie? Tama na, hindi makakabuti sa iyo ang ginagawa mo, pakalmahin mo ang sarili mo!" pag awat ni Martha.
Nailayo naman si Tessie kay Rylie ngunit patuloy pa din ito sa pagwawala.
"kalmahin ang sarili ko? nasa bingit ng kamatayan ang anak ko dahil sa salot na iyan tapos kakalmahin ko ang sarili ko?!! Buti ay paalisin mo ang bwisit na iyan dito! Dahil lalong nanggagalaiti ako sa galit pag nakikita ko yan! Simula ngayon hindi ko na papayagan pang magkita kayo ng anak ko!" bulyaw ni Tessie na halos magkandalupasay na sa pagwawala.
Walang patid sa pag iyak si Rylie na tumayo sa kanyang kinalulugmukan at nagpasyang umalis na lang ng hospital na agad namang sinamahan ni Amy, susundan sana sila ni Shiela ngunit pinigilan ito ng kanyang ina.
*******sa labas ng Hospital********
Halos hindi matigil sa pagpatak ang mga luha ni Rylie habang nakaupo sa isang gilid ng hospital, wala namang magawa si Amy kundi ang damayan ito.
"napakamalas ko naman, kayo na nga lang dalawa ni Steven ang kaibigan ko tapos malalayo pa ang isa sa inyo, sabagay hindi sana mapapahamak si Steven kung di niya ako niligtas" malungkot na pagkakasabi ni Rylie.
"loka ka, wag ka nga masyadong emo diyan, malay mo charing lang iyon ni aling Tessie siyempre nabigla siya sa pangyayari, tsaka sa tingin mo ba papayag yun si Steven na hindi na kayo magkita o magkasama?" paliwanag ni Amy.
"parang hindi mo naman kilala si aling Tessie, halos pareho lang sila ni tiya Martha, tiyak kong hindi na niya hahayaan na magkausap o magkasama pa kami ni Steven" tugon ni Rylie sabay bitiw ng malalim na buntong hininga.
"basta palamigin mo muna ang sitwasyon, malay mo mag iba ang ihip ng hangin" tugon ni Amy.
"basta sa ngayon okay na sa akin na malaman na ligtas si Steven, tatanggapin ko kahit hindi na kami paglapitin, kahit naman anong mangyari ay kaibigan ko pa din siya, ang aking nag iisang super hero" malungkot na saad ni Rylie.
"basta think positive, pero wait! maiba tayo, malakas talaga ang kutob ko sa Andrew na iyon eh, isipin mo ha, siya lang naman ang nakaaway ni Steven eh" si Amy.
"may punto ka din naman Amy kaya lang mahirap patunayan, wala tayong ebidensya" si Rylie.
"kaya nga, kelangan talagang ma obserbahan yan, kahit naman anong mangyari eh lalabas at lalabas din ang katotohanan" si Amy ulit.
"sana nga Amy, para kahit sa ganoong paraan ay makakabawi man lang ako kay Steven, salamat Amy ha? Buti pa ay umuwi na muna tayo, baka makita pa ako ni tiya Martha dito" pagtatapos ni Rylie sa usapan at agad naman na sumang ayon si Amy at dali dali silang umuwi.
******Pagkauwi ni Rylie*********
Punong puno ng kalungkutan na nakarating si Rylie ng kanilang bahay.
Halos hindi pa din siya makapaniwala sa nangyari sa kanila ni Steven.
Inilibot niya ang kanyang mga mata sa paligid ng bahay at wala siyang nadatnan na tao dito.
Labis na kaguluhan ang bumalot sa kanyang isip kaya nagpasya na lang siya na maligo para kahit papaano ay mahimasmasan kahit saglit.
Bawat pagbuhos ng tubig ay ang pagdaloy ng mga butil ng luha sa kanyang mga mata, sabayan pa nito ang masamang kaganapang nangyari sa kanya.
Idinaan na lang niya sa pagluha ang bawat sakit na kanyang nararamdaman habang yakap yakap ang kanyang sarili, kahit papaano ay umaasa pa siya na maayos ang lahat kahit parang imposible ito.
" Martha!?... Shiela!?.... Andrew!?... Lintik naman oh!! nasaan na ba ang mga tao dito?! bwiset naman na buhay to!" may pagkabanggag na sigaw ni Nestor na halos pagewang gewang na sa paglalakad.
Laking gulat naman ni Rylie ng madinig ang kanyang tiyo Nestor na dumating, kaya agad itong nagpunas ng luha at nagtapis ng kanyang tuwalya at dali daling lumabas ng banyo.
"tsong, umalis po sina tiya, pero baka po pabalik na din po sila" pagbati ni Rylie pagkalabas niya ng banyo.
" ah ganun ba? (napatingin kay Rylie mula ulo hanggang paa) grabe ka naman magtapis, bakit babae ka ba? wala ka naman dibdib ah, daig mo pa babae, (lumapit at bahagyang inamoy si Rylie) sabagay makinis ka naman pala eh" may pagkalasing na tugon ng kanyang tiyo sabay haplos sa balikat ni Rylie.
hindi na lamang ito pinansin ni Rylie dahil sa lasing na ito kaya dali dali nalang siyang pumunta sa kanyang silid.
Isasara na sana niya ang pinto ng bigla nalang itong harangan ng kanyang tiyo Nestor at magpumilit na pumasok...
ITUTULOY.......