II

2868 Words
II. SI LADY LOU Santibañez ay maihahalintulad ang ganda sa isang beauty queen. Bukambibig naman niya lagi ay ang salitang ‘beauty queen’. Pangarap niya lang iyon kaya madalas niyang ipinagmamalaki. Si Lady ay ang matalik na kaibigan ni Lord Vincent simula bata pa lang. Madalas nga silang napagkakamalan na magkasintahan pero wala lang iyon sa kanila. Alam nila ang katotohanan sa relasyon nilang dalawa at hanggang doon lang iyon—sa pagiging isang magkaibigan. Maliban kay Lord, may mga kaibigan din na babae si Lady; sina Hope, Caitlyn, at Soshmitta. Sikat naman ang grupo nila sa unibersidad na pinapasukan nila at tinatawag sila doon na ‘pretty girls’. Para kay Lady, si Hope ang pinakamaganda sa kanilang apat. Giit din niya na lamang lang ito sa kaniya nang mahigit tatlong porsiyento. Ganoon niya kung maipagmamalaki ang ganda niya. Si Caitlyn naman ay ito iyong lapitin ng mga lalaki sapagkat malakas ang s*x appeal nito. Giit din niya, maaaring dahilan ay ang pagiging pabebe nito. Sa tingin niya, roon nahuhulog ang mga lalaki rito. Si Soshmitta naman ay ito iyong walang maiaambag kapag foodtrip na ang usapan. Simple lang kasi ang pamumuhay nito. Pero hindi naman hadlang iyon sa kanila para maging kaibigan ito. Minuto ang lumipas, tapos ng kumain si Lord kaya napatayo na siya sa kinauupuan niya. Pagtingin niya rito, napataas na lang ang kilay niya. Masama kasi ang tingin nito sa kaniya at ang dahilan ay ang maiksi niyang suot. Bumuntonghininga na lang siya sapagkat alam niyang mapapagalitan siya nito. Minsan naiinis na siya sa pagiging inosente ng kaibigan. Para sa kaniya, outdated na ito sa buhay. Tinuro ni Lord ang binti niya. “Sabi ng ilagay mo iyang jacket ko sa bewang mo! Ang tigas talaga ng ulo mo! Magbihis ka nga muna sa bahay niyo.” “Oo na! Isusuot ko na. Ang oa mo talaga! Pauwiin mo pa ako sa bahay,” sagot ni Lady rito. Tinaasan pa niya ito ng kilay para ipakita na naiinis siya. “Mag-uniform ka kaya?” pagsusungit ni Lord. Nakapamewang pa ito. Umiling si Lady sabay flip ng kaniyang buhok. “Nope. Magmumukha akong estudyante and I don’t like it!” “Estudyante ka naman talaga, ah?” sigaw ni Lord. “Nope!” Lumapit siya rito at inayos ang polo nito. “You know, I’m a beauty queen with a class.” Inakbayan ni Lord ang kaibigan. “Baliw! Tara na nga! Baka mahuli pa tayo.” “Okay, Lordo ko,” mahinahong sagot ni Lady. Habang papaalis sila, unti-unti na siyang napangiti. Masaya lang siya na hindi na pinansin ng kaibigan ang makinis niyang binti na sa tingin niyang dapat lang ipagmamalaki sa buong mundo. ••• “HEY, LORD? BAKIT?” tanong ni Troy. “Saan na kayo?” si Lord. “On the way. Grabe lang, ha? Miss mo na agad ako?” “Crazy, Troy. Anyways, bilisan niyo. We are coming!” “Kasama mo na naman ba ang panget mong best friend?” natatawang sabi ni Troy. “Lady, panget ka raw sabi ni Troy,” sabi ni Lord. “Talaga? Magbuhad kaya ako sa harapa—aray ko, Lordo!” sigaw ni Lady. “Bibig mo! Sige na, ibaba ko na ito, Troy.” “Okay.” Si Troy San Miguel ay apelyido pa lang, nakakalasing na. Kaya kapag siya ay tinitigan? Maraming matatamaan. Parang isang isang espirito ng alak ang angking niyang kaguwapuhan. Apat sila sa magkakaibigan at pareho ang kanilang mga hilig—babae. Maliban lamang kay Lord Vincent na iba sa kanilang tatlo. Sa apat na magbabarkada, si Lord Vincent iyong pinaka-kill joy kapag gimikan at babae na ang usapan. Nagtataka nga siya kung bakit naging kaibigan nila ito gayong iba ang ugali nito sa kanila. Si Lord iyong madalas nilang pinagmumulan ng sagot tuwing may pagsusulit sapagkat may angkin itong talino na namana sa ina at ama. Kahit achiever itong tao, may angkin din itong kulit lalo na sa mga malalapit sa kaniya. Mas madalas nga lang seryoso sa buhay. Pangalawa sa kaibigan niya ay si Earl Monte Carlo. Ito iyong pinakamalibog sa grupo sapagkat kaya nitong makipagsiping na tatlong babae sa isang kama. Ginagamit nito ang itsura para makakuha ng mga magiging biktima. Minsan, nasusuka na lang si Troy kapag iniisip iyon. Siya kasi ay hindi kayang ipagsabay ang ganoon karami. Pangatlo ay si Markus Sy, ang tahimik ngunit mapanganib sa kanilang grupo. Tahimik lang ito kapag magkakasama sila pero kapag nilapitan ito ng mga babae ay bigla na lang itong nawawala. Alam naman nila kung saan nito dinadala iyon. Sa sasakyan nito kung saan may sagupaan sa pamamagitan ng balat sa balat. Masaya si Troy na magkaroon ng mga kaibigan na ang turing nila sa isa’t isa ay parang tunay na magkakapatid. Kasama niya ang mga ito sa hirap at ginhawa. Ilang beses na rin niyang napatunayan na maasahan ang mga ito lalo na kapag gusto niya ng makakausap. Si Troy San Miguel, siya ang pinakaguwapo sa grupo. May lahi kasi itong Amerikano. Madalas napapaisip siya kung metal ba ang mga babae at siya ay magnet kasi kusa lang ang mga itong dumidikit sa kaniya na hindi pinaghihirapan. Maliban na lang sa grupo ng mga babae na kinaiinisan nila sa unibersidad—ang pretty girls. Naiinis sila na binabalewa ng mga ito ang kaguwapuhan nila. Para sa kanila, naapakan ang pagkatao nila. ••• NAPATIGIL SA PAG-AAYOS si Soshmitta nang tumunog ang cell phone niya. Pagtingin niya, ang kaibigang si Caitlyn. Hindi niya muna iyon sinagot at nagpatuloy lang sa ginagawa. Naglagay na siya ng polbo sa kamay niya para ilagay iyon sa mukha niya. Nang natapos, tumayo na siya sa kinauupuan sa harap ng salamin at kinuha ang cell phone sa gilid. Nang muling tumawag ang kaibigan, sinagot niya na iyon. “Hello, Caitlyn. Napatawag ka?” tanong ni Soshmitta. “Hi, Sosh! Good morning! Mwah!” sabi ni Caitlyn. Masaya ito at naririnig iyon ni Soshmitta. “Mukhang maganda ang morning natin, tama ba?” “Sinabi mo pa. Sobrang saya lang kasi ng panaginip ko! Nakakakilig!” “Bakit? Ano pala ang panaginip mo?” tanong ni Soshmitta. Maririnig sa boses niya na gusto niyang malaman iyon. “’Wag ka ng marites diyan at bumaba ka na kasi nandito na ako sa tapat ng buhay ng Tita Krista mo. Hurry up, Sosh!” aporadong utos ni Caitlyn. “Really?” “Yes! Pakinggan mo ang busina.” Pinatunog na iyon ng driver ni Caitlyn. “See? Halika na.” “Oo na. Bababa na ako.” Si Soshmitta Aquino ay pamangkin ng isang sikat na artista na si Krista De Silva. Sa mansion naman siya nito nakatira. Pinapa-aral din siya nito sapagkat hindi siya kayang pag-aralin ng ama dahil sa dami nila. Hindi naman siya nahihirapan sa loob ng mansion sapagkat tinuturing siyang panganay nito. Wala rin siyang trabaho roon dahil marami namang kasambahay. Pero dahil mabait siyang babae, tumutulong pa rin siya sa mga kasambahay ng Tita Krista nila. Gusto niyang may ginagawa siya roon. Si Soshmitta ay isang simpleng babae. Sa apat na magbabakarda, siya iyong polbo at liptint ay sapat na. Sa pananamit naman, sinisigurado niyang magsuot lagi ng lagpas tuhod. Bagaman gusto niyang subukan magsuot ng katulad sa mga kaibigan niya pero wala siyang lakas ng loob dahil nahihiya siya. May maibububuga rin angking ganda na meron si Soshmitta. Hindi maitanggi na kamukha niya ang Tita Krista niya noong kabataan nito. Kahit simple ang itsura niya, may malakas itong karisma na nakakabihag ng puso ng mga lalaki. Bilog ang mga mata niya ngunit singkit. Matangos din ang ilong niya at may katamtaman ang laki ng labi. Maganda rin ang hugis ng mukha niya. Sa kilay naman ay may katamtamang kapal. May katamtamang tangkad din ito at magandang pangangatawan. Bumaba na si Soshmitta ng kuwarto at nagpaalam na sa mga taong nandoon sa loob ng mansion. Paglabas niya, dumiretso na siya kung saan naghihintay ang sasakyan ni Caitlyn. Pagbukas niya ng sasakyan, napangiti siya nang makita ang isang pang kaibigan na si Hope Elizabeth. Ang ipinagtataka niya, ang itsura ng mukha nito—nakasimangot. Pumasok na si Soshmitta at tumabi sa dalawang kaibigan. Nasa gilid siya nakapuwesto at pinaggitnaan nila ni Caitlyn ang nakasimangot na si Hope. “Nandito ka pala. Bakit ang tahimik mo?” tanong ni Soshmitta. Makikita sa mga mata niya ang pagtataka. “E, kasi iyong Earl Monte Carlo na iyon. . . binobola lang naman ako! Kadiri lang!” pag-amin nito. Bumuntonghininga pa ito natapos masabi iyon. Napahawak si Caitlyn sa braso nito. “OMG! Ikaw rin pala, Hope? What a stupid man!” Napalingon si Hope sa kaibigan. “Bakit? Ikaw rin ba?” “Oo. Akala niya siguro mabibiktima niya ako. Hello? Iba ako sa lahat.” “Playboy talaga ng Earl na iyon. Mukhang balak pa niyang paglaruan tayo,” inis na sabi ni Hope. “Ano ang sabi niya sa ’yo, Cait?” “Ako raw ang pinakamagandang babae na nakita niya sa tanang buhay niya. Don’t tell me iyon din sa iyo?” Tumango si Hope. “Copy paste. Iyon din ang sinabi niya sa akin! May blue heart with wink emoticon ba sa iyo?” “Oo,” sagot nito. “Lesson learned. ’Wag kayong magpa-uto sa taong iyon. Ang ganda niyong dalawa para lokohin lang ng playboy na iyon,” sabi ni Soshmitta. May inis na rin sa boses ng dalaga. “Talaga.” Napangiti naman si Hope nang maalala si Lord. “Halatang si Lord lang talaga ang iba sa kanilang lahat.” Napabuntonghininga si Soshmitta. Naalala lang niya ang nangyari kagabi sa birthday ng Tita niya. Hindi niya lang makalimutan ang nakita niya. Lalo na ang sinabi nito na panget siya. “Si Lord? Patawa ka, Hope? Alam mo ba kung anong sinabi niya sa akin kagabi? Panget daw ako!” inis na sabi ni Soshmitta. Muntikan ng mapatawa si Caitlyn. “As in? Nagawa niya iyon? Hindi ako makapaniwala.” “Oo. Nag-sorry na naman siya sa akin. Pero kahit na! Nasabi niya na iyon at kumapit iyon sa puso ko.” Bumuntonghininga si Hope sabay tingin sa mukha nito gamit ang salamin na hawak sa kamay nito. Pagkatapos, ngumiti ito ay nagpakapositibo. Ayaw na nitong masira ang araw nito. “Wala na talagang matinong lalaki sa panahon ngayon. Lahat na lang may sabit. Pero hayaan mo. Ang mahalaga, we are all beautiful.” “Sinabi mo pa!” taas-kilay na sabi ni Caitlyn. Dugtong nito, “Si Lady, best friend niya si Lord. Ang kaibigan lang nating iyon ang nakakaalam sa ugali talaga nito. Tanungin na lang kaya natin. Sa tingin ko lang, ha? Mabait iyon.” “Ewan ko na lang,” inis na sabi ni Soshmitta. “Anyways, sa tingin ko lang, ha? Ako lang ito. . . sa palagay ko, may gusto si Lady kay Lord,” sabi ni Hope. “Weh? Ikaw, Sosh? Sa palagay mo?” tanong ni Caitlyn. Nagkibit balikat siya. “Hindi ko alam. Tama na nga iyan, huwag na nating pag-usapan si Lady.” Minuto ang lumipas, dumating na ang magkakaibigan sa unibersidad nila. Pagbaba nila ng sasakyan, agad silang pumasok ng gate. Napalingon naman sa kanila ang ilang estudyante sapagkat sikat sila roon. Sa angking ganda nila, walang sinuman ang hindi nakakakilala sa kanila roon. Habang naglalakad ang tatlo sa hallway, napatigil ang mga ito at napalingon sa isa’t isa nang makita sina Lord at Lady. Nakaakbay si Lord sa kaibigan nila habang ang kaibigan nila ay hawak ang bewang ng binata. Agad naman sila nagbigay ng kahulugan doon. “Oh my gosh! Iyong kamay ni Lady,” si Hope. “In a relationship na kaya?” tanong ni Caitlyn. “Baka?” patanong na sagot ni Soshmitta. “Wait. To stop the haka-haka. Tawagin na natin ito.” Nagpakawala muna ito nang malalim na hinininga bago sumigaw, “Ladyyy!” Napahinto si Lady sa paglalakad nang marinig ang tawag ng kaibigan. Nagpaalam muna ito kay Lord para puntahan ang mga kaibigan. Dahan-dahan lang itong naglakad dahil nagpapasikat ito sa mga estudyanteng namamangha sa ganda niya. Kinawayan nito ang mga iyon kaya labis ang ngiti ng mga estudyante. Natutuwa lang sila sa ugali na pinakita nito. Nang dumating na ito sa kinatatayuan ng mga kaibigan, tinitigan nito iyon isa-isa. “Good morning, girls,” pagbati ni Lady. “Good morning, Lady,” nakangiting sagot ni Soshmitta. Napatingin si Hope sa bewang ng kaibigan. “Ba’t maypa-jacket ka pang nalalaman diyan?” “Nagagalit kasi si Lord,” pag-amin nito. “Gosh! Kayo na ba?” tanong ni Caitlyn. “Hindi, ah. Pero confirmed. . . may crush siya isa sa ating apat.” Napangiti si Hope. “Wow! Ako ba? Obviously, ako naman ang pinakamaganda sa ating apat.” “Baka ako. Alam niyo na? Ako ang habulin sa ating apat,” si Caitlyn. Hindi rin ito nagpapatalo. “Girls, I forgot. . . wala pala ako sa choices,” nakangiting sabi ni Lady. “So nasa aming tatlo talaga? Gosh! Sino?” nakangiting tanong ni Hope. Malakas ang kutob nito na ito ang gusto ng binata. Nang dahil sa sinabi ni Lady ay nagkaroon na ng tensiyon sa pagitan nina Hope at Caitlyn. Malakas ang kutob ng dalawa na sila ang gusto ng binata. Si Soshmitta naman sa gilid, napailing na lang habang tinitignan ang dalawa. “Ako nga!” sigaw ni Caitlyn. “Ako!” giit ni Hope. “Ako ang habulin! Obvious naman, Hope,” pagmamayabang ni Caitlyn. “Ako nga kasi dahil ako ang pinakamaganda sa ating apat. Bulag ka ba?” Lumaki na ang boses ni Hope. “Stop arguing! Wala sa inyong dalawa!” sabi ni Lady. “S-Si Soshmitta?” hindi makapaniwalang tanong ni Hope. Nilingon nito ang kaibigan. “A-Ako?” takang tanong ni Soshmitta. Hindi siya makapaniwala sa narinig. Tinuro ni Caitlyn si Soshmitta. “Si Sosh talaga, Lady? You are not joking?” Napahawak si Soshmitta sa dibdib at umaarteng nasasaktan. “Grabe kayo maka react, ha?” “Sorry,” paghingi ng paumanhin ni Hope. Tiningnan muli ni Soshmitta si Lady. “Hindi nga? Ako talaga? Paano nangyari iyon?” Hinawakan ni Lady ang kamay niya. “Promise. Ikaw.” “Sinabi niya talaga?” “Hindi rin pero iyong sinabi ko ang name mo ay agad ito nag-react and take note. . . kilala ko si Lordo kaya alam kong ikaw talaga!” paliwanag ni Lady. “Hindi ako magugustuhan niyon. Inaway nga niya ako kagabi at sinabihan pa talagang panget. Grabe lang, hindi ba?! Tsk!” Tumawa si Lady. “Ganoon talaga iyon. Sa akin nga kahit anong tinatawag niyon. Tinatawag niya rin ako minsan ng panget. Pero wala lang iyon sa akin kasi maganda ako. Kaya ikaw, ’wag kang papaapekto sa sinasabi ng best friend ko.” “Hindi nga?” Napatigil sa pag-uusap ang magkakaibigan nang may pumalakpak. Napalingon naman ang apat na babae sa likuran nila at doon nila nakita ang tatlong lalaki na kinaiinisan nila. “So si Lord lang pala ang type niyong lahat?” nakangiting sabi ni Earl. Inirapan ito ni Lady. “Umalis ka nga sa harapan namin. Akala mo naman kung sinong masarap.” Napatawa si Troy. “My Lady.” “Mukha mo, demonyong slang,” irap na sagot ni Lady. “Ang taray naman. Kay Soshmitta na nga lang ako. Hey, dear! Ba’t ang ganda mo?” Napangiwi na lang ang mukha ni Soshmitta sa sinabi nito. Ang ginawa niya, umatras kunti. Naiilang lang siya na malapit siya sa tatlo. Tumikhim si Earl. “Caitlyn, Hope, ako ay nasisilaw sa inyong kagandahan na para bang ang sarap niyong yakapin dalawa. Threesome kung baga.” Hihirit na sana si Markus pero napatigil ito ng tinuro ito ni Lady. Lumapit ang dalaga rito at inilapit nito ang mukha nito sa binata. Nginitian nito iyon nang may pagbabanta. “Sige, ipagpatuloy mo ang sasabihin sa amin nang maisumbong kita kay Lordo! Kilala mo ang best friend ko na best frie—aray ko!” Napatigil sa pagsasalita si Lady nang kinurot ni Troy ang pisngi nito. Inilapit ng binata ang mukha nito sa mukha ng dalaga. Pagkatapos, inalayan nito iyon ng matamis na ngiti. Mukhang agad itong kinarma sa ginawa kay Markus. “Ang ganda mo,” nakangiting sabi ni Troy. Tinulak ni Lady ang mukha nito. “Kadiri ka. As if kikiligin ako sa iyo? Never.” “Kayong tatlo. Pwedeng bang ’wag kayong masyadong feeling close sa amin?” inis na sabi ni Hope. “Oo nga. Palibhasa, hindi namin type kaya pasikat,” pagtataray ni Caitlyn. "Mga hambog! Mambobola! Manyak! Nasa inyo na ang lahat. I can’t imagine bakit naging best friends kayo ng best friend kong si Lordo,” si Lady. Umusog ito palapit kay Soshmitta at kinilabit ang kaibigan. “Ikaw na. Awayin mo sila! ’Wag kang statue riyan. Wala ka sa divisoria.” “A-Ako?” Nanginginig na tuloy ang tuhod ni Soshmitta. Hindi niya alam ang gagawin. Hindi naman siya sanay na makipag-away lalo na sa mga lalaki. At isa pa, naiilang siya sa presensiya ng tatlo. Nahihiya siya sa mga ito. ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD