XXV. PAGDATING NI LORD sa silid-aralan nila Soshmitta, unang napansin niya ay wala na ang matalik na kaibigang si Lady. Iginiya niya ang tingin sa paligid para masigurado kung hindi nga ba siya nagkakamali ngunit wala na talaga ito. Napakunot-noo naman siya habang tiningnan ang kasintahan. Gusto niya lang malaman kung nasaan na ito. Nang nalaman niya kung nasaan ito at kung ano ang ginawa ni Troy ay napangiti na lang siya. Sa totoo lang, masaya siya. Para sa kaniya, iyon ang nararapat na matamasa ng kaibigan niya. Kahit ayaw pa niyang pumasok ito sa isang relasyon, hindi niya pa rin mapigilan ang sarili na kiligin. “Ganoon pala. Anyways, kumusta na sila ni Hope?” bulong ni Lord. “Mas lumala ang away nila. Nagkasagutan nga kanina,” sabi ni Soshmitta. “Bakit daw?” nag-aalalang tanong ni