XXIV. NALILITO NA SI Caitlyn sa gagawin niya. Alam niya na may matinding galit si Hope sa kaibigan nilang si Lady pero tikom lang ang bibig niya. Ayaw niyang magkaroon ng lamat ang pagkakaibigan nila. Ang kinaiinisan niya, ang rason kung bakit magkakagulo pa sila. Hindi niya lubos maisip na humantong si Hope sa ganoon. Wala naman sanang ginawa si Lady pero labis ang galit nito. Matalino rin sana ito pero para sa kaniya naging mahina ang utak nito pagdating sa lalaki. Nagseselos ba naman ito kahit walang karapatan sa binata. Napabuntonghininga na lang si Caitlyn habang iniisip ang mga posibleng manyayari. Kasama niya si Hope pero iyong isip niya ay hindi gumagana nang maayos. Ang ipinagdadasal niya lang ay sana walang mangyayaring masama. Naramdaman pa naman niya na mainit ang ulo ni Hope