IV

3266 Words
IV. IYON ANG UNANG beses na nakita ni Lady ang kaibigang si Lord na ganoon katindi ang galit. Kinabahan siya nang sobra. Nakikita niya lang ang panginginig ng kamay nito na parang gustong manapak. Mabuti na lang ay napatahan niya ito sa pamamagitan ng pagpisil niya sa kamay nito. Sa nakita niya, roon niya nasabi na labis talaga amg pangungulila nito sa totoong ama. Kahit mahal ito ng Daddy Kenjie nito at tinuturing talaga itong panganay na anak ay naghahanap pa rin ito ng kalinga ng totoong ama. Napangiti na lang siya sa katotohanan na kamukhang-kamukha ng kaibigan niya ang yumao nitong ama na idolo niya. Nang nasa labas na sila ng presinto, pinigilan niya ang kaibigan. Nang huminto sila, tumingkayad siya at inabot ang mukha ng kaibigan. Hinaplos niya iyon na parang isang bata. Tinitigan niya lang ito nang puno ng pagmamahal bilang isang matalik na kaibigan. “Okay ka na, Lord?” nag-aalalang tanong ni Lady. “Oo, salamat pala.” “Wala naman akong ginawa.” “Iyong nandito ka lang sa tabi ko best friend ko. Sapat na iyon sa akin. Masaya na ako roon. At kanina, kung hindi mo ako pinigilan ay baka nakapanakit na ako.” “Natatakot lang kasi ako. Don’t do it again. Hindi ako sanay na galit ka. Natatakot ako. Parang kakain ka nang buhay.” Napangiti si Lord. “Oo. Hindi na talaga dahil hindi na ako babalik dito. Ang Diyos na ang bahalang magparusa sa kanila.” “Tama. Ano na? Balik na tayo sa school?” “I will treat you a lunch first. Papakainin pa kita.” “Anong ipakain mo sa akin? Iyong ano mo—aray!” Napasigaw na lang si Lady nang pinisil ni Lord ang ilong niya. Nagbibiro lang naman sana siya pero napakapikon ito. “Grabe ka! Hindi mo man lang ako pinatapos. Ang sabi ko, ano ang ipakain mo sa akin. Ang ano mo—baon. Yuck! Iba ang nasa isip mo, ’no? As if kaya kong gawin iyon. Ew!” Namula naman ang mukha ni Lord. “Babae ka ba talaga? Ang gaspang talaga ng dila.” Inilabas ni Lady ang dila niya. “Sipsipin mo nga.” Natawa naman si Lord. Hindi kasi nito iyon maintindihan sapagkat nagsalita ito nang nakalabas ang dila. Tumawa na lang si Lady sabay yakap nang mahigpit dito. Masaya lang siya na mukhang mabuti na ang pakiramdam nito. Iyon din naman ang ipinagdasal niya. Ang ikabubuti ng matalik na kaibigan. ••• “GRABE! SAAN NA kaya iyon si Lord?” tanong ni Markus sa mga kaibigan. Si Markus Sy ay binansagan ng mga kaibigan niya na tahimik ngunit mapanganib. Pero ang totoo, hindi siya ganoon. Mali ang mga kaibigan niya sa iniisip sa kaniya. Nawawala siya kapag nilalapitan siya ng mga babae dahil umiiwas siya. Katulad ni Lord, hindi niya rin kayang makipagsibing sa mga babae na hindi niya kasintahan. Ang kaibahan lang niya rito, sumama siya palagi sa gala ng mga kaibigan sa kahit saan na bar para makisaya. Pero hindi ibig sabihin niyon ay ginagawa niya na rin ang ginagawa ng mga ito. Si Markus ay ang tahimik sa apat na magkaibigan. Mayaman ang pamilya nito at isa ang pamilya nito sa sponsors ng unibersidad na pinapasukan nila. May angkin din itong kaguwapuhan. Maraming nagkakadanrapa rito pero hindi niya iyon pinapansin sapagkat meron ng nagmamay-ari ng puso niya—si Lady. Dati pa niya gusto ang dalaga pero mas nahulog siya rito noong panay kuwento si Lord sa ugali nito. Sa mga magagandang ugali nito na narinig niya ay mas nabihag siya rito. Natutuwa lang siya na kahit maganda, mayaman, at matalino ito ay nanatiling nakaapak pa rin ang mga paa nito sa lupa. Natutuwa rin siyang marinig itong bumanat ng mga salita. Wala kasing harang ang bibig nito. Kung ano ang sasabihin, sinasabi talaga. Sa ugaling iyon ni Lady na kabaliktaran sa kaniya, mas humanga siya rito. Pero nahihiya pa rin siyang umamin dito sapagkat sa tingin niya ay wala siyang pag-asa. Hindi niya nakikita ang sarili na kasama ito. Kaya hanggang sa paghanga na lang siya. “I’m sure kasama na naman niya si beauty queen. How lucky he is,” nakangiting sagot ni Troy. Napa-ismid si Markus. “What’s that smile. Ang creepy.” “Sekretong malupit ni Troy.” Napatawa na lang sina Markus at Earl nang marinig ito. Magaling magsalita si Troy ng tagalog pero maririnig pa rin dito ang sosyal nitong tunog. “I guess, pinagtatawanan niyo na naman ako dahil sa accent ko,” si Troy. Magkasalubong pa ang mga kilay nito. “Indeed. Pero mas mabuti pang kumain na tayo sa labas,” sabi ni Earl. “Without Lord?” si Markus. “Let him be. I’m sure nagpakasarap iyon kasama si Lady.” Bumuntonghininga si Markus. “Okay. Tara na?” Tumayo na ang tatlo at handa ng umalis. Nang nakalabas na sila ng classroom ay napasigaw na ang mga estudyanteng nahuhumaling sa kanila. Tipid na ngumiti si Earl kaya mas lumakas ang sigaw ng mga kababaihan. Kumaway rin si Markus bilang respeto habang si Troy ay walang ginawa kung hindi ang magsuplado. Pagdating nila sa parking lot ay siya namang pagdating nina Lord at Lady. Palihim namang nakangiti si Markus nang makita ang babaeng gusto. “Lord, saan kayo galing?” Tiningnan niya si Lady. “Hi.” “Like duhhh! Lordo, mauna na ako,” irap na sabi ni Lady. “Ang taray naman,” si Markus. “Because I am a beauty queen! Bye, Lord.” Hinalikan nito iyon sa pisngi. “See you later.” Pag-alis ni Lady ay agad nilapitan ni Earl ang kaibigang si Lord. Inakbayan nito iyon at ang lapad ng ngiti. “Sh*t! Ang swerte mo talaga sa kaibigan mo. Nakuha mo na ba? Siguro ang sarap niyon.” Nanlaki ang mga mata ni Markus nang makita ang galit sa mukha ni Lord. Siniko niya naman si Troy para awatin nila ang dalawa. Alam niya ang posibleng mangyari. Kilala niya ang kaibigan. Matagal na silang pinagsabihan na huwag nilang bastusin ang kaibigan nito. “Bro? Virgin mo pa bang nakuha si Lady?” tanong ni Earl. Napailing na lang si Markus. Tama nga siya sa iniisip niya. Sinakal ba naman bigla ni Lord ang kaibigan nilang si Earl. Ang ginawa ng dalawa ay inawat ito. “Hindi ba sabi ko sa inyo at lalo na sa iyo, Earl, na huwag na huwag mong bastusin ang best friend ko? Ilang beses ko bang dapat ulitin iyon, ha?! Gago ka ba!” sigaw ni Lord. “Lord, tama na,” pag-awat ni Markus. “Stop it. . . ano ba!” singhal ni Troy. Bumitaw na si Lord. “Pasalamat ka Earl at may natitira pa akong respeto sa iyo. Pinapahalagan ko rin ang pagkakaibigan natin. Pero sa susunod na babastusin mo ulit iyong best friend ko ay hindi na ako magdadalawang-isip na basagin iyang mukha mo! Tandaan mo iyan! Kilala mo ako!” pagbabanta nito. Nanlilisik ang mga mata nito sa galit. “Kalma, Lord. ’Wag kayong mag-away.” Hinablot na ni Markus ang kaibigan. Natapos niyang gawin iyon ay umalis na si Lord. Tinawag nila ito pero hindi na sila nagawang pansinin. Naiintindihan naman niya iyon dahil nasaktan ito sa ginawa ni Earl. “Ikaw kasi, Earl!” sigaw ni Markus. Napakamot sa ulo si Earl. “Nagbibiro lang naman sana ako.” “Alam mo naman iyon. Ako nga nagpipigil sa sasabihin ko. Knowing him, sensitive iyon sa best friend niya. Lesson learned, think before you speak baka masira pa ang pagkakaibigan natin dahil lang sa mga ganyanan natin.” “Kaya nga!” Bumuntonghininga si Markus habang tinitingnan ang papalayong kaibigan. “Oo na, mali na ako. Mamaya na lang ako hihingi ng sorry. Sa ngayon, kakain na lang muna tayo,” sabi ni Earl. “Dapat lang. Tara na, alis na tayo,” sabi ni Markus. Pumasok na silang tatlo sa kanilang mga sasakyan. Habang pinaandar ni Markus ang sasakyan niya, isa lang ang nasa isipan niya kung hindi ang galit na kaibigan. Sana maging mabuti na ang sitwasyon mamaya. Iyon lang ang gusto niyang mangyari. ••• WALANG TIGIL SA pagpakawala nang malalim na hininga si Lord. Umiinit lang ang ulo niya. Naiinis siya sa kaibigan. Ang ayaw niya sa lahat ay binabastos ito sa harapan niya. Hindi siya papayag doon. Mahal niya ang kaibigan niya at malaki ang respeto niya rito. Kahit bastos itong magsalita, alam niyang disente ito. Para sa kaniya, kahit sinong lalaki ay walang karapatan na mambastos ng babae. Kahit ang babae rin ay walang karapatang mambastos ng lalaki. Respeto lang naman ang kailangan. Habang naglalakad, nakita niyang papalabas ang matalik na kaibigan sa cafeteria—si Lady. Kumakain pa ito ng cream na nakalagay sa apa. Tumakbo siya patungo rito. Pagdating niya, hinihingal ito. Napairap naman si Lady na tinitignan ito. Nang kumalma na ang pintig ng puso niya ay inabot niya ang kamay ng kaibigan at nakikain sa ice cream nito. “Hindi ka sasama sa kanila?” takang tanong ni Lady. Inayos nito ang buhok ng kaibigan. “Tinatamad ako. Sasama na lang siguro muna ako sa inyo.” “Sa amin? Sa aming mga magaganda?” pagmamayabang nito. “Sila lang tatlo at hindi ka kasali,” pang-aasar ni Lord. Kinurot pa niya ang pisngi nito. “Sapakin kita diyan!” sigaw ni Lady. “Biro lang.” Ngumiti siya. “Ikaw kaya ang pinakamaganda sa mga mata ko sa kanilang lahat.” “Talaga lang, ha? Paano si Sosh?” seryosong tanong ni Lady. Hinawakan ni Lord ang dibdib niya. “Sa puso ko ay siya ang pinakamaganda.” “Ano ba iyan! Talo pa rin pala ako!” pagrereklamo nito na parang isang bata. “Pero at least, you have place here in my heart since then. As I’ve said, kung hindi lang kita best friend ay liligawan na kita.” “Okay na!” Tinuro ni Lady ang isang bench sa ilalim ng puno ng mahogany. “Nandoon pala sila, oh! Tatawagin ko muna. Girlsss! I’m here na!” “Grabe naman makasigaw. Ang arte!” reklamo ni Lord. “Becaiuse I’m a beauty queen.” “Connection?” “Isipin mo ng gumulo ang utak mo.” Napatawa na lang siya sa sinabi nito. Hinablot naman siya nito patungo sa kung saan ang mga magagandang kaibigan nito. Nang dumating sila sa tapat nito, unang tiningnan niya si Soshmitta na walang emosyong nakatingin sa kaniya. “Girls, okay lang ba na dito lang muna ang Lordo ko?” pagpapaalam ni Lady. “Sure! Hi, Lord,” pagbati ni Hope. Ang lapad ng ngiti nito. “Hello,” tipid na sagot ni Lord. Kumaway pa siya rito. Tumayo naman si Caitlyn at inabot nito ang kamay sa kaniya. “Hello, Lord. Mas gwapo ka pala sa malapitan.” Tinanggap niya ang kamay nito. “Salamat. Ikaw din—maganda.” Bumitaw na si Caitlyn sa paghawak sabay lingon kay Hope. Dinilaan pa nito ang kaibigan. Sa titig nito, nagmamalaki ito nang pinuri ito ni Lord. Umupo na ito sa tabi ni Hope at pasimpleng kinurot ang tagiliran ng kaibigan. Kinikilig lang ito. “Sosh, batiin mo naman si Lord,” pagpupumilit ni Lady. “Hi,” tipid nitong sabi. “Galit ka pa rin ba sa akin?” nag-aalalang tanong ni Lord. “Ang sama kasi ng ugali mo!” sigaw ni Soshmitta. Napatingin naman ang tatlong babae sa kaibigan nila na lumaki ang boses. Nang napansin iyon ni Soshmitta, napayuko na lang ito. “Nahiya lang naman talaga ako sa iyo kasi hindi ko alam kung nakita mo ba iyon. Hindi ko na alam ang gagawin ko ng mga oras na iyon kaya kahit ano na lang ang lumalabas sa bibig ko. Sorry na,” paghingi ng paumanhin ni Lord. Tiningnan ng dalaga ang binata... “Hindi ko iyon nakita, ha?! As in wala akong nakita,” mabilisang sagot ni Soshmitta. Naiilang ito. “Ano ang nakita?” nagtatakang tanong ni Hope. “OMG! May dapat ba kaming malaman?” naguguluhang tanong ni Caitlyn. “Ganito kasi iyon, girls! Umihi si Lord sa likuran ng bahay nila Tita Krista then nandoon pala si Soshmitta kaya nahihiya si Lordo na baka nakita ni Sosh iyong kumudo dragon niya!” sabi ni lady. Napalingon si Lord nang may pagtataka rito. “Hala!? Paano mo nalaman?” “Here’s your diary.” Ipinakita nito ang hawak na diary. “Akin na iyan! Grabe naman ito, oh! Magagalit ako sa iyo!” pagsusungit ni Lord. Nanlaki naman ang mga mata ni Lord nang makitang inihagis nito ang diary sa babaeng gusto. Maiinis na sana siya pero humupa iyon ng niyakap siya nito. “Ang torpe mo kasi. . . she has a right to know,” katwiran ni Lady. Walang nagawa si Lord kung hindi ang bumuntonghininga na lang. Maaaring ito na iyong panahon para malaman ng babaeng gusto ang tunay na nararamdaman niya. Kahit nahihiya siya, pipilitin niyang magpakatapang. “Oh my gosh! Basahin muna, Sosh!” masayang sabi ni Hope. “Parang mag-give way na yata kami ni Hope kay Lord sa iyo, Sosh,” nakangiting sabi ni Caitlyn. Mukhang kinikilig pa ito sa dalawa kahit gusto nito ang binata. Nang ibinuklat ni Soshmitta ang diary ay tiningnan niya muna si Lord. Sa titig nito, humihingi ito ng permiso sa kaniya. Nang tumango siya, napangiti ang dalaga. Nagsimula ng basahin ni Soshmitta ang diary. Hindi nito namalayan na nakangiti na ito. Masaya lang ito na malaman na gusto pala talaga ito ni Lord. Nakumpirma nito iyon sapagkat dalawa sila ni Lady na bukambibig nito sa diary. Nagsimula ng mamula ang mukha nito. “Sosh, namumula ka,” pang-aasar ni Hope. Kahit gusto rin nito ang binata, hindi naman ito nagseselos. “Hindi, ah!” pagtanggi nito. “Ano ba ang mga nakasulat?” tanong na Caitlyn. Ibinalik na nito iyon sa binata. “Wala naman. Salamat, Lord.” Napabuntonghininga si Lord. “Hindi ka naiilang? Nahihiya tuloy ako sa iyo.” “Hindi. Kung tutuusin, dapat ako ang magpasalamat sa iyo,” nakangiting sabi ni Soshmitta. “Ano ang masasabi mo, Sosh?” tanong ni Lady. “Masaya na gusto niya pala ako,” sabi ni Soshmitta. “As in for real? Gusto ka talaga ni Lord!?” Tiningnan ni Caitlyn si Lord. “Gusto mo siya? Maybe we should accept na lang. Gusto ka sana namin ni Hope.” “Talaga? Salamat,” nakangiting sabi ni Lord. “Pero wala na. . . may nanalo na! Soshmitta won.” Napangiti na lang si Lord nang marinig ang pag-uusap ng magkaibigan. Kung pag-usapan siya ay parang wala siya sa harapan ng mga ito. Pero hindi naman masakit sa tenga ang naririnig niya kung hindi mga magagandang papuri na mula sa dalawang dalaga na malakas ang loob na umamin sa harapan niya. Tiningnan niya si Soshmitta. “Mitta?” “Ano?” nahihiyang sagot nito. “Pwede ba tayong maging magkaibigan?” taos pusong tanong ni Lord. “Oo naman.” “Ako’y kinikilig sa inyong dalawa!” pang-aasar ni Lady. Napatakip naman sa bibig sina Caitlyn at Hope. Natutuwa lang silang dalawa sa nakita. Aminado sila sa sarili na kinikilig sila. Masasabi rin nila na bagay ang dalawa. “Mitta, friends na tayo, ah?” paninigurado ni Lord. “Oo na nga. Paulit-ulit? Sosh, na lang. Pauso ka rin sa Mitta, e,” si Soshmitta. Natatawa pa ito nang sinabi nito iyon. Napangiti si Lord. “Gusto ko kasi maiba.” “Girls, parang kailangan na natin sila bigyan ng space para mag-usap ang dalawa kaya let’s go,” sabi ni Hope. Tumayo pa ito sa kinauupuan nito. “Hoy! Huwag na!” Pagpigil ni Soshmitta. Nilingon ni Lord si Lady. “Best friend, huwag, ha! Huwag mo akong iwan. Nahihiya ako.” Hinawakan ni Lady ang mga kamay niya. “Kailangan, Lordo! Sorry! I love you! Bye! Girls, let’s go.” “Bye, guys! Pakipot ka kunti Sosh, ha? Itapon mo na iyong feelings mo kay Troy sa basurahan,” natatawang sabi ni Hope. Natahimik si Lord nang marinig niya iyong sinabi ni Hope kay Soshmitta. Nagseselos siya nang kunti nang malaman na crush pala nito si Troy na isa sa matalik niyang kaibigan. Nang makaalis ang mga babae, napalingon siya kay Soshmitta. Naglakas-loob na rin siyang tabihan ito. “Crush mo pala si Troy?” Gusto niyang malaman mula sa bibig ng babaeng gusto. Hindi sumagot si Soshmitta sa tanong niya. Nakikita naman niya sa mga mata nito na ayaw nitong masaktan siya. “Okay lang naman, Mitta. Maging honest ka lang sana sa akin para alam ko kung saan ako lulugar,” sabi ni Lord. Tumango si Soshmitta. “Pero crush lang naman. He’s handsome. Iyon lang.” “Okay. Thank you for being honest.” “Hindi ka galit sa akin?” tanong ni Soshmitta. Napangiti si Lord. “Who am I? Wala naman akong karapatan. Crush lang din naman kita—paghanga. Iba nga lang ang crush mo pero okay lang. . . ganyan talaga ang buhay.” “Lord, nagtatampo ka ba?” nag-aalalang tanong ni Soshmitta. “Hindi,” mabilisang sagot ni Lord. “Maging honest ka rin sana sa akin, Lord.” Bumuntonghininga si Lord. Pagkatapos, titinitigan niya sa mga mata ang babaeng gusto. Ngumiti naman siya para ipakita rito na maayos lang ang pakiramdam niya. “Kunti lang.” “Ano ang kunti?” “Kunting nagseselos pero hindi nagtatampo.” “Okay! Pero gusto rin naman kita makilala, Lord.” Napangiti nang malapad si Lord. “Talaga? Mas mabuti. Papayag ka bang ihahatid kita pauwi sa inyo araw-araw. Pwede ba iyon?” “Ha? Sayang iyong gasolina mo. Mahal pa naman ngayon ang gas.” “Hindi naman. Please, hindi ba kaibigan na rin naman tayo?” nakangiting sabi ni Lord. “Sige na nga. Pero baka makakaabala ako sa iyo, Lord?” nag-aalalang tanong ni Soshmitta. Ito iyong babaeng ayaw na makakaabala. “Hindi, ha. Malakas ka kaya sa akin. Sobra.” “Salamat.” “Sige na, Mitta. Punta na ako sa classroom ko. Pero ihahatid na muna kita sa inyo. Mamaya, ha? Pupuntahan kita sa inyo.” “Okay, Lord.” Pagdating nila sa classroom ni Soshmitta ay wala roon ang mga kaibigan nito. “Bye. Alis na ako? Salamat sa oras, Mitta.” “Walang anuman. Thank you rin. Lord, may tanong pala ako. Bakit mo ako nagustuhan?” seryosong tanong ni Soshmitta. Ipinikit ni Lord ang mga mata niya. “Nahihiya ako.” “Hala? Pabebe ka pala?” panunukso ni Soshmitta. Kinurot pa nito iyon sa tagiliran. “Sige na nga. Una, maganda ang mukha mo pati na rin ang kalooban mo kaya walang rason na hindi kita magustuhan. Mahal na nga rin siguro kita. Sige na, bye!” Natapos iyon masabi ni Lord ay napatakbo siya. Nahihiya lang siya sa sinabi niya. Ni minsan, hindi niya nakita ang sarili na magkaroon ng lakas na loob na umamin pero nagawa na niya. Masaya lang siya sa naging resulta. Ang mas ikinatuwa niya, binigyan siya ni Soshmitta ng pag-asa na mas kilala. Doon pa lang, panalo na siya. Nawala tuloy ang lungkot niya nang malaman na may gusto ang babaeng gusto kay Troy. Napunan iyon lahat sa mga nangyari kanina. Ang tanging hiling na lang niya ay sana maganda ang patutungan ng lahat ng ginawa niya. “Maging akin ka, Sosh. Sana,” bulong ni Lord sa isipan niya. ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD