Lorraine's POV
"Lumayo kayo sakin!" Nanginginig ang buong katawan ko sa takot.
Pagkatapos akong halikan at takutin ng lalaking yun kanina ay iniwan niya nalang ako basta.Iniwan niya ako kasama ang mga lalaking nakaupo sa madilim na parte ng silid.
At yung mga sumunod na nangyari ang mas nagdulot ng takot sa akin.Unti unti silang lumapit sa akin kaya tumakbo ako palayo.Paulit ulit,lalapit sila at tatakbo ako sa apat na sulok ng kwarto.
Nakakapagod umiyak,nakakapagod matakot.Pakiramdam ko nabibingi na ako dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko.Takot na takot akong mahawakan nila,takot na takot malapitan nila.
Maya maya pa biglang tumawa ang isa sa kanila. "You can't get away Lorraine Park.Malakas na bait ka para pumayag si Seije.Magdasal ka nalang na may pakialam siya sayo."
"A-Ano bang sinasabi mo?Anong bait?Ano bang kinalaman ko dito?!" Nafrufrustrate na ako dahil hindi ko sila naiintindihan.Kung si Seije ang kailangan nila bakit nila ako dinadamay?
Nagtawanan nanaman sila.Pero this time,lumapit yung lalaki sa akin at inangat ng marahas ang mukha ko sa pamamagitan nang paghawak sa baba ko.
"We are gangsters.And we want to drift with your beloved husband.Pero ayaw niyang pumayag dahil minamaliit niya ang kakayahan namin.Ngayon,tignan natin kung kaya pa niya kaming maliitin." And then he harshly released me.
Napaupo nalang ako at napayuko habang tumutulo ang luha mula sa mga mata ko.Gangsters.He's involved with this people.Ano ba ‘tong napasukan ko?Akala ko masungit lang siya,akala ko wala lang talaga siyang pakialam.Pero bakit naging ganito?Bakit nagiging pain ako para sa kaniya?Bakit ginagamit nila ako laban sa kaniya?
Kapag hindi siya dumating,kapag pinabayaan niya ako sa kamay ng mga taong ito,hinding hindi ko siya mapapatawad.
Lumipas ang ilang minuto at kumalma na rin ako.Umalis yung tatlong lalaki at iniwan ako mag-isa sa loob ng kwarto.Pero halos mapatalon ako sa gulat nang bumalik sila na may dalang wheelchair?!Nanlalaki ang mga mata ko silang tinignan.
Nagulat nalang ako nang itigil nila iyon sa harapan ko at sapilitan akong binuhat para iupo doon.Nang subukan kong kumawala ay may narinig akong tumunog kasabay ng paglapat ng isang malamig na bagay sa palapulsuhan ko.Panic rushed through my veins when I saw that my hands were locked on both sides of the wheelchair.
"Saan niyo ko dadalhin?!" Nagstart na akong magpanic nang itulak na nila palabas ng kwarto ang wheelchair.
Sinubukan kong maglikot para matigil sila pero isang sampal sa kaliwang pisngi na nagpadugo sa labi ko ang natanggap ko.Sapat na iyon upang matahimik ako.I silently cried and pray for Seije to come.
Seije,save me.
Lance’s POV
He’s a sick guy.Hindi ko maiwasang mag-alala para kay Aine lalo na’t ganung klaseng lalaki ang napakasalan niya.Kung hindi ko sana siya binigyan ng space para pag-isipan pa yung engagement namin,siguro ay hindi nangyari iyon sa kaniya.
Wala sana siya sa bar ng gabing yun.I was so useless because I let her waste her life that night.Pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit ganito ang nangyayari sa kaniya ngayon.
Lorraine is my bestfriend at mahal na mahal ko siya hindi lang bilang kaibigan.I love her so much pero hindi ko iyon inamin sa kaniya.Kaya malaki ang pagsisisi ko ngayon dahil ibang lalaki na ang nagmamay-ari sa kaniya.
But it doesn’t mean that I lost all my care about her dahil mas lalo pa ngang tumindi ang nararamdaman ko para sa kaniya nang malaman ko ang nangyayari sa kanila ng asawa niya.I know her so well at kahit hindi niya sabihin ay alam kong nahihirapan siya sa setup niya ngayon.
I badly want to take her away from that guy pero ayokong manghimasok.Maybe I’ll just wait for the right time to come and save her.
“Lance ano bang nangyari sayo?Ngayon ka lang nagkaganiyan.Kanino ka nakipagsuntukan?” My manager asked.Umupo ito sa tabi ko at nilapatan ng bulak ang labi kong pumutok dahil sa pagkakasuntok ng Seije na iyon.
“Don’t worry,I’m fine.” Kinuha ko ang bulak sa kamay niya at ako na ang gumamot sa sarili ko.
It made her sigh. “Paano na yan?May pictorial ka bukas.”
“I believe I can still do it.Labi lang ang damaged sa akin Yzza,it’s not my whole face.”
She crossed her arms over her chest at sumandal sa couch na inuupuan namin. “Ngayon palang kasi nangyari yan sayo Lance.I can’t help but worry para sayo at hindi lang para sa kalalabasan ng photoshoots mo.Concern din naman ako sayo.”
“Aine’s husband did this.” Sagot ko nalang.I don’t know but I feel guilty everytime na mayroon akong hindi sasabihin sa manager ko.I felt responsible of telling her everything.
“What?!But why?Anong ginawa mo?” Lukot na lukot ang noo nito and I just shrugged.Alam kong alam naman niya ang sagot sa tanong niya.She’s my manager for the past three years at kabisadong kabisado na niya ang dahilan sa likod ng mga conflicts sa buhay ko.Siya lang din ang may alam na mahal ko si Lorraine higit pa sa nalalaman nito.
“My gosh,Lance.You’re a sick bastard.”
“Your mouth Yzza.” I warned her.I know she’s talking to me now as the real Yzza,my closest friend I guess.
“Eh siraulo ka kasi!Ano ba namang dumistansya ka naman ng konti kay Aine diba?May asawa na siya Lance.Hindi na pwede yung katulad ng dati.”
I sighed at sumandal na rin ako sa couch. “I can’t just watch her having a hard time because of her husband.”
“Bakit?You think nakakatulong ka naman sa kaniya kung magpapasapak ka sa asawa niya?Malala kana talaga Lance.Pwede bang itigil mo na yang kahibangan mo sa kaniya at mag-move on kana?Ang daming babae ang nagkakandarapa sayo diyan,bakit hindi ka nalang mamili ng isa sa kanila.”
Hindi ko na napigilang mapatitig sa kaniya sa pagiging straightforward niya.One thing that I like the most about her?She’s blunt.
“Oh?Bakit ganiyan ka makatingin?”
I chuckled at inakbayan ko nalang siya. “You know what’s best to do right now?”
“What?”
“Mag-dinner tayo,my treat.Mukha kasing mas mainit pa yang ulo mo sakin.” Bahagya naman akong siniko nito sa tagiliran.
“You got that.Let’s go.”
**