XXIII. PAGKAGISING NI HOPE, una niyang ginawa ay kinuha ang cell phone sa tabi niya para buksan ang social media account niya. Gusto niya lang tingan ang feed ng InstaGlow account niya. Habang binaba niya ang mga larawan sa feed niya, nanlaki ang mga mata niya nang makita ang post ni Troy na may larawan na kasama si Lady. [Troy San Miguel: Miss Universe ng buhay ko. Nag-iisa ka lang, Lady love. Congrats! I am so proud of you!] Sa inis ni Hope, tinapon niya ang hawak na cell phone. Nagseselos lang siya sapagkat gusto niya ang binata. Para sa kaniya, siya dapat iyon at hindi ang kaibigan niya. Mas maganda at matalino siya sa kaibigan kaya naiinis siyang tanggapin na hindi siya ang gusto ng binata. Minsan nga lang siya magkagusto, pero binabalewa lang ang nararamdaman niya. Bumuntonghini