Lorraine's POV
Hindi rin ako masyadong nagtagal sa banyo.Paglabas ko ay naabutan kong nakaupo si Seije sa kama nito.Nakapagbihis na rin siya at nakatitig lang siya sa kawalan.Pero ang magulong ayos ng kwarto ang nakakuha ng atensyon ko.Basag ang screen ng malaking TV niya at nawala sa ayos ang mga gamit.His bed is even dislocated.
Napatakbo nalang ako palapit sa kaniya nang makita kong dumudugo ang kamay niya.Anong nangyari?Napatingin ako sa pader na malapit sa pintuan at napansin kong may dugo rin doon.Ano bang ginawa niya?Sinuntok niya yung pader?Yun ba yung ingay na narinig ko kanina?Pero bakit?
"Seije anong--" Pero hindi niya ako pinatapos.
"Get out Lorraine."
Umiling ako at lumuhod sa may harapan niya.Hinawakan ko ang kamay niyang dumudugo at hindi ko mapigilang maiyak dahil alam kong masakit iyon.Ano bang problema?Bakit nagkakaganiyan siya?
"Seije ano bang problema?Sabihin--"
Nagulat ako nang pwersahan niyang tanggalin ang kamay niyang hawak ko and I ended up sitting on the floor.Bigla nalang siyang tumayo. “I said out!” Itinuro nito ang pintuan pero hindi ko nagawang gumalaw sa kinauupuan ko dahil naunahan ako ng takot at ng pag-aalala.
"Pero Seije,you can tell me if may problema ba.We are married.Para saan pa at kinasal--"
He brushed his hair in frustration at nang humarap ito uli sakin ay tuluyan ng naglaho ang mapupungay nitong mga mata. "Para saan?Damn,have you forgotten that were married because I just fvcked you?!I stoled your virginity and that’s the only reason kaya ikinasal tayo!That will never change. " He shouted right infront of my face.
Pinigilan ko ang nagbabadyang luha mula sa mga mata ko.I want to be strong.Ayoko sanang magpaapekto sa lahat ng sasabihin niya dahil nararamdaman kong may pinagdadaanan lang din siya.But this is just too much kasi alam kong totoo.Tama siya eh,tama naman siya.Arranged marriage ang kasal namin at dahil yun sa isang gabing pagkakamali naming dalawa.Walang ibang dahilan kundi ang nangyari sa amin nung gabing yun.
Pero mali bang subukan kong magpakatotoo nalang?I’m trying my best na intindihin siya pero kung ganito lang din na itinataboy niya ako palayo na parang isa talagang kasalanan ang nangyari sa amin,ano pa bang magagawa ko?Ayoko ding ipagsiksikan ang sarili ko dahil hindi ko na alam,hindi ko na alam kung ano bang dapat kong gawin.I don't know how to react anymore.Can someone please tell me what to do?
Aubrey's POV
"Kys bilis bilis din pag may time." Ang bagal kasi niyang maglakad,masakit na kaya ang mga paa ko.
"Hintay hintay din naman kasi pag may time diba?Ang dami mo kayang pinamili,ginawa ba akong tagabitbit?" Reklamo nito kaya naman tinaasan ko siya ng kilay.
"Eh sino bang nag-aya magdate dito?Diba ikaw?" Nakapamewang kong sabi.
"Date pala ang tawag mo dito?Parang nagpasama ka lang sakin para may tagadala ka ng--Aray naman!" Hindi na ito natapos nang hampasin ko siya ng bag ko.
"Reklamo pa ha!Sige lang!"
"Hindi na."
"Good,tara" Tumalikod na ako at nagpatuloy sa paglalakad nang marinig ko nanaman siyang magsalita.
"San nanam--" Huminto ako at muling humarap sa kaniya.Tinaasan ko lang siya ulit ng kilay.
"May reklamo ka yata?"
"Ahehe,wala naman.Nagtatanong lang eh."
I rolled my eyes bago ako pumasok sa Cyber Repair.Kukunin ko kasi yung laptop na ipina-reformat ko.Ngayon nalang ako ulit nagkaroon ng time na lumabas kaya kukunin ko na iyon bago ulit mapuno ang schedule ko.Medyo nagiging hectic na rin kasi ang schedule ng CALM dahil mas lumalawak na ang activities namin.At malapit na rin kasi ang pasukan so I really need my laptop as soon as possible.
"Ey?" napatingin ako sa isang guy sa side ko nang marinig ko siyang magsalita.He called me Ey?As in A.At bihira lang ang mga taong tumatawag sa akin ng ganun.
Tinignan ko ito ng mabuti at unti-unting nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko na nga ito ng tuluyan.
"Jin?!" He smiled and winked at me na naging dahilan para mapatunayan kong siya nga ito. "Ikaw nga!" Dinamba ko siya agad ng yakap.
"Namiss kita!Bakit ngayon ka lang nagpakita?!" Saka ko pa siya inalog-alog.Grabe!Namiss ko 'tong lalaking ‘to.Hindi ko naman akalaing dito pa kami magkikita.
"Ehem ." Hindi ko pinansin si Kys at nag-focus lang ako dito sa pinsan ko.
"So Jin,bakit nga ngayon lang kita nakita?" Tanong ko ulit.He's Jin Fuentabella,pinsan ko.And it's been a long time since I saw him last.Sino ba namang mag-aakalang dito ko pa siya makikita?
"I thought mom told you that I was in Korea.But the hell eh?Isang word lang sinabi ko,Ey and yet your reaction huh.I see .." He grinned saka siya tumingin kay Kysler.
"So,who is he?" Tumingin din naman ako kay Kysler na prenteng nakatayo lang din.
"Boyfriend mo?"
Bigla naman akong nasamid sa sinabi niya. "Hindi no!" Tanggi ko dahil totoo namang hindi.Pero ang pinsan ko,ngumiti ng mas malapad.Alam ko yang ngiti niyang yan eh.
"Hindi nga!Kulit!" Dahil alam kong hindi siya naniniwala.Mahirap talagang i-convince ang mga Fuentabella.
"Suitor?" Ngumiti pa siya na parang aso.Minsan hindi ko rin maintindihan kung bakit siya ang pinaka-close ko sa lahat ng pinsan ko e.Mapang-asar kasi siya at mapang-trip na lalaki pero yun ang dahilan kaya masaya siyang kasama.
"Oh umuusok na ang ilong!" Saka pa niya ko tinawanan.Ang ayaw ko lang talaga sa kaniya minsan ay yung pagiging makulit niya to the point na talagang napipikon na rin ako.Pikunin kasi talaga ako.
"Ang kulit ha,sabing hindi nga!Diba Kys?" Tumingin ako sa kaniya waiting for an answer pero inirapan lang ako nito atsaka nagpaalam.
"Bilisan mo,una nako sa carpark." He turned his back at me at nauna na ngang umalis dala ang mga paperbags na naglalaman ng mga pinamili ko.Anong nangyari dun?
Natawa naman yung pinsan ko. "Una na rin ako insan,see you nalang sa bahay niyo mamaya." Then he tapped my shoulder.
"Okay,bye Jin." I waved him goodbye bago ko inasikaso ang laptop ko.Mabilis lang akong nagbayad ay dumiretso na rin ako sa carpark.
Habang naglalakad ay napapaisip naman ako kung anong nangyari dun sa Kysler na yun.Parang sira eh.Bigla nalang nagbago ang mood?Ganiyan ba talaga ang mga lalaki?Moody?Tss.
"Oh ba't ang haba ng nguso mo dyan?" Tanong niya sa akin nang makalapit na ako sa kotse niya.Dinedma ko siya at sumakay na ako agad.
Pero seconds passed ay hindi pa rin siya sumasakay kaya dumungaw na ako sa bintana. "Tinatayo tayo mo dyan?" Pagtataray ko.Aba,anong akala niya?Siya lang ang pwedeng maging moody?
Agad di itong kumilos at sumakay.Nagtaka naman ako nang makita ko ang malawak na ngiti nito.Tinitigan ko siya and I swear,ang creepy niya.
"What's with that grin?Ang creepy mo ha!"
"Aubs anong level kana sa Candy Crush?" Sa halip na sumagot sa tanong ko,yan ang bigla niyang naitanong.
"Level 69."
"Weak,level 97 nako eh."
Tinignan ko siya ng masama.Sayang lang at hindi niya nakita dahil busy siya magmaneobra palabas ng carpark.
"Weak ka diyan!Ilang level lang nilamang mo no!"
"Weak."
"No I’m not!"
"Pataasan nalang ng score sa Fruit Ninja?"
Naningkit ang mga mata ko sa hamon niya.Kahit kailan mukhang game ang lalaking ‘to.Ang sarap niya lang talagang ipalit doon sa mga pagong sa super mario eh!Grr!Pero dahil hindi ako magpapatalo,nakipagdeal din ako.
"Deal."
Lorraine's POV
Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may nakatitig sa akin.Dito na kasi ako nakatulog sa sofa sa sala sa kakaiyak ko kanina.Naramdaman ko nalang na may naglagay na pala ng kumot sa akin.
I was about to open my eyes when I saw his figure moving closer.Alam ko kung anong gagawin niya at aware ako na ang alam niya ay natutulog pa rin ako.But it's a mystery to me kung bakit instead na dumilat ay ipinikit ko lang ang mga mata ko at nagpanggap na natutulog pa ako.
Ramdam ko na ang hininga niya sa mukha ko,maging ang tungki ng ilong niyang sumagi na rin sa pisngi ko.Pero naramdaman ko ang bigla niyang paglayo nang magring ang cellphone niya.
Nakahinga ako ng maluwag at bahagyang napadilat para tignan siya.Nakatayo na siya at nakatalikod sa akin habang nakalagay ang cellphone sa tenga niya.
"Yeoboseyo?" Kumunot ang noo ko nang marinig ko ang sinabi niya.It’s in korean pero naiintindihan ko yun dahil lumaki ako sa Korea.Pero sino ang kausap niya?
"Ne,wae?"
“Geurae.Ne,jigeum.Dangjang.”
"Tss." Nagulat ako nang bigla siyang humarap and what's worst ay nahuli niya akong nakikinig.Nakita kong inoff niya ang phone niya bago ulit niya ako tinignan.
"Malamig dito,dun ka nalang sa kwarto ko matulog."
Pero hindi ako gumalaw.Nanatili lang akong nakatitig sa kaniya at ganun din siya sakin.Bigla nanamang bumalik yung atmosphere sa pagitan naming dalawa kanina.Hindi ako kumibo at umayos nalang ako ng pagkakahiga sa mahabang sofa.
Nagulat nalang ako nang lumapit siya at bigla niya akong higitin patayo.Dahil dun kaya napasigaw ako. "Ouch!" Naramdaman ko ang sakit sa kanang braso ko dahil sa lakas niya at sa biglaang paghila niya sa akin.
Mukhang narealize niya namang nasaktan niya ako kaya agad din siyang napabitaw sa braso ko. "Im sorry."
Tinignan ko lang siya with a tired look saka ako bumalik sa sofa at nahiga.I used the blanket to cover my face dahil naiiyak nanaman ako.This past few days ang napaka-bilis ko nang maiyak.Nagsama sama na kasi ang lahat ng nararamdaman ko at nadagdagan pa yun ng mga sinabi niya sa akin kanina.
"Aine."
"Don't spend too much of your time at me dahil alam kong wala ka namang pakialam.What is it to you kung lamigin ako dito eh diba arranged marriage lang ang meron tayo."
"Aine--" Ibinaba ko ang blanket na tumatakip sa mukka ko at naupo ako ng maayos upang makaharap siya.
"Ganito nalang,let's set our boundaries.You live in this house and babalik na ako sa pad namin ng mga kaibigan ko.Para we can do whatever we want,wala na tayong pakialamanan."
"No.Hindi ako papayag."
**