VI.

2303 Words
VI. NAPATAAS ANG MGA kilay nila Lady nang makitang paparating ang kaibigan niyang si Lord na kasama ang mga kaibigan nito. Naiinis lang siya kung bakit kailangan pa sumama ng tatlong kinaiinisan niya. Napabuntonghininga na lang siya nang makita ang mukha ni Troy. Hindi niya alam kung bakit pero naiinis talaga siya rito. Lalo pa noong nginitian siya kanina. Para sa kaniya, akala nito siguro na mahulog siya. Kailanman, hindi siya mahuhulog dito lalo pa at alam niya kung anong klaseng lalaki ito. “I guess, papunta sila rito sa atin. Okay lang sa inyo? E, kasama ni Lordo ang mga manyakis at hambog niyang kaibigan,” sabi ni Lady. “Hayaan muna. Matapang naman tayo at kaya natin sila,” giit ni Hope. Inirapan pa nito ang paparating na magbabarkada. “Oo nga. Sino ba sila para iwasan?” pagmamayabang ni Caitlyn. “Okay. Pero aminin niyo, ang galing ni Lord, ’di ba?” masiglang sabi ni Lady. Kinilabit niya si Soshmitta. “Ano ang say mo?” “Oo nga. Nakakamangha,” sabi ni Soshmitta. Tipid itong ngumiti. “Crush mo si Troy, ’di ba? Ba’t si Troy pa? May Lord na, oh! Perfect. At sigurado akong mahal na mahal ka niyan. Iyang Troy na iyan? Manyakis din iyan! Tanungin mo lang ako tungkol kay Lord at sasabihin ko sa ’yo lahat-lahat kung anong klaseng tao siya. I’m sure mahuhulog ka talaga.” “Talaga?” nakangiting sabi ni Soshmitta. “Oo. Kaya si Lord na lang sa iyo at ’wag na sa demonyong slang na iyon.” Hindi na sumagot si Soshmitta at napangiti na lang. Natatawa lang ito sa narinig mula sa kaibigan. Natutuwa rin ito na pabor ang kaibigan dito. Nang dumating na si Lord sa kinauupuan ng mga babae ay agad ng tumayo si Lady. Lumapit siya sa kaibigan at pinunasan ito. Inirapan naman niya ang mga barkada ni Lord ng tinukso siya sa kaibigan niya. Walang ilang naman siyang naramdaman dahil wala siyang nararamdaman para sa kaibigan. Tiningnan ni Lady si Earl. “Ingget ka lang kasi walang magpupunas ng pawis sa ’yo.” “’Di rin naman kami bata para punasan,” natatawang sagot nito. Inakbayan pa nito si Troy at mukhang naghahanap ng kakampi. “So ano ang Lordo ko? Bata? Lordo, oh! Niloloko ka,” sumbong ni Lady. “Hayaan mo na ang Earl na iyan. Malaki lang talaga ang inggit niyan sa katawan. Anyways, best friend, may ipakilala ako sa iy—” Naputol ang sasabihin nito. “Really? Who?” sabik na tanong ni Lady. “Si Markus.” Tiningnan ito ni Lady. “Iyan. It sucks! Ewww! Wala na bang iba?” “Ang arte mo. Markus, say hi to my best friend,” si Lord. Gusto talaga nitong maging malapit ang kaibigan sa pinakamatalik nitong kaibigan. “Lady, crush ka ni Markus. Yes na iyan,” panunukso ni Earl. Tinitigan ni Lady si Markus. Nang yumuko ito ay nakumpirma niyang totoo ang sinasabi ng mga lalaking nasa harapan niya. Dahan-dahan naman siyang lumapit dito. Nang nginitian siya ni Troy ay kinindatan niya ito bilang ganti. Kinagat niya rin ang labi niya at inaakit ito. Nang natulala ang binata, ginantihan na niya ito nang nakaiinis na ngiti. Pagkatapos, tiningnan na niya si Markus. “Crush mo ako, tama ba?” Tinaasan niya ito ng kilay. “Hindi, ah,” naiilang na sagot ni Markus. Nahihiya itong aminin ang totoo. “’Wag kang torpe, Markus. ’Di bagay,” pang-aasar ni Earl. “Hey, Markus! Except sa sobrang ganda ko. Ano pa ang nagustuhan mo sa ’kin? E, ’di naman maganda ang trato ko sa iyo sa simula pa lang?” Nakangiting tiningnan ni Lord ang kaibigan sa likuran. “Markus, ano raw? Bilis.” “Pabebe naman itong si Markus!” irap na sabi ni Hope. “Indeed! Ang oa, ha? Akala mo talaga kung sinong habulin,” sabi ni Caitlyn. Inirapan din ang binata. Napangiti si Soshmitta. “Markus, sige na. Sagutin mo na ang tanong ni Lady.” “Ang tagal naman,” pagrereklamo ni Lady. Bumuntonghininga si Markus. “Ang sabi kasi ni Lord ay mabait ka raw, mapagmahal, hindi maarte. Iyon ang rason kaya kita nagustuhan.” “Salamat pero sorry. . . you are not my type! Ew!” irap na sabi ni Lady. “Booo!” sigaw ni Earl. “Poor, Markus!” natatawang hirit ni Hope. “Loser!” si Caitlyn. “Ano ba kayo. Tama na iyan, guys,” suway ni Soshmitta. “Tumahimik nga kayo! Para kayong mga bata!” iritableng sabi ni Lord. Nanlaki naman ang mga mata ni Lady nang biglang umalis si Markus. Sa tingin niya, nagalit ito sa kaniya. Napanguso na lang siya nang mapagtanto na napasobra siya sa ginawa. Nagsisisi siya sa ginawa niya rito. Bumilis naman ang pintig ng puso niya nang tinitigan siya ni Lord. Alam niyang nadismaya niya ito. Nakikita niya iyon sa mga mata nito. “Mag-usap tayo mamaya sa bahay. Hindi ko nagustuhan ang ginawa mo. Imbes na magpasalamat ka dahil may nagkagusto sa iyo. Pero ano ang ginawa mo? Pinahiya mo pa,” sabi ni Lord. Kalmado nitong sinabi iyon. “Sorry na,” paghingi ng paumanhin ni Lady. “Huwag ka sa akin mag-sorry. Hindi ako ang pinahiya mo.” “Oo na, pero ang layo na niya! Paano ako hahabol? ’Di ko kayang tumakbo with my new 6 inches high heels from Coco Chanel.” “Ewan ko sa iyo! Umandar na naman iyang pagkabaliw mo!” Natapos iyon masabi ni Lord ay dinaanan nito ang kaibigan. Nasaktan naman doon si Lady. Ayaw niya lang na magkaganoon ang kaibigan niya sa kaniya. Naiinis tuloy siya sa sarili niya. Nagbibiro lang naman sana siya. Pero iyon pa ang nangyari. Ang may nasaktan siya nang hindi niya sinasadya. Nakangiting tiningnan ni Soshmitta si Lord habang papalayo ito. Masaya lang ito na makita ang ugaling ganoon ni Lord. Namamangha lang ito rito. Inayos naman nito ang sarili nang makitang pabalik si Lord sa kanila. Nang dumating ito, dumiretso ito rito. “Ihahatid na kita, Mitta.” Inis na nilingon nito si Lady. “Tara na!” Nakasimangot niyang tiningnan si Lord. “Ba’t mo ako tinataasan ng boses?” “Mali kasi ang ginawa mo. Hindi ka dapat ganoon,” paalala ni Lord. Nangingilid ang luha sa mga mata ni Lady. “Oo, alam ko iyon. Pero bakit galit ka pa rin sa ’kin?” Lumapit si Lord sa kaniya at pinunasan ang luha sa mga mata niya. “Sorry na. Just promise me na huwag mo na iyon gawin sa susunod.” Niyakap na siya ni Lord nang mahigpit. Ang ginawa niya, gumanti rito. Isinandal naman niya ang ulo sa dibdib nito. Masaya lang siya sa ginagawa nito. Minuto ang lumipas, mabuti na ang pakiramdam ni Lady at napagpasyahan na rin nilang umuwi. Nauna na sa kanila sina Hope at Caitlyn. Nakahinga naman si Lady nang maluwag nang umalis na sina Troy at Earl. Ang kinaiinisan niya, pinisil pa ni Troy ang pisngi niya. Gagantihan na sana niya ito pero napatigil siya nang kinindatan muli nito. Lalo tuloy siyang nainis. Nasa sasakyan na sina Lady at Soshmitta. Nasa likuran naman sila sumakay. Gusto niya sana sa harapan si Soshmitta pero nahihiya ito. Hindi rin naman pwede sa harapan siya dahil walang makakausap ang kaibigan niya sa likuran. Nang nasa biyahe na sila, napangiti naman si Lady nang mapansin na panay titig si Soshmitta sa matalik niyang kaibigang si Lord. Ang ginawa niya ay siniko sa gilid si Soshmitta. “Baka matunaw si Lordo,” panunukso niya. Napayuko si Soshmitta. Lalo na nang makita nitong nakatingin si Lord dito. Nahihiya ito bigla. Bumilis lalo ang pintig mg puso nito. “Tinititigan mo pala ako, Mitta?” nakangising tanong ni Lord. “Hindi kaya,” nahihiyang sagot ni Soshmitta. “Oo kaya Lordo! Tinititigan ka niya. Malay natin, baka nahulog na iyan sa ’yo!” panunukso ni Lady. “Lady, ikaw talaga!” si Soshmitta. “Sosh, namumula ka? ’Di ba sabi ko na nakaka-inlove talaga si Lordo? Aminin?” “Ewan ko sa iyo.” Tumawa lang si Lady. Natutuwa lang siyang asarin ang dalawa. Para sa kaniya, sana mag-work at magkagustuhan ang mga ito sa isa’t isa. Minuto ang lumipas, dumating na sila sa bahay ng Tita ni Soshmitta. Napatingin na si Lady sa kaibigan. Habang si Lord ay bumaba ng sasakyan at pinagbuksan ang babaeng gusto. Bumaba na rin si Soshmitta na may ngiti sa labi. “Thank you, Lord. Bye, Lady, I mean sa inyong dalawa,” sabi ni Soshmitta. “Mitta?” sambit ni Lord. May pagtataka sa mukha ng dalaga. “Bakit, Lord?” “Pwede ko bang hingin ang phone number mo?” seryosong sabi ni Lord. Pinagpawisan pa ito. “Gosh! Hindi na torpe ang best friend ko! I love you na talaga!” sigaw ni Lady. “Akin na ang phone mo.” Inabot na ito ni Lord... “Guys! Ang lakas ng chemistry niyo. Promise! Hingian na ng numero pa lang iyan, pero iyong kilig ko hanggang Batanes to Julo na!” panunukso ni Lady. “Tumahimik ka nga riyan, Labanos! Salamat, Mitta, ah? Mauna na kami. Kumain ka nang mabuti.” Ibinalik na ni Soshmitta ang cell phone sa binata. “I will. Salamat, Lord. Masaya akong nakilala pa kita.” Namumula naman ang mukha ni Lady nang makitang kinurot ni Lord si Soshmitta. Tumakbo pa ito matapos ginawa nito iyon. Para ba itong isang bata at kinikilig naman si Lady sa ginawa nito. Bilang kaibigan, suportado siya sa lahat ng ginagawa nito. Paglabas nilang dalawa sa village ng Tita Krista ni Soshmitta ay agad napasigaw sa sobrang saya si Lord. Hindi ito makapaniwala na malapit na ito sa babaeng gusto. Namumula naman ang mukha ni Lady habang tinitingnan ang kaibigan. Hindi niya lang maitago ang saya para rito. Ito kasi ang kauna-unahang beses na magkagusto ang kaibigan niya kaya alam niyang ibang saya ang nararamdaman niya. Napangiwi naman ang mukha niya nang biglang kinurot ang pisngi niya. Magkatabi na sila dalawa kaya naabot na siya nito. “Aray ko, Lordo! Alam mo naman sana na sobrang sentive ng skin ko. Lagot ka talaga sa ’kin ’pag ito nagkapasa,” reklamo ni Lady. Napahawak pa siya sa pisngi niya. “Ang over acting mo naman! Wala ka bang support sa mahal mong best friend?” tanong ni Lord. “Shut up! Lilipat na muna ako sa likod, ha? Hihiga na muna ako kasi inaantok na ako.” Kinuha ni Lady ang bag ni Lord sa tabi nito. Gusto niya lang gawing unan sa likuran. “Huwag mong guluhin iyan, ah?” pagpapaalala ni Lord. “Oo na! Ang arte talaga!” Pagkaupo niya sa likuran ay binuksan niya ang bag ng kaibigan. “Ano ba iyan! Ba’t tatlong cheese cake na lang ito?” “Kinain ko. Bakit? May reklamo?” Bumuntonghininga si Lady sabay higa. “Akin na itong lahat, ha?” “Okay. Best friend, takpan mo nga ang legs mo,” suway ni Lord. “Nakakasilaw ba?” nakangising tanong ni Lady. “Hindi, pero ang laswa,” pang-aasar ni Lord. “Grabe lang kung makalaswa ito!? FOR YOUR INFORMATION LORD VINCENT TANFELIX JR.. CAPSLACK IYAN PARA INTENSE! WALANG GANITONG LEGS ANG SOSHMITTA MO, NO!?” pagtataray ni Lady sabay takip dito. “Ang samang kaibigan nito!” “Sorry. Honest lang. Anyways, may nag-message sa iyo sa Go-Mail mo. Pwede ka ba raw for commercial shoot ngayong sabado?” sabi ni Lady. “Anong product?” “Gatas. I want your milk, Daddy.” Napatawa si Lord. “Ano ang reply mo?” “Wala pa. Hinihintay ko pa ang sagot mo.” “Sabihin mong pumayag ako. Pera na naman iyan. Libre kita niyan. Basta samahan mo ako lagi.” Alam ni Lady ang social media accounts ni Lord. Nagpalitan ang dalawa noong una pa lang. Sa pagkakaibigan nila, walang sekreto. Malaya nilang nalalaman kung sino ang mga taong nagtatangkang magpapansin sa kanilang dalawa. Si Lady, panay blocked sa mga nanlalandi sa kaibigan habang si Lord ay ganoon din ang ginagawa. Marami na rin binasted si Lord na manliligaw ni Lady sa anumang social media accounts. Para rito, hindi iyon pormal na panliligaw. Kung totoong gusto ang kaibigan nito, pormal itong magpapakilala sa personal. Minuto ang lumipas, dumating na sila sa tapat ng bahay nila Lord. Napalingon naman si Lord sa natutulog na kaibigan. Bumaba na ito at binuksan ang parte ng sasakyan kung saan ang ulo ng kaibigan. “Best friend, gising na! Gumising ka na! Nasa bahay na tayo,” sabi ni Lord. “Oo na, Lordo! Ang ingay mo!” reklamo ni Lady. “Tara na nga! Ihatid na kita sa bahay niyo,” sabi ni Lord. Bumangon na si Lady. “Lordo, sumusobra na iyang pagka-over protective mo sa ’kin. Baka nakalimutan mong nasa ikaapat lang ang bahay namin mula rito?” pagpapaala ni Lady. “Kahit na! Bumaba ka na,” maawtoridad na utos ni Lord. “Oo na, master,” sagot ni Lady sabay baba. “Bilis! Pag-uusapan pa natin iyong nangyari kanina.” “Ang ano?” takang tanong ni Lady. Inakbayan ni Lord ang kaibigan. “Iyong ginawa mo kay Markus.” Napakamot siya sa ulo. “’Di ka pa ba tapos? ’Di ba pinagalitan mo na ako kanina?” “Hindi pa.” “Ano ba iyan!” reklamo ni Lady. “Huwag ka ng madaming sinasabi riyan at tara na. Umuwi na tayo at baka hinanap ka na nila Tita.” Napabuntonghininga na lang si Lady. Ang akala niya ay tapos na ang kaibigan niya sa kaniya pero hindi pa pala. Napakamot na lanh siya sa ulo. Sigurado siyang mabibingi na naman siya sa sermon nito. ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD