XIII

2394 Words
XIII. NAPABUNTONGHININGA NA LANG si Lady nang makita ang mukha ng kaibigan. Alam niyang nagtatampo ito sa kaniya. Gusto lang naman sana niya na sunduin siya ni Markus para magkaroon ng oras sina Soshmitta at Lord na magsama lang dalawa pero iba iyong nangyari. Mukhang gusto pa talaga ni Lord sumama sa kanilang dalawa ni Markus at ayaw niya iyong mangyari para hindi masayang ang magandang balak niya. Para lang naman sana sa kaibigan ang ginawa niya. Pumunta si Lady sa harapan ng kaibigan. Hinawakan niya ang mga kamay nito. Tinitigan niya ito at hindi man lang siya nito kayang tingnan. “Lordo,” sambit ni Lady. “Umalis na kayo!” inis na sagot nito. Niyakap ito ni Lady. “’Wag ka ng magtampo. I love you.” “Bakit ayaw mo akong isama? Gusto ko lang naman na bantayan ka. I want to protect you. Pangako ko iyon sa sarili ko.” “Alam ko. Pero gusto ko kasi magkaroon kayo ng moment ni Soshmitta na wala ako. Iyong kayo lang talagang dalawa. Iyon ang reason why I texted Markus para sana ihatid lang ako sa house. Iyon lang naman talaga iyon. Iba kasi iniisip mo! Hindi naman ang magpapati—” “Oo na! Bibig mo!” Bumuwag na si Lord sa pagyakap. “Hindi talaga kayo pupunta sa park?” “Oo. Siya lang naman kasi ang nasa isip ko na susundo sa akin.” “Oo na. Basta huwag ka lang muna magpaligaw kay Markus, ah?” paalala ni Lord. “Grabe itong si Lord. Parang ’di naman ako kaibigan!” reklamo ni Markus. “Pinakilala lang kita sa kaniya noon at ang gusto ko lang ay maging friends din kayo. Pero hindi ako pumapayag na ligawan pa siya. Dadaan ka muna sa akin. Kaibigan na ang turing ko sa kaniya kaya may karapatan ako sa best friend ko.” Napa-irap na lang si Lady habang hindi mapigilan na mapangiti. “Grabe. Grabe.” “Naku, Markus! Friends lang daw pala,” panunukso ni Soshmitta. Napakamot na sa ulo si Markus. “Oo na! Friends lang daw pero kapag siya ang nanliligaw sa iba ay walang bawal.” “Hayaan mo na ang Lordo ko, Markus. Ganyan lang talaga iyan sa akin.” “Alam ko. Pero paano ka magkaroon ng boyfriend kung pinagbabawalan ka niya?” si Markus. “At wala naman akong balak mag-boyfriend. Natatakot lang ako na baka bibigay rin ako agad. Ligtas ang may alam.” Inakbayan ni Lord si Lady. “At iyon ang huwag na huwag mong gagawin. Bawal na bawal ka roon. I love you, best friend.” Gumaan na ang pakiramdam ni Lady. Masaya lang siya na makita na nawala na ang tampo ng kaibigan. Akala niya mahihirapan siyang suyuin ito. Kilala niya ito at alam niya kung gaano kataas ang pride nito. “Paano iyan? Mauna na kaming Marcus,” pagpapaalam ni Lady. “Dumiretso na kayo sa bahay niyo,” pagpapa-alala ni Lord. “Oo na nga! Unlimited lang, Lordo?” pagbibiro ni Lady. “Malalaman ko rin naman kung hindi ka sa bahay niyo dumiretso. Remember? Hawak ko ang location mo,” nakangiting sabi ni Lord. Kinindatan pa nito ang kaibigan. “So papatayin ko ang phone ko. Biro lang. I love you!” Tiningnan ni Lady si Soshmitta. “Ingatan mo iyang best friend ko at kung humingi ng kiss? Sampalin mo agad.” Napakamot sa ulo si Lord. “Grabe siya! Hindi naman ako ganoon.” Napangiti na lang si Lady. “Goodbye na talaga. Lordo, pasayahin mo si Sosh sa first date niyo, ha? Mag-enjoy lang kayo.” “I will. Sige na, mag-ingat kayo.” Minuto ang lumipas, nasa gitna na ng biyahe sina Lady at Markus. Nang nakakita ng food chain si Lady ay naisipan niya bumili ng pagkain sa drive thru. Sinabihan niya na si Markus sa gusto niya at hindi naman ito nagdalawang-isip na inikot ang sasakyan papunta sa drive thru. Nag-order na si Lady ng mga pagkain na gusto niya. Kunti lang ang sa kaniya sapagkat diet siya para sa paghahanda sa papalapit na beauty pageant. Tinanong niya si Markus sa gusto nito at mabuti na lang ay sumagot ito. Akala niya mahihiya ito sa kaniya. Habang hinihintay pa nila ang mga pagkain na in-order nila ay nag-uusap muna silang dalawa. Pormal naman na nakipag-usap si Lady rito. Minsan, hindi niya mapigilan matawa. Nakikita niya kasing naiilang sa kaniya ang binata at naiintindihan niya iyon. May kamalayan naman siya na gusto siya nito. Nang nakuha na nila ang order ay umalis na sila. Hindi na muna iyon kinain nilang dalawa. Napagdesisyunan lang ni Lady na sa tapat na lang ng bahay nila. Nang nasa tapat na sila ng bahay nila Lady, nakangiting sumilip na lang doon si Markus. Masaya lang ito na makita ang lugar kung saan lumaki ang babaeng gusto. Itinikom naman nito ang bibig nang nilingon ito ni Lady. “Bahay namin,” nakangiting sabi ni Lady. “Ang ganda. Parang ikaw,” nahihiyang sabi ni Markus. Napailing si Lady. “Hindi ako madadaan sa ganyan, Markus. Anyways, kumain na muna tayo. Dito lang tayo, ha? Hindi kita ikinakahiya, ha? Ako lang iyong nahihiya para sa sarili ko. Kasi kung aayain kita sa loob, ang daming itatanong nila Mom. Kaya rito na lang tayo para safe.” “Okay lang.” Inabot ni Lady ang pagkain. “Kumain ka na. Salamat talaga sa paghatid. Alam kong papayag ka kaya ikaw na talaga ang tinawagan ko.” “Welcome. Mabuti na lang nagkaayos kayo agad ni Lord. Nakita ko pa naman sa mukha niya kanina na nagtatampo siya noong tinaasan mo ng boses.” “Kung alam mo lang. . . grabe ang kaba ko. Pero In God’s will. . . we are okay na at naintindihan na niya rin ako. Ewan ko ba sa lalaking iyon. . . too much na minsan.” “Pero nakikita ko sa mga mata mo na gusto mo iyon. Tama ba ako?” Napangiti si Lady. “Sino bang hindi? Lord is every girl dreams.” “Bakit hindi kayo sumubok?” “Kasi wala naman dapat. Ang awkward. Kasi alam mo na, magkasabay kaming lumaki at para na kaming magkapatid. Wait lang? Hindi pa rin ba talaga kayo tapos diyan? Paulit-ulit na lang akong nagpapaliwanag.” “Sorry. Gusto ko lang manigurado. Kasi kapag pwede ka na, liligawan talaga kita.” Napatawa si Lady. “Ewan ko na lang. Kumain ka na nga.” Minuto ang lumipas, natapos na rin kumain sina Markus at Lady. Nagpaalam na si Lady na papasok na sa bahay nila. Ang ginawa ni Markus, lumabas sa sasakyan nito at pinagbuksan ang dalaga. Napangiti naman si Lady sa ginawa nito. Hindi niya inaasahan na may ganoon din palang ugali ang binata. Lumabas na si Lady mula sa sasakyan. “Thanks, Markus.” “Welcome. Basta ikaw! Malakas ka sa akin, e,” nakangiting sabi nito. “Bolero! Sige na, papasok na ako. Mag-ingat ka sa daan. Salamat ulit.” “Dahil sabi mo. Makakaasa kang mag-iingat ako.” Inirapan ito ni Lady. “Duh! Sige na, bye.” Nang tuluyan ng nakaalis si Markus ay pumasok na si Lady sa gate. Rumampa ito papuntang sala habang nakataas ang kilay. Kinawayan niya ang ina na may kausap sa cell phone nito. Hindi na niya ito dinisturbo. Ang balak niya, babalikan na lang ito pagkatapos magbihis. Habang papalapit sa ina, napahinto siya nang marinig ang pangalan niya. “Momshie? Sino?” mahinang tanong ni Lady. “Ang best friend mo. Tinatanong ako kung safe ka bang nakauwi,” sagot ng ina ni Lady. “Si Lordo talaga! Sige po, akyat na ako sa itaas! Anyways, si Popshie? Saan na, Momshie?” “Nasa company pa.” “Ah, okay! Goodnight, Momshie. I love you.” “Good night, my princess. I love you more.” Lumapit na si Lady sa ina niya at inalayan ng halik sa pisngi. Pagkatapos, nagpaalam na siyang pupunta sa itaas ng kuwarto. Habang rumarampa sa hagdan, hindi niya mapigilang mapangiti nang maalala sina Soshmitta at Lord. Sa isipan niya, sana mas magkamabutihan ang dalawa. ••• NATAPOS KUMAIN NINA Soshmitta at Lord sa isang mamahaling restaurant ay dumiretso sila sa isang park. Nakuha ni Lord ang ideya sa kaibigang si Lady. Natawa naman si Soshmitta nang malaman kung saan sila pupunta. Saksi siya kanina na ayaw ni Lord mamasyal sa park sina Lady at Markus pero ito lang pala ang may gustong mamasyal doon. Nasa isang bench sila ng park. Habang nakatingin sa mga bituin si Lord, hindi mapigilan ni Soshmitta na mapatitig sa mukha nito. Hindi niya makalimutan ang ginawa nito. Pinagtanggol pa siya nito sa mga babaeng pinag-uusapan siya nang hindi magaganda. Hindi niya namalayan na ang lapad na ngiti niya. Paglingon ni Lord sa kaniya, agad niyang itikom ang bibig. Kinurot ni Lord ang ilong ni Soshmitta. “Matutunaw ako. Grabe ka sa akin.” Napatawa si Soshmitta. “Sorry. Hindi ko lang mapigilan ang sarili ko. Alam mo na, you are charismatic.” Napatigil sila sa pag-uusap nang biglang may pumutok. Pagtingin nila sa kalangitan, napangiti silang dalawa nang masaksihan ang isang fireworks. Labis na namangha si Soshmitta. Makikita iyon sa mga mata niya. Napatitig si Lord sa nililigawan. “Ang ganda Mitta, ’no? Parang ikaw lang.” Napalingon si Soshmitta sa binata at nagpipigil sa kilig. “Nagsisimula ka na naman.” Ngumiti si Lord at hinawakan ang kamay ng dalaga. “Nabusog ka ba?” “Oo. Bakit naman hindi? Ang sarap kaya ng mga pagkain. ’Tapos ang mga mahal pa ng mga binili mo. Sino ba ang hindi mabubusog doon?” Tipid na ngumiti si Lord. “Hindi naman sa pagkain, Mitta. Kung hindi sa pagmamahal ko.” “Lord, naman. Ano ba!” Napailing si Soshmitta. Nagpipigil siya sa kilig. “Ano ang sagot mo?” nagpipigil din sa kilig na tanong ni Lord. Bumuntonghininga si Soshmitta. “Nabusog? Sobra.” Tinitigan nang seryoso ni Lord ang dalaga. “Iyan ang gusto kong marinig.” Nagkuwentuhan muna sina Lord at Soshmitta. Hindi naman mapigilan na matawa ni Soshmitta. Natutuwa lang siyang kausap ito. Ang dami rin nitong kuwento na nagpakilig sa kaniya. Hindi niya mapagkaila na ang sarap nitong kausap. Hinawakan ni Lord ang kamay niya at hinayaan niya lang iyon. Kung tutuusin, nagustuhan niya iyon. “Ang lambot naman ng kamay mo, Lord. Halatang wala kang ginagawang gawaing bahay, tama ba?" “Grabe ka, Mitta. Meron naman.” “Ano naman?” seryosong tanong ni Soshmitta. “Magtupi ng damit habang iniisip ka.” “Ikaw na talaga ang pinakabolerong tao na nakilala ko.” Tumawa lang si Lord. “Ikaw naman, Mitta. Ano ang ginagawa mo kina Tita Krista?” “Nanghuhugas ng pinggan. Minsan, wala talaga.” “Hindi talaga ako marunong niyan. M-Mitta?” “B-Bakit, Lord?” “Kwentuhan mo naman ako tungkol sa pamilya mo.” “Sure.” Sinimulan ng magkuwento ni Soshmitta. Natutuwa naman siyang malaman na interasado ang binata sa pamilya niya. Nang kinuwento niya ang binabae na kapatid ay humalakhak si Lord. Natatawa na lang din siya sa maging reaksiyon nito. “Totoo? May bading ka palang kapatid?” natutuwang tanong ni Lord. “Oo, crush ka nga niyon.” “Talaga? Nakakatuwa naman.” “Ang dami nga niyang pictures mo. Kung alam mo lang kung gaano iyon kabaliw sa iyo.” “Bakit ako ang crush niya? Mas gwapo naman sina Troy, Earl at Markus sa akin.” “Ang humble talaga. Ang sabi niya, malakas daw ang appeal mo sa mga katulad nila. Iyon ang dahilan kaya crush na crush ka nila.” “Talaga? Pakisabi na salamat.” “Sige ba. Tatalon talaga iyon sa tuwa. Lord, may tanong ako.” “Ano?” “Ni minsan ba ay hindi ka naaakit sa taglay na ganda ni Lady? She’s perfect.” “Bakit mo natanong?” nagtatakang tanong ni Lord. “Basta! Be honest.” Napangiti si Lord. “Minsan, naaakit din ako roon. Iyon ang dahilan kaya ayaw ko talaga siyang magsuot ng mga seksing damit kasi kahit magkaibigan kami dinadalaw pa rin ako ng katotohanan na lalaki ako.” “Thanks for being honest.” “Pero kung gusto ko siya, hindi. Kaibigan lang talaga at ganoon din siya sa akin.” “Ah, sina Hope at Caitlyn? Hindi mo sila nagustuhan?” “Hindi. Ikaw lang talaga ang tinitibok nito simula noong nasa senior high pa lang tayo.” “Salamat.” “Ako? Gusto muna ako?” tanong ni Lord. “Oo.” Nanlaki ang mga mata ni Lord. Hindi lang nito mapigilan ang sarili na mapangiti. Masaya ito sa narinig. “T-Talaga?” hindi makapaniwalang tanong ni Lord. “Ang ano?” takang tanong ni Soshmitta. “Ang sabi mo, gusto muna ako,” sabi ni Lord. Nanlaki ang mga mata. Nahihiya siya. “hindi pa, ah! Nagkamali lang ako,” pagbawi ni Soshmitta. Kinurot ni Lord sa pisngi ang dalaga. “Wala ng bawian. Kinilig na ako.” “Oo na, gusto na talaga kita! Ang galing mo kasing mangbola. Huling-huli mo ang kiliti ko.” “Yes! I love you, Mitta!” sigaw ni Lord. “Salamat.” Ngumiti si Lord. “Wala bang I love you too riyan?” “Hmm, bawal pa,” sagot ni Soshmitta. “Kinikilig ako, Mitta. Kurotin mo nga ako baka nanaginip lang ako.” Kinurot ni Soshmitta ang pisngi ni Lord. “Oh? Masaya ka na.” “Ouch! Totoo nga! Kinikilig pa rin ako, Mitta. Yakapin mo nga ako baka nanaginip pa rin ako.” “Galawan mo, Lord!” kinikilig na sabi ni Soshmitta. “Kinikilig lang kasi talaga ako.” Kinurot muli ni Soshmitta ang binata. “Ang cute mo, Lord.” “Pwede bang makahingi ng yakap kahit sampung segundo lang?” hiling ni Lord. Hindi na sumagot si Soshmitta at niyakap na lang nang mahigpit ang binata. Masaya lang siya na kasama ang binatang gusto na niya. Ang nagpapatibok ng puso niya. Hindi niya mapagkaila na sobrang bilis niya. Ang dali lang niya nahulog dito. Iba lang ang tama niya rito. Nahuli agad ang kilit niya. Hindi naman siya magsisisi na mamahalin ito sapagkat nasa binata ang lahat ng hinahanap niya. ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD