XI

2101 Words
XI. SABADO NA AT mangyayari na ang commercial shoot ni Lord Vincent. Nasa sala na ng mansion ng Alonzo sina Soshmitta at Lady at hinihintay si Lord na bumaba mula sa kuwarto nito. Nandoon pa kasi at nag-aayos. Naghahanap pa ito ng magandang susuotin. Kasama naman nina Soshmitta at Lady ang dalawa pang kapatid ni Lord na sina Kitty at Kaitto. Nilingon ni Lady si Kitty. “Pretty kitty, alam mo, nakilala ko si Tyler noong nakaraang araw. Kasama ko siya sa isawan. And what makes me happy? Nakitaan ko kayo ng chemistry. Bagay kayo.” “Ate Lady, crush niya iyon at crush din siya ni Tyler. Bale may mutual understanding na silang dalawa sa isa’t isa pero huwag mo lang sabihin kay Kuya kasi magagalit iyon. Ang strict kasi niyon,” sabi ni Kaito. Nakangiting tiningnan ni Lady si Kitty. “Totoo? Hmm.” “’Di naman, Kaito. Ikaw talaga!” nahihiyang sagot ni Kitty. “Okay lang naman magkagusto, Kitty. Normal lang naman iyon,” sabi ni Soshmitta. Sumali na ito sa usapan. “Kaya nga, Kitty. Pero dapat ay may limitasyon lang talaga bale crush lang muna. At kapag 18 years old above ka na! Pwede ka ng makipag-boyfriend. Siguro, hindi na magagalit ang Kuya Lord mo niyon,” sabi ni Lady. “Tama ang Ate Lady mo, Kitty. Parang kami ni Lady. We are 18 na pero hindi pa kami pumapasok sa isang relasyon. Maaring soon?” nakangiting sabi ni Soshmitta. “Ate Soshmitta, gusto mo na rin ba si Kuya?” tanong ni Kaito. Gusto lang nito malaman ang totoo. “Ikaw naman, Kaito! ’Wag mong tanungin ng ganyan ang Ate Soshmitta mo. Lagot ka! Baka mapaamin pa iyan nang wala sa oras,” pagbibiro ni Lady. “Okay po. Ikaw, Ate Lady? May nagustuhan ka na ba?” Bumuntonghininga ito. “Akala ko talaga si Kuya.” “Oo nga, Ate! Si Kuya Lord, ’di mo rin crush kahit sobrang gwapo, matalino at mabait pa! Ano pala ang type mo?” tanong ni Kitty. “Ganito kasi iyon. ’Di pa handa ang puso ko sa mga bagay na ganyan. At isa pa, naniniwala ako na ang love ay darating iyan sa tamang lugar at sa tamang oras.” “Ipapakilala mo sa amin, Ate, ha?” hiling ni Kitty. “Syempre. Anyways, si Soshmitta na muna ang tanungin niyo kambal. Pupuntahan ko muna ang Kuya niyo. Ang bagal, e!” Nilingon ni Lady si Soshmitta. “Dito ka muna, ha? Puntahan ko muna iyong suitor mo.” Paakyat na si Lady sa ikatlong palapag ng bahay. Napagdesisyon niyang kailangan na niya itong puntahan. Sa isipan niya, hindi na ito nahiya sa nililigawan nito. Pinaghintay lang ba naman ito. Para hindi mabawasan ang puntos ng kaibigan niya ay dapat lang sunduin niya ito. Nang nasa tapat na siya ng pintuan ng kuwarto ni Lord ay pinindot na niya ang passcode nito. Kaarawan iyon ng binata kaya alam niya iyon. Nang bumukas, agad siyang pumasok. Nanlaki naman ang mga mata niya nang makita ang kaibigan na tanging salawal lang ang suot. Kahit si Lord ay natulala rin. Mas nanlaki naman ang mga mata ni Lady nang makitang gumalaw ito kaya napatalikod na siya. Nanginginig na ang mga tuhod niya. Para ba siyang nawalan ng lakas. Nagsisisi tuloy siya na sinundo pa niya ito. “T*ti iyong gumalaw?” tanong ni Lady sa isipan. Napailing na lang si Lady kung bakit niya inisip pa iyon. Bumuntonghininga na siya at hinimas ang dibdib. Pero nang maalala niya muli ang nakitang gumalaw ay napailing siyang muli. Naiinis lang siya sa sarili niya kung bakit hindi iyon nawala sa isipan niya. “Lordo, sorry,” paghingi ng paumanhin ni Lady. “Okay lang.” “’Di ka galit?” “Hindi.” “Sorry talaga, Lordo. Promise, ’di na mauulit.” “Okay. Basta ang sabi ko sa iyo noon?” “Oo na. Kumatok muna bago pumasok. Sorry talaga! Pwede na ba akong lumingon?” “Oo.” Nilingon na ni Lady ang kaibigan. Napangiti naman siyang nang makita na nakapagbihis na ito. Hindi niya maitanggi na sobrang bagay rito ang suot nito. Ang lakas talaga ng dating nito. Lumapit si Lady sa kaibigan. “Bakit ang tagal mo?” “Nahihirapan kasi ako mamili ng damit.” “Kahit ano namang suot mo ay gwapo ka pa rin. Ah! Alam ko na! Dahil ba kay Sosh at sobrang nagpapagwapo ka? At conscious na concious ka sa sarili mo?” Niyakap ni Lady ang binata at agad din bumuwag. “Nagbibinata na talaga ang Lordo ko. Anyways, bagay sa iyo iyang suot mo. Ang cute mo tingnan.” “Salamat. Mabango na ba ako?” “Sobra! Ang bango mo na at gwapo mo pa kaya tara na at bumaba na tayo nang hindi na mainip si Soshmitta roon.” Habang palabas ang dalawa mula sa kuwarto ay nakaakbay si Lord kay Lady. Nasa bewang naman ni Lord ang kamay ni Lady. Natutuwa lang ang dalagang pisilin ito. ••• NANG PAPABABA Na sina Lord at Lady sa hagdan ay hindi mapigilang mamangha ni Soshmitta sa itsura ni Lord. Para sa kaniya, sobrang bagay rito ang suot nito. Pareho lang sila ng sinabi ni Lady. Nang nginitian siya ng binata mula sa itaas, bumilis ang pintig ng puso niya at iyon ang sigurado siya. Nang dumating na ang dalawa sa harapan nila ay mas napangiti na lang si Soshmitta. Lalo pa at naamoy niya ang pabango ni Lord. Para sa kaniya, sobrang sexy ng amoy nito at bagay na bagay iyon sa katauhan nito. “Lord, ang tagal mo, ha?” natatawang sabi ni Soshmitta. “Sorry, nagpapagwapo lang. Kasama ko kasi iyong nililigawan ko kaya dapat ako lang ang pinakagwapong tao sa paningin niya,” nakangiting sabi ni Lord. “Hindi naman kailangan, Lord. Gwapo ka naman noon pa sa paningin ko,” si Soshmitta. Ang lapad ng ngiti niya. “Kuya, kinilig ako,” nakangiting pag-amin ni Kitty. Napasandal pa ito sa braso ni Lady. “Kuya, pwede na rin ba akong mag-girlfriend?” tanong ni Kaito. Pinakitaan ito ni Lord ng kamao. “Sapak, gusto mo, ha? Ang bata mo pa.” “Mommy, oh!” sigaw ni Kaito. “Sorry Kaito, pero wala si Mommy rito kaya sa pagbilang ko ng tatlo ay dapat wala ka na sa paningin ko. Isa, dalawa, tat—” Napahalakhak naman si Soshmitta nang masaksihan kung anong klaseng Kuya ang manliligaw niya sa mga kapatid nito. Natutuwa lang siya. Nakikita niya ang pagmamahal nito kahit may pagka-strikto itong tao. Nasa gitna na sila ng biyahe. Nasa tabi naman ni Lord si Soshmitta. Kahit nahihiya si Soshmitta na tumabi sa manliligaw niya at napilit siya ni Lady. Masaya lang siya sa kaibigan niya na grabe ang suporta sa kanila. “Mitta, ang saya ko kasi kasama kita ngayon. Dati, hindi ko magagawang kausapin ka dahil sa nahihiya ako. Pero ngayon, kumportable na akong kausapin ka sa mata sa mata at puso sa puso,” seryosong sabi ni Lord. “Nambobola ka na naman,” si Soshmitta. Kahit ang totoo ay naniwala naman siya sa mga sinasabi sa kaniya. “Hindi, ah. Nagmamahal lang akong tunay sa iyo.” “Biro lang.” Napangiti si Soshmitta. “Salamat, Lord, sa lahat. Ako na hindi mayaman, ako na hindi maputi, ako na hindi masyadong matalino, ako na hindi perpekto, ako na simpleng babae lang pero ang isang katulad mo ay sa akin nagkagusto. I am thankful of that! Ang swerte ko.” “Hindi rin naman ako perpekto, Mitta, at lalong wala talagang perpekto sa mundo. Pero I will try my very best to be a good damn suitor to you that every girl dreams.” Napabuntonghininga si Lady. “Kunwari wala akong narinig. Kunwari ay kayo lang dalawa! Gosh! For real na talaga?!” “Panira ka naman ng moment, best friend,” pagbibiro ni Lord. “Sige na, ipagpatuloy niyo na! Mag air pad na lang ako,” sabi ni Lady. “I love you, best friend,” masayang sabi ni Lord. “I love you too. Sige na, verbal landian na kayo riyan.” Napatawa na lang si Soshmitta. Nilingin pa niya ito sa likuran at ipinakita ang saya niya. “Mitta, sana maging honest ka sa akin. Halimbawa, hindi mo gusto ang pabango ko. Sabihin mo sa akin para mabago ko dahil gusto ko lagi kang kumportable sa piling ko. Mahal kasi talaga kita,” seryosong sabi ni Lord. “Okay, Lord. I will.” “Salamat. Itong pabango ko ngayon? Nababanguhan ka ba, Mitta?” “Oo, ang bango nga. It’s so sexy for me.” Numumula naman ang mukha ni Lord. “Salamat. Sinadya ko talaga ito para maamoy mo ang pagmamahal ko.” Itinanggal ni Lady ang isang ear piece. “Ang corny! Bwesit!” “Bestfriend, support ka naman diyan! Minsan lang ako ganito,” nahihiyang sabi ni Lord. “Ang corny mo kasi! Ang sarap mong sapakin.” “Okay lang naman, Lady. Ang cute nga,” kinikilig na sabi ni Soshmitta. “Totoo, Mitta? Gusto mo iyong ginaganoon kita?” tanong ni Lord. “Oo.” “Kinikilig ako nang sobra. Kung hindi pa lang ako nagmamaneho, nanakawan kita ng halik sa pisngi.” Napakagat na lang sa ibabang parte ng labi si Soshmitta para pigilan ang kilig na naramdaman sa puso. Hindi niya lang inaasahan ang mga banat nito na pupukaw sa puso niya. Minuto ang lumipas, dumating na sila sa shooting place kung saan kukuhanan si Lord. Hindi naman bago ang lahat ng ito kay Soshmitta sapagkat isang sikat na artist ang Tita Krista niya. Nasa gilid lang silang dalawa ni Lady at tinitingnan si Lord habang kausap ang scriptwriter ng commercial. Napalingon naman si Soshmitta sa grupo ng mga babae sa gilid niya, malayo ito nang kunti sa kaniya. Naiilang naman siya nang marinig na may nagbubulungan. Ipinikit niya ang mga mata niya at seryosong nakikinig sa mga ito. Ang narinig niya, pinag-uusapan ng mga babae kung sino sa kanila ni Lady ang kasintahan ni Lord. Ibinuka niya ang mga mata niya at tiningnan si Lady. Wala naman itong kaalam-alam sapagkat naka-air pad ito. “Iyong nakapula ang gf. Iyon ang sigurado ako,” pabulong na sabi ng babae. Si Lady ang tinutukoy nito. “Hindi siguro. Baka iyang nakaputi. She’s elegant kahit morena.” “Nakapula iyan. Si Lady Lou iyan, best friend kuno. Pero baka with benefits.” Tumawa ito. “Ang dikit ba naman nila sa isa’t isa. Tanga na lang ang nakaputi kung siya ang gf tapos hindi siya magseselos sa dalawa.” “Pwede rin. Pero kung ako si Lord, doon na ako sa mukhang mamahalin. Kay Lady na ako. At isa pa, sobrang bagay nilang dalawa. Pinoy na pinoy at mistisa. Gosh! Sana nga silang dalawa. Tapos ikumpara mo ang mukha ng dalawa ni Lady at ng katabi niya? Ang layo, ’di ba?” Muling tumawa ang mga babae. Si Soshmitta naman ay pilit na tinanggap ang lahat ng mga sinasabi ng babae. Para sa kaniya, totoo ang sinabi ng mga babae. Nang natapos ang unang kuha ni Lord. Bumalik na ito sa kinauupuan nila Soshmitta. Kay Lady naman ito unang lumapit at kinuha ang tumbler na hawak nito. Tumayo rin si Lady at pinunasan ang pawis ng kaibigan. “See? Sabi ko na nga ba? Ang galing ko, ’no? Bakit pa ba tanso ang kunin ni Lord? E, may ginto na sa harapan niya,” sabi ng babae. Hindi nito napansin na napalakas ang boses nito. Napalingon sina Lord at Lady rito. May inis naman sa mukha ni Lady. Nang hahakbang ito ay pinigilan ito ni Lord. Ang ginawa ni Lord, hinila nito patayo si Soshmitta. Nanlaki naman ang mga mata ni Soshmitta lalo na noong hinalikan siya ni Lord sa noo. Nilingon ni Lord ang mga babae. “Ang babaeng ito ang nililigawan ko. Mahal ko ito. At pwede ba? Sa susunod, sarili niyo naman ang pansinin niyo bago ang buhay ng ibang tao. Minsan, hindi niyo man sinasadya pero hindi maiiwasang may naapektuhan kayo sa pinaggagawa niyo. Salamat. Sana, hindi sumama ang loob niyo sa akin dahil nagmamahal lang ako. Pasensiya na kayo pero hindi ko hahayaan na yurakan niyo ang babaeng nakikita kong kasamang tumanda.” Nagsimula ng mangilid ang luha sa mga mata ni Soshmitta sa sobrang saya. Habang tinititigan niya ang mukha ng binata, mas bumilis ang t***k ng puso niya. “Ang swerte ko to have you, Lord,” sabi ni Soshmitta sa sarili. ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD