VIII.
HINDI MAKAPANIWALA SI Markus sa ginawa ni Lady. Ang akala niya ay hindi nito magagawa na humingi ng patawad. Hindi niya mapagkaila na natutuwa siya lalo pa at may bulaklak itong ibibigay sa kaniya. Nang tatanggapin niya na sana iyon ay binulungan siya ni Lord na huwag munang tanggapin. Gusto lang ni Lord na magbigay iyon ng leksiyon sa kaibigan nito. Para hindi na ito umulit pa. Mabuti na lang ay nakapikit ang dalaga kaya hindi nito nakita ang ginawa nito. Bumuntonghininga na lang si Markus. Sa tingin niya, may punto ang kaibigan kaya gagawin niya ang gusto nito.
Dinaanan na nila si Lady. Nagpipigil naman sa tawa si Lord. Alam nito na puputok sa galit ang kaibigan. Si Markus naman ay natatakot na baka ang babaeng gusto ay magtanim ng sama ng loob sa kaniya.
Nang imulat ni Lady ang mata nito, wala na ang sadya nito. Napalingon ito sa likuran at doon nito nakita na dinaanan lang ito ng magbabarkada.
“Markus, sorry na nga! Markus, ’wag ka ng pakipot. Markus, ’wag ka ng maarte!” sigaw ni Lady.
Hindi pa rin ito pinansin ng magbabarkada. Sinundan nito ang mga iyon. Sa pagmamadali nito, natumba ito.
“Urgh!” sigaw nito.
Napalingon ang magbabarkada. Nanlaki naman ang mga mata ng tatlo. Tatakbo na sana si Markus pero napatigil ito nang maunahan ni Lord. Napangiti na lang siya sa katotohang wala pala siyang karapatan dito.
Pagdating ni Lord, agad nitong pinatayo ang kaibigan. Pagkatapos, yumuko ito para punasanan ang tuhod nito. Nang napansin nito ang posisyon nilang dalawa ay agad itong umayos ng tayo.
“Sorry,” paghingi ng paumanhin ni Lord.
“Para saan?”
“Basta.”
Tiningnan ni Lady si Markus. “Lordo, tulungan mo naman ako, oh.”
“Hindi ko hawak ang puso niya, best friend. Sorry.” Pinisil nito ang braso ng kaibigan. “Mauna na kami.”
Nang nagsimula ng humakbang si Lord. Sumunod pa rin dito si Lady. Nagpipigil naman sa tawa si Markus. Natutuwa lang siya sa nakikita.
Nang nasa tapat na nila si Lady, nagpatuloy na sila sa paglalakad. Napatigil na si Lady sa paglalakad. Sa inis nito, tumakbo ito at biglang tumalon sa likuran ni Markus. Sumampa ito at hinawakan sa leeg ang binata gamit ang kaliwang kamay habang ang kanang kamay nito ay ginamit nito iyon sa pagpalo.
“Aray ko, Lady! Bitawan mo ako!” sigaw ni Markus.
“Ba’t ba kasi ang arte mong mokong ka!” inis na sabi ni Lady habang walang tigil sa pagpalo sa binata.
“Best friend, ano ang nangyari sa iyo?” tanong ni Lord.
“Ang arte, e!” sagot ni Lady.
“Hindi ba ang sabi ko ay mag-sorry ka nang bukal sa iyong puso?” pagpapaalala ni Lord.
Bumaba na si Lady. “Bukal naman ako, ah?!” Nilingon nito si Markus. “Sorry na nga.”
Hinawakan ni Lord ang kamay nito. “Lambingan mo pa.”
“Markus, sorry na!” paghingi ulit ng paumanhin ni Lady.
“Ang sabi ko ay lambingan mo. Hindi pagtaasan ng boses.”
Bumuntonghininga si Lady. “Oo na, ito na. . . Markus, sorry na talaga.”
“Markus, sige na. Patawarin mo na ang best friend ko,” nakangiting sabi ni Lord.
“Oo na. Pinapatawad na kita, Lady,” nahihiyang sabi ni Markus.
Inirapan ni Lady si Markus sabay abot ng bulaklak. Napangiti naman si Markus. Masaya lang siya na makatanggap ng bulaklak lalo pa at sa babaeng gusto niya.
“Peace offering ko iya. Sorry. Kaibigan na ba tayo?”
“Oo.”
“Yes!”
Natapos iyon masabi ni Lady ay inalayan nito si Markus ng halik sa pisngi sabay takbo paalis. Nanlaki naman ang mga ni Markus. Hindi siya makapaniwala sa ginawa nito. Hinawakan niya ang pisngi kung saan banda ang hinalikan nito at hinaplos iyon. Hindi naman mapigilan ang pamumula ng mukha niya.
“Markus, bakit tulala ka?” tanong ni Lord.
“Nakita niyo iyon? Hinalikan ako ni Lady,” nakangising sabi ni Markus.
“Malamang hindi kami bulag,” sagot nang pabalang ni Earl.
“Ang saya mo, ha!?” pagsusungit ni Troy.
“Lord!? Hinalikan ako ni Lady sa pisngi,” sigaw ni Markus. Hindi lang niya mapigilan ang sobrang saya.
“Ganoon lang iyon kapag masaya siya. Napakalambing kasi,” paliwanag ni Lord.
“Ba’t mo alam?” tanong ni Markus.
“Ganoon siya sa akin. Ganoon din ako sa kaniya. Hindi mo ba nakikita? Madalas namin iyon ginagawa sa isa’t isa.”
“Ay! Akala ko sa akin lang.” Ngumuso pa ito.
Natawa si Lord. “Feeling lang, ha? Pero ganoon lang talaga iyon sa mga kaibigan niya. At least, tinuring ka na rin niya. I’m happy for you.”
“Kaibiganin ko nga si Lady,” nakangising sabi ni Earl.
“Earl!” sambit ni Lord. May pagbabanta rito.
“Sorry,” paghingi ng paumanhin ni Earl. Napakamot pa ito sa ulo.
Inakbayan ni Troy ang kaibigan. “Hindi ka pa rin talaga nadadala, ’no?”
Bumuntonghininga si Earl. “Oo na nga. Sorry na talaga.”
“Tara na nga. Kumain na tayo. Nagugutom na ako,” si Markus.
“Mas mabuti pang sumabay na lang tayo sa kanila. Sa tingin ko, kakain na rin yata sila,” sabi ni Lord.
Napatingin ang magbabarkada sa papalapit na magkaibihan sina Lady, Soshmitta, Hope, and Caitlyn. Tiningnan ni Markus si Lady. Nang magtama ang mga mata nila ay kinawayan siya nito. Tipid naman siya ngang ngumiti. Nahihiya lang siyang ipakita sa kasama niya kung gaano siya kasaya.
Nang dumating na ang pretty girls sa harapan nila. Tumikhim si Earl at tila nagpapansin habang si Troy ay walang kibo. Lumapit naman si Lord sa magkakaibigan.
“Lady, Mitta, kakain na rin ba kayo?” tanong ni Lord.
“Oo, Lord! Bakit? Gusto niyo sumama ni Markus? Again? Ni Marcus lang. Marcus lang,” irap na sabi ni Lady. Ang mga mata nito ay nakatitig kina Earl at Troy.
“Kami lahat,” sagot ni Lord.
“Girls? Payag ba kayo? With them? Ako, kaya kong magpakaplastic na may kasamang manyakis at demonyong slang.”
“Grabe ka na sa akin,” inis na sabi ni Troy.
“Did I mention your name?”
Inirapan ito ni Troy. “Feeling maganda. Average lang naman.”
“P-Pardon?”
“Mukha mo.”
“Lordo, I can’t believe it.” Niyakap ni Lady ang kaibigan. “Beat him please.”
“Ang arte mo talaga. Umayos ka nga,” suway ni Lord.
“Oo na. I guess, we have no choice. Sumama na lang kayo sa amin nang may makasama naman kayong mga magaganda,” napipilitan na sabi ni Lady.
Hindi na makapaghintay si Markus. Pakiramdam niya, mapaparami na siya ng kain sapagkat ganado siya. Iyon ang kauna-unahang beses na makakasama niya ito kaya hindi niya palalagpasin ang pagkakataong iyon.
•••
“GUYS, DAHIL MAGKAKAIBIGAN na tayong lahat. Libre ko,” sabi ni Earl.
Si Earl Monte Carlo ay nagmamay-ari ang pamilya nila ng mga villages at subdivisions. Marami na rin silang branches sa buong Pilipinas at iyon ang nagpapayaman sa kanila. Hindi mapagkaila ang yaman ng angkan nila. Makikita naman iyon sa kaniya. Si Earl ang isa sa may pinakamagandang mukha sa apat na magkakaibigan. Porselana ang kutis nito kaya minsan nagpagkakamalan siya na may dugong banyaga. Makisig ang pangangatawa nito at may katangkaran. Maganda rin ang mga mata nito at gigagamit niya iyon para mang-akit. Hindi naman mapagkaila na isa siya sa may pinamatangos ilong. Kapag tinitigan siya nang malapitan, makikita sa mukha niya ang mga maliliit na ugat. Ganoon kalinaw ang kutis niya. Dahil sa angking kaguwapuhan niya, ginagamit niya iyon para makabihag ng mga babaeng gusto niyang itabi sa kama.
Si Earl ang isa sa pinaka-playboy sa lahat. Isa sa mga plano niya ay mabihag ang puso nina Hope at Caitlyn. Para sa kaniya, makuha niya lang ang isa rito ay sapat na iyon sa kaniya. Tipo niya kasi iyong mga mistisa. Gusto niya rin sana si Lady pero hindi na niya susubukan lalo pa at alam niyang wala siyang pag-asa rito. Alam niya iyong tipong babae ni Lady, hindi siya nito magugustuhan. At isa pa, barkada nito si Lord. Ayaw niya itong taluhin. May pakiramdam siya na darating ang araw, mag-aaminan din ang mga ito. Iba kasi iyong nakikita niyang turingan ng dalawa. Hindi pangkaibigan lang.
“Hey, bakit ayaw niyong sumagot? Libre ko kayong lahat because we are friends,” sabi ni Earl.
“Friends? Gosh! Si Lord lang kaya ang kaibigan namin sa inyo!” pagsusungit ni Hope.
“Si Markus din kaya, girls. Magkaibigan na kami. ’Di ba Markus?” tanong ni Lady.
Napangiti si Markus. “Talaga, Lady? Friend na talaga tayo?”
“Oo. Bakit naman hindi?”
“Hey! Pero paano kaming dalawa ni Troy?” nag-aalalang tanong ni Earl.
“Wala kayong place sa heart namin. Ang manyakis niyo kaya! Ang dumi niyo na! Kadiri kayo!” irap na sabi ni Caitlyn.
“Agreed,” si Hope. Inirapan nito si Earl.
“Guys, hindi ba pwedeng magkaibigan na lang tayong lahat? Walang bangayan? Iyong masaya lang?” tanong ni Lord. Gusto nitong magkaayos na ang lahat.
“Oo nga, guys! Mas marami. Mas masaya,” nakangiting sabi ni Soshmitta.
Lumapit si Lady kay Lord at niyakap nito ang braso ng binata. “Pero Lordo, manyakis iyang dalawang iyan! Paano na ang virginity ko?”
“Bibig mo. Hampasin kita riyan!”
“Sorry na. Pero damn! I can’t take it. Manyakis talaga iyang si Earl! Tapos si Troy? His trying to seduce me as if masarap siya at papatulan ko.”
Tinakpan ni Lord ang bibig ng kaibigan. “Pwede bang tumahimik ka na?”
“Ang judgemental niyo naman. ’Di naman kami namimilit ni Troy. Kusang lapitin lang talaga kami ng mga babae. Kasalanan ba namin iyon kung gwapo’t masarap kami?” si Earl.
“Yup! ’Di namin sila pinipilit. F.Y.I, sila ang nagpapakita ng motibo. Syempre, lalaki kami kaya namin sila kinakama. Ginusto rin naman nila iyon at hindi na sila lugi sa amin. Lalo na sa akin,” si Troy. Ibinida nito ang sarili.
Tinanggal ni Lady ang kamay ni Lord sa bibig nito. “Pero kahit na! Manyakis pa rin kayo! Bakit si Lordo? Hindi ganyan, ha? Hindi katulad niyo?”
“80’s type kasi iyang Lordo mo. Makaluma? Kami namang tatlo, modern type. Makabago,” pagmamayabang ni Earl.
“Hindi ako kasali, Earl, kayo lang,” pagmamalinis ni Markus.
“Sapakin kita riyan!” sagot ni Earl.
“Ew! Ikaw rin pala, Markus? Grabe,” pag-iinarte ni Lady.
“’Wag kang maniwala sa kanila, Lady. Promise, virgin pa ako!” paliwanag ni Markus.
“Pwedeng bang tumahimik na kayo? Hindi na nakakatuwa!” inis na sabi ni Lord.
Tumahimik na ang lahat natapos pagsabihan ni Lord. Wala namang nagawa si Earl kung hindi pigilan ang sarili. Kahit ang totoo ay gusto pa niyang ipagtanggol ang sarili sa harapan ng pretty girls. May tama sa sinabi ng mga ito, pero maraming mali ang mga ito na pinaniniwalaan. Gusto niya lang sana na mabago ang pananaw na iyon.
~~~