X

2069 Words
X. NANG NAIHATID NA nina Lord at Lady si Soshmitta ay dumiretso na silang dalawa sa isang salon. Magpapagupit lang si Lord. Inihahanda lang niya ang sarili para sa nalalapit na commercial shoot sa sabado. Gusto niya lang maging presentable tingnan para hindi sayang ang maging bayad sa kaniya ng kumpanya. Pagdating nila sa salon, agad nagsigawan ang mga bading nang makita sina Lord Vincent at Lady. Napatawa naman si Lady sa nasaksihan. Masasabi talaga nito na malakas ang karisma ng kaibigan. Unang kita pa lang, sigaw na agad sa labis na kilig. Hindi nito masisisi ang mga ito sapagkat alam nito kung gaano kagwapo ang kaibigan. “Hey, mga beks! Isara niyo kaya iyang mga bibig niyo,” natatawang sabi ni Lady. “Madam, ang gwapo naman ng boyfriend mo,” sabi ng isang bading. Namumula ang mukha nito sa kilig. “’Di ko ’yan boyfriend, ’no? Best friend ko lang ’yan,” sagot ni Lady. Napangiti si Lord. “Oo. Best friend ko lang ang magandang dilag na ito.” “Sayang. Bagay pa naman kayo. Ang lakas ng chemistry niyong dalawa,” sabi ng isa pang bading. Niyakap ni Lady ang bewang ng kaibigan. “Bagay raw tayo?” Tinanggal ni Lord ang mga ito. “Bagay ka riyan! Mukha mo.” Napangiti si Lady. “See? Sa ganda kong ito? Hindi lang naman ako type, mga beks! Anyways, papogiin niyo iyan, ha?” “Wait lang—he looks familiar? Siya ba iyong nasa—” Inunahan ito ni Lady. “Sim card, gamot, at toothpaste.” “Kaya pala! Sobrang gwapo naman pala sa personal,” pagpuri ng bading. “Sinabi mo pa! Beks, ’wag mong manyakan iyan, ha? Virgin pa iyan!” pagbibiro ni Lady. “Baliw ka talaga, best friend! Beks, simulan mo na,” hiling ni Lord. Napatawa si Lady. “Beks, simulan mo na raw. Urgh!” Naiinis namang tiningnan ni Lord ang kaibigan. Hindi lang niya gusto ang sinabi nito. Bumuntonghininga naman siya ng tiwanan lang siya nito. “Come here, sir,” sabi ng bading. Minuto ang lumipas, tapos ng magpagupit si Lord. Nang nasa sasakyan na silang dalawa ni Lady, agad niya itong kinurot sa pisngi. “Lordo, ouch!” pagrereklamo ni Lady. Hinaplos pa nito ang pisngi. “Baliw ka kasi! Alam mo bang hindi maganda pakinggan sa babae ang makikipag-usap ng ganoon? Once marinig ka ng mga lalaki ng ganoon ay hindi mo na makukuha ang respeto nila. Ang tingin nila sa iyo ay madali ka lang makuha at hindi ka ganoon. Next time, mag-ingat ka sa mga sinasabi mo. Nakakainis talaga iyang bunganga mo. Napakabalahura!” “Amen! Ikaw talaga, Lordo! Isang pagkakamali ko lang ay isang buong yellow pad na agad ang sinasabi mo sa akin.” “Nag-aalala lang naman ako sa iyo. Alam mo naman na mahal na mahal kita. Anyways, gwapo na ba ako?” tanong ni Lord. “Syempre. Lahat naman bagay sa ’yo. Ang gwapo mo kaya.” Napatitig lang si Lord sa mukha ng kaibigan. Natutuwa lang siya. Palagi kasi nito pinaparamdam sa kaniya kung gaano siya kahalaga para rito. Sa saya ni Lord, umusog at hinawakan niya sa leeg ang kaibigan. Inilapit naman niya ang mukha rito at hinalikan ang ulo nito. “I love you, best friend,” nakangiting sabi ni Lord. “I love yoo too,” sagot ni Lady. “Best friend, sa isawan muna tayo. Gusto mo?” “Sure. Sige paandarin mo na! Nagugutom tuloy ako.” Minuto ang lumipas, dumating na sina Lord at Lady sa isawan. Dumiretso naman sila sa kung saan wala masyadong tao. Ayaw lang nilang makisingit. At isa pa, para sa kanilang dalawa ay magkaparehas lang naman ang lasa ng lahat ng isaw. Habang kumakain, may nakita si Lady. Tinitigan nito iyon nang mabuti kung tama ba ito. Nang makumpirma nito na tama nga ito ay kinilabit nito ang kaibigan sa gilid nito. “Lordo, nandito rin si Troy,” sabi ni Lady. “Saan?” “Doon, oh! Kumakain mag-isa sa likod nang lalaking chaka na nakapula. Nakita mo na?” “Ang sama talaga ng ugali nito!" "Sorry, honest lang. Siya naman ’yon, ’di ba? Kumakain pala siya ng ganito?” “Oo, siya iyon! Tara! Lapitan natin.” Pagdating nina Lord at Lady sa kinatatayuan ni Troy ay nagulat na may halong saya din ang binata nang makita sila. Napangiti naman si Lady nang masaksihan na kumakain ng isaw ang binata. Ang akala nito, maarte ito. Pero nagkamali ito roon. “Troy, kumakain ka pala ng isaw? Hindi ko alam iyon, ah?” panimula ni Lord. “Oo nga! Akala ko talaga, girls lang kinakain mo,” paghirit ni Lady. Tinitigan ni Troy ang dalaga. “Ano ang gusto mo? Kainin din kita?” “Lordo, oh!” sumbong ni Lady. “Huwag mo kasi unahan. Gumaganti lang iyan,” paliwanag ni Lord. Bumuntonghininga si Lady. “Oo na. My bad.” “Lady?” sambit ni Troy. Napatingin si Lady rito. “Bakit?” “Napopogian ka sa akin?” seryosong tanong ni Troy. “Good evening, everyone. I believe, what makes a man handsome is to have a good heart. And sadly, you don’t have it. So my answer is no. And I. . . thank you!” “What happened to you?” irap na tanong ni Troy. Inirapan ito ni Lady. “Because I am a beauty queen!” “May pagkabaliw pala itong best friend mo, Lord! Funny,” natatawang sabi ni Troy. “Sinabi mo pa. Kaya nga mahal na mahal ko ito, e. Kasi napapasaya niya ako. She completes my day—every day.” Natapos masabi iyon ni Lord ay niyakap niya mula sa likod ang kaibigan. Nakasimangot namang nakatingin dito si Troy at bumili na lang ng isaw at hindi na tiningnan ang dalawa. Muli ng kumain sina Lord, Lady, at Troy ng isaw. Habang kumakain silang tatlo, humiling si Lord na mag-groufie sila. Hiniling niya rin kay Lady na i-upload iyon sa InstaGlow account niya. Kapag napansin ni Lord ang kamay ni Troy sa balikat ng kaibigan niya ay tinatanggal niya ito. Ayaw niya lang ipahawak ang kaibigan dito. Palihim naman na naiinis si Troy pero wala itong magawa kung hindi hayaan na lang ang kaibigan sa pagiging protective sa dalaga. Nang natapos sila sa pagkuha ng litrato ay muli silang bumili ng isaw, kwek-kwek, at fish balls. “Troy, ikaw lang ba mag-isa?” tanong ni Lord. “Nope. Kasama ko ang kapatid ko.” May tinitignan ito sa malayo. “Talaga? Saan siya?” “May binili lang. ’Yon na pala, oh! He’s coming.” Nang nakita ni Lady ang tinutukoy ni Troy ay napangiti ito. Hindi nito mapagkaila na magkawig ang magkapatid. “Ang gwapo naman ng kapatid mo, Troy,” pagpuri ni Lady. “Nagmana lang naman sa Kuya,” pagmamayabang ni Troy. Ngitian pa nito ang dalaga. “Oo na. Aamin na ako. Mana nga ang kagwapuhan sa iyo. Sana lang talaga sa ugali ay hindi magmana. Alam niyo na naman na demonyo ang Kuya,” pagsusungit ni Lady. “’Wag kang mag-aalala. Mas mabait pa ’yan kay Lord,” sagot ni Troy. “Demonyong slang, ilang taon na ba ’yan?” tanong ni Lady. “Hoy! Katorse anyos pa iyang kapatid ni Troy. Kung makatanong ito, parang may balak!” suway ni Lord. Siniko ni Lady ang kaibigan. “Ang judgemental nito. Bawal bang magtanong?” “Oo na. Judgemental na ako.” “Ang cute niyo talagang mag-best friend. Mabuti na lang hindi kayo nahulog sa isa’t isa,” sabi ni Troy. “May promise kasi kami sa isa’t isa na magkaibigan lang kami magpakailanman, ’di ba best friend?” “Yup. ’Di rin naman ako type ni Lord. Gusto niya kasi iyong hindi katulad ko na sobrang ganda, as in napakaganda,” pagmamayabang ni Lady. “So si Soshmitta?” tanong ni Troy. Nagpipigil ito sa tawa. Kinnindatan ni Lady si Troy. “Alam mo na iyon.” “Ang sama talaga! Gusto mong iwan kita rito?” pagbabanta ni Lord. “Ayaw ko! Natatakot ako.” “So umayos ka!” Dumating na ang kapatid ni Troy at may dala itong baso ng squid balls. Napangiti naman ito nang makita ang kaibigan ng Kuya nito. “Hi, Kuya! Hello, Ate Lady,” pagbati ni Tyler. Ang mistisong kapatid ni Troy. “Gosh! Kilala mo ako?” takang tanong ni Lady. “Yes! Sikat ka po kasi sa social media. At isa pa, pinakilala ka ni Kuya sa akin sa Facegrammer,” sabi ni Tyler. “Hey! Fake news!” inis na sabi ni Troy. “Kuya, huwag ka po magsinungaling. Palagi kaya kitang nahuhuling tinitingnan ang pictures ni Ate,” rebelasiyon ni Tyler. “’Wag ka maniwala riyan, Lady,” pagtanggi ni Troy Napangiti si Lady. “Troy, don’t me? Crush mo ako!? Aminin?” “Troy, totoo? Tyler, totoo?” tanong ni Lord. “Opo, Kuya.” “Ano ang sabi niya?” nakangiting tanong ni Lord. “Maganda raw kaso huwag na lang, Kuya,” nahihiyang sabi ni Tyler. “Sabihin mo, Tyler, excited na ako,” pagpupumilit ni Lady. “Sige na, Ty. Sabihin mo,” natatawang sabi ni Troy. “Huwag ka magalit kay Kuya, Ate, ha? Ang sabi niya sa akin, maganda ka raw kaso may. . . p-pagkabaliw lang,” utal na sabi ni Tyler. Napahalakhak naman si Lord. Inakbayan pa niya ang kaibigan na halatang nagliliyab sa galit. Pinisil pa niya ang pisngi nito para humupa ang galit. Tinitigan ni Troy ang dalaga. “Ano? Crush ba kita?” “Baliw ka talaga demonyong slang ka! Tyler, ’wag ka maniwala riyan sa Kuya mo!” pagsusungit ni Lady. “Hindi naman talaga, Ate. Ang ganda mo po pala sa personal,” pagpuri ni Tyler. “Maliit na bagay. Salamat! Mabuti ka pa. . . ang bait mo.” “Mabait din naman po si Kuya, Ate. Siya nga ang gumagawa ng mga assignments at projects ko sa school.” “’Di nga? Hindi ba bobo siya?” “Grabe, Troy! Ayaw talaga maniwala ng best friend ko. Lady, he’s good. Tamad lang talaga. Walang gana palagi.” “Mas magaling pa nga ako sa iyo,” pagmamayabang ni Troy. Tinitigan lang nito ang dalaga. “Padisturbo po.Kuya, uwi na pala tayo. May assignments pa ako,” sabi ni Tyler. “Okay! Paano iyan, guys? Mauna na kami,” pagpapaalam ni Troy. “Kuya Lord, Ate Lady, mauna na kami. Paalam,” si Tyler. “Bye, magkapatid. Ingat,” sabi ni Lady. “Lady, don’t me! Crush mo ako?” pang-aasar ni Troy. “Kung may six inches ka. Crush kit—ouch!” sigaw ni Lady sabay hawak sa tagiliran nito. “Ang bastos na talaga!” inis na sabi ni Lord. “Nang-aasar lang naman ako, e! Kasi alam kong wala siya niyon!” irap na sabi ni Lady. “Grabe! Walang alam,” natatawang sabi ni Troy. “Shut up!” Tiningnan ni Lady si Tyler. “’Di ba 14 ka na? Kapatid ng Kuya Lord mo, 14 din! Bagay kayo,” nakangiting sabi ni Lady. “Naku! Nireto mo pa ang kapatid ko! Hindi mo ba alam na best friend iyan ng kambal?” si Lord. “Tama si Kuya, Ate. Parang kami lang din ni Kitty kayong dalawa ni Kuya Lord. Mag-best friend! Kuya, alam mo na walang araw na hindi kinukwento ng kambal sa akin? Lalo na si Kai. . . sobrang mahal ka talaga niyon,” sabi ni Tyler. Napangiti naman si Lord sa narinig. ”Talaga? Salamat sa pagkwento, ah? Kinilig ako. Sige na, umuwi na kayo. Mag-ingat kayo. Troy, dahan-dahan sa pagmamaneho.” “Okay. Bye. Lady, don’t me? Crush mo ako?” panunukso muli ni Troy. “Lordo, oh! Sapakin mo nga iyan! Naiinis na talaga ako,” pagrereklamo ni Lady. “Binibiro ka lang. Ang oa mo rin talaga,” sabi ni Lord. Pag-alis ng magkapatid, napangiti na lang si Lord. Masaya lang siya sa nalaman na na kinukuwento siya ng kapatid niya sa kaibigan nito. Bilang panganay, masaya siya na mahal siya ng mga kapatid niya. Nang mapansin niyang nakatulala ang kaibigan, sinubuan niya ito ng fish balls. Napatawa naman siya at niyakap ito. “I love you, best friend,” masayang sabi ni Lord. ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD