XIV.
PARA KAY LORD Vincent, ang pinakamasarap na pakiramdam ay iyong kasama ang babaeng gusto. Iyong babaeng nasa isip at puso niya na papakasalan. Iyong babaeng pinapangarap niya na makasamang tumanda. Iyong babaeng mamahalin niya sa hirap at ginhawa. Iyong babaeng alam niyang para sa kaniya. Sa totoo lang, grabe iyong nararamdaman niya para kay Soshmitta. Masasabi niyang pang altar na ito talaga.
Magkasama pa rin sina Lord at Soshmitta sa parke. Halos hindi na nga makahinga si Lord sa kilig. Masaya lang siya na kasama niya ito. Pakiramdam niya, kahit hindi pa siya sinasagot nito ay sila na talaga. May label na. Nasa hita niya si Soshmitta at humihiga ito sa kaniya. Ang ginawa niya, sinusuklayan ang buhok nito. Hiniling lang iyon sa kaniya ng nililigawan. Para kay Lord, sino ba siya para umayaw? Mas gusto nga niya ang ginagawa rito. Pakiramdam niya, mag-asawa na sila.
Minuto ang lumipas, napatingin si Lord sa relo niya. Nang nalaman niyang malapit ng mag-alas otso ay napagdesisyunan na niyang ihatid si Soshmitta. Natatakot siya na baka mapagalitan ito nang dahil lang sa kaniya. Siya pa naman ang nag-aya rito na samahan siya. Para sa kaniya, responsibilidad niya talaga ito.
Sumang-ayon naman si Soshmitta na aminadong labis ang saya na kasama ang binata. Kung hindi lang siguro ito mapagsasabihan ng Tita nito, mas gugustuhin nitong makasama muna ang binata at magkuwentuhan lang sila hanggang sa mapaos.
Nasa gitna na ng biyahe sina Soshmitta at Lord, panay tawa naman silang dalawa sa pinag-uusapan nila. Aminado si Lord na hindi siya nahihiya na ipakita ang totoong ugali niya rito. Kumportable na siya na maging maingay kapag kasama ito. Hindi niya na kailangan magpanggap. Alam niya kasing matatanggap siya nito kahit ano man ang ugali niya. Ang akala nila sa lahat ay sobrang seryoso niya, pero ang totoo, makulit at maingay siya kapag kasama ang mga taong pinagkakatiwalaan niya.
Nang dumating na sila sa bahay ng Tita ni Soshmitta ay agad ng bumaba si Lord para pagbuksan ang babaeng gusto. Gawain niya talaga iyon sa mga babaeng mahalaga sa kaniya.
Pagkababa ni Soshmitta, hindi nito mapigilang mapayakap kay Lord. Natutuwa lang ito sa kabaitan ng binata.
“Goodbye, Mitta. Matulog ka na ng maaga, ha?” paalala ni Lord.
Bumuwag sa pagyakap si Soshmitta. “I will. Paalam na rin, Lord. Salamat sa oras mo for me.”
“Welcome, I love you,” mahinang sabi ni Lord.
“Salamat,” nakangiting sabi ni Soshmitta.
“I love you ulit.”
“Salamat.”
“I love you ng marami.”
“Maraming salamat.”
“I love you again, Mitta.”
Napakamot na sa ulo si Soshmitta. “Ang kulit mo, Lord.”
Hindi mapigilang matawa ni Lord. Natutuwa lang siya na naasar niya ito. Iyon din ang gusto niyang mangyari. Sinusukat niya ang pasensiya nito.
“I love you. Paalam,” muling sabi ni Lord.
“Okay, salamat.”
“I love you.” Nagpipigil na si Lord sa tawa.
“Lord! Ang kulit mo! Nakakainis ka na,” naiinis na sabi ni Soshmitta.
“I love you?”
“Sige na. I love you too. Paalam na at mag-ingat ka. I love you too, I love you too, I love you too, I love you too,” kinikilig na sabi ni Soshmitta.
“Kinikilig ako, Mitta. Sige na, paalam na talaga.”
“L-Lord?” nahihiyang sambit ni Soshmitta.
Sasagot na sana si Lord pero hindi niya natuloy nang bigla lang siyang hinalikan ni Soshmitta sa pisngi. Natulala lang siya at hindi makapaniwala sa nangyari.
“L-Lord?” utal na sambit ni Soshmitta.
“O-Oh?” kinakabahan na sambit ni Lord.
“Ayaw ko ng patagalin pa. Baka kasi makuha ka pa ng iba sa akin. Gusto ko na na maging akin ka na. Ako ay maging sa iyo at ikaw ay maging akin lang,” nakangiting sabi ni Soshmitta. Naglakas-loob na ito.
Napakurap ang mga mata ni Lord. “M-Mitta? A-Ano ang ibig mong sabihin? Bumibilis tuloy ang t***k ng puso ko.”
“Sobrang mahal na kasi talaga kita, Lord. Ang bilis ko, oo! Aminado ako roon pero wala namang oras sa pagmamahal, ’di ba?”
“Mitta, kinikilig na talaga ako.”
“Ang cute mo talaga. Sasagutin na kita! Akin ka na, ha?”
“T-Talaga?! Yes! Yes! I love you! Kinilikilig talaga ako.”
“Shhh! I love you too. Sige na, umuwi ka na at huwag ka ng tumingin sa mga seksing babae.”
“Opo, Lalab ko.”
“L-Lalab?” natatawang tanong ni Soshmitta.
“Oo, Lalab! Lalab na ang tawagan natin, ha?”
Kinurot ni Soshmitta. “Ang cute talaga ng boyfriend ko. Pakiss nga.”
“H-Huh? S-Saan?” nahihiya tanong ni Lord.
“Sa pisngi. Saan pa ba?”
“Akala ko kasi sa lips. Hindi pa ako marunong niyon. Nahihiya ako.”
Hinalikan muli ni Soshmitta sa pisngi ang kasintahan. “Mwahhh. Sige na, umuwi ka na Lalab ko. Mag-ingat ka. I love you.”
“Okay po, Lalab. I love you too nang madami.”
Habang nasa biyahe si Lord, hindi niya matikom ang bibig sa sobrang saya. Kinikilig lang siya sapagkat may kasintahan na siya. Ang buong akala niya ay matagal pa bago siya sagutin ni Soshmitta. Pero hindi iyon ipinagkait ng babaeng mahal niya. Ibinigay iyon sa kaniya sa hindi inaasahang pagkakataon. Ang pangako na lang niya sa kaniyang sarili, gagawin niya ang lahat para sa babaeng mahal niya para sumaya ito sa piling niya.
•••
MADALING ARAW NA at mahimbing pang natutulog si Lady. Yakap pa niya ang life size teddy bear na regalo sa kaniya ni Lord noong huling kaarawan niya. Humihilik pa siya at halatang napasarap ang tulog. Nasira naman ang araw niya nang tumunog ang cell phone niya. Sinubukan niyang hindi iyon sagutin pero hindi naman siya makatulog muli kung hindi niya iyon papansinin. Ang ginawa niya, inabot niya ito sa tabi ng lampara. Nang nakuha na niya iyon, tiningnan niya na kung sino ang tumatawag. Nang nakita niyang si Lord iyon, hindi siya nagdalawang-isip na sagutin ito kahit inaantok pa siya.
“H-Hello?! Disturbo naman nito, oh! Aswang ka ba?” inis na sabi ni Lady.
“Best friend!” masayang sigaw ni Lord.
“Bakit ba, Lordo? Madaling araw pa, oh! Grabe ka naman.”
“Jogging tayo.”
“Tinatamad ako.”
“Gusto mo tapunan ko ng bato iyang bintana mo? Kahit madilim pa, oh! Kitang-kita ko pa rin ang kintab nito. Gusto mo, wasakin ko iyan?” pagbabanta ni Lord.
“Oo na! Gigising na! Disturbo nito! Alam mo naman sana na may beauty queen na natutulog.”
Walang ganang bumangon si Lady at dumiretso sa banyo para magsipilyo. Nang natapos, agad na siyang Iumabas. Paglabas niya ng gate, bumalik na siya sa wisyo nang bigla siyang sinuway kaibigan.
“A-Ano iyang suot? Bakit ganyan? Naka-sando ka pa talaga! Best friend, jogging ang gagawin natin at hindi matutulog.”
“Ano ba iyan! Ikaw lang naman ang makakakita nitong mga revealing skin ko, e,” katuwiran ni Lady.
“Kahit na. Magbihis ka nga.”
Napakamot na lang sa ulo si Lady. “Ang oa mo talaga! Oo na, magpalit na ako! Ang bitter mo sa life. E, ang sarap ko nga rito sa outfit ko.”
“Bibig mo. Alis na!”
Pagdating ni Lady sa kuwarto niya ay agad siyang nagpalit ng jogging pants at oversize shirt. Naiinis lang siya sa katotohanan na sayang iyong magiging outfit niya sana pero may nakalimutan nga lang siya na may inosente siyang kaibigan.
Nang natapos na si Lady ay muli na siyang bumaba. Napangiti naman siya nang makita ang matalik na kaibigan sa sala nila. Pumasok pala ito.
“Tara na, best friend?” si Lord.
“Kape? Ayaw mo muna?” tanong ni Lady.
“Sige. Inom na lang muna tayo.”
Nasa kusina na silang dalawa at agad ng nagtimpla ng kape si Lady. Dinamihan na niya ang cream para mas maging masarap ang timpla niya. Nang natapos, inabot na ni Lady ang kape sa kaibigan. Umupo naman siya sa harapan nito.
“Best friend, wala bang ginawa sa iyo kahapon si Markus? ’Di ka ba niya binastos?” tanong ni Lord.
“Wala. Ano ka ba! Ang dumi ng pag-iisip mo, ha?” pagsusungit ni Lady.
“Okay. Gusto ko lang manigurado. Alam mo na? Kapag binastos ka niya. . . wawasakin ko ang mukha niyon.”
“Ang dumi, ha? ’Wag kang ganyan nang dahil lang sa akin.”
“Hindi mo ako masisisi. Mahal lang kita. That’s it. Anyways, malapit na ang pageant. Galingan mo ulit, ha?”
“Ako pa ba? Pero Lordo, I am sexy pa rin ba?” nag-aalalang tanong ni Lady.
“Tumayo ka muna,” maawtoridad na utos ni Lord.
Pagtayo ni Lady, itinaas niya nang kunti ang oversize shirt para ipakita ang bewang niya. Umiikot pa siya habang hinihintay ang sasabihin ng kaibigan. Nang napagod na siya, huminto na siya at tinititigan ito. Nahuli naman niya itong napailing.
“Okay. Ano na? Maganda pa rin ba sa mata?”
“Sobra. Nag-iisa.”
“Iyong bewang ko?”
“Ang liit pa rin.”
“Iyong butt ko? Tama lang ba?”
“Ano ba iyang mga tanong mo. Ang awkward sagutin, ah. As I have said, ang sexy mo nga! Lahat-lahat.”
Kinurot ni Lady ang ilong nito. “Okay, salamat. Iyong mukha ko?”
“Sobra pa rin sa ganda. Diyan pa lang, panalo ka na.”
Ngumiti si Lady katulad ng ginawa ng mga beauty queen.
“Iyong ngiti ko?”
Napangiti rin si Lord. “Stunning as always.”
“Thanks, Lordo. I love you na talaga.”
“Welcome. Best friend, may sasabihin pala ako sa iyo.”
“H-Ha? A-Ano?” nagtatakang tanong ni Lady.
“Kinikilig ako.”
“Bakit? Ano pala ang nangyari kagabi?”
“Kasi...”
“Ano ba iyan! Papatayin mo ba ako sa excitement, ha? Go na.”
Tinakpan ni Lord ang mukha niya at umiling. “Kinikilig ako.”
“Pabebe naman nito! Bwesit! Ano na nga?!” sigaw ni Lady. Gusto na niyang malaman ang sasabihin nito.
“Kami na,” pag-amin ni Lord.
Tinapunan ito ni Lady ng tissue. “W-What? As in kayo na talaga?! Congrats, Lordo! Ang saya ko para sa inyo! Mabuti na lang iniwan namin kayo.”
“Kaya thank you. The best ka talaga. Alam mo, grabe iyong kilig ko kagabi. Parang mawalan na nga ako ng hininga.”
“Ganoon talaga kapag mahal mo ang isang tao. Ano pala ang sabi niya sa pagsagot sa ’yo?” nakangiting tanong ni Lady.
“Ang sabi niya, hindi na raw niya na kayang patagalin pa at baka raw maagaw pa ako ng iba. She also said na sobrang mahal niya ako.”
Hinampas ni Lady ang pisngi niya. “Gosh! Slight corny pero kinikilig ako. Nag-kiss na kayo, best friend?”
“Hindi, ah. Hindi ako marunong.”
“Ang cute mo, Lordo! Hoy! ’Wag mong anohin si Soshmitta, ha?! Sasampalin talaga kita.”
“Hindi nga ako marunong humalik. Iyon pa kaya? Grabe siya sa akin.”
“Mamatay?”
“I love you, best friend,” natatawang sabi ni Lord.
“Mas mahal kita. Tara na, jogging na tayo.”
“Okay!”
Nasa labas na sila ng bahay nila Lady. Hindi naman sila nag-aksaya ng oras at agad na silang nagsimula. Una, lakad lang muna. Nang pinagpawisan na sila, nagsimula na sila sa mahinang pagtakbo. Seryoso naman sila sa ginagawa nila. Halos hindi nga nag-uusap.
Isang oras ang lumipas, tapos na sila sa ginagawa nila. Nagpahinga muna sila sa gym ng village nila. Hinihingal muna si Lady at nakatayo siya sa harapan ng kaibigan na nakaupo.
Tinitigan ni Lord ang kaibigan. “Best friend, simba tayo mamayang second mass.”
“Okay. Kasama si Sosh?”
“Nope.”
“Isama natin.”
“Huwag na. Friendly date natin ito. Huwag natin iyon isama at baka magsawa na iyon sa mukha ko. Magpapa-miss din dapat minsan.”
“Bakit ako? Hindi ba ako nagsawa sa mukha mo?” pang-aasar ni Lady.
“Grabe siya!”
“Biro lang, Lordo. I want you to know na never akong magsasawa sa iyo. Pangako ko iyan!”
“Syempre. Hindi ko naman hahayaan iyon. Dapat itong mukha ko lang ang hahanap-hanapin mo.”
“Makakalimutan kita kapag may boyfriend na ako. Urghhh!”
“Tanggaling mo na nga iyang urghhh sa pananalita mo. Akala mo siguro ang cool? Hindi maganda sa totoo lang.”
“Ahhh,” ungol ni Lady.
Sa inis ni Lord tumayo ito. Ang ginawa ni Lady, tumakbo. Hinabol naman ito ni Lord kaya binilisan niya ang pagtakbo habang walang tigil sa katatawa. Nang nahabol siya ni Lord, niyakap siya nito mula sa likod. Nanlaki naman ang mga mata niya nang may maramdaman siya sa likuran. Napailing naman siya nang maalala iyong gumalaw sa undearwear nito kahapon.
“Sa tingin ko, t*ti nga ito ni Lordo. Jesus! Why so huge?” sabi ni Lady sa isipan.
~~~