IX

2320 Words
IX. BUMILIS ANG t***k ng puso ni Soshmitta nang masaksihan ang ginawa ni Lord. Sa pagsuway ng binata ay nagsitahimik ang lahat. Masasabi niya na napakarespetado nito sa mga barkada nito. Masaya lang siya na may isa pa palang lalaki na katulad nito. Ibinaling na niya ang tingin kay Lady at natawa naman siya nang makitang napayakap ito sa braso ni Lord. “Mas mabuti pang kumain na lang tayo. Sa pinakaunang restaurant tayo mula rito sa university,” sabi ni Lord. “Kaya nga! Kayo talaga? Kahit ano na lang ang pinagsasabi niyo,” sabi ni Lady. Inakbayan ni Lord si Lady. “Isa ka pa! Ikaw nga ang nagpasimuno ng lahat!” “A-Ako? Ako pala? Sorry I forgot because I am beauty queen.” Napatawa naman ang lahat maliban kay Troy na seryosong nakatitig kay Lady. Napaayos naman ng tayo si Soshmitta nang tiningnan siya ni Lord. Nginitian pa siya nito. “Hi, tara na? Sa sasakyan ko ikaw sumabay,” nakangiting sabi ni Lord. “What about me and Hope, Lord?” tanong ni Caitlyn. “Kung magkasya kayo. Why not?” “We are sexy. So definitely kasya at kinaya. Urghhh!” malanding sabi ni Lady. “Bibig mo! Kainis ka talaga!” suway ni Lord. Niyakap ni Lady sa tiyan ang kaibigan kaya napatingin ang sa isa’t isa ang mga babae. Sa isipan nila, sana lahat ay magagawa ang bagay na iyon sa nag-iisang si Lord Vincent. Habang ang mga lalaki naman, gusto rin maranasan na mayakap ng isang Lady Lou. “Oh, siya. Tara na!” sabi ni Lord. Minuto ang lumipas, dumating na sila sa restaurant. Agad naman sila naghanap ng mauupuan na kasya ang walo. Nang makakita sila, umupo na sila. Nasa isang linya lang ang mga babae at kaharap naman nila ang mga lalaki. Nasa harap ni Soshmitta si Lord, si Lady kay Troy, si Hope kay Earl, at si Caitlyn kay Markus. “Libre ko na lahat ng kakainin today. That is final answer,” pinal na sabi ni Earl. “Salamat na lang sa lahat. Ayaw ko ng makipagtalo,” irap na sabi ni Lady. “Napakaganda mo talaga, Lady. Kung hindi ka lang crush nina Markus at Troy? Popormahan kita.” “Ba’t nasali ako? I can’t like her. She’s plain,” seryosong sabi ni Troy. “Talaga lang Troy San Miguel? Baka gusto mong ikalat ko ang selfie pic na ipinadala mo sa akin sa MesSEENger noong nagpapansin ka sa akin one time?” pagbabanta ni Lady. Namumula ang mukha ni Troy. “Hindi ka naman mabiro. Sa iyo lang iyon.” “Okay. Anyways, wacky pic pala niya iyon, guys. Hindi ko nga lang pinansin kasi he’s plain.” “Effort ko iyon, ha? Ang cute ko roon.” “Cute? Pwede nga panakot sa daga.” “Excuses ng mga may crush sa akin. Red flags!” natatawang sabi ni Troy. “Ang yabang mo! Pero dahil gutom na ako? Stop muna ako sa pakikipagbangayan sa iyo. May araw ka rin sa akin. Grrr!” Natawa na lang si Soshmitta sa pag-uusap ng dalawa. Aaminin niyang may kunting selos siya na nararamdaman lalo pa at gusto niya si Troy. Pero gumaan naman ang pakiramdam niya nang may isang lalaki pa lang hinahangaan siya na nasa tabi niya—si Lord Vincent. Tinitigan niya ito at hindi niya mapigilang mapangiti. Susubukan niyang kilalanin pa ito. Ang tanging hiling na lang niya, sana mawala si Troy sa puso niya. Nang nakapag-order na ang lahat, hinintay na lang nila ito habang nagkuwentuhan muna sila. Sa sandaling iyon, nakalimutan nila kahit papaano na magkaaway pala ang grupo nila. Minuto ang lumipas, dumating na ang order nila at nagsimula na silang kumain. Hindi naman mapigilan ng lahat ng lalaki na mapatitig kay Lady. Maliban na lang kay Lord at sa mga barkada nitong babae na alam na kung gaano ito kalakas kumain. Hindi lang ang mga ito makapaniwala na parang isang lalaki ito kumain. “Guys, baka matunaw si Lady,” natatawang sabi ni Soshmitta. “L-Lady, saan mo nilalagay ang kinakain mo? Sa seksing mong iyan?! Ang lakas mo pa lang kumain?” tanong ni Earl. Hindi talaga ito makapaniwala. “Sa tiyan ko malamang. Kung hindi mo maubos iyang sa iyo. Akin na. Hindi naman ako maarte kapag pagkain na ang usapan.” “W-What!? Lord, ganyan pala iyan katakaw” takang tanong ni Earl. “Talo pa ang lalaki niyan kung kumain, pero hindi naman tumataba!” sagot ni Lord. Nang nakita ni Lady ang tirang pagkain nina Earl at Markus ay kinuha nito iyon. Nagugutom lang ito. Susulitin na nito ang lahat para kumain ng marami. Sa susunod na araw ay sisimulan na nitong mag-diet sapagkat may papalapit na pageant itong sasalihan sa susunod na buwan. Nakatanggap lang ito ng mensahe kagabi. Nang kukunin na nito ang pagkain ni Troy, inalayo nito iyon dito. “May laway na ito! Ano ba?” sabi ni Troy. “May TB ka ba o wala?” tanong ni Lady. “Wala. I’m healthy,” mabilisang sagot ni Troy. “Wala naman pala. So akin na iyan! Dami mo pang blah blah blah!” pagrereklamo ni Lady. Kinalibat ni Soshmitta si Lady. “Kailan nga iyong next beauty pageant na sasalihan mo? Nakalimutan ka. May ginagawa kasi ako kanina noong sinabi mo iyon.” “Next month,” sagot ni Lady. Tiningnan nito ang lahat. “Guys sama kayong lahat para masaya, ha?” “May swimsuit ba diyan?” nakangiting tanong ni Earl. “Ang manyak talaga nito!” sigaw ni Lady. “Earl, hingin mo na lang kaya ang panty at bra ng Mommy mo? Total parang gusto mo,” irap na sagot ni Hope. “Oo nga! Isama mo na rin sa mga Tita at Lola mo!” pagsali ni Caitlyn. Hindi lang nito mapigilan sa sarili. “Lagot ka, Earl, mukhang pinagtulungan ka na naman,” sabi ni Troy pero ang mga mata nito ay nakapokus kay Lady. “Oo nga! Ang sama ng mga ugali.” Tiningnan ni Earl si Soshmitta. “Mabuti na lang na may ibang-iba sa kanila. Tahimik lang at ’di nagmamaganda.” “Speaking of Soshmitta. Crush ka ni Lord. Crush mo rin ba siya?” tanong ni Markus. Mabuti at nakapagsalita na ito. Kanina pa nito gustong sumingit ngunit hindi nito alam kung paano. “Hala! Namumula siya!” panunukso ni Earl. Napayuko si Soshmitta. Nasa harapan kasi niya ang binata. Hindi lang siya makatingin dito nang diretso. “Change topic na nga. Ano ba iyan!” nahihiyang sabi ni Soshmitta. Tinitigan ni Lord ang dalaga. “Oo nga, guys, change topic na. Basta, Mitta, huwag mong kalimutan na gusto kita at nandito lang ako, ah?” Nagsilabasan ang pawis ni Soshmitta. Nahihiya lang siya at naiilang. Napangiti naman siya sa kaniyang isipan. Maaaring iyon na ang simula na may nararamdaman na siya na kahit kunti sa binata. Masasabi niya talagang iba ang nagagawa ng panunukso. Kung dati wala sa isipan niya ang magkagusto sa isang Lord Vincent pero nagbago ang lahat ng iyon sa sandaling kasama niya ito. ••• HABANG NAGKUKUWENTUHAN SA restaurant, hindi mapigilan ni Lord na mas mamangha sa babaeng gusto. Napansin niya lang ang pagiging tahimik nito. Iba ito sa lahat. Tiningnan ni Lord si Lady. “Best friend, palit muna tayo ng pwesto?” “Bakit naman, Lordo?” tanong ni Lady. “Gusto ko lang makatabi sa pagkain ang babaeng gusto ko,” sagot ko ni Lord. “Hala! Bolero na ang best friend ko!” natatawang sabi ni Lady. Nilingon nito si Soshmitta. “Sana lahat.” “Grabe,” nahihiyang sagot ni Soshmitta. Hindi na mapigilan ang pamumula ng mukha nito. Tiningnan ni Lord si Soshmitta. “Iba ang bola sa tunay na nagmamahal.” “Ang cheezy mo, Lordo! Sige na, palit na tayo kahit makatabi ko pa si Troy. Sosh, ’wag kang kiligin, ha?” Nagpalit na ng kinauupuan sina Lady at Lord. Pag-upo ni Lord, nilingon niya agad ang babaeng gusto sa gilid niya. “Ang ganda mo, Mitta,” nakangiting sabi ni Lord. “Binobola mo ako,” nahihiyang sabi ni Soshmitta. “Hindi, ah. Tunay itong naramdaman ko at seryoso ako,” paliwanag ni Lord. Hinawakan pa nito ang kamay ni Soshmitta. “May talent ka pa lang ganyan, Lord? Amazing, ha? I like it,” nakangiting sabi ni Earl. “Oo nga! Hindi na torpe ang best friend natin,” sabi ni Markus. Tiningnan ito ni Lord. “Parang ikaw sa best friend ko.” Sa sinabi ni Lord. Tinukso nila sina Lady at Markus. Natahimik naman ang lahat nang biglang tumayo si Troy. “Saan ka?” tanong ni Lord. “Nawala ako sa mood. Gusto ko lang muna mapag-isa,” sagot ni Troy. Pag-alis ni Troy, agad pinag-usapan nina Markus at Earl ito. Sinuway naman ni Lord ang dalawa. Hindi niya lang gusto na pag-usapan ang taong wala sa kanilang harapan. Hindi siya iyong tipong lalaki na ganoon. “Sorry. Pero kasi umandar na naman ang pagkasuplado niyon. Kilala na natin iyon, biglang nawawala sa mood kahit hindi naman inaano. Okay lang naman tayo kanina, ha?” sabi ni Earl. “I said stop it. Tama na, please. Kilala naman natin iyon. No need na pag-usapan,” katuwiran ni Lord. “Oo na. Sorry.” Nilingon na ni Lord ang babaeng gusto sa gilid. Nahiya tuloy siya sa inasal niya. Sa isipan niya, sana hindi madismaya sa ugali niya si Soshmitta. “Mitta, kain ka nitong cake? Pwede subuan kita?” tanong ni Lord. “Sana all subuan. Someday, may susubo rin sa akin. Urgh!” nakangiting sabi ni Lady. Nilingon ito ni Lord. “Bibig mo.” “Grabe. Wala namang masama sa sinabi ko, ha?” irap na sabi ni Lord. “Bakit may urgh, ha?” inis na sabi ni Lord. “Expression.” “Expression ka riyan. Ibahin mo! Ang panget pakinggan!” suway ni Lord. “Yamete, Sensie,” sagot ni Lady. Humalakhak naman si Earl. Ang ginawa ni Lady, nilingon ito at sinenyasan na tumahimik. Si Lord naman ay bulag sa katotohanan kung ano iyong sinabi ng kaibigan niya. Muli nang nilingon ni Lord si Soshmitta. “Subuan na kita?” “Huwag na, Lord. Nahihiya ako sa iyo,” pag-amin ni Soshmitta. “’Wag ka na magpapikot, Sosh,” panunukso ni Hope. “Baliw! Sige na nga, Lord,” sagot ni Soshmitta. Hinampas ni Caitlyn ang mesa. “Oh my God! Kinikilig ako.” Tiningnan ni Earl si Caitlyn. “Gusto mo subuan rin kita?” “No thanks!” irap na sagot ni Caitlyn. “Sobrang ganda mo pala talaga sa malapitan, Hope. Para kang isang Diyosa,” pagpuri ni Earl. “Shut up!” sagot ni Hope. “Ang taray naman ng mga tao dito! Lahat na lang. . . may Lady pa—” si Earl. “A-Ano, Earl? Gusto mo ba ng sampal?” pagbabanta ni Lady. “Wala!” Napailing si Lord. “Tingnan mo sila, Mitta. Parang mga aso’t pusa at daga.” “Oo nga, pero ang cute nila tingnan.” “Pero mas cute tayong dalawa tingnan, Mitta.” “Ang corny mo, Lord,” natatawang sabi ni Soshmitta. Natutuwa lang ito sa binata. “Hayaan mo na. Ganito lang daw talaga kapag in love. Corny.” “Pero salamat dahil pinapasaya mo ang araw ko.” “Mas pinasaya mo ang araw ko, Mitta.” “Salamat ulit.” “I love you?” “Ang bilis mo naman, Lord.” Namumula na ang mukha ni Soshmitta. Kinikilig lang ito. “Para panigurado.” “Akala ko sobrang seryoso mo. May pagkakalog ka rin pala. Nakakatuwa,” si Soshmitta. “Kaya nga naging best friend ko iyang labanos na iyan. Anyways, sama ka sa amin ni Lady ngayong sabado, pwede ka?” “Saan, Lord?” “May commercial shoot ako.” “Wow! Ang dami mo ng commercials, ha? Congrats.” “Thank you. Pero hindi naman marami. Tama lang talaga.” “Humble lang? Ang cute.” Kinurot ni Lord ang pisngi ng dalaga. Hindi niya lang mapigilan ang sarili. Natutuwa lang siya rito. “Ano na? Pwede ka ba?” tanong muli ni Lord. “Oo,” nakangiting sagot ni Soshmitta. Hindi napigilan ni Lord iyong saya ko kaya napasigaw siya. Napatingin naman sa kanila ang lahat nang may pagtataka sa mukha. “Kayo na?” tanong ni Earl. “Hindi pa! Hindi pa nga ako nanligaw sa kaniya.” Nilingon ni Lord ang dalaga. “Pero Mitta, kakapalan ko na ang mukha ko. Ano ba iyan nahihiya ako!” Napakamot siya sa ulo. “Pero bahala na! Basta gusto ko lang ito sabihin sa iyo na kung pwede na ba kitang ligawan. Iyong hatid sundo kita kahit saan ka man magpunta? Ganoon?” Napayuko si Soshmitta. “Lord, naman, e!” “Sosh, ’wag kanang magpakipot. Magpaligaw ka na,” sabi ni Hope. “Oo nga, Sosh! Isang Lord iyan, oh! Sinasamba,” nakangiting sabi ni Lady. Kinikilig lang ito. “Sinasamba ka riyan,” natatawang sabi ni Lord. “Soshmitta, sige na,” pagpupumilit ni Caitlyn. “Sige na nga! Oo na! Papayag na ako,” sagot ni Soshmitta. “Yes! Narinig niyo iyon, guys, ah?” Ang laki ng ngiti ni Lord. “Ang oa mo, Lordo. ’Di ka pa naman sinagot!” pagrereklamo ni Lady. “Kahit na! At least, alam kong may pag-asa na maging kami. Hindi ba, Mitta?” Ngumiti si Soshmitta. “Ewan.” Bumuntonghininga na lang si Lord. Masaya lang siya na kahit papaano ay may pag-asa siya sa babaeng gusto. Ang ipinagdasal na lang niya ay sana dumating ang araw na sagutin siya nito. Kapag dumating ang araw na iyon, siya na ang pinakamasayang lalaki sa buong mundo. ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD