Pangako‼️

2317 Words
NAGPATULOY ang magandang kwentuhan ni Eavan at Leslie. Para bang matagal na ang dalawa na magkakilala. Malayo man ang agwat sa buhay at edad ng dalawa ay parang nakahanap sila ng bagong kaibigan sa katauhan ng isa’t isa. Imbis na mamasyal ang dalawa ay pinili nilang maupo sa ilalim ng malaking puno ng talisay. May mga dinala na pagkain si Eavan sa ilalim ng puno na kanilang kinakain, habang tuloy sila sa mga random na kwento ng buhay. “Leslie ilang taon ka na?” Tanong ni Eavan sa batang babae na ngumiti muna. “Oo nga po pala Kuya wala tayong alam sa kung ilang taon na tayo. 9 years old po ako pero next month ay mag 10 na rin po. Ikaw Kuya ilang taon ka na?” Magiliw na tugon no Leslie habang may hawak na chips. Sa una ayaw pa nitong kumuha sa mga pagkain na hinatag ni Eavan. “Kuya mo nga talaga ako. 16 years old na ako last month pa. I'm way older than you, pero mas matured ka na at mas alam mo rin paano makibagay sa hamon ng buhay. I think malayo ang mararating mo Les.” Sagot naman ni Eavan ka Leslie na nakatanaw sa kawalan. “Sana nga po Kuya. Pangarap ko na gumanda ang buhay namin. Pero dahil bata pa ako, alam ko na kung sakaling mangyari man ‘yun ay wala na rin si Tatang at Nanang ko. Pero sabi nila gawin ko ang mabuti at aking pangarap. Wag daw lang po akong mangarap bagkus kunin at pagsikapan ko iyong abutin. Wala man na raw po sila sa aking tabi, masaya naman daw nila na ipagdiriwang ang aking tagumpay. Hindi naman daw sila Kuya tuluyang nawala sa akin. Tanging pisikal lang na presensya. Sana nga po ay malak na ako para makapagtrabaho na ako ng maranasan nilang gumanda na ang buhay.” Puno ng pag-asam na sabi ni Leslie. Hindi naman magawang kumurap ni Eavan habang nagsasalita ang batang babae. Sa isip ng binatilyo mas marami siyang napulot na aral sa batang babae kaysa sa mga kaedaran at kaklase niya. Nasa katangian ni Leslie ang tunay na uunlad sa buhay, dahil bukas ito sa tunay na reyalidad ng buhay sa positibong pananaw. “Darating din ‘yan sa tamang oras. Pero habang wala pa. Pipilitin ko na balikan ka dito at tulungan kayo ng magulang mo sa tulong syempre ng parents ko.” Ganting sagot naman ni Eavan na ngayon ay nasa kawalan na rin ang tingin. Si Leslie naman ang tumitig sa kanya. Wala namang sinagot si Leslie kay Eavan, pero sa paraan ng tingin ng batang babae para bang minememorya niya ang bawat sulok, guhit, nunal at kanto ng mukha ni Eavan. Nanatili silang ganun hanggang sa magkahulihan ng tingin. Mula sa seryosong pag-uusap ay nauwi sila sa katuwaan. Napuno ng tawa paligid nila kahit sila lang naman ang nagkasama. “Tandaan mo lagi Leslie ako si Eavan Ullenco. Lagi mong tatandaan ha! Ako kasi hindi ko maipapangako na lagi kong maaalala na ikaw si Leslie Dela Rea na nakilala ko at maraming itunuro sa akin kahit musmos palang.” Biglang seryoso muling sabi ni Eavan sa pagitan ng kasiyahan nila. Matapos masabi ni Eavan ang mga ‘yun ay tumayo na ito, dahil pasado alas kwatro na rin ng hapon. Pinaw na rin ang mga tao sa court pero marami pa ang mga food packs. “Ha? Bakit Kuya? Makakalimutin ka na ba?”Naguguluhan na tanong ni Leslie. “O-oo e, kahit ayaw ko kusang nawawala sa isip ko ang mga alaala.” Parang balewala na sagot naman ni Eavan kay Leslie. Hindi tuloy nagawang seryosohin iyon ng batang babae. Nang humakbang si Eavan pa-abante ay sumunod na si Leslie. Bitbit ng huli ang mga tira nilang pagkain. Lihim na napangit pa nga si Eavan dahil natutuwa ang huli sa pagiging masinop ni Leslie. Halos isang dipa na lang bago sila makalapit sa mga magulang ni Eavan ng biglang nag-alangan si Leslie, kaya inakay na ito ni Eavan. Hindi naman nagtagal ay sama-sama silang apat kasama ang ilang tanod bilang gabay ay pumunta na sila sa bahay ni na Mering at Pondo. Wala mang imik si Leslie pero halatang masayang masaya ito. Maraming pagkain ang dala nila pauwi na talagang matagal na nilang magiging konsumo. Tanggihan man kasi ng bata ang mga ito ay pinipilit naman ng mag asawang Ullenco. Kahit ang kapitan ay sinabing tanggapin na ng bata dahil higit silang nangangailangan. Sa bandang dulo o boundary ng nayon matatagpuan ang barong barong kung saan nakatira ang mag anak na Dela Rea. Halos excited na bumaba ng kotse si Leslie ng makitang buo na ang bahay nila. Nagawa na ng Tatang Pondo niya ang sirang parte na pinadpad ng malakas na hangin ng kasagsagan ng bagyo. “Sir, Ma’am at Kuya dito po kami nakatira. Welcome po sa aming munting bahay. Salamat po mga Kuyang tanod sa pag-alalay sa kanila.” Halos konti na lang ay palubog na ang araw ngunit positibo at puno pa rin ng magandang aura ang batang si Leslie. Nakakadala ang mga ngiti niya kaya naman nangiti rin ang lahat. “Leslie, anak ikaw na ba ‘yan?”Napalingon si Leslie sa gawi ng kanilang bahay ng marinig ang boses ng kanyang Nanang. “Opo Nanang. May bisita rin po tayo. Halina po kayo sa loob may mga upuan naman po kami.” Tugon ni Leslie sa Nanang niya at yaya na rin sa mga kasama. Barong barong man sa labas kung titignan, ngunit malinis at tunay na tahanan ang makikita sa loob. “Tatang na paano po kayo?” Alalang sabi at lapit ni Leslie sa Amang si Pondo. “Wala ito. Medyo na pagod lang ako.” Magiliw at tila pinasigla ni Pondo ang pagkakasabi noon kay Leslie. Ngunit ng makitang may mga kasama ang anak ay bumangon ito. “Ma’am/ Sir kayo po pala magandang hapon po.” Magalang na bati ni Pondo sa mga bisita. “Kaya pala ang buti-buti na bata ni Leslie, dahil kayo ang magulang. May mga dala po kami para sa inyo sana'y makatulong.” Tugon naman ni Earram kay Pondo. Sandaling nag-usap pa ang mga ito. Ngunit ng halos kumagat na ang dilim ay tumayo na ang mga ito para magpaalam. Ngunit bago tuluyang lumabas ng tahanan ay nag-abot ng konting salapi si Vanno kay Pondo na dinagdagan naman ni Earram. “Sobra sobrang tulong na po ito. Pero tatanggapin ko po dahil kailangan na kailangan namin lalo na sa gamot ng aking asawa.” Tila nahihiyang sabi ni Pondo. “Wala kang dapat ikahiya Tay Pondo. Ang taong matuwid at tapat sa kapwa ay tunay na nakalulugod tulungan. Sana’y muling magtagpo ang ating mga landas.” Puno ng sinceridad na sabi ni Vanno na agad namang tinugon ng ngiti ni Pondo. Hinatid ni Pondo ang mag asawa sa labas. Kanina ng makainom ng gamot si Mering ay nakatulog ito agad. Si Eavan at Leslie naman ay sa labas tumambay. Naabutan pa ng tatlo na tila nangangako si Eavan kay Leslie. “Darating ako sa kaarawan mo Leslie. Dadalhin ko ang regalo ko ang pangako ko na manika para sa’yo.” Puno ng katapatan na pangako ni Eavan kay Leslie. “K-kahit walang manika Kuya, basta dumating ka. Magpa-pancit kami ni Nanang at Tatang. Excited na po ako dahil iyon ang magiging unang kaarawan ko na may bisita kami. Salamat sa pagdating ninyo ngayong araw sa buhay namin.” Tugon naman ni Leslie sa sa sinabi ni Eavan. Sandaling nagyakapan pa ang dalawa tsaka lumapit ang mga magulang ni Eavan at niyaya na ang huli para umalis. Tinanawan ni Pondo at Leslie ang palayong mga bulto ng mga tao. Nang sumakay na ang mga ito sa sasakyan ay nagsalita si Pondo. “Pangarap ko na kung mawala kami ng Nanang mo, may tulad sana nila na handang kumupkop sa’yo. Hindi kami natatakot mamatay Leslie. Higit na natatakot kami na iwan ka na hindi pa kayang lumaban sa mga taong nais manakit at mang abuso sa’yo. Mahal na mahal ka namin anak.” Dahil sa sinabi ni Pondo napaluha ang batang si Leslie sabay yakap sa payat at puno na ng kulubot na si Pondo. “Pangako po Tatang, magiging matatag ako. Hindi ko hahayaan na maging alalahanin niyo ako habang buhay. Pero sana wag niyo po muna akong iiwan ng mag isa.” Puno ng tapang ma sabi ni Leslie pero dama naman ni Pondo ang lubay ng batang minahal nilang mag asawa higit pa sa kanilang buhay. “Babalik sila sa kaarawan mo. Dapat mag handa tayo. Nasabi mo ba na setyembre nueve ang iyong kaarawan?” Biglang binago ni Pondo ang topic, tila naligalig naman si Leslie dahil hindi sigurado ng bata na nasabi niya kay Eavan ang araw ng kanyang kaarawan. “Tang hahabulin ko lang. Hindi ko po kasi sigurado kung nabanggit ko ang araw ng aking birthday.” Aligagang sabi ni Leslie sabay takbo. “Sige anak, pero mag ingat ka at umuwi rin agad.” Hiyaw naman ni Pondo sa batang babae. Mabilis na tumakbo si Leslie ngunit malayo na ang kotse ni na Eavan. Nang huminto at mapayuko si Leslie ay ramdam na ramdam ng bata ang lungkot. Naiiyak na ito ng biglang may humawak sa kanyang ulo. “Bakit ka naman tumatakbo?” Tanong ni Eavan. Napansin kasi ni Vanno ang ginawang paghabol ni Leslie sa kanila kaya naman huminto sila agad. Habol din ni Eavan ang hininga dahil tumakbo rin ito pabalik sa bata. “K-kuya, akala ko ay hindi ko na masasabi na September 9 po ang birthday ko.” Mangiyak-ngiyak na sabi ni Leslie. Tumawa naman si Eavan dahil sa dahilan ng batang babae. “Alam ko na September 9 ang birthday mo. Naitanong ko na kanina sa’yo. Hindi ko talaga kinalimutan at sinulat ko pa sa notebook ko. Delikado na rin Leslie dahil magdidilim na. Sabay na tayong umalis sa pwesto natin. Tandaan mo darating ako.” Masayang tumango si Leslie kay Eavan sabay silang tumalikod at lumakad palayo. Hindi alam ni Leslie napa-baliktad lumakad si Eavan kaya kitang kita nito ang kanyang bawat masasayang hakbang. ********************** MATAPOS ang araw na ‘yun ay wala ng naging balita si Leslie tungkol kay Eavan. Dumaan ang kaarawan ni Leslie pero walang Eavan na dumating. Nalungkot si Leslie ngunit hindi nagdamdam ng labis. Nauunawaan niya na baka may nga ginawa ang magulang ni Eavan. Ngunit ng lumipas ang sumunod na taon ay walang Eavan pa rin na lumitaw. Hindi man magsalita si Leslie dama ni Pondo at Mering na naghihintay pa rin ito sa pagbabalik ng espesyal na kaibigan. Isang gabi makalipas ang kaarawan ni Leslie, hindi sukat akalain ni mag asawang Pondo at Mering na may darating na mga taong aramado at hahanapin si Leslie sa kanila. Mabuti na lang at nagawang magtago ni Leslie sa tulong ni Pondo. Nang gabi ring iyon naging ulila ng tuluyan si Leslie. Isang araw matapos mapaslang ang mag asawa ay natagpuan ng mga tanod kasama ang kapitan ng nayon si Leslie sa loob ng lagayan ng tangke ng kalan. Tulala at takot na takot ang bata. Isang linggo na ibinurol ang mag asawa. Sa loob ng isang linggo tahimik na umiiyak si Leslie. Matapos ang libing ni Pondo at Mering ay nawalang parang bula mula sa nayon ang batang si Leslie. KASALUKUYAN “Hoy badang! Tulala ka na naman. Nako kapag nakita ka ni Tsang Anching pihadong latay ka na naman. Wag mong sabihin na naaalala mo na naman ang mga magulang mo at si Eavan? Nakuu…Promises are meant to be broken Badang. Kung babalikan at hahanapin ka niya e’di sana noon pa. E’di sana wala ka sa apat na sulok na bodegang ito. Ewan ko ba sa’yo! Kung pumirme ka na lang noon sa Batangas wala ka sana sa impyerno na lugar na ito.” Taratitat na sabi ni Kentoy sa habang tila unti-unti palang natitinag ang babaeng kinausap. Hindi nagtagal mula sa pagkakatulala ng dalagita sa kawalan ay natauhan ito. Sa tuwing nasasaktan at nakakatukin ng bugbog si Leslie ay naaalala niya ang kanyang nakaraan. Mahirap man pero masaya sila. Nang sipatin ni Leslie ang mga latay niya sa kanyang katawan ay napatawa ito. “Tang, Nang sabi ko magiging matatag ako pero ilang taon akong nasa impyerno na ito, iniinda ko pa rin po ang sakit.” Bulong ni Leslie sa kanyang isip. Ito ang napala ni Leslie ng iwan ang Lobo Batangas matapos ilibing ang kanyang mga kinilala na mga magulang. Sa daan ay nauto at nadakip siya ng grupo ni Tsang Anching kung tawagin. Repacker sila ng mga kutkutin pero walang sahod, tanging karampot pagkain lang ang upa at tahanan na kapiling ang mga daga. “Badang wag ka na kasing pupuslit ulit para hindi ka na ma bugbog. Baka sa susunod ay patayin ka na nila.” Mula sa kaninang hyper na bunganga ni Kentoy na isang bading na siyang naging matalik na kaibigan ni Leslie ay naging mahinahon at nakikiusap ito sa dalagita. “N-nagbabakasakali lang naman ako na makita ko si Eavan. Pihadong tutulungan nila tayo.” Wala sa loob na sabi ni Leslie kay Kentoy. Ang huli naman ay agad na niyakap si Leslie. “Tama na. Wag kang umasa sa iba. Sarili lang natin ang dapat nating asahan. Tutulungan kitang makaalis Badang. Pero wag muna ngayon—!” “Pûtàng inà naman! Bakit ba mga nakahinto kayo? Balik sa trabaho.” Mabilis na kumalas si Kentoy at Leslie. Para kumilos dahil kilala na nila si Tsang Anching walang awa ito kung humagupit. Habang patuloy na nagre-repack si Leslie naisip niyang huminto na sa pag-asang sisiputin pa siya ni Eavan. September 9 kasi ngayon at halos limang taon na ang nakalipas mula ng magkakilala sila ni Eavan. Limang taon ng naghihintay si Leslie sa pagbabalik ni Eavan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD