Ugnayan‼️

2404 Words
BIGLANG napatayo ang binatilyong si Eavan sa kanyang kinau-upuan ng may mapansing batang babae, na nakikipag-siksikan sa karamihan ng mga matatanda na kukuha ng grocery and food packs. Natural na matulungin si Eavan sa lahat pero parang walang nakikita na espesyal ang binatilyo sa lugar. Ngunit ng makita ni Eavan ang batang babae, tila nakuha nito ang atensyon niya, namumukod tangi kasi ang batang babae sa lahat ng tao doon dahil ang buong atensyon niya ay nakakuha nito ng walang kahirap hirap. Napangiti pa nga ang si Eavan dahil sa nakikita na pagiging pursigido ng batang babae. Nang makita ni Eavan na nai-tutulak na palayo ang batang babae ay agad na humakbang si Eavan papunta sa dulong bahagi dala ang dalawang food packs na kanyang kinuha sa mga nakasalanasan na mga food packs. Napansin naman ito ni Earram pero hindi niya sinaway ang anak, bagkus natuwa pa nga ang Ginang ng makitang may bagay o tao na nakakuha ng atensyon ng kanyang anak na si Eavan, na akala niya ay nag-pihikan na sa pakikibagay sa ibang tao. Si Eavan naman ay napahinto ng makitang paatras ng paatras na ang batang babae hanggang matumba na ito sa sahig. Sa normal na oras o pagkakataon ay tatakbo na dapat si Eavan para tulungan ang bata pero parang may hinahanap ang binatilyo kaya napako lang ito sa isang tabi at nakatingin lang kung anong gagawin ng batang babae. “Ouch!!! Mga Ate at Kuya wag naman po sanang manulak.” Daing ng batang si Leslie na mabilis muling tumayo at nakisiksik muli sa karamihan. Doon lang natauhan si Eavan at napailing. Hindi kasi sukat akalain ng binatilyo na may ganitong bata pala. Ibang iba kasi si Leslie sa mga nakikita at nakalasalamuha ni Eavan. Desidido talaga kasi si Leslie na sumiksik at makakuha ng food packs. Gayong puros matanda naman ang nakapili at natatangi ang batang babae na batang naroon. Hindi naman nagtagal ay muling napaalis sa dumog ng tao ang batang si Leslie. Doon nagsimulang humakbang si Eavan palapit sa gawi ng batang babae, batid ng binatilyo na masakit ang naging pagbagsak nito. “Bakit kayo ganyan? Pareho-pareho naman natin na kailangan kumain at mabuhay. Bakit nanakit kayo at tinataboy ako?” Ligid ang luha na sabi tanong ni Leslie sa mga tao. Pagka-di-gusto naman ang makikita sa mukha ng ibang tao kaya tila na pikon si Eavan. “Sana magulang mo ang pa pilahin mo! Kung sabagay ampon nga pala ni Mering at Pondo ‘yan. Mahina na nga pala ang mga kumupkop sa'yo. Tama ‘yan makipag-p*****n ka para sa pagkain ng may mapala sa’yo ang dalawang matandang ‘yun bago mamatay.” Asik ng babaeng siyang nagtulak kay Leslie kaya bumagsak sa simento. “Nakikilala talaga ang tao kahit sa simpleng food packs lang.” Singit ng binatilyo na si Eavan. Agad naman na tumaas ang kilay ng babaeng nagdadaldal. “Hoy Utoy wag kang makisali—” “Eavan, anak anong nangyari dito?” Natigalgal ang babaeng nanulak at sumita kay Eavan ng makita si Vanno na ama ng binatilyo. Imbis na sumagot si Eavan ay mas pinili nitong tulungan si Leslie na makatayo. Nakita ni Eavan ang ilang gasgas sa tuhod at hita ni Leslie. May mga dugo din ‘yun kaya lalo lang na galit ang binatilyo. “Dad, doon lang po muna kami sa kotse. Dad, please next time chose those people na bibigyan ng tulong. Imbis na bayanihan ito Dad, sila pa ang na nanakit sa kapwa nila na parehong may pangangailangan.” Tuwid at seryosong sabi ni Eavan sa Ama na agad nakuha ang ibig ipahiwatig ng huli. “Here's the key. May first aid kit doon, tulungan mo siya.” Tipid at seryosong sagot naman ni Vanno sa anak. Ang batang si Leslie naman ay panay ang paglipat-lipat ng tingin sa mag ama. Lalong naantig ang batang babae dahil mula pa sa mas nakakaangat na buhay ang nagtanggol sa kanya. Sa lugar na ito maraming mabait pero marami ding tulad ng babae wagas makapagsalita sa kapwa at nanakit pa nga. Palibhasa nga naman ay dayo lang si Mering at Pondo sa lugar. “Halika na! Tutulungan kita sa sugat mo.” Malumanay na sabi ni Eavan, halata naman sa mata ng batang Leslie ang pag-aalangan. “Bakit? Sumama ka sa akin walang mang aaway sa'yo doon.”Untag muli ni Eavan kay Leslie. “E k-kasi. K-kasi po Kuya k-kailangan ko pong makakuha ng food packs, para sa amin ni Nanang at Tatang. Malaki bagay po ‘yun para sa amin lalo na't matanda na sila.” Napayuko ang batang si Leslie matapos sabihin ang dahilan ng kanyang pag-aalinlangan. Ramdam na ramdam ng batang si Leslie ang panliliit habang nasa kanya na ang lahat ng tingin ng ibang nasa hulihan na pila. Salat man sa lahat ng bagay bukas at matured namam mag isip ang batang si Leslie. “Sabi ko nga ‘di’ba ako ang bahala sa’yo. Bibigyan kita kahit ilan ang gusto mo. Mahalaga malinisan natin ang mga sugat mo.” Tugon naman ni Eavan sa batang babae kaya agad itong na patunghay. Tila sa mga mata ng batang si Leslie inaarok niya kung totoo ba ang sinasabi ni Eavan. “Totoo ang sinasabi ko. Kaya halika na! Ilan ba ang gusto mo? Kahit sampu ay bibigyan kita.” Muling sabi ni Eavan sa kay Leslie habang may ngiti sa labi. Si Leslie naman ay umiling sa binatilyo. “Kung sampu po ang ibibigay niyo sa akin, kawawa naman po ang ibang mawawalan ng para sa kanila. Kanina po tumulong po si Tatang sa nabalahaw na kotse raw po ninyo, kaya nabigyan siya ng dalawa food packs. Labis na pong biyaya ‘yun sa amin. Kaya naman po sapat na ang makakuha ako ng isa pa para naman ligtas na kami sa gutom sa loob ng siyam na araw. Ang mahalaga ang ibang kanayon namin ay magkaroon din para mapunan ang gutom nila. Sabi nga po ni Nanang lahat ay may karapatan mabuhay at ang pagkain ang isa source para mataling malakas at buhay. Kalabisan man na kumuha pa po ako ng isa dahil na bigyan na ang Tatang pero kasali naman po kami sa bilang at iba naman po ang pila ko sa pagtulong niya.” Sa una ay alangan ang batang babae habang sinasabi iyon, pero kalaunan naging palagay na ito habang may kinang sa mga mata. Namamangha naman itong tinitigan ni Eavan. Sa isip ng binatilyo masyadong malawak ang pang unawa ng batang babae kahit pa nga may mga ilan sa mga kanayon nila ang sinasaktan o tinatatwa siya dahil sa mas mababang katayuan ng kanilang buhay. “Nabigyan na pala kayo! Pwe! Masyadong mga halatang patay gutom at dupang.” Galit na sabi ng babaeng tumulak at nanlibak sa batang si Leslie. “Alam mo, ang tanda mo na ang kitid pa rin ng pangunawa mo. Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Ilang taon ka na? Siya ilang taon lang ba? Pero mas matured at makatao pa sa’yo ang bata. Kahit bigyan namin siya ng sampu o isang truck wala kang pakialam. Ipapaalam ko ito sa kapitan ng nayon na ito. Sa oras na saktan o pagsalitaan niyo muli ang bata at mga magulang niya ng ganyan ay sasampahan ko kayo ng kaso. Sige na Eavan anak, dalhin mo na si—!” Nahinto ang seryoso ay may bahid na galit na pagsasalita ni Vanno ng hindi niya masabi ang pangalan ng batang babae. “L-leslie po.”Tugon naman ng batang babae na maiyak-iyak na muli. “Eavan dalhin mo na si Leslie sa kotse. Pakainin mo rin siya at tayo ang maghahatid sa kanya pauwi mamaya. Wag kang mag-alala hija dahil may maiuuwi ka sa inyo, nga lang maaari mo bang samahan muna si Eavan?Medyo nababagot kasi ang anak ko. Ipasyal mo siya sana sa magandang spot ng inyong nayon.” Sagot naman ni Vanno na may halong pakiusap sa bata, na agad din namang sumang-ayon. Naisip kasi ng batang babae na gumanti sa kabutihan ng mag Ama. Total ay pauwi na rin naman agad ang Tatang Pondo niya dahil binalikan lang ang ilang kawayan na napanguha. “Sige po. Salamat din po Sir.” Nakangiting tugon ni Leslie. Ang babaeng nasa pila naman ay hiyang hiya dahil pinagalitan na ito ng kapitan ng nayon. Inakay naman na ni Eavan si Leslie. Napalingon naman ang batang babae dahil umiiyak na ang babae kanina. “Sandali lang po Kuya Eavan, kakausapin ko lang po si Kapitan.”Pigil ni Leslie kay Eavan. Wala naman ng nagawa ang binatilyo na si Eavan dahil tumakbo na ng paika-ika si Leslie. Rinig na rinig ni Eavan at ng iba pa kung paano nakiusap si Leslie na wag ng bawalan na makakuha ang babae na si Estella ng food packs. Sa huli niyakap ng babae si Leslie. Hindi naman nagtagal ay lumapit na muli si Leslie kay Eavan na puno ng ngiti. Lalo lang naramdaman ni Eavan ang pagiging totoo at mabuting bata ni Leslie. Nagsimula sila na lumakad ang dalawa palabas ng court. Nang makita ni Leslie ang kotse na sinasabi ni Vanno ay natulala si Leslie. “K-kuya putik po ang tsinelas ko, baka po madumihan ko ang sasakyan niyo.” Alalang sabi ni Leslie kay Eavan sabay pakita ng tsinelas. Ganun din naman ang ginawa ni Eavan kaya sa huli ay tumawa sila ng sabay. Sa likod ng kotse sila pumuwesto. Hinandaan muna ng pagkain ni Eavan ang batang babae tsaka kinuha ang first aid kit. Inupo ni Eavan si Leslie dahil masyado itong maliit kumpara laki at tikas na ng katawan ni Eavan. “Kain ka na, linisan ko lang ang sugat mo.” Nagningning ang mga mata ni Leslie ng makita ang pamilyar na pagkain na sa telebisyon niya lang nakikita. “A-akin po talaga ito Kuya?” Gutom man at naglalaway ay nakuha pang klaruhin ni Leslie ang lahat sa kaharap. “Oo naman! Kain na.” Magiliw na tugon ni Eavan sa batang babae na tumitig lang sa pagkain kaya ganun din ang ginawa ng binatilyo. “K-kuya pwede bang iuwi ko na lang po itong pagkain. K-kasi ako bata pa, si Nanang at Tatang matanda na. Hindi pa sila nakakain sa ganito kahit minsan. Lagi nilang pinaparaya ang mga pagkain nila para sa akin. Pagkain na dapat para sa kanila naman dahil kasama ‘yun sa upa ng paninilbihan. Isang pagkain lang naman ito malayong malayo pa sa mga pagkain na tiniis nilang hindi kainin para sa akin.” Dahil sa narinig ni Eavan sa bata mas lalong nakuha nito ang atensyon niya, kasama ang respeto at pang unawa. “Kainin muna at bibigyan kita ng pampasalubong sa kanila.” Malumanay na sabi ni Eavan, na nagpagulat sa batang babae. “Sige na! Bayad ko iyan dahil aaray ka sa paglinis ko ng sugat mo.” Tatawa tawang sabi ni Eavan kay Leslie na tumango lang. Nang masimulang kumain si Leslie ay sinimulan na rin ni Eavan na linisan ang mga sugat ng batang babae. Napahanga muli ng batang si Leslie ang kaharap. Para kasing wala itong nararamdaman na sakit kahit panay ang dampi ni Eavan ng gamot sa sugat nito. “Hindi ba masakit?” Tanong ni Eavan sa batang babae. “Masakit po! Pero ayaw kong masira ‘yung pagnamnam ko sa pagkain. Ang sarap Kuya. Tiyak matutuwa ang Nanang at Tatang kung makakatikim din sila.” Buhay na buhay na sagot ni Leslie kay Eavan. Ang pagkakakilala ng dalawang ito ay tila pagbubukas lalo sa isip ni Eavan. Nakita ni Eavan ang saya ng buhay kahit na nasa pinakamahirap na sitwasyon. “Mag uwi ka mamaya. Lagi kabang nagkakasugat?” Sagot at tanong naman ni Eavan. “Opo. Kasi sumasama ako kay Tatang magtabas. Ayaw ko kasing mapagod siya at hikain, kaya tinutulungan ko siya.” Magiliw na sagot ni Leslie kay Eavan, na mas nagulat pa sa sinabi ng batang babae. “Kaya ka pala puro galos.” Mahinang tugon ni Eavan sa batang babae, na pumapapak pa ng manok. “Okay lang ‘yan Kuya. Hihilom din naman po ang mga sugat na ‘yan. Ang sugat lang po na mahirap paghilumin ay hindi sugat na galing sa matalim na mga bagay, kun’di galing sa bibig at matilim na pananalita. Iyon kasi Kuya tumatak at kung hindi lalabanan pagbabagsakin ka. Alam ko po Kuya n imposible naman na maging doktor ako, pero gusto ko pomg maging doktor sana, para lagi akong makatulong sa mga taong walang pambayad na katulad namin. Kasi gustuhin man naming ipagamot si Nanang wala kaming pera. Hahamakin pa kami ng iba at sasabihing hintayin na lang na mahinog sa banig o mamatay. Takot ako Kuyang mawala si Nanang ay Tatang sila lang kasi ang meron po ako sa buhay ko. Sila lang po kasi ang alam ko tungkol sa aking buhay.” Tila sa mga sinabing salita at kwento ni Leslie mas naramdaman ni Eavan ang kaugnayan sa batang babae. “Kung ganun, magiging doktor ako Leslie. Ako ang gagamot sa mga sugat mo at tutulong ako ng libre sa mga nangangailangan. Pangako ‘yan. Hayan, okay na ang sugat mo may mga band aid na rin.” Parang isang pangako ang binitawan ni Eavan sa batang babae. Parang nakalimutan din ni Eavan ang sakit na paulit-ulit niyang dinadaanan. Isa ito sa dahilan ng binatilyo kaya ayaw niyang makikipaglapit sa iba. “Talaga! Ikaw ang tutupad ng pangarap ko Kuya Eavan. Hanapin mo ako Kuya paglaki mo ha, o kaya pagnakilimutan mo akong hanapin tapos kaya ko naman hahanapin kita Kuya. Sana sa mga oras na ‘yun doktor ka na.” Excited at puno ng pag-asang sabi ni Leslie sa lalaki. “Panagko magiging Doktor ako. At kahit kailan hindi ako magsasawang gamutin ka ng libre. Magiging ako si Dr. Eavan Ullenco.” Seryoso pero puno ng ngiti na panagkoyni Eavan kay Leslie. “Naniniwala ako sa’yo Kuya Eavan.” Tugon naman ni Leslie kaya niyakap ito ni Eavan. Yakap na parang ayaw ng matapos ni Eavan ang mga sandaling iyon. Ngayon lang naranasan ni Eavan ang sobrang attachment sa isang tao bukod sa sarilinv mga magulang. “Salamat sa tiwala Leslie.” Bulong ni Eavan sa batang babae habang magkayakap pa rin sila. Dalangin ng binatilyo na wag sanang masama sa mga alalang mawawala ang alalang nabuo niya kasama ang batang si Leslie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD