I (Continuation)

1608 Words
••• UMAGA NA AT tumugtog na ang ringing tone ni Lord na Simpleng Tulad Mo ng idolo niyang artista na si Daniel Padilla. Dahan-dahan na niyang iminulat ang mga mata kahit ayaw pa niya, pero wala siyang magawa dahil kailangan pa niyang pumasok sa paaralan. Bumangon si Lord. “Ang tanging ligaya ko! Oo na, Daniel! Gigising na! Ang ingay-ingay mo! Bad trip!” sigaw ni Lord. Bumuntonghininga siya sa sobrang inis at walang nagawang pumunta sa banyo para umihi at magsipilyo. Naghilamos na rin siya sa mukha para mawala ang antok niya. Nang natapos siya sa ginawa, dumiretso siya sa balkonahe para lumanghap ng preskong hangin. “Good morning, Lola Precilla at Lolo Larry!” sigaw ni Lord. Nasa harapan lang kasi ng bahay nila ang bahay ng lolo at lola niya na mga magulang ng Daddy Lord niya. Nakatira ang pamilya ni Lord sa bahay ng mga magulang ng ina niya. Gustuhin man bumukod ng mga magulang niya, pero ayaw ng mga lolo at lola niya. Hindi nito kayang malayo sa mga apo. Iyong Tito Steve niya lang ang hinayaang bumukod dahil lalaki naman ito at umuuwi lang ito sa kanila tuwing katapusan ng linggo. Habang nakatingala sa kalangitan, napangiti si Lord nang naalala ang kinuwento ng amain niyang si Kenjie. Ang sabi nito sa binata, pinag-agawan ito ng ina niya at ng Tita Maricar niya na ngayon ay asawa ng Tito Steve niya. Hindi niya lubos maisip na ang talambuhay ng ina niya ay parang isang nasa pelikula. Lalo na noong nalaman niya na nahulog ito sa dagat at nalayo sa mga lolo at lola niya nang labin-walong taon. Napahinto naman siya sa pag-iisip nang mahagilap sa peripheral vision ang matalik na kaibigan—si Lady Lou. Ang maaarte niyang girl best friend. Napaganda ng mukha nito. Maihahalintulad ito sa isang Diyosa na madalas nakikita sa mga palabas. Mapungay ang mga nito at may matangos na ilong. Kulay labanos ang balat nito kaya agaw atensiyon ito sa mga nakakakita rito. “Hoy! Labanos!” sigaw ni Lord sa kaibigang si Lady. Labanos ang madalas na tawag niya rito dahil sa taglay ng kaputian nito. Napahinto si Lady at nag-pose nang mala-model. Tinaasan pa nito ng kilay ang kaibigan. “Talk to my half million price of CC shoes!” “Ang yabang nito! Grabe lang, ha? Kahit nag-jogging, naka-heels? Nag-iisa ka lang talaga,” natatawang sabi ni Lord. “My life. My rule. And please be reminded, I am a beauty queen!” sagot nito. “Beauty queen ka riyan! Hanggang barangay ka lang naman!” panunukso ni Lord. “Kung sasampalin kaya kita ng sashes at trophies ko from different cities around Luzon! Ano? Gusto mo?” pagtataray nito. Tawa nang tawa si Lord dahil umagang-umaga ay naasar niya ito. “Biro lang, best friend! I love you.” Napangiti naman si Lady sa sinabi ng kaibigan. “Lordo?” sambit niya sabay hawi ng kanyang lagpas balikat na buhok. “Bakit, best friend ko?” tanong ni Lord. “May crush ka ba sa isa sa aming magkakaibigan na babae?” seryosong tanong nito. “H-Hala! Assuming lang?” “Us? Assuming? Dream on, Lordo. You know me, I am an observant creature at masyado ka kayang halata. Sa tuwing makakasaluha mo kaming magaganda sa daan. Nababalisa ka! Sino sa amin?” nakangising tanong nito. “Basta hindi ikaw!” sigaw ni Lord. “Wala ako sa choices? Really? This beauty queen? Ang low ng standard mo, ha.” “Ang ingay mo na! Umalis ka na!” “Relax. Hmmm, alam ko na! Si Hope ba? Total siya naman ang pinakamaganda sa aming apat, but kunti lang naman ang lamang niya sa akin. You know, may lahi, pero ako... Puro. Pero iba... nakakain pati ang buto. Urgh!” “Ang baboy ng bibig mo. Umalis ka na nga!” “Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko! Hmm, si Caitlyn kaya? Pero hindi naman siya charismatic for me, e! She’s plain ang kinda boring. Still, iba pa rin ako,” si Lady. “Ibinibida mo na naman ang sarili mo. Kadiri ka! Alis na!” “W-Wait! ’W-Wag mong sabihin si Soshmitta? OMG!” “Hindi, ah! Grabe ka!” mabilisang sagot ni Lord. Bumuntonghininga siya. Mukhang nahuli na siya. “Boom! Sapol! Pasok sa banga! Si Soshmitta lang pala.” “Hindi nga!” pagtanggi ni Lord. “Talaga ba? Liliit ang ano mo?” natatawang sabi ni Lady. “Anong ano ko? Hoy! Ang bastos ng bibig nito. Alis na!” Humalakhak si Lady. “’Wag ng denial, Lordo. Pero wait—bakit wala ako sa choices? Ang ganda ko kaya!” Napakamot sa ulo si Lord. “Kasi kaibigan lang kita at never kong nakita ang forever sa ating dalawa.” Napahawak si Lady sa dibdib nito at umaarteng nasasaktan. “Aray ko! Sige na, alis na ako! Lordo, hintayin mo ako, ha? Sabay na tayong pumasok.” “Kahit hindi mo pa ako pagsabihan, gagawin ko. Alam mo naman na ako ang kalasag mo. Mahal kaya kita nang higit pa sa buhay ko!” sigaw ni Lord. “Wow! Gusto mo ng first blood?” pang-aasar ni Lady. “Isa! Ang bibig mo!” inis na sigaw ni Lord. Tumawa lang si Lady sabay rampa pauwi sa bahay nila na malapit lang kina Lord. Habang tinitingnan ni Lord ang kaibigan, hindi niya napigilang umiling-umiling habang hindi matikom ang bibig sa kangingiti. Nang nawala na sa paningin ni Lord si Lady, bumalik na siya sa loob ng kuwarto para maligo. Oras ang lumipas, natapos na si Lord sa ginagawa niya. Ang tanging pinag-aabalahan na lang niya ay ang pag-ayos ng kaniyang buhok sa harap ng salamin. Gusto lang niya na maayos ang kaniyang porma. Napahinto naman siya sa ginagawa ng pumasok ang kapatid na si Kaito, hinarap niya ito nang may inis sa mukha. “Hindi ba ang sabi ko sa iyo kung pumasok ka rito sa kuwarto ay matuto kang kumatok? Ano iyong ginawa mo? Papalitan ko na talaga ang passcode niyan,” inis na sabi ni Lord. “Sorry na. Ang arte naman. Ayaw mo lang talaga na mahuli kitang nagsa—” “Ano?” pagputol ni Lord sa sasabihin ng kapatid. “Wala!” “Oh, siya. Bakit ka nandito?” seryosong tanong ni Lord. “Iyong second crush mo, nasa sala na,” nakangising sabi ni Kaito. Mukhang kinikilig pa ito para sa kapatid. “S-Sino?” “Sino pa ba? Wala namang iba, e. Si Ate Lady.” “Ang galing mo talagang gumawa ng kuwento. Mag-writer ka nga! Maypa-second crush, second crush ka pa riyan!” pagsusungit ni Lord sa kapatid. “Bakit hindi ba?” tanong ni Kaito. “Hindi naman talaga,” mabilisang sagot ni Lord. “Mamatay, Kuya?” pang-aasar nito. “Alis na nga! Sapakin na kita riyan.” Tinulak siya ni Lord. “Alis!” “Mommy, oh!” sigaw ni Kaito. “Sumbong na naman?!” “Mommy, oh, si Kuya!” “Lumabas ka na at pakisabi kay Lady na patapos na ako.” “Okay po.” “Ang kambal mo, nasaan?” “Nasa kusina at nag-aagahan.” “Okay.” Lumapit si Lord sa kapatid. “Huwag mo iyon paligawan, ha. Bantayan mo nang maigi at kapag may nalaman kang umaaligid dito, isumbong mo sa akin at uupakan ko.” “Yes, master! Kuya, ang sexy ni Ate Lady sa sala. Nakakasilaw ang legs.” “Hoy! Bata ka pa!” singhal ni Lord. “Bata ka riyan! 14 na kaya ako, Kuya!” “E, ano naman ngayon?” Ngumisi ito na kasinglapad ng noo. “Pwede na.” “Umalis ka na nga baka magdilim lang ang paningin ko.” “Mommy, oh!” sigaw ulit ni Kaito. Parang itong bata kung magsumbong. Nang nakaalis na si Kaito, napangiti na lang si Lord. Natutuwa lang siya sa mahal na kapatid. Binilisan na niya ang ginawa niya at nang natapos ay kaagad na siyang lumabas ng kuwarto. Pag-apak pa lang niya sa hagdan para bumaba, unang bumungad sa kanya ang mahabang biyas ng kaibigan. Ang kinis ng kutis nito. Napakasariwang tingnan. Habang pababa si Lord, sinamaan niya ng tingin ang kaibigan. “Magbihis ka nga. Bakit ganyan ang suot mo?” reklamo ni Lord. Hinawi ni Lady ang buhok nito. “Because I am a beauty queen!” “Beauty queen nang beauty queen ka riyan! Hindi ka ba nagsasawa sa kababanggit niyan?” “Why should I?” “Haist!” Nang nakababa na si Lord ay inabot niya ang jacket sa kaibigan. “Kunin mo ito. Alam mo ba kaming mga lalaki ay nasisilaw sa mga ganyanan niyo.” “Ang oa nito! Two inches lang naman ang pagitan at below the knee na itong suot ko! Sabihin mo na lang kasing conservative ka. Gagawin mo pa akong hindi pormal na babae sa inaasta mo. Barubal ang bibig ko, pero masar—I mean mabait ito.” Bumuntonghininga si Lord. “Bukas, huwag ka na magsuot ng ganyan, ha? Sa kusina muna tayo samahan mo akong kumain.” “Diet ako, Lordo, you know naman... I am a beauty queen with a class!” pagmamayabang nito. “Na naman? Oo na, beauty queen ka na! Hintayin mo lang ako rito, ha?” hiling ni Lord. Nang tumango ang dalaga, dumiretso na si Lord sa kusina para kumain. Hindi niya kasi kayang walang laman ang kaniyang tiyan. Muli niyang nilingon ang kaibigan para ngitian. “I love you, best friend!” sigaw niya. ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD