Misty’s POV
"Ano ba Drake!What the hell?" Singhal ko kay Drake.I can’t help but get paranoid dahil sa mga titig niyang yan.Ginawa ko na ang gusto niya,aren’t he happy?
"What?" He played innocently and right at that moment naubos na talaga yung pasensya ko sa kaniya.
"Fvck you!" I gave him my middle finger.
"Bakit ba?It looks--Misty?!" Biglang nanlaki ang mga mata niya nang makita niyang kunin ko ang isang maliit na kutsilyo sa bag ko.
"What the hell?!Bakit meron kang ganiyan?!" Napaatras naman ito.
Wala naman akong balak isaksak ito sa kaniya.For pete’s sake ay nasa tamang pag-iisip pa ako.Pero kapag ganitong hindi niya pa rin ako tinitigilan sa mga tingin niyang yan baka nga i-chop chop ko na ang katawan niya.
“Why are you so angry about that?” Naglalaro ang ngiti sa mga labi niya at alam kong yun nanamang nangyaring yun ang issue niya.Ugh!
"Sige!Ipaalala mo pa!" Sigaw ko ulit.
“Woah!Easy there.” Napataas pa ito ng dalawang kamay. “Can we just pretend we’re cool about it?”
“Cool?Siraulo ka ba talaga?” Pinaningkitan ko siya ng mata.Siraulo siya!Akala niya naman ganun lang kadali kalimutan yung kahihiyang yun?
Flashback
"Ano?Ok kana?" Tanong niya nang makita niyang hindi na ako umiiyak.Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko.Ugh!Nagsisisi ako na umiyak ako sa harap ng lalaking ‘to but somehow,gumaan naman ang pakiramdam ko.
Bwisit kasing Guile yun eh!Bakit ba bigla nalang siyang sumulpot kanina?Wait,napanood niya kaya yung walang kwentang pagkanta ko?s**t talaga oh!
"You still love him,don’t you?Hindi ka naman iiyak ng ganiyan kung talagang tapos na kayo."
I glared at him. “Ofcourse,halata naman diba?” There’s no way I’m going to deny how I feel lalo pa’t nakita niya naman kung paano ko iyakan ang lalaking yun.But it doesn’t mean na hahayaan ko lang ang sarili kong maging ganito everytime na magkikita kami.
“Move on.”
I looked at him.Ang dali lang niyang sabihin yun kasi wala naman siya sa pwesto ko.At para namang kung sino siya para pakialaman ako at idemand nalang basta na mag-move on.
Pero kahit mahirap,alam kong kailangan ko talaga.Hindi pwedeng ganito nalang,he's not worthy of my tears neither of my time.I should learn my lesson now.Hindi ko dapat binibigay ang lahat para sa isang tao,all of them are traitor.Sarili ko lang ang kakampi ko,no one else.
Naramdaman kong hinaplos niya ang buhok ko.It was too late for me to realize na nakayakap pa rin pala ako sa kaniya.Nanlalaki ang mga matang naitulak ko siya palayo sa akin.
He just smirked when he saw my reaction. "You’ve got a pretty well job done to make your curves like that.”
Nanlaki ang mga mata ko at natulala ako sa kaniya nang marealize ko kung anong tinutukoy niya.Pinamulahan ako ng mukha and before I knew it,sumakay na agad sa kotse niya si Drake and he even locked the doors!Nang makabawi ako ay agad ko siyang kinalampag sa sasakyan niya.
"You perverted scumbag!Get out!”
Ibinaba niya ng konti yung bintana at gumanti ng sigaw sa akin. “Next time,wear a decent dress Misty.Kung ayaw mo ng nababastos.” He even let out a huge triumphant laugh.
“You fvcking get out of that fvcking car and I swear to kick your fvcking balls you maniac!” Sinusubukan ko siyang abutin mula doon sa maliit na siwang sa bintana ng kotse niya pero agad siyang lumayo.
“Just take it as a lesson Misty.”
“Lesson?!I’m not asking for your opinion about how I dress,you dufus!”
"Kapag hindi ka pa nagdamit ng mas maayos diyan,pagtatawanan talaga kita!Paano naman kasing hindi ko mararamdaman eh napakanipis niyang suo--"
"Hayop ka talaga!"
End of Flashback
Lorraine’s POV
"Nauna na daw sila.Iniwan nila tayo Lance." Sabi ko kay Lance pagkababa ko ng phone ko.Napanguso nalang ako.Nauna na kasi silang umuwi dahil ang tagal daw namin magpa-enroll.
"Eh yung asawa mo?" Bigla niya namang naitanong.
Nagbago bigla ang mood ko.Yung nangyari kasi kagabi,nung niyakap niya ako ..I pushed him away at umalis ako.I went to the nearest payphone to call Lance,I asked him to bring my bag.Hinintay ko nalang siya sa isang malapit na convenient store at hinatid niya naman ako pauwi.Pagbalik ko ay wala naman si Seije sa bahay.
Nagulat ako nang hawakan ni Lance ang magkabilang balikat ko para iharap ako sa kaniya. "Aine magsabi ka nga ng totoo,sinasaktan ka ba niya?" Seryoso ang kaniyang mukha at napailing naman ako agad.
"No it's not like that Lance." I tried to explain.Parang iba kasi yung pagkakaintindi niya sa mga nangyayari.
"Magsabi ka ng totoo Aine,ano ba talagang nangyayari sa inyo?"
Napapikit ako dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko.Oo,alam ni Lance ang dahilan ng pagpapakasal namin ni Seije,kasama siya sa iilang taong nakakaalam ng totoo.
Pero hindi ko alam kung dapat ko pa bang ipaalam sa kaniya yung masasakit na salitang nasabi sa akin ni Seije.Alam kong labas na siya dun at sa amin nalang dapat ni Seije ang mga bagay na yun.But on the second thought,gusto ko pa ring sabihin sa kaniya.Lance is my bestfriend.And one more thing,gusto kong mailabas yung hinanakit ko.But I’m really torn between two decisions.Hindi ko alam.
"Aine you can tell me.Come on,wag mong itago sa amin kung sinasaktan ka niya --"
"Lance no,hindi ganun yun.I mean --ouch!" Nagulat kami pareho ni Lance nang biglang may humigit sa akin palayo sa kaniya.
"Aine--"
"Stop pestering my wife!” Naging mabilis ang mga pangyayari and I just saw Lance on the floor dahil sa malakas na pagsuntok sa kaniya ni Seije.Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong dumugo ang kaniyang labi.
"Lance!" Sinubukan ko siyang lapitan pero masyadong malakas si Seije at nahila niya ako agad palayo.
**