Chapter 21

898 Words
Lorraine's POV Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko.Ramdam na ramdam ko ang init nun sa pisngi ko.Pagdilat ko ng mga mata ko ay bumungad sa akin ang pamilyar na kwarto.It was late for me to realize na nandito ako sa kwarto ko. Bumangon ako at umupo pero napahawak ako sa ulo ko nang makaramdam ako ng bahagyang pagkahilo.Nagulat nalang ako nang may humawak sa kamay ko na nakahawak sa ulo ko.Si Seije ang bumungad sa paningin ko nang mag-angat ako ng tingin. "S-Seije .." Ibinaba niya ang kamay ko habang yung isang kamay niya ay humawak sa pisngi ko,caressing my left cheek. Nakatitig lang ako sa kaniya habang ginagawa niya yun.Same as he,parang na-lock ang mga mata namin sa isa't isa.And as if we already understand each other sa mga tingin lang na iyon because he pulled me into his chest for a tight hug. Ganun lang,we stayed like that for a long time like we don't need language to bring up our emotions.It feels safe in his arms na ayaw ko nang bumitaw,gusto ko nalang siyang yakapin habang buhay. Naramdaman ko nalang na hinalikan niya ang noo ko.And then,he released me. "You want to eat?" Tinitigan niya ako sa mata pero umiling lang ako. "You slept for almost three days.Aren't you famished?" Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.Three days akong tulog?Napahawak nga ako sa tiyan ko at pinakiramdaman ito pero hindi ako nakakaramdam ng gutom. "Hindi ako nagugutom." Sagot ko. He sat at the edge of the bed tapos ay inihiga niya ako ulit at kinumutan. "You need to rest." Wala sa sariling napatango nalang ako. Akala ko tatayo na siya pero napako nalang ang tingin ko sa kaniya nang titigan niya ako ulit.Para kaming naghihintayan para sa isang bagay.And before I knew it,he leaned down and in less than a second,our lips met. I guess this is what I’m waiting for. Claire's POV "Tyler sabihin mo na kasi!" Sigaw ko sa kaniya.Sa totoo lang,nanggigigil na talaga ako sa lalaking 'to.Ngayon lang ako nahirapan sa kaniya. "Babe hindi talaga pwede." Matigas niyang sagot.Ano ba kasing meron?!Bakit ba ayaw pa rin nilang sabihin?! "Ehh!Sige na kasi please?" This time sinubukan ko ring magpacute.Nakakadiri man pero sana gumana.I’m really crossing my fingers. Pero bumagsak ang dalawang balikat ko nang umiling pa rin siya at mag-iwas ng tingin.This time nainis na ako,big time. “Ano ba kasing nangyayari?!Anong dapat naming malaman?” Sigaw ko sa kanila.Pare-pareho silang natahimik at alam kong wala pa rin silang balak sabihin sa akin yun. Nanlulumo akong napaupo ulit kasabay nang pagbabalik sa isip ko nung mga narinig ko. Flashback Nag-doorbell ako sa gate ng apartment na tinutuluyan nila Tyler.Kahit gabi na,pumunta pa rin ako dito para ihatid ang niluto kong special adobo.Gusto ko kasing matikman niya 'to e.Buti nalang at nadala na niya ako noon dito kaya naman alam ko na kung paano pumunta mag-isa.Gusto ko lang siyang i-surprise. Bumukas agad ang pinto at bumungad sa akin si Tyler. "Hello babe!" Bati ko sa kaniya.Mukhang nagulat pa siyang makita ako dito ngayon.Ang cute lang talaga ng babe ko!Yay! "Claire?Bakit nandito ka?Gabi na ah." Ngumiti ako atsaka pumasok sa loob.Nakita ko namang isinara na niya yung gate bago sumunod sa akin. "Pinagluto kita ng adobo eh." Tapos ipinakita ko sa kaniya yung dala kong tupperware.Bigla naman siyang ngumiti. "Tamang-tama di pa kami kumakain eh." Napakamot pa siya sa batok niya. Bigla namang lumabas si Drake mula sa isang kwarto. "Hoy Tyler! Bilsan mo--.Nandiyan ka pala Claire." Nagsmile siya sakin at nag-hi naman ako sa kanya.Nagkatinginan naman sila ni Tyler. "May ginagawa yata kayo?" Tanong ko sa kaniya.Tumango naman sila. "O sige tapusin niyo na kung ano man yun,ipaghahanda ko nalang kayo ng dinner sa kitchen." Pagvovolunteer ko.Marami naman yung niluto kong adobo e,kasya na rin yun sa kanila. "Sigurado ka?" tanong niya nang pumasok na ako sa kusina,sinundan niya pala ako.Tumango naman ako habang inilalapag yung tupperware sa table. Hindi ko na napansin yung pag-lean down niya sakin para halikan ako sa pisngi. "Alright then." After that ay lumabas na rin siya at naiwan akong namumula na parang kamatis ang mukha sa kusina. Mga ilang minuto muna ang nakalipas bago ako nakaget-over.Nabalik lang ako sa katinuan nang maalala kong ipaghahanda ko pa pala sila ng dinner. Inilagay ko sa dalawang bowl yung adobo na dala ko.Binuksan ko yung rice cooker at mukha namang kakaluto lang nila ng kanin.Sinet-up ko na yung dining table.Inayos ko na rin yung mga pinggan na gagamitin nila.Nag-eenjoy ako sa ginagawa ko kasi isa 'to sa mga madalas kong ini-imagine para sa future ko. Nang mai-ready ko na lahat,pumunta ako dun sa room kung saan ko sila nakitang pumasok kanina.Kakatok na sana ako at magsasalita pero natigil ako dahil sa narinig ko. "I think we should tell this to them already." Nakita kong nakabukas nang bahagya yung pinto kaya naman pinilit kong isiksik ang sarili ko doon nang hindi nila nahahalata.Alam kong mali ang mag-eavesdrop pero mas naging eager ako na makinig nang marinig ko ang susunod na sinabi nila. "No,hindi nila pwedeng malaman.Seven has Lorraine with him right now.Kapag nalaman pa nung tatlo,mas delikado na.Alam niyo namang siraulo ang gagong yun." Para naman akong nanigas sa kinatatayuan ko dahil sa mga sinabi nila.Lorraine’s with who?Seven?At delikado kapag nalaman pa namin ang ano?Ano bang sinasabi nila? **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD