XV. NAGISING SI HOPE na may ngiti sa labi. Naalala lang niya ang ginawang paghatid ni Troy kahapon sa kaniya. Naalala niya lang kung paano nangyari iyon sa kanilang dalawa. Hindi niya iyon inaasahan sa binata. Kilala niya ito bilang mahilig sa babae pero iba ang nakita niya kahapon. Isang lalaki na pwedeng mahalin. Napabangon na siya sa higaan niya at agad nag-stretching para mas gumaan ang nararamdaman niya. “Good morning,” nakangiting sabi niya sa sarili. Napahawak siya sa isang paa niya. Mabuti na lang ay tulayan ng gumaling ito. Hinimas niya iyon at pinisil-pisil. Tiningnan niya lang kung masakit pa ba ito. Pero sa awa ng Diyos ay wala na. Bumuntonghininga naman siya nang naalala si Earl. Naalala niya lang ang ginawa nito. Ibinaba na nga niya ang pride niya at humingi ng tulong dito