DAHIL sa may bagong pag-asa si Leslie na makaalis sa lugar, ay pinili ng dalaga na sipagan at tulungan ang ibang mga bata na kasama nila. Hindi makasarili si Leslie, sa isip ng dalaga sa oras na makaalis siya sa lugar, hahanap ito ng tulong para ma rescue ang iba. Wala ni isa sa mga batang naroon ang deserve manirahan o makulong sa pangangalaga ng mga taong tanging sariling kapakanan at kinabukasan lang ang tanging pinahahalagahan.
Dahil maganda na ang pinapakita ni Lelsie na trabaho ay muling bumait si Tsang Anching sa kanya. Dahil isa rin si Leslie sa may edad katulad ni Kentoy ay ginawa ni Anching ang dalawa na taga-tur0 at taga-bantay sa ibang mga bata lalo na sa nga bago. Natutuwa naman si Kentoy dahil may saya na naman sa mukha ni Leslie. Naging magaan ang bawat araw na lumipas sa kanila sa loob ng abandonadong building. Hindi na rin madamot si Anching kay Leslie sa pagkain at ibang pangangailangan ng dalaga.
“Ituloy mo lang ‘yan Leslie at hindi ka maghihirap ulit sa puder ko. Bilang Ate at Kuya kayo dito ni Kentoy ay tiwala na ako sa inyo. Wag niyo lang sanang sisirain. Dahil ihahatid ko kayo sa impyerno. Oh, Hayan kumain kayo. Tira namin ‘yan kanina pero malinis.” Mula sa pag-iimis ng packing area ay natigilan si Kentoy at Leslie ng pumasok si Anching dala ang supot ng pagkain at speech nito.
Tira-tira daw ang pagkain sabi ni Anching pero halatang hindi nagalaw. Lalong ginanahan si Leslie na mag sipag at makibagay, hindi dahil sa pagkain kundi dahil sa tiwalang nakukuha na niya sa taong ubod ng lupit sa kanya noon. Mas magiging maganda at madali ang lahat sa kanya sa mga susunod na buwan.
Nang umalis naman na si Anching ay tsaka nagmamadaling lumapit si Kentoy kay Leslie.
“Badang….Oh ‘di’ba tama ako. ‘di’ba? Tuloy-tuloy mo lang Badang. Soon mas lalong luluwag pa siya sa ating lalo dito. Magiging madali na ang lahat at magiging hayahan na tayo. Pero later na natin kainin ‘yan ha. Bilisan na lang muna natin dito tapos bigyan na rin natin si Kuringgit ng pagkain may lagnat pa naman ‘yun.” Baklang bakla na sabi ni Kentoy kay Leslie. Natawa naman ang huli, dahil ang laki ng katawan ni Kentoy pero pamintang paminta. Mas matanda ito kay Leslie ng apat na taon at halos kalahati ng buhay lalaki ay doon na ginugol sa loob ng ng packing area.
Hindi na nagawa na tumugon ni Leslie sa sinabi ng kaibigan na si Kentoy, dahil mas ninanamnam na ng babae ang sayang kanyang nararamdaman. Positibo itong makakalaya siya/sila sa lugar na ito.
Nang malinis na nila ang packing area ay lumabas na sila sa silid at tumungo sa silid ng mga mas bata. Nakabukod kasi si Kentoy, Leslie at ibang mas malaking mga bata.
Hinatain nila ang ilang mga bata ng pagkain. Hanggang sa hindi nila na pansin na kapiraso na lang ang natira. Nagkatinginan na lang ang dalawa at natawa.
“Sa’yo na lang ito Badang. Malaki naman na ang katawan ko.”
“Hati pa rin tayo Entoy.”
“Sige na nga!”
Pinaghatian ni Kentoy at Leslie ang konting natira na manok tsaka pumunta sa kanilang silid. Gaya ng laging ginagawa ni Leslie ay tumanaw ito sa bintana.
“Kuya Eavan absuelto ka na. Hindi na ako maghihintay sa pagdating mo sa araw ng aking kaarawan.” Mahinang bulong ni Leslie. Lingid sa kaalaman ni Leslie ay titig na titig sa kanya si Kentoy.
Sa mga oras na ito malinaw na kay Kentoy ang kanyang nararamdaman. Mahalaga si Leslie higit pa sa kaibigan. Hindi naman tunay na bakla ang lalaki. Nakakaramdam ng attraction si Kentoy sa babae at lalaki.
“Tama ‘yan Badang kalimutan mo na siya. Nandito naman ako. Aalagaan kita at pipilitin kong laging nasa tabi mo sa araw ng kaarawan mo. Tutuparin ko rin ang nais mong lumaya lugar na ito.” Taimtim na sabi ni Kentoy habang titig na titig kay Leslie. Hindi naman nagtagal ay lumapit na ito kay Leslie at nakipag-harutan. Ganito ang naging routine nila bago kumain ng hapunan.
“Teka lang Entoy…..”
“Ang arte mo Badang ah.” Yakap ni Kentoy sa babae. Buong akala ni Kentoy ay kakawala si Leslie sa kanyang yakap pero ng humilig ang babae sa kanyang katawan labis na kasiyahan ang naramdaman ni Kentoy.
******************************
“Wait!!! Eavan naman!!!”
Mula ng araw na lumapit si Alona kay Eavan hindi na ito tumigil. Patuloy naman si Eavan na umiwas sa babae. Hindi kasi magawang tanggapin ni Eavan si Alona dahil wala siyang makapang atraksyon sa babae, kahit pang kama man lang. Nagpatuloy si Eavan na lumakad papunta sa parking lot pero todo sunod at habol pa rin ang babae.
“Eavan kahit maging kaibigan mo na lang ako.” Mahinang sabi muli ni Alona kay Eavan.
Nahinto naman ang lalaki dahil sa sinabi ng babae. Hindi naman humarap si Eavan pero naghihintay ito ng sasabihin pa ng babae.
“Sobra ba talagang ayaw mo sa akin?” Tanong muli ng babae kat Eavan.
“Kung pagbibigyan ba kita lulubayan mo na ako? Hindi ko kailangan ng kaibigan, ang gusto ko lang maging mag isa, mag aral at maglabas ng stress.” Walang buhay na sabi Eavan kay Alona.
“Nope! Hindi pa rin ako hihinto. Kahit may mangyari sa atin, still makikipag-kaibigan pa rin ako sa'yo.” Matatag at matapang na sabi ng ni Alona.
“Ganun ba! Sige payag na ako. Pero knows your limitations. As of now, hindi ko pa kailangan ng babae.” Walang emosyon na tugon ni Eavan sa babae, tsaka binuksan ang pintuan ng kotse at sumakay na. Hindi nagtagal ay umugong na ang makina ng kotse at umusad na rin.
Dala ng traffic inabot ng dilim si Eavan sa daan. Pagdating niya sa bahay nakita niya si Earram na malumbay. Tinitigan muna ni Eavan ang Ina bago nagdesisyon na lapitan ito.
“Good evening Mom!” Bati ni Eavan sa Ina sabay halik sa pisngi.
“Good evening Anak. How's your day? Kaya pa ba?” Alam ni Eavan na pinipilit lang kanyang Ina na pasiglahin ang boses nito.
May alam si Eavan noon pa man pero ayaw niya na malaman ng kanyang Ina. Hindi gusto ng binata na mahiya, mapahiya o magmukhang tanga ang kanyang Ina kaya pinili niyang magpanggap na walang alam sa kalbaryo nito.
“Kayang kaya Mommy. Konting konti na lang po at magiging doktor na rin ako. Mom, wait lang po muna magbibihis lang ako nanlalagkit na kasi ako.” Masigla at magiliw na tugon ni Eavan sa babae na naghatid ng ngiti rito.
“Okay sige, ipapatawag na lang kita kapag kakain na tayo ng dinner. Wala pa rin kasi ang Daddy mo kaya pahinga ka rin muna. Eavan thank you for staying kahit mahirap ang mag uwian mula sa university hanggang dito sa atin.” Tugon ni Earram kay Eavan. Tumango lang naman ang huli bago magsalita.
“Palagi kong pipiliin na manatili sa tabi mo Mommy hanggang kaya ko.” Malaman na sabi ni Eavan na ikagulat ni Earram. Hindi na nagawang magkomento ni Earram sa anak dahil tumalikod na ito at naglakad na papuntang hagdan.
Sa pagkakaalam naman ni Eavan ay matagal ng walang relasyon si Vanno sa kanyang batang bata na kalaguyo. Ilang taon din bago nalaman ni Eavan ang tungkol sa kataksilan ni Vanno kay Earram. Ang hindi lang nagawa ni Eavan ay ang alamin ang pagkakakilanlan ng babaeng sumira sa kanilang pamilya. Wala man ng namamagitan kay Vanno at sa babae nito, lagi pa rin namang malungkot si Earram, ibang iba na ang kanilang samahan. Tila ba may bakod ng nakaharang.
Pagpasok ni Eavan sa loob ng kanyang silid ay nagbihis na ito tsaka nahiga sa kanyang kama. Sa edad at estado ni Eavan kayang kaya na niyang bumukod ng bahay sa mga magulang niya, but he choose to live with his parents. Hindi niya kayang iwan ang kanyang Ina na lihim na lumalaban sa sakit na mahirap bigyan ng agarang lunas.
Siguro ganun talaga kapag sakit sa puso na dulot ng panloloko ng taong mahal, mahirap pag-hilumin.
Ilang minuto ng nakahiga si Eavan sa kama pero parang walang kahit anong tumatakbo sa utak ng huli. Laging dumadaan ang ganitong scenario at pagkakataon kay Eavan. Para bang hang at blangko lang ang lalaki.
“Ano bang kulang? Ano ba ang nawawala sa mga alaala ko? Bakit parang may napakalaking kulang at pagkakamali ako? Mahahanap ko ba talaga sa pagiging doktor ang sagot. Ang hirap ng ganitong pakiramdam.” Lito at gulong gulo na tanong ni Eavan. At dahil sa wala namang itong makuhang sagot ay nagpagulong gulong muna ang lalaki bago lumabas at bumaba para makipag-bonding sa kanyang Ina sa kusina.
Sa ganitong paraan na papa-ramdam ni Eavan ang pagmamahal at suporta sa Ina. Pagbaba ni Eavan sa sala ay dumiretso na ito sa kusina. Hand on pa rin hanggang ngayon si Earram sa paghahanda ng pagkain nila. Malambing na yumakap si Eavan sa kanyang Ina na ikinatuwa naman ng Ginang. Halos dalawampung minuto na silang nakakapag-hain ng hapunan nila sa dining table pero walang Vanno na dumating.
Masiglang inaya ni Eavan ang Ina na kumain. Pinilit din ng lalaki na damihan ang kain ng sa ganun ay ma-divert ang atensyon ng Ginang kay Eavan. Hindi pa man tapos kumain si Eavan at Earram ay dumating si Vanno na tila gulat na gulat pa. Mabilis itong humalik sa noo ng asawa tsaka naupo. Nagpaliwanag pa ito kat Earram. Hindi naman nagtagal ay tumayo na si Eavan. Gumawa na lang ng alibi si Eavan.
“Hindi mo ako magiging katulad!” Bulong ni Eavan ng tumapat kay Vanno. Napapiksi naman si Vanno dahil sinadyang ipinarinig ni Eavan ang kanyang sinabi sa Ama.
Imbis na pumunta sa silid niya si Eavan ay pinili ng huli na lumabas ng kanilang bahay. doon siya pumunta sa my clubhouse kung saan merong malaking puno ng Talisay. Paboritong spot iyon ng binata para bang sa pwesto na 'yun may napupunan na kung ano sa puso at isip ni Eavan.
"May alaala ba ako sa punong katulad mo na nakalimutan ko na? Bakit parang puno ng aral ang pamamalagi ko sa ilalim mo? Matutulungan mo ba akong alamin ang lahat?" Tila hibang si Eavan dahil pati ang puno ay kanya ng kinakausap.
Noon pa man ay ganito na si Eavan sa mga bagay o lugar na parang may kaugnayan sa kanya. Tumanaw sa tahimik na lugar ang binata, hindi naman nahusto sa pag-upo si Eavan at humiga pa talaga. May ilang bituin sa langit na tila mawawala rin agad. Nagbabadya ang malakas na hulan dahil sa malimig na simoy ng hangin. Dinama lang ito ni Eavan hanggang sa mapabalikwas ito.
"Kuya hihintayin kita sa aking birthday ha!"
"Sino ka ba? Nasaan ka?" Ligalig na tanong ni Eavan habang tagaktak ang pawis. Maya-Maya pa ay parang umiingot na ang paningin ni Eavan hanggang sa mawalan ito ng malay.