XII

1868 Words
XII. NASA MALL SI Hope at mag-isang namili ng mga gamit. Wala siyang makakasama sapagkat inayawan siya ng tatlong kaibigan. May lakad kasi si Caitlyn kasama ang buong pamilya nito habang sina Soshmitta at Lady ay kasama ni Lord sa isang photoshoot. Kahit ayaw niyang mamasyal mag-isa ay ginawa niya pa rin. Para aliwin ang sarili niya na nababagot na sa pagiging maganda. Isa rin sa ipinunta niya sa mall ay gusto niyang makabili ng mga latest designs ng mga gamit. Pakiramdam niya, kapag wala siya niyon, hindi na siya tao. Nang nakabili na siya ng mga bag at damit ay iniwan niya muna ito sa baggage counter. Nang wala na siyang dala sa kamay, umayos na siya ng lakad. Ginaya pa niya ang lakad ni Lady na napakagaling sa rampahan. Nang muntikan siyang matapilok, huminto na siya. Napa-ismid siya at napasabi sa sarili na mahirap pa lang maging si Lady Lou. Minsan, kahit kaibigan niya ito ay hindi niya maiwasan na makaramdam siya ng inggit dito. Alam naman niya sanang mas maganda at matalino siya nang kunti pero wala pa rin siyang laban dito. Mas pansinin talaga ito ng lahat. Pero hindi naman siya iyong tipong malaki talaga ang inggit na mapupunta na sa pagkamuhi. Sakto lang kapag dinadalaw lang siya niyon. Lalo na kapag may dalaw siya. Para makaiwas sa iniisip, ginagawa niya na lang inspirasyon si Soshmitta na kuntento sa buhay. Pagdating niya sa department store, agad siyang dumiretso sa kung saan makabili ng panty at bra. Gusto niya lang ng bago para mas maganda. Nang naglilibot na siya, may taong siyang hindi inaashan na makita. Si Earl Monte Carlo. Nang nagtama ang mga mata nila, inirapan niya ito. Hindi siya nagpatinag sa tingin nito. Kahit sabay na silang kumakain tuwing tanghalian, ayaw pa rin niya rito. Naiinis siya sa mukha nito. Isa sa dahilan, ang mga sabi-sabi na pinaggagawa nito sa buhay. “Ew! Ang manyakis mo talaga! Ba’t ka nagpunta rito?! Kadiri ka!” hindi makapaniwalang sabi ni Hope. Nakangiting tiningnan ni Earl ang hawak ni Hope. “Ganyan pala ang size ng bra mo? Medyo malaki sa edad mo, ha? Good to know.” “Manyak!” sabi ni Hope sabay tapon ng panty na hawak sa mukha ng binata. Humalakhak naman si Earl. Natutuwa lang ito na napikon sa kaniya ang dalaga. Mukhang nakahiligan na nitong mang-asar. Sa lahat, si Soshmitta lang ang hindi nito kayang asarin. Para rito, hindi ito iyong tipong babae na madaling asarin. Nakaramdam lang ito na seryoso talaga ito sa buhay. Natatakot din ito na kung gagawin nito iyon ay baka umiyak pa at magsumbong. Mahirap na at baka makabili pa ito ng kendi para lang tumahan. Sa inis ni Hope, kumuha muli siya ng panty at dumiretso na sa counter para bayaran ang pinamili niya. Gusto na niyang umuwi at makapagpahinga. Habang nakasimangot sa pila, nanlaki ang mga mata ni Soshmitta nang may panty ng matanda na bumungad sa harapan niya. Paglingon niya sa likod, si Earl at tumatawa pa ito. Hinampas niya ito sa sobrang inis. “Ano ba talagang ginagawa mo rito?” tanong ni Hope. “Namili. Para lang sa Lola ko.” Ngumiti ito. “Birthday niya kasi ngayon at ’di ko alam kung anong magandang ibibigay. Kaya ito na lang panty. Okay lang ba?” Nagpipigil sa tawa si Hope. Natutuwa lang siya sa binata. Para sa kaniya, kalalaki nitong tao pero hindi nahihiyang bumili ng panty. Sa sandaling iyon, masasabi niya rin na mahal talaga nito ang lola nito. “May nakakatawa ba?” tanong ni Earl. Kumunot pa ang noo nito. “Wala!” nakangiting sagot ni Hope. “Okay lang ba na ito ang iregalo ko?” tanong ni Earl. May pag-aalala sa mukha nito. “Kahit ano naman pwede. Basta bukal lang ito sa iyong puso.” “Isang dosenang panties. Okay lang talaga ito?” “Oo nga. Pero ba’t ba iyan ang naisipan mo?” “Nakakasawa na kasi kapag necklace, watch, and dress. Gusto ko lang bago naman para maiba.” “Ikaw na ang kindest grandson,” pagbibiro ko ni Hope. “Sama ka sa bahay?” “Ayoko nga! Wala akong tiwala sa ’yo at isa pa, hindi tayo close!” pagsusungit ni Hope. “Paano naman tayo maging close? ’Di naman open ang puso mo para kaibiganin ako,” si Earl. “True! Kasi manyakis ka!” diin na sabi ni Hope. Napailing na lang si Earl. Mukhang hindi na nito mababago ang paningin ni Hope rito. Nang oras na ni Hope para magbayad, biglang sumingit si Earl. Agad napataas ang kilay ni Hope pero hindi na siya nakapag-react nang ma-punch na ng cashier. Tumawa lang si Earl at binigyan nang nakalolokong ngiti ang dalaga. Hinintay naman ni Earl si Hope na matapos. Nang natapos si Hope, nagtataka naman siya kung bakit hinihintay siya ni Earl. Pakiramdam niya ay balak nitong ihatid siya. Sa inis niya, tumakbo siya palayo hanggang sa natumba siya at bumagsak sa sahig. Napatakbo naman si Earl papunta sa kaniya at inalayan pa siya nito ng kamay. Ang ginawa niya, hinampas niya ito at pinilit na lang tumayo mag-isa. Pero dahil masakit pa rin ang paa niya, muli siyang bumagsak. “Ouch! Ang sakit.” Napangiwi ang mukha ni Hope sabay hawak sa paa niya. “Ang arte mo kasi. Ayaw mo pa magpatulong sa akin. Hawakan mo lang naman sana ang mga kamay ko,” seryosong sabi ni Earl. “Ayoko nga! Kung ikaw lang? Mas mabuting ’wag na! I can’t take it na magkakaroon ng utang na loob sa iyo,” si Hope. “Fine! Iyon ang gusto mo? Paalam!” sabi ni Earl sabay talikod. Nagsimula na itong humakbang. “Earl!” sigaw ni Hope. Napahinto at lumingon si Earl. “Bakit?” “Sige na. Tulungan mo na ako. I need you right now.” Nagkibit-balik si Earl. “Sorry. Busy na ako! Paalam, Hope. Keep walking.” Nanlaki ang mga mata ni Hope habang ang bibig ay napanganga. Hindi siya makapaniwala na totohanin nito ang sinabi. Nang papalayo na ito sa kaniya, umaasa siyang babalik ito na katulad sa mga nakikita niya sa pelikula. Pero bigo siya roon, hindi na bumalik ang binata. “Shi—” Hindi natapos ni Hope ang sasahihin ng mga kamay na bumungad sa harapan niya. Pagtingin niya, si Troy. Tinanggap niya iyon at tumayo. Napangiwi naman ang mukha niya. Naramdaman niya lang ang pananakit ng paa niya. “Salamat. Ano ang ginagawa mo rito, Troy?” tanong ni Hope. “Bumili ng material sa project ng brother ko.” “You are mabait na Kuya pala?” panunukso ni Hope. “’Di naman. Masakit pa ba ang paa mo?” “Hindi naman masyado.” Nang sinubukan humakbang ni Hope ay napangiwi na lang ang mukha niya. Hindi niya mapagkaila na masakit pa rin ang paa niya. “Ouch. Ansaket talaga,” pag-amin ni Hope.mention a user “Sumampa ka na lang sa akin,” sabi ni Troy. “Nakakahiya, Troy.” “Ano ang gusto mo? Ang mamaga iyang paa mo at matagal kang hindi makakalakad?” “N-No.” “So ’wag ka ng maarte.” Walang nagawa si Hope kung hindi ang sumampa na lang. Nakaramdam naman siya ng ilang sapagkat nakadikit sa likuran ng binata ang dibdib niya. Pero tiniis niya na lang iyon. Ang hiling niya, sana wala lang iyon kay Troy. “May dala ka bang sasakyan?” tanong ni Troy. “Wala. I can’t drive by myself.” “Okay. Ihahatid na lang kita sa inyo.” “H-Ha? T-Troy, ’wag na!” nahihiyang sabi ni Hope. “’Wag ka ng maarte riyan! Delikado kang mag-isa sa taxi.” “Bakit naman?” “Ang ganda mo kaya. Baka mapagtripan ka.” “Grabe! Ang judgmental mo naman sa mga taxi drivers!” pagrereklamo ni Hope. “Bakit? Lahat ba ng taxi drivers ay taxi drivers? ’Di ba hindi? Kasi ang iba nagpapanggap lang para makapangbiktima. Masisi mo ba ako kung bakit nagkakaganito ako?” seryosong sabi ni Troy. Napangiti na lang si Hope sa sinabi nito. Hindi niya inaakala na may ganoon palang ugali ang binata. Ang buong akala niya ay pangbabae lang ang kaya nito. Sinabi naman niya rito na may gamit pa siya sa baggage area. Mabuti na lang ay pumayag ito na balikan nila at masaya siya roon. ••• NAGMAMADALING UMALIS SI Markus nang biglang nag-text sa kaniya si Lady na kung pwede ba siya nitong sunduin. Hindi naman siya nagdalawang-isip na pumayag para sa babaeng gusto niya. Mahal niya iyon kaya bukal sa puso niya iyong susunduin. Hindi naman siya nagtaka kung bakit may numero ito sa kaniya. Ang sigurado siya, kay Lord nito iyon nakuha. Minuto ang lumipas, dumating na siya sa lugar kung saan ang binigay ni Lady. Ang ipinagtaka niya, kasama ng babaeng sadya niya sina Lord at Soshmitta. Lalapit na sana siya kay Lady pero hinarangan siya ni Lord. May pagtataka sa mukha niya pero binalewala niya lang iyon. Pakiramdam niya, may kakaiba. “Bro, may lakad daw kayo ni Lady?” tanong ni Lord. Napasilip si Markus kay Lady sa likuran ni Lord. Sinenyasan naman siya ni Lady na tumango kaya nagsinungaling na lang din siya. Mukhang nakuha na niya ang gustong mangyari ni Lady, iyon ay ang bigyan ng oras sina Soshmitta at Lord. Napangiti si Markus. “Yes, bro. I just want to be with her.” “S-Saan kayo, bro?” tanong ni Lord. Napakunotnoo na ito. Pumunta si Lady sa tabi ni Markus. Nang niyakap ni Lady ang isang braso ni Markus ay tinanggal iyon ni Lord. Napa-irap na lang si Lady sa ginawa nito. “Saan kayo?” seryosong tanong ni Lord. “Sa Park, Lordo.” “Yes, bro. Manunood lang kami ng fireworks display,” sabi ni Markus. Napatango si Lord. “Sama ako. Kaming dalawa ni Mitta.” “’Wag na, Lordo! Mag-date na lang kayong dalawa ni Soshmitta,” sagot ni Lady. “Sama na lang kaming dalawa ni Mitta. Hindi ko naman hahayaang sumama ka riyan mag-isa,” nakasimangot na sabi ni Lord. “Kaya ko na ang sarili ko,” giit ni Lady. “Wala ka bang tiwala sa akin, bro?” tanong ni Markus. “Naninigurado lang ako. Natatakot lang ako na baka mapahamak pa iyang best friend ko,” si Lord. Gusto lang nito masigurado ang kaligtasan ng kaibigan. “Lordo, naman. Nagsimula ka na naman sa pagiging overprotective mo,” reklamo ni Lady. “Basta. Sasama ako sa ayaw at sa gusto mo,” pagmamatigas ni Lord. “’Wag na nga! Ang kulit mo!” sigaw ni Lady. Tinaasan na nito iyon ng boses. “Galit ka? Okay, umalis ka na,” sabi ni Lord. Maririnig sa boses nito ang tampo. “’Wag kayong mag-away, ha?” pag-aalala ni Markus. Napakamot na lang sa ulo si Markus. Sa tingin niya, palpak si Lady sa pinaplano nito. Nag-aalala tuloy siya sa dalawa. Mukhang nagkakatampuhan ang mga ito. Ang tanging hiling na lang niya ay sana makahanap si Lady ng paraan. Kung aalis man silang dalawa, sana ay magkaayos na ang mga ito. ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD