Magkaibang buhay‼️

1818 Words
MULA SA university hindi na naman mapakali si Eavan. He’s now in college. Sa hindi malamang mabigat na dahilan ay nag-tuloy sa kursong medisina si Eavan. After mangyari ang isang aksidente sa binata limang taon na rin ang nakaraan, tanging ang pag-asam na maging doktor na lang kanyang naaalala mula sa ilang buwan ng buhay niya na dumaan. Nais daw talaga ni Eavan maging doktor para makatulong sa ibang mga tao na hindi afford ang magpagamot o mga mamamayan na hindi na aabot ng tulong pangkalusugan. ‘Yan ang paulit-ulit na reason ng binata kaya nais niyang maging mahusay na doktor. But little didn't his parents know, sa isip ni Eavan alam nitong may kulang na dahilan. Alam ng binata na may mabigat siyang dahilan bakit nais niyang maging doktor. Dangan lang na hindi niya maalala. Tuwing sasapit ang September 9 tila nagiging aligaga ang binata. Parang may nais itong gawin o puntahan na hindi naman nito tukoy kung alin at saan. Ika-limang araw noon bago ang September 9 ng na biktima si Eavan ng riding in tandem. Dahil sa pag-aagawan ng binata at mga salarin ay tumama ang ulo ni Eavan sa gater ng kalsada. Naging kritikal ang kondisyon ni Eavan dahil sa head trauma, halos apat na araw din itong tulog. Nang magising naman si Eavan sa ika-limang araw eksaktong Setyembre Nueva parang nag-iba ang kanyang katauhan. After ding magising ni Eavan maraming mga alaala mula sa nakaraan o kabataan niya ang ang bumalik. Pero ang dahilan ng pagpunta niya sa mall, maging dahilan bakit siya naratay at pati mga naunang memorya ilang buwan ang nakalipas ay siyang nalimot na ng binata ng permanente. Ngunit sa tuwing sasapit ang araw o petsa kung kailan ito na gising parang halo-halo na mga emosyon ang nararamdaman ng lalaki. Para bang lagi itong may napapalagpas na ganap sa buhay. “Eavan are you okay?” Malamyos na tanong ng babaeng pinakamahinhin sa buong meds student. “I'm not okay. I think I need to go home, Alona but we still have last subject.” Honest na tugon naman ni Eavan sa babae na panay ang titig sa huli. Ang imahe ni Eavan sa university ay isang smart, good boy and rich student. Pero hindi maikakaila na hindi santo ang lalaki. Ilang nursing at meds student na babae na ang dumaan kay Eavan. But none of those women, ang na ulit sipingan ng lalaki. Wala rin namang namilit na umulit, dahil klaro sa kanila na walang pakialam si Eavan sa naganap. Just pure lust, release of heat and stress. “Do you want me to go with you? Maybe I could help you. Mukhang tensyunado ka kasi Eavan. Baka hindi ka makauwi sa inyo ng maayos.” Malumanay ngunit ramdam na ni Eavan na inaakit siya ni Alona. Ilang beses na rin kasi itong nagparamdam kay Eavan. Pero parating iniiwasan ng huli ang babae. May kakaiba kasi kay Alona na hindi mawari ni Eavan. “No thank you. Tutal patapos na rin naman ang Klase, huli na ito—” “I insist! Eavan, I like you so much. Hindi ba halata? Manhid ka ba? O sadyang pangit ako sa paningin mo? Hindi ako ganito Eavan, but I'm willing to be like others, para mapansin mo. At least be your friend or friends with benefits. Kung hindi pa rin naman ang sagot mo sa akin ngayon. I’ll try again next time. But for now hayaan mo akong samahan kang umuwi. If you only see your face makikita mong your not okay.” Desperadang pag-amin ni Alona kay Eavan. Sa isang banda naiinis si Eavan sa babae pero humahanga din siya dito, dahil kilala niya ito mula lower year. Talaga tahimik at walang hinayaang makalapit ni isang lalaki ang babae sa kanya. Tangkang sasagot si Eavan kay Alona ng biglang may mag anunsyo. “Guys listen wala si Prof kaya feel free na tayong umuwi.” Mabilis na tumayo si Eavan tsaka nagsalita. “Maybe next time Alona. Nasa malapit lang ang Uncle at Auntie ko kaya sasabay na lang ako sa kanila. And about my car ay ipapakuha ko na lang sa driver namin. See you tomorrow Alona.” May pilyong ngiti si Eavan ng sabihin ‘yun kay Alona. Napatanga na lang ang babae ng maglakad na palayo ang lalaki. Sa harapan ng gate ng university ay nakaparada na ang kotse ni Haidus kasama si Zionna. Dali-daling lumapit doon si Eavan sa kotseng nakaparada. Inuna ni Eavan lapitan ang passenger seat. When the door open, he hug and kiss the woman who seem waiting for him to do that. “Your not okay Eavan. Soon enough those trauma will go away. Nararamdaman mo pa rin ba anak ang tensyon?” Mahinang bulong ni Zionna na tila umepekto naman kay Eavan. Nang humiwalay na sila sa isa't isa ay marahang umiling si Eava sa Ginang tsaka isinara ang pintuan para lumipat naman sa driver's seat. Sana’y na sana'y si Eavan sa mag asawa kaya nga dumarating sa punto na kinaiinisan ito ng nag-iisang anak ni Haidus at Zionna. Lalo na ngayon mas naging malapit ang mga ito sa isa’t isa. Pinili kasi ni Khai na bumukod kasama ang babae inaayawan ni Zionna. Mas pinili ni Khai si Zamirra kaysa sarili mga magulang. “Stay as you are! Nawala na sa amin si Khai wag ka sanang mawawala sa amin Eavan. Hindi naman kami nawawalan ng pag-asa na matatauhan din si Khai. Makikita niya rin kung ano ang totoo.” Malungkot na sabi ni Zionna habang magkayakap si Haidus at Eavan. Hindi naman nagtagal ay sumakay na si Eavan sa back seat. Unti-unti ring nawala sa loob ng binata ang kakaibang pag-aalangan at tensyon, dahil sa presensya ng mag asawang Merano. Dahil sa naging maayos si Eavan ay pinaunlakan niya ang pagyaya ng mag asawa na mag merienda. Ngunit hindi naging magandang ang tagpo doon. Nadatnan kasi nila si Khai at Zamirra sa lugar. Nagkaroon ng konting iringan ngunit sa huli ang si Khai at Zamirra ang umalis. Naging tahimik ang merienda nilang tatlo at dahil sa naganap ay na lungkot si Zionna ng husto. Nagdesisyon naman si Eavan na sumama sa tahanan ng mga ito para doon na maghapunan at makabawas ng lungkot ng Ginang. Pumayag naman din ang mga magulang ni Eavan dahil si Vanno ay bestfriend ni Haidus habang pinsan naman ni Zionna si Vanno. SAMANTALA “Gutom ka pa ba Badang? Malungkot ka na naman. Dapat nga happy ka e. Kada tatanda ka ay lalo ka namang naganda. Sana all sa barbie face na ‘yan, partida safeguard lang ang sabon.” Bulong ni Kentoy kay Leslie na nakatanaw sa bintana. Medyo napangiti naman si Leslie dahil sa sinabi ni Kentoy. Noon pa naman ay malaki na ang pagtataka ni Kentoy kay Leslie, dahil lagi itong nasa bintana nakatanaw. Wala naman kasing makikita doon sa labas, kundi sukalan at tambakan ng mga basura. “Gaano ba katagal tayong mananatili sa lugar na ito Entoy? Nakakasakal dito at higit sa lahat baka makalimutan na natin ang tunay na itsura ng labas? Gusto ko ng makaalis dito Entoy. Gusto kong mamumahay ng normal. Hanggang ngayon gusto ko pa ring tuparin ang pangarap namin ni Tatang at Nanang. Gusto kong hindi masayang ang hirap at sakripisyo nila para sa akin.” Puno ng lungkot at pag-asam ang makikita sa mga mata ni Leslie ng sabihin iyon sa kaibigan. Ramdam na ramdam naman ni Entoy ang pagnanais ni Leslie. Hindi hamak naman na mas matagal na siyang nakakulong sa lugar na ito. “Badang ‘di'ba sabi ko naman sa’yo tutulungan kita. Wag kang mainip, hahanap lang tayo ng tamang tyempo. Yun bang malamig ang sitwasyon at konti lang ang bantay. Kapag nakalaya ka na tuparin mo ang pangarap mo at mabuhay ka ng masaya, malaya at walang takot sa labas. Sa ngayon blow mo muna ito. Pasensya na kung laging cupcakes lang. Hirap na hirap pa akong makiusap sa tauhan ni Tsang Anching kun’di ko pa hinipo ang tete ay ‘di susunod. Oh siya blow na Badang ko. Happy birthday Badang kong ubod ganda.” Bulong na sabi at pangako ni Kentoy kay Leslie. Unang salta palang ni Leslie Badang na ang tinawag sa kanya ni Kentoy. Nang mahipan na ni Leslie ang cupcake ay niyakap naman ito ni Kentoy. “Badang dalagang dalaga ka na. Kailangan mo na talagang makaalis dito. Hindi na lalo ligtas ang lugar na ito para sa’yo. Basta tandaan mo hanggang nandito ako gagawin ko ang lahat para walang makaapi o gumalaw sa’yo. Happy birthday Badang ko, mahal na mahal kitang bruha ka.” Bulong ni Kentoy sa babae habang yakap pa rin ito. Gaya ng laging ginagawa nila hati sila sa cupcake. Wala ring malisya ang yakapan at pagtatabi nilang matulog. “Badang kung makatakas ka, wag mong kalimutan na ipagtirik ng kandila ang Tatang at Nanang mo. Isama mo na rin ang Itang at Inang ko—” “Hindi ka ba sasama? Bakit? Ayaw mo bang umalis dito?” Putol na sunod-sunod na tanong ni Leslie sa kaibigan. “Badang kung dalawa tayo mahihirapan kang makatakas. Basta ikaw ang tumakas at mabuhay ng normal. Oh siya matulog na tayo at baka takasan tayo ng beauty kapag na late tayong mag beauty rest.” Dahil sa ganun ang naging tugon ni Kentoy ay hindi na umimik si Leslie lalo't niyakap na siya ng lalaki. “Salamat Entoy at good night.” Mahinang sabi ni Leslie sa lalaki. “Good night Badang ko.” Ungot na tugon ni Kentoy bago sila makatulog. Kinaumagahan late ng nagising si Leslie at Kentoy kaya nagmamadali na silang kumilos. Kapag na late sila sa packing area ay wala silang tatlong pandesal at kapeng mapait pa sa pagka-bitter ng babaeng niloko at pinagpalit ng jowa sa bestfriend niya. “Badang mauna ka na! Busog pa naman ako—” “Sabay na tayo Entoy. Talikuran na lang at wala namang malisya sa atin—” “Gaga! Kahit na alangan ako tatayuan pa rin ako sa'yo kaya maligo ka na basta bilisan mo na lang.” Dahil sa reaksyon ni Entoy ay tatawa tawang nagmadaling kumilos si Leslie. Sa awa naman ng Diyos ay hindi sila parehong nahuli. Napansin din ng dalawa na may mga bagong batang nasa loob mg packing area. Naging normal ang lahat, balik liksi sa trabaho hanggang sa marinig ni Kentoy ang balitang tiyak na makakapag pasaya kay Leslie. Dali-daling lumapit si Kentoy kay Leslie para bumulong. “Badang ilang buwan na lang lalaya ka na dito. Maraming ganap sa December. Balita ko aalis din si Tsang Anching dahil pupunta sila ng jowa niyang burles queen papuntang Singapore. Konting tiis na lang okay.” Halatang halata ang saya sa boses ni Kentoy ng sabihin iyon. Sandaling yumakap pa si Leslie sa braso ni Kentoy tsaka parang walang nangyari at bumalik sa normal na gawain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD