Claire's POV
"Clare uso din umalis sa harap ng salamin. Try mo!" Nagpout lang ako pero umalis din ako agad sa harap ng malaking salamin.Mamaya kasi magtransform pa si Aubrey into killing machine.Creepy!
"As far as I know enrolment lang naman ngayon." Sabay binaling ni Misty ang tingin sakin at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.Kumunot naman ang noo ko.Uwaa!Bakit nanaman ba?Nakakainis ‘tong dalawang ‘to!Pinagiinitan yata ako!
"Bakit ganiyan ang ayos mo?" Tanong niya.
Tinignan ko naman ang sarili ko,naka-floral dress ako at flats and aglagay din ako ng konting make up.May problema ba sa suot ko?Ang gulo nitong si Misty,eh ganito naman talga kami magbihis,fashion icon nga eh.Para saan pa at naging model kami kung hindi namin gagamitin yung mga bigay ng sponsors namin?
Minsan nga mas wild pa siya eh.Siya kaya ang pinaka-liberated magbihis sa amin.As in,okay lang talaga sa kaniya yung mga sexy na damit like backless and straps.Kaya nga siya kinukuha ngayon as cover girl ng isang daring magazine pero ayaw naman siyang payagan ni manager.Pero speaking of her fashion, napansin kong naka-maong pants lang siya at white tank top plus a pair of highcut black converse.Simpleng simple lang siya ngayon at bihira lang yun para sa isang Misty Montreal.She’s a fashion terrorist.
Hindi nalang din ako nagsalita dahil alam kong hahaba pa ang usapan.At isa pa,nagmamadali rin kami dahil umiiwas kami sa maraming tao.Kaya kailangan maaga palang ay makapag-enroll na kami.Actually,si manager na ang dapat nag-aasikaso nito pero nagkaton naman na sobrang busy niya kaya nag-volunteer nalang din kaming kami na ang bahala since wala naman kaming gagawin today.
"Misty yung contract pala okay na ba?" Tanong ni Aubrey habang busy siya sa paglalagay ng mascara.Katulad ni Misty,sexy at liberated din itong si Aubrey.She's wearing a cleavage-baring top,a miniskirt and a stilleto heels.And I must admit that she looks so sexy.Kaya lang,hindi naman appropriate ang get up na yan sa school.But since kilala naman kami at alam nilang under kami ng modeling agency,the university pulled some strings for us.
“Nakapirma na ako.”
“Good.”
“Look,matagal pa ba kayo?Mauna na ako okay?”
Aubrey smirked habang nakatingin lang ako sa kanilang dalawa. “Why in a hurry?”
Misty rolled her eyes.She took her bag at nagpatiuna nang lumabas.Inayos ko nalang din ang mga gamit sa loob ng bag ko bago ako nagpaalam kay Aubrey at sumunod na kay Misty.Sa kotse nalang namin siya hihintayin since siya ang pinakamabagal kumilos sa aming lahat.
*Sa School
"Si Aine ba yun?" Sabay nguso ko sa natatanaw kong parating.Aubrey and Misty turned to look at her.
"Si Aine nga ..with Lance?" Nagkatinginan kaming tatlo nang mapansin naming hindi siya nag-iisa,and she's with Lance.Okay na pala sila?
"Hi girls." Bati niya sa amin nang makalapit na sila.Tinanguan namin siya bago kami napatingin kay Lance.
"Okay na kayo?" Tanong ko sa kanila.
Lorraine shrugged and smiled. "Okay naman talaga kami."
"I mean--" Siniko ako ni Misty at tinignan ng -shut-up-look-.I made face pero tumahimik nalang din ako.Nagtataka lang naman kasi ako kasi naman nagkaroon ng conflict ang dalawang ito tungkol sa kasal na inarranged ng mga magulang nila para sa kanila.Lalo pang lumabo ang usapan dahil sa nangyari kay Aine nung gabing yun sa bar.
But look at the both of them now,mukhang okay na nga talaga sila dahil naka-escort nanaman itong si Lance sa kaniya.Kung titignan,bagay naman sila eh.Kaya lang,baka hindi talaga sila ang para sa isa’t isa dahil sa mga nangyari.Well,atleast they’re back to being best of friends.
"Tara na."
Nandito na nga pala kami sa Arcoda University para sa first day ng enrolment.Kapag ganito kasing first day,konti palang ang mga nag-eenroll and we should take advantage para hindi kami mahirapan at para na rin hindi kami pagkaguluhan lalo na at wala kaming entourage.
Pare pareho kaming 4th year college,iba iba nga lang ng course.Si Aubrey at Misty ay parehong fashion designing ang kinukuha.I’m taking up Computer Science at pareho namang BS Photography si Lorraine at Lance,hindi nga lang sila magkaklase.Actually,nursing ang kinukuhang course noon ni Lance pero nag-shift siya dahil kay Aine
Dumating kami sa Accounting at naabutan namin na mahaba na pala ang pila doon.Mukhang marami na rin ang gustong makapag-enroll ng maaga.
“Ugh,seriously?Pipila tayo dito?” Reklamo ni Aubrey.Nagsisimula nanaman siya sa pagiging reklamador niya.Sa aming apat talaga,siya ang pinakamaikli ang patience.
“Where else will you fall in line?Sa registrar?That excited Aubrey?” And ofcourse,Misty will always be the one to deal with her.Siya naman ang pinaka-b***h sa amin.She speaks three languages of her own,shits,sarcasm and swear.
“Tumigil nga kayo diyan.Mag-uumpisa nanaman ba kay?” Aine stopped them.Hindi nalang ako kumibo dahil sanay naman na ako sa kanila.I’ve been living my twenty years of existence with Aubrey dahil business partners ang mga magulang namin.
Halos sabay lang din kaming napasok sa modeling career at doon lang namin nakilala sila Misty at Lorraine.We’ve been good friends since then kaya nang mag-unite ang management na naghahandle sa amin ay binigyan nila kami agad ng break.
"Uy look oh,ngayon ko lang nakita ang mga yan dito."
"Oo nga no?Kyaaa!Ang gagwapo naman!"
"Papalapit sila dito.Oh my gosh!"
Matawa-tawa naman kami nila Lorraine dahil sa mga naririnig namin mula sa mga babae sa likuran.Ganiyan ang mga reactions nila kapag nakakakita ng mga gwapo.What if makita pa nila yung mga co-models namin?At mukhang hindi pa nila kami napapansin,hindi man lang nila alam na nasa harapan lang nila si Lance Fukuda.Well,siya ang pinaka-matunog na pangalan ngayon sa larangan ng modeling industry.Kababalita lang din kasi na kinukuha siya ng isang sikat na agency sa U.S.
"Babe!" Nagulat naman ako nang may umakbay sakin at humalik sa pisngi ko.Agad akong pinamulahan ng mukha nang makita ko si Tyler at ang mga kaibigan nito.Narealize ko lang na sila pala ang tinutukoy nung mga babae sa likuran nang makita kong kumpleto sila.
"Tyler?Anong ginagawa niyo dito?" Nagtinginan naman sila nila Brent at sabay sabay pang napangiti.
"Nag-transfer na kami dito."
Napatitig ako ng ilang segundo sa mukha niya dahil sa sinabi niya.Sila?Nagtransfer na sila dito?Oh my gosh!Schoolmate ko na siya?!Talaga?!I heard him chuckle before he held my hand.Nginitian ko naman siya.
Maya maya pa ay narinig naming nagsalita si Drake.Nang tignan namin siya ay nakita naming kay Misty ito nakaharap. “That’s better.” Nakangiti ito na tila nang-aasar kay Misty.
"Fvck you Drake." Inirapan lang naman ito ni Misty.
Nakatingin lang kami sa kanilang dalawa dahil sa naging conversation nila.I wonder what’s with them dahil naka-smirk lang si Drake the whole time while Misty’s wearing her signature pokerface.
"Babe anong course mo?" Bigla namang naitanong ni Tyler kaya napabalik ako ng tingin sa kaniya.
"Computer Science babe,ikaw?"
"Management.Para sa company ni dad e." Tumango naman ako.Ganun naman kadalasan diba?Para talaga sa family business ang kinukuhang course ng mga lalaki lalo na kung tagapagmana sila.Wala kasing kapatid si Tyler kaya siya ang inaasahang susunod na magiging CEO ng kumpanya nila.
Naiisip ko nga minsan kung paano ang magiging setup namin kapag ikinasal na kami.Him being a busy and a loving husband at ako naman bilang caring at mapagmahal na maybahay.It looks cute and I can’t wait for it to happen.
He smiled at me and I smiled back.Yes,I’m really inlove.
Misty's POV
"Bakit ba nakangiti ka dyan?!" Singhal ko sa kaniya.
Naiinis na kasi ako e.Kanina pa siya nakangiti at naiirita na ako.Seriously?Para siyang tanga,para siyang nakawalang patient mula sa isang mental hospital.Ugh!I badly want to hit him right now!But look at him,parang wala akong sinabi at nakangiti pa rin siya na parang aso.
"Drake ano ba?!"
"What?" He asked,playing innocent.Eh kung sapakin ko kaya siya ngayon diyan?Promise!Nakakairita na.
"Teka nga,bakit kaba kasi nakasunod sakin ha?I’m going to BS Fashion Designing block,do you belong there?!" Singhal ko ulit sa kaniya.This time,nagtinginan na ang ibang estudyante sa amin and I don't fvckin' care!
Another fact that irritates me was his presence,the hell eh?Of all schools here in Manila why the hell would it happen that he's transferring to the same school where I’m in?
"Mas bagay ang naka pants sayo." Natigil ako sa paglalakad and this time ay hinarap ko na siya with a calm look.I breathe in and out.Pero nang maalala ko ulit ang nangyari,damn it,hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko.
"Fvck you Drake!I hate you!" Pinaghahampas ko na siya ng bag ko.
"Aray Misty!Ano ba!"
"Curse you to the pits of hell,damn you!"
“What the hell?Tama na nga ano ba!"
**