bc

Walang Kupas [ SPG ]

book_age18+
1.1K
FOLLOW
28.7K
READ
HE
doctor
blue collar
bxg
serious
brilliant
city
addiction
like
intro-logo
Blurb

⚠️❌Ang kwento ito ay naglalaman ng mga salita at eksena na hindi maaari para sa mga bata.‼️ READ AT YOUR OWN RISK‼️Eavan Ullenco isang super hot na doctor, na mas nais magbigay serbisyo sa publiko. Ganun pa man tila parang naliligaw ang doktor sa tuwing lumilipat ng lugar. Parang may kung anong kulang na hindi niya mapagtanto? kaya patuloy itong maglilingkod ng libre hanggang sa bumalik sa pamilya at huminto pansamantala.Leslie Dela Rea isang babaeng lalaki sa piling ng mga Merano. Walang totoong pagkakakilanlan ang dalaga, maliban sa mga taong nag-alaga sa kanya na siyang nagligtas sa dalaga, kaya napadpad sa pamilyang maglalapit sa kanyang nakaraan. Paano kung ikaw na lang ang nakaka-alala ng mga naganap noon at pangakong binitawan, sa pagitan ng batang ikaw at binatilyong tinatanaw mo na lang ngayon bilang isa sa iyong mga Amo?Hanggang kailan mo kayang panghawakan ang pag-ibig na nagsimula sa unang pagkikita na nauwi sa isang pangako na dinala mo buong buhay mo?Hanggang saan ang kaya mong ibigay para sa lalaking ang baba ng tingin sa’yo?May pag-asa nga ba na may sumibol na pagmamahal sa pagitan ng Amo at katulong?Nakakalimot nga ba ang isip pero hindi ang puso?Alamin sa kwento ni Eavan at Leslie. Will they find happiness together? Or mauuwi sa malungkot na pagtatapos ang sinimulan na pag-iintindihan?

chap-preview
Free preview
Walang Kupas_ SIMULA‼️
❌⚠️PAALALA : Ang kwentong ito kathang isip lamang. Kung ang ibang scene ay nangyayari sa totoong buhay ginagarantsa ko po na wala akong pinaghanguan ng kwento ito. Kung sakaling may mga salitang hindi angkop na inyong mabasa na taliwas sa inyong paniniwala maging nais ay wag na lang pilitin na ituloy basahin. Maraming salamat po sa mga nakakaunawa. SIMULA MULA sa bakuran ng bahay ampunan ay bumiyahe ang ilang mga Madre at Volunteers papunta sa isang liblib na baryo na sakop pa rin naman ng municipality at district 12 ng probinsya ng Davao (imbento ko lang po). Pagdating nila sa lugar ay bumaba ang mga ito dahil hindi na kakayanin ng sasakyan na tumawid ng ilog. Kailangan nilang tawirin ang ilong para mapuntahan ang mga batang inabandona na ng kanilang mga magulang. Sa ulat na nakalap ng mga Madre Superiora na siyang namamahala sa bahay ampunan ng San Vicente, ay may tatlong bata ang kanilang kakaunin sa lugar para sa ampunan na muna manirahan, hanggang makahanap na ang mag ito ng pamilya na kukupkop sa kanila. Ngunit ng akmang tatawid nasa ang mga Madre at Volunteers sa ilog ay siyang ragasa naman ng malaking tubig, kaya napaurong ang mga ito. At planong pagtawid ay hindi na lang muna nila itutuloy. Pero sandaling minuto lang naman ang lumipas ay bumaba na rin ang tubig at mawala na rin ang malaking agos hanggang naging kalmado n muli ang mababa na ilog. “Flora bata iyon hindi ba? Mukhang na anod ng tubig, tulungan natin baka buhay pa.” Aligagang tanong at suhestiyon ni Arlene kay Flora na kapwa niya Volunteer sa ampunan. Sila ang mga babaeng iniwan ang mga madilim na nakaraan at pinili na mag serbisyo ng libre sa ampunan kapalit ang tahanan na masisilungan at pagkain na kailangan sa araw-araw. Dali-daling tumawag ng ibang mga kasama si Flora para humingi ng tulong. Agad naman na tumulong ang iba kaya nakuha nila ang isang batang lalaki na tila dehydrated na at may malaking sugat sa ulo, na mukhang ilang araw ng iniinda ng musmos. Si Englong ang matapang na lumusong para sagipin ang bata. “Mother Rosemarie tingin ko po ay kailangan madala ang bata sa hospital.” Halos tumakbo na si Englong habang buhat ang bata ng makita ang pinsala na meron ito. “Diyos ko! Anong nangyari sa kanya? Kung tingin mo Englong malala ang bata ay dalhin na nga natin sa hospital.” Napa-antanda pa ang Madre ng sabihin iyon. Lahat sila ay mabilis na sumakay sa Van na kanilang serbis. Mula sa lugar na kanilang pinanggalingan ay isang oras pa ang kanilang bubunuin para marating ang hospital. Nang marating na nila ang hospital ay wala pa ring malay ang bata. Agad na nilapatan ng lunas ang mga sugat at na pinsalang bahagi ng katawan ng batang lalaki. Maraming mga test ang ginawa sa batang lalaki at doon nakita na may namuong dugo sa sa left part ng utak ng bata. Maigi na lang at ang tauhan at bata sa ampunan ay libre sa kahit saan na mga pagamutan sa Davao. Nanatili ang batang lalaki sa hospital ng ilang araw. Nang magising ito ay walang maalala na kahit ano, kaya ng i-discharge na ito ay sa ampunan muna na malagi. Dahil sa walang maibigay na edad at pangalan ay in-assume ng Madre Superiora mg ampunan na nasa limang na taong gulang palang ang batang lalaki. Lumipas ang halos walong buwan bago may nahanap na poster parent ang batang si Eavan. Nanatiling malilimutin si Eavan, kahit na patuloy itong pina-gagamot ng kanyang mga poster parents. Sa Davo napili ni Earram at Vanno kumuha ng batang aampunin ng sa ganun ay walang maging problema na kung ano dahil sa maynila nila ito palalakihin. Ang pinsan naman ni Vanno na Zionna ay sasama dapat. Halos ilang taon na kasi itong nangungulila sa anak na nawawala. Itinigil na ni Haidus ang paghahanap kuno pero palabas lang ito ng lalaki. Dahil sa hindi gumagaling si Eavan ay pinili ni Earram na dalhin ito sa ibang bansa. Nanirahan muna sila doon ng halos apat na taon para ipagamot si Eavan ngunit ganun pa rin naman ang sitwasyon ng bata. Wala pa rin ni isa sa pamilya ni Vanno at Earram ang nakakakilala sa kanilang batang inampon. Pinili ng mag asawa na Ullenco na ilihim ang totoo. Sa una ay tutol si Vanno pero napapayag din ni Earram. Nang nag-desisyon ng umuwi ang si Vanno at Earram ay nasa sampung taong gulang na si Eavan base sa taon na alam nila at pinagawang birth certificate. Ibang iba ang itsura ng bata. Malayo na sa dating imahe nito dahil hawig na ito kay Vanno. Naging maganda ang pagtanggap ng mga kamag anak ni Vanno at Earram kay Eavan liban sa anak ni Haidus at Zionna na tila kalaban ang tingin kay Eavan. Sa bawat araw na dumaan laging nagbabangayan ang dalawa. Malayo man ang agwat ng dalawa ay talagang magkakumpetensya sila sa lahat ng bagay. ************************** LUMIPAS pa ang ilang mga taon ay naging normal na kay Eavan ang basta makalimot. Naging ugali ng binatilyong si Eavan ang sulitin lahat ng magagandang pangyayari. Katwiran niya makalimot man siya at least na sulit niya ang lahat. Ngayong taon naging sunod-sunod ang bagyo. Naging panata na ni Earram at Vanno ang tumulong sa mga karatig na lalawigan na mga nasalanta ng super typhoon Chedeng. Kaya naman ngayon ay bumabyahe na sila papunta ng Lobo Batangas. Naging matagal ang biyahe dahil mahirap ang daan dahil ilan doon ay single way palang ang madadaanan. Samantala sa isang barong-barong naman ay may nag-uusap na mag Ina. Isa sila sa malalang na pinsala ng bagyo at halos mawasak ang kalahati ng kanilang barong barong. “Leslie, anak patawarin mo kami ng ni Tatang kung hindi ka namin mapag-aral lalo na ang tulungan ka na mahanap ang tunay mong mga magulang. Patawad kung mahirap na buhay lang ang binigay namin sa’yo. Pero tandaan mo mahal na mahal ka namin anak. Salat man tayo sa lahat ng bagay marami naman ang pagmamahal na laan namin para sa’yo.” Lumbay na sa sabi si Mering sa batang si Leslie. Sakitin na si Mering dala na rin ng edad nito. Gustuhin man nilang pag-aralin si Leslie ay wala naman silang magawa dahil salat na salat sila sa pera lalo na’t wala namang natapos ang mag asawa. “Nanang masaya naman po ako sa inyo. Kayo po ni Tatang Pondo ang magulang ko. Magpagaling po kayo Nanang ha. Mamaya po aalis ako para pumunta sa court dahil may namimigay daw po ng pagkain at grocery. Sana naman po Nanang wag ng maulit ang bagyo. Sana rin po makakuha si Tatang ng nga kawayan para maayos na ang ating kubo. Pahinga ka lang muna Nanang babantayan kita at pag-nakatulog ka na ay aalis na po muna ako.” Magaling na tugon ni Leslie sa ang asawa. Kulang man sa lahat ng bagay ang pamumuhay nila ni minsan hindi umalma si Leslie dahil positibo ito palagi. Ang alam ng buong baryo ay edad siyam na taon si Leslie ngunit ang totoo ay nasa edad labing isa na ito. Binago lahat ni Pondo at Mering ang katauhan ng batang napulot nila sa terminal sa cubao. Hindi naman nagtagal ay nakatulog na si Mering. Mula kaninang umaga wala pa silang kain na mag anak. Akmang tatayo palang si Leslie ng dumating si Pondo at may dalang mga pagkain at grocery. “Anak may pagkain na. Sa wakas ay hindi muna tayo kakain ng balinghoy.” Dahil sa tuwa na nakikita ni Leslie sa ama ay napangiti na rin ito. “Nakakuha na po kayo Tatang. Pipila po muna ako bago kumain—!” “Naku kumain ka muna. Wala pa sila doon sa court. Nabalahaw lang ang kotse na sinasakyan ng sponsor, kaya tinulungan ko. Hindi ko naman inakala na sila iyon. Heto oh dalawa ang binigay sa akin.” Bakas ang saya at paghanga ni Pondo sa mga taong tinulungan. Hindi pumayag si Pondo na aalis si Leslie na walang kain. Maging si Mering ay ginising nito at pinakain. Matapos kumain ay sabay ng umalis si Leslie at Pondo. Nagmamadali si Leslie papunta sa court dahil takot ang bata na mausbusan ng grocery. Ang isang grocery kasi ay aabot na ng tatlong araw sa kanilang pamilya. Talagang malaking alwan sa kanila kung makakahuna pa ang bata ng isang grocery. Sa dami ng tao ay hindi maiwasan ang magtulakan. Dahil sa maliit si Leslie ay natulak ito palayo at nadapa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
186.0K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
82.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
141.5K
bc

His Obsession

read
92.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook