I.
PAPUNTA NA SANA si Lord sa kuwarto niya pero napahinto siya nang may bumabagabag sa isipan niya. Nakalimutan niya palang halikan sa pisngi ang inang si Sandra. Iyon kasi ang ginagawa niya tuwing matutulog na siya. Natatakot din siya na baka magtampo ito kaya ang ginawa niya ay ang bumalik sa sala kung saan ang ina.
Nang dumating siya sa sala ay wala na roon ang ina. Nang sumagi sa isipan niya ang kusina, pumunta siya roon sa pagbabakasakali na nandoon ang sadya niya. Pagdating niya, napakunot-noo siya nang hindi pa rin niya nadatnan ito, pero nang napansin niyang nakabukas ang pinto, napangiti siya. Sigurado siyang pumunta ang ina sa labas ng bahay nila.
Nang nakalabas si Lord, kaagad siyang napangiti nang nakita ang bulto ng ina. Nakatalikod ito mula sa kaniya. Nagkasalubong naman ang mga kilay niya nang mapansin na parang may hinahanap ang ina. Nagpalinga-linga kasi ito sa paligid. Hindi na nag-atubiling lumapit si Lord dito at hindi man lang siya napansin nito. Ang ginawa niya, niyakap niya ito nang mahigpit. Ipinatong din niya ang baba sa balikat nito. Ganoon siya maglambing sa ina.
“I love you, Mey,” nakangiting sabi ni Lord.
Hindi sumagot ang ina niya kaya nagtataka siya, pero nang marinig niya ang paghikbi nito ay kaagad siyang bumuwag. Pumunta naman siya sa harapan nito at hinawakan ang mukha. Pinunasan niya ang luha ng ina nang masaksihan ang pagtulo nito.
“Mey, ano ang nangyari sa iyo?” tanong ni Lord nang may pagtataka. Wala naman siyang napansin na kakaiba. Ang naalala niya, ang sweet ng mga magulang niya kanina.
Hinawakan ni Sandra ang kamay ng anak na nasa mukha nito. “Narinig ko ang boses ng Daddy Lord mo, ’Nak.”
Si Lord Vincent ay ang pumanaw na ama ni Lord Vincent. Siya ang iniwan nito bago lumisan sa mundo. Nabuntis ang ina niya nang panahong nasa lamay ang ama niya. Dahil sa pagmamahal ng ina niya sa ama, ipinangalan siya rito. Kaya magkapareho sila ng pangalan ng ama niya. Magkamukhang-magkamukha rin sila ng ama niya kaya tinatawag siya ng ina niya na photocopy siya rito. May magandang mukha si Lord na malakas ang karisma. Sa sampung babae, isa lang ang hindi magkakagusto sa kaniya. Malalim din ang mga mata niya at ang tangos ng ilong. Maganda rin ang hugis ng labi niya kaya maraming nangangarap na mahalikan siya.
“Talaga, Mey? Sige, dadalawin ko na lang ang puntod niya bukas. Pangako ko po.” Itinaas pa ni Lord ang kanang kamay niya senyales ng kaniyang taos-pusong panunumpa.
“Sige, ’Nak. Sina Kaito at Kitty? Nasaan?” tanong ni Sandra.
Sina Kaito at Kitty ay ang kambal na kapatid ni Lord sa ina. May magandang mukha ito na mana sa mga magulang nila. Si Kitty ay mana sa ina nito habang si Kaito naman ay sa ama.
“Nasa kwarto na nila, Mey.” Hinaplos ni Lord ang mukha ng ina. “Tahan na po. Pumasok na tayo sa loob at baka malamigan pa po kayo,” pag-aalala niya sa ina.
“Namiss ko lang talaga ang Daddy Lord mo, ’Nak.”
Inilipat ni Lord ang kamay papunta sa balikat ng ina. “Ganito na lang, Mey, titigan mo na lang ako nang mabuti total photocopy niya naman ako, ’di ba?”
“Photocopy nga, pero iba naman ang ugali. Sobrang lambing ng Daddy mo, pero ikaw! Ang arte mong bata. Ayaw mo nga magpayakap kanina roon sa bahay ng Tita Krista mo,” pagrereklamo ni Sandra sa anak.
“Tama nga ang instinct ko na nagtatampo ka. Alam mo ba, Mey, kung bakit lumabas ako? Lumabas lang naman ako para alayan ka ng halik sa pisngi. Ganoon kita ka, mahal.”
“Talaga, ’Nak?” nakangiting tanong ni Sandra.
“Oo, kaya ikaw, Mey. Huwag ka na magtampo riyan. Mahal naman kita, e.”
“Sige na nga. Pero saan na ang halik ko?” tanong nito.
“Ito na, excited nito.” Hinalikan na ito ni Lord sa pisngi. “Saranghae, Omma (Mahal kita, mey).”
“Aba! Koreano na ang anak ko, ha? Pero hindi pwede, ’Nak, kasi ang laki ng mga mata mo,” pang-aasar ni Sandra.
“Mana lang sa iyo, Mey. Ikaw talaga.”
Tumawa ito. “Tama nga, ’Nak. Anyways, pumasok na tayo sa loob. Dinadalaw na rin ako ng antok.”
Nang nakapasok na sina Sandra at Lord sa loob ng bahay nila. Dumiretso na si Sandra sa kuwarto nila habang si Lord naman ay nagpaiwan muna sa sala. Humiga siya sa sofa habang kinuha ang phone sa bulsa niya. Nang nakuha niya ito, tinawagan niya ang isa sa mga kaibigan niyang lalaki—si Troy.
“Saan kayo, bro?” tanong ni Lord. Nangumusta lang siya sa kaibigan.
“Saan pa ba? Alam mo na iyon. Hali ka rito! Bilisan mo, promise matutuwa ka,” si Troy.
“Na naman? Magbago na nga kayong tatlo!” inis na sabi ni Lord. Hindi lang niya lubos maisip kung bakit nakaugalian ng mga kaibigan niya ang pagtatampisaw sa ilog ng libog.
“Ikaw ang magbago! Ang boring ng buhay mo! ’Di ka ba napapagod sa pagiging masunuring anak? Achiever nga, outdated naman sa realidad. Kagaya nito; clubbing, s*x with different girls! Urghhhh.”
“Baliw! Never akong maging tulad niyo.”
“Ang arte mo! Pumunta ka na rito. Alam mo ba, ang sarap ng babaeng kasalo ko kanina. Akalain mo, may virgin pa palang nandito sa club. Napapikit talaga ako habang siya ang nagmamaneho! Ang galing lang,” pagmamayabang ni Troy.
“Sarap ka riyan! Paano kung mabuntis mo? Patay ka sa daddy mo!? Sumbong mo naman sa amin? Iiyak ka naman? Dahil ganito, ganyan ang parents mo?” ani Lord.
“Expert ito, bro, baka gusto mo magpaturo? Sabihin mo lang sa akin. Kilala mo ako, madali lang akong kausap.”
“Haist! Ewan ko sa iyo!”
“’Di ka ba nagsasawa sa kamay mo, bro? Paulit-ulit at iyon lang? Bahala ka... Baka kakapal pa ’yang kalyo mo niyan! Ang dami namang girls na lumalapit sa 'yo. Patulan mo na!” suhestiyon ni Troy. Kung makapagsalita ito, pakiramdam nito tama ang ginagawa nito sa buhay
“Darating din tayo riyan,” nakangiting sagot ni Lord. Wala talaga siyang balak na gayahin ang mga kaibigan niya.
“Oo na, ikaw na ang mabait! Ikaw na ang banal!” sigaw ni Troy.
“Ako naman talaga! Si Earl nasaan?”
“’Di pa lumabas... Baka nga naubusan na iyon ng hininga. Ipinagsabay ba naman ang tatlo.”
“Kadiri naman kayo! Bakit ba naging kaibigan ko pa kayo?”
“God’s will, bro.”
“Haist! Dinamay mo pa ang Tukayo ko. Sorry, Lord,” nakasimangot na sabi ni Lord. Nakatingin pa siya sa itaas na parang kinakausap niya talaga ang Diyos.
Tumawa si Troy nang malakas. “Amen!”
“Ibababa ko na ang tawag, bro. Matutulog na ako. Hindi ba kayo uuwi? Umuwi na kayo, bro, may pasok pa tayo bukas,” pag-aalala ni Lord.
“Pasok? Patawa ka? Late rin naman iyon palagi si prof.. Pero mas okay na iyon para sa aming mga average.”
“Yabang. Sige na, ibaba ko na talaga. Bye.”
Nang natapos makausap ni Lord ang kaibigan. Bumalik muna ito sa kusina nila at nagtimpla ng gatas. Iyon kasi ang nakasanayan niya bago matulog. Nang natapos siya magtimpla, dumiretso na siya sa kuwarto niya. Pagdating ni Lord, kaagad niyang ininom ang gatas. Pagkatapos ay humiga na siya at inisip ang mga kaibigan.
Napailing-iling na lang siya sa katotohanang hindi pa rin nagbabago ang mga kaibigan niyang lalaki. Simula high school ay ganoon na ang tatlo. Madalas gumimik at mag-girl hunting sa club. Pero kahit ganoon, hindi hadlang iyon para maging kaibigan niya ang mga ito. Pinapayagan naman si Lord gumala ng amain niya ngunit siya lang ang ayaw dahil isa sa kinatatakutan niya ay ang madismaya sa kaniya ang mga magulang. Natatakot siya sa posibilidad na makagawa ng kasalanan. Kaya hanggang sa makakaya pa niyang magtiis, ginagawa niya dahil para sa kaniya, iyon ang gawain ng isang mabuting anak. Ginagawa niya lang ang tungkulin niya.
Nang makaramdam na ng antok si Lord, ipinikit na niya ang mga mata niya sabay dasal. Hiniling niya ang mabuting kalusugan ng mga mahal niya sa buhay. Hanggang sa hindi niya namalayan na nakatulog na siya.