CHAPTER TWENTY-THREE

1705 Words

ALL HER LIFE pangarap lamang ni Liza na magkaroon s’ya ng sasakyan at si Mike ang tumupad sa pangarap n’yang iyon. Ang puso n’ya ay punong-puno ng kasiyahan. Hindi pa rin siya makapaniwala na binigyan siya nito ng sasakyan. Nakarating sila ni Mike sa Antipolo nang wala sa oras. Namasyal lamang silang dalawa at kumain. Napangiti s’ya nang makitang tulog si Mike, mukhang napagod ito sa mabahang biyahe nila. Binuksan niya ang radio upang mas lalo pa itong makatulog. Hindi n’ya na ito ginising at hinayaan na lang na magpahiya. Kahit tulog ito ay napakagwapo pa rin ng lalaki. Hindi n’ya magawang hindi ito nakawan ng sulyap. Alas sais na sila ng gabi nakauwi ni Mike. Ginising niya na lang ito nang makarating sila ng bahay. “Sorry nakatulog yata ako,” wika ni Mike sa kanya kaya napangiti siya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD