III

2182 Words
III. SI HOPE ELIZABETH Florendo. Kung ang ganda lang ang usapan ay mapapayuko na lang ang lahat. May bukod tangi siyang ganda na ang lahat ay mapapatig. Malalim ang mga mata niya at may matangos na ilong. Pormado rin ang kilay niya na may tamang kapal. Hugis puso naman ang kulay rosas na labi niya. Kung mapapatig doon, hindi mo mapigilan na matakam. Maganda rin ang hugis ng mukha niya. Kung tutuusin, sa ganda na meron siya ay daig pa nito ang ibang sikat na mga artista na nakikita sa telebisyon. Hindi lang din ganda at yaman ang meron siya, dahil sa patalasan ng utak ay malaki ang maibubuga niya. Sa angking ganda na meron siya, marami siyang manliligaw at una na roon sa listahan ay si Earl. Pero rejected na iyon na sa kaniya lalo pa at nalaman niyang pinagsabay sila ng kaibigan niya. Hindi niya rin masikmura ang ginawa nito kanina sa kanila sa pathway. Pinagtawanan ba naman sila sapagkat hindi nakasagot si Soshmitta. Mukhang nahihiya ang dalaga sa isa sa mga binata. Pakiramdam niya tuloy, talo sila kanina at hindi niya iyon matanggap. Naiinis siya. Nasa classroom ang magkakaibigan at hindi mapigilan na mag-usap tungkol sa kaibigan nilang si Lady. Nasa labas ng pintuan ang mga mata nina Hope at Caitlyn at nakatingin lang iyon sa magkaibigang sina Lord at Lady. Binisita kasi ng binata ang kaibigan nila at sigurado silang dinalhan nito iyon pagkain. Nakita nila iyon. Habang nag-uusap ang dalawa tungkol sa kaibigan nilang si Lady, wala namang pakialam doon si Soshmitta na may ginagawa sa upuan. May tinatapos lang siyang takdang aralin na hindi niya natapos kanina. “Sosh, tingnan mo si Lady. Ibang-iba ang ngiti niya kapag kausap si Lord,” sabi ni Hope. Malakas talaga ang kutob niya na may namamagitan sa dalawa. Nilingon siya ni Soshmitta. “Magkaibigan kasi ang dalawa. Ano na, Hope and Cait? Kanina pa kayong dalawa. Wala namang masama kung magiging sila. They are both single.” “Basta! Iba ang nararamdaman namin. ’Di ba, Cait? Ibang-iba?” paghahanap ng kakampi ni Hope. Ngumuso pa siya. “Kaya nga. Bulag ka ba, Sosh? Kaibigan rin naman natin si Lady pero ba’t ’di siya ganyan ngumiti sa ’tin,” katwiran ni Caitlyn. “Correct, Cait! Ikaw lang talaga ang kakampi ko rito. Ang oa kasi ni Soshmitta.” “Bahala na nga kayo riyan!” pagsusungit ni Soshmitta. “Okay.” Nanlaki ang mga mata ni Hope nang makitang hinihila ni Lord ang kaibigan nila. “Girls, parang aalis sila. Pero ’wag tayong pahalata na tinitingnan sila.” “Saan kaya sila pupunta?” tanong ni Caitlyn. Napatayo ito sa upuan niya. Napatingin si Soshmitta sa dalawa at tinaasan nito iyon ng kilay. “Tanungin niyo na lang kaya? Total ang galing niyo namang makialam ng buhay ng iba.” “Grabe ka. Hindi ko kaya,” pag-amin ni Caitlyn. “Okay! So ako na lang ang magtanong nang kumalma kayo riyan,” sabi ni Soshmitta. “’Wag!” sigaw ni Hope. Napatayo siya sa kinaupuan. Nahihiya lang siya sa pagiging pakialamera niya. Nagtinginan naman ang tatlong magkaibigan nang napalingon sa kanila sina Lady at Lord. Magkahawak pa ang mga kamay nito na mas nagbigyan ng kahulugan nina Hope at Caitlyn. Ganoon lang ang reaksiyon ng dalawa sapagkat hinahangaan nila ang binata. Hindi naman sila nagseselos sa kaibigan. Naiintriga lang. “Girls, labas na muna kami, ha? Babawi lang ako mamaya. May importante lang kaming pupuntahan.” Tiningnan ni Lady si Soshmitta. “Hey, Sosh! Lordo raw? Ayiehhh,” panunukso nito. “Huwag kang maniwala sa kanya, Mitta. Baliw lang talaga itong best friend ko.” Inakbayan ito ni Lord. “Tara na nga.” “Maniwala ka sa akin, Sosh. Girls, babalik lang ako mamayang lunch. Promise! Bye!” masayang sabi ni Lady. Pag-alis ng dalawa, muling napaupo ang tatlo. Nakaramdam naman ng kilig sina Hope at Caitlyn nang mas matitigan ang itsura ng binata. Si Soshmitta naman, napangiti na lang sa dalawa. Wala itong ideya sa isipan kung bakit sobrang nagkakandarapa ang mga kaibigan nito sa binata. Para rito, wala namang espesyal dito. “Saan kaya sila pupunta?” tanong ni Hope. Nag-iisip pa siya ng posibleng puntahan ng dalawa. “Mall? Hotel” Nanlaki ang mga mata niya. “M-Motel?” “Kadiri ka, Hope,” si Soshmitta. Napangiwi na lang ang mukha nito. Tumawa si Caitlyn. “Hindi naman siguro ganoon ang dalawa. Grabe ka, Hope! Pero ano. . . nakita mo iyon kanina? Tinitigan ako ni Lord!” “Ako rin kaya! Then he smiled at me. Ang gwapo niya talaga. Ikaw, Sosh?” nakangiting sabi ni Hope. “Hindi.” Nagkibit-balikat ito. “Wala rin namam akong pake! Sa inyo na iyon.” “Hiyang-hiya naman ang ganda namin sa standard mo. Arte lang?” pang-aasar ni Hope. “Ayaw ko nga roon,” pag-amin ni Soshmitta. “Sino pala ang crush mo?” tanong ni Hope. “Si Troy iyan! Naramdaman ko kanina the way she looks at Troy. May pagkalandi. Tapos hindi pa nakasagot! Mukhang ipapasa ko na sa kaniya ang korona ng pabebe queen.” Napatawa si Hope. “Tama. Si Troy iyan. Napansin ko rin iyon.” “Hindi, ah! Grabe kayo,” nahihiyang sagot ni Soshmitta. Namumula pa ang mukha nito. “Mamatay bukas? Ililibing agad?” si Caitlyn. Bumuntonghininga si Soshmitta. “Oo na! Crush ko si Troy! Sobra. Gusto ko siya simula pa noong una pa pero huwag niyong ipagkalat! Atin-atin lang iyon.” “Oh my gosh! How about, Lord? Wala talaga? Mas mukhang masarap naman siya though mas mistiso si Troy sa kanya pero still, Lord pa rin.” “Oo, walang-wala talaga,” mabilisang sagot nito. “Okay. So amin na siya ni Caitlyn?” sabi ni Hope. Napangiti na lang siya sa katotohanan na walang pag-asa si Lord dito. May kunting kaba kasi na baka totoo iyong sinabi ni Lady na may gusto ang binata kay Soshmitta. Kahit papaano, may tiwala siya sa ganda at talino niya na magugustuhan din siya ni Lord. ••• SINAMA NI LORD si Lady sa puntod ng ama niya. Isa sa pinakagusto niyang gawin sa buhay, kasama ito sa mga lakad niya. Hindi niya maitanggi sa sarili na masaya itong kasama ang matalik na kaibigan. Kahit barubal itong magsalita, napapatawa siya nito palagi. Hindi rin siya nahihiyang lambingin ito. Mahal niya lang ang kaibigan niya kaya hindi niya ito ipagpapalit sa kung sino. Umupo na sina Lord at Lady sa bermuda. Pinunasan naman niya ang lapida ng ama. Yumuko rin siya at hinalikan ito. Napangiti na lang si Lady nang makita ang ginawa ng matalik na kaibigan. Hinaplos naman nito ang likuran ng kaibigan para ipakita ang suporta nito. Umayos na ng upo si Lord. “Good morning, Dad. I love you. Ang laki ko na, oh? Sana masaya ka sa mga achievements ko sa buhay. Lahat ng iyon ay para sa inyo at lalo na sa iyo. Nandito naman kami ng best friend ko.” Tiningnan niya ang kaibigan. “Ang pinakamaganda kong best friend. Si Lady pala, Dad. Ang pinaglihi sa labanos. Napakaganda, ’di ba? Hindi ko lang ito best friend? Liligawan ko talaga ito.” “Baliw ka talaga, Lordo!” Tiningnan ni Lady ang lapida ng ama ng kaibigan. “Hi, Tito Lord. Idol po kita—sobra. Tingnan mo wallpaper sa phone ko, oh? Ikaw po ito, Tito! Palagi ko pong pinanunood sa phone ko iyong last video mo para kay Tita Sandra. Ang sweet niyo po talaga, Tito! Sana makahanap rin ako ng lalaking katulad niyo. Iyong mahal na mahal ako. Gusto ko sana itong anak niyo kaso ayaw niya ng beauty queen. Joke lang po, Tito. Anyways, kapag nanakit ito ng babae ay sasapakin ko talaga ito ng coco chanel kung shoes. Nakita mo itong nasa paa ko, Tito? ’Di ba sobrang ganda? Latest kasi ito, Tito. At alam mo kung sino ang nagbigay sa akin? Anak niyo lang naman.” “Ano na naman iyang kabaliwan ang sinasabi mo sa Daddy ko!? Sorry po Dad, ha? Baliw kasi iyan. Maganda sana pero may sira lang,” natatawang sabi ni Lord. “’Wag kang maniwala sa anak mo, Tito! Sobrang bad niyan lalo na sa ’kin! Palagi na lang niya ako binubully,” pagsusumbong ni Lady. Kinurot pa nito ang kaibigan sa tagiliran. Minuto ang lumipas, habang napapatig si Lord sa lapida ng ama niya. Hindi niya napigilang maging emosyonal. Nangingilid na ang luha niya. Masakit lang sa kaniya ang nangyari sa ama lalo pa at nakunan ang huling hininga nito bago pumanaw. “Dad, I love you! Sana naman mapaginipan kita para kahit man lang doon magkasama tayo,” hiling ni Lord sa ama. “Lord, tahan na. ’Wag ka na umiyak,” nalulungkot na sabi ni Lady habang hinihimas ang likod ng kaibigan. “Hindi ko lang kasi mapigilan.” Pinunasan ni Lord ang luha sa mga mata niya. “Pigilan mo kasi papanget ka! Crush ka pa naman nina Hope at Caitlyn. Sayang din.” Napalingon siya sa kaibigan. “Si Sosh? Gusto niya ako?” “Iyon, oh! Napangiti na! Sina Hope at Caitlyn lang ang sigurado ako, pero si Sosh, ’di ko alam,” paliwanag nito. “Ganoon ba?” Umaasa ito na sana gusto rin ito ng hinahangaan niya. “Oo, pero ’wag kang mag-alala kasi ipupush kita doon. That’s my promise.” “Talaga?” Namilog pa ang mga mata niya. “Oo, kaya tahan na.” Bumuntonhininga si Lord. “May hihilingin ako sa ’yo best friend. Pwede ba?” “Ano? Basta ’wag lang ang virginity ko. Para lang ito sa mahal ko.” Nagkasalubong naman ang kilay niya. “Iyong bibig mo talaga! Kainis. Samahan mo ako, please?” “Saan?” nakakunot noong tanong ni Lady. Hindi nito alam kung saan ito dadalhin ng kaibigan. “Sa presinto,” aniya. “For what?” gulat na tanong nito. “Basta.” “Okay. Tara na? Basta ’wag kang lumayo sa ’kin. You know, I am a beauty queen at takot ako sa criminals,” pag-iinarte nito. “Correction, best friend. . . hindi lahat ng nakukulong ay makakasalanan. Ang iba, nakulong lang dahil sa hindi patas na paghuhukom at ang dahilan ay pera. Huwag mo silang lahat husgahan dahil minsan mas krimal pa ang nasa labas ng selda. Tandaan mo iyan.” “Amen.” “Loko ito! Dad, mauna na ako. Basta tandaan mo palagi na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita at hindi ko pababayaan si Mommy. Promise ko iyan.” “Tito, mauna na kami. I love you.” Tumayo na si Lord. Inabot naman niya ang kanang kamay sa kaibigan. Tinanggap naman iyon ni Lady at tumayo. Nang nakatayo na ito, pinagpag muna nito ang suot. Nang natapos, inilagay na nito ang kamay sa bewang na kaibigan. Napangiti naman si Lord sa ginawa nito kaya inakbayan niya ito sabay pisil sa pisngi nito. Minuto ang lumipas, dumating na ang magkaibigan sa presinto. Pinatawag naman ni Lord ang tatlong lalaki na sangkot sa krimen sa pagpatay ng ama niya. Hindi nagtagal, kasama na ito ng mga pulis. Nang nakita iyon ni Lady, nagtago ito sa likuran ng kaibigan. “Lord, natatakot ako,” sabi ni Lady. Napahawak pa ito sa braso ng kaibigan. “Nandito naman ako. At isa pa, may police sa paligid natin,” si Lord. Nang nasa harapan na ni Lord ang mga taong pumatay sa ama niya ay nanginginig ang mga kamay niya. Gusto niyang basagin ang mga mukha nito. Dahil sa mga taong iyon, nawalan siya ng ama. Lumapit si Lord dito. Makikita sa mga mata nito ang galit. Nangingilid na rin ang luha nito. Parang hindi magtagal, sasabog na ito. “Titigan niyo akong mga g*go kayo. Wala kayong maalala sa mukhang ito?! Titigan niyo ako! Ano!? Wala pa rin ba?!” Tuluyan ng tumulo ang luha niya. “Ako lang naman ang taong naulila sa ama dahil sa kagagawan niyo! Ba’t kailangan niyo pa siyang patayin!? Kung nagtrabaho lang kayo nang maayos para ibuhay niyo sa pamilya niyo wala sana kayo rito at buhay pa sana ang Daddy ko!” Lumaki na ang boses niya. “Hindi ba kayo nahiya?! Bwesit kayo! Mamatay rin sana kayo rito!” Susugurin na sana niya ang mga kriminal na pumatay sa ama niya ngunit napatigil siya nang humigpit ang hawak ng kaibigan niya. Nakalimutan niyang nasa likuran ang kaibigan. “Lordo, uminahon ka,” nag-aalalang sabi ni Lady. Bumuntonghininga si Lord. “Tara na! Alis na tayo at baka may mapatay pa ako!” Tinuro niya ang mga kriminal. “Kayong tatlo! Tandaan niyo itong sasabihin ko!? Pinapangako ko na hindi kayo makakalaya rito! Magdusa kayo hanggang sa masunog ang mga kaluluwa niyo sa impyerno.” Natapos iyon masabi ni Lord ay hindi na siya nagpaalam sa mga pulis at umalis na lang kasama ang kaibigan niya. Ang hiling lang niya ay sana maintindihan siya ng mga ito. Hindi niya lang napigilan ang bugso ng kaniyang damdamin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD