CHAPTER ONE
Mike’s pov
Mike Salazar is known in the world of enterpreneurs. He is billionaire. A chef. He inherits The Salazar Italian Restaurant and Supermarket. Kilala iyon sa buong mundo. Hindi lamang sa Pilipinas ang kanilang negosyo kundi sa lahat ng panig mundo. Simula nang pinamana sa kanya ng mga magulang niya ang negosyo ng kanilang pamilya ay napalago niya lalo iyon. May kakambal siya si Miko Salazar, he is a private person. Ayaw nito ng camera at intriga kaya mas pinili nitong sa ibang bansa manirahan. Ang tahimik na buhay ang gusto nito. Isa itong nurse sa Amerika. Tulad niya ay thirty-one years old na rin ang kanyang kakambal at binata pa rin.
Simula nang lokohin siya ni Dyna ay hindi na siya naniniwala sa pag-ibig. Minsan na siyang nagmahal at niloko.
Three years ago…
Isang babae lang ang minahal niya. Si Lorren Vasquez. Isa itong nurse. Nakilala niya lang si Lorren dahil sa kanyang kakambal na si Miko nang minsang umuwi ito sa Pilipinas. Ayon pa kay Miko ay nakasama nito si Lorren sa isang seminar. Ang alam niya ay gustong mangibang bansa ni Lorren kaya ito tinutulungan ng kambal niya. Maganda si Lorren at napakabait. Sopistikada ang dating nito. Ang mga ngiti nito ay ang nagpapatibok sa kanyang puso.
Unang kita pa lamang niya kay Lorren ay nagkaroon agad ito ng puwang sa kanyang puso. Alam niya na agad sa sarili niya, na ito ang The One.
“What about her?” tanong sa kanya ni Miko nang itanong niya si Lorren dito. Dalawang buwan nang nasa Pilipinas si Miko dahil sa bakasyon nito. Kung minsan ay sumasama ito sa mga outrage program kasama si Lorren upang hindi mainip sa bahay. Nasa bahay sila ng mga oras na iyon at katatapos lang nilang kumain kaya niyaya niya sa may pool side upang magpahangin. Nagpakuha din siya ng wine sa maid.
“Simula nang makita ko si Lorren ay hindi na siya mawala sa isipan ko,” wika ni Mike kay Miko. Naglagay siya ng ice sa kanyang wine glass. Nilagyan niya rin ng alak ang kapatid. Alas otso na ng gabi iyon kaya naman halos liwanag nalang ng buwan ang nagsisilbing liwanag nila at mga ilaw na nakapalibot sa buong swimming pool.
“Ano ‘yon love at first sight? Once mo lang siyang nakita ah,” sagot sa kanya ni Miko. Kahit saang anggulo mo sila tingnan ni Miko ay magkamukhang-magkamukha sila. “Umiral na naman ang pagiging babaero mo,” natatawang wika ni Miko sa kanya.
“Ako babaero? Hindi no!” sagot ni Mike kay Miko.
“Hindi ka babaero? Sa ilang linggo ilang babae ang nakakasama mo sa kama?” tanong sa kanya ni Miko kaya naipailing. “Ibang babae si Lorren, she’s a decent girl. Siya ang tipo ng babae na gagalangin mo at iingatan mo,” wika pa ni Miko.
“Type mo ba siya?” tanong niya kay Miko. Pakiramdam niya kasi ay may gusto din ito kay Lorren.
“We’re just friends,” sagot nito Miko sa kanya kaya napangiti siya.
“With benefits?” nakaangat ang kanyang kilay na tanong.
“Asshole!” nakangitin sagot sa kanya ni Miko.
“Ngayon ko lang talaga naramdaman ang ganito at kay Lorren lang talaga,” wika niya pa kay Miko. Simula nang makilala niya si Lorren ay hindi na ito maalis sa kanyang isipan.
“Libog lang yan bro,” sagot sa kanya ni Miko.
Napangiti siya sa sagot ng kapatid. Kilala talaga siya nito na hindi makontento sa iisang babae.
“Please give me her number,” pagmamakaawa niya pa sa kapatid.
“At kapag sinaktan mo siya?” tanong ni Miko sa kanya. May pagbabanta ang tinig nito.
“I won’t do that,” sagot niyang itinaas ang kamay upang mangako.
SIMULA nang makuha niya ang number ni Lorren ay palagi niya na itong kinukulit. Niligawan niya ang babae. Nawalan siya ng interes sa mga babae nang dahil dito. Si Lorren lang ang gusto niyang makasama. Ito lang ang babaeng nagpatino sa kanya.
Isang araw ay sinadya ni Mike si Lorren sa ospital na pinagtratrabahuan nito. Sinundo niya ang babae. Bago niya pa ito sinundo ay bumili muna siya ng bulaklak para sa dito. Nakaabang na siya sa labas ng ospital dahil iyon ang oras ng uwi ni Lorren. Napangiti siya nang makita si Lorren pero nawala din ang ngiting iyon nang makita niya si Miko. Ang kanyang kambal. Mukhang nagbibiruan ang mga ito dahil sa mga ngiti ng mga ito. Sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya nakaramdam nang magselos at sa kapatid niya pa mismo. Umiling siya at inalis sa isipan ang selos na naramdaman niya sa kakambal.
Pilit ang ngiting binigay niya sa mga ito nang makita siya.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong sa kanya ni Lorren. Hindi niya kasi sinabi na susunduin niya ito. Nakangiti sa kanya ang babae.
“Ihahatid sana kita,” sagot niya sa babae. Napatingin siya kay Miko. Nasa likuran ito ni Lorren.
“Naku paano ba yan, dadalawin kasi namin ni Miko ang isa naming kaibigan na bagong panganak,” wika ni Lorren sa kanya.
“Madali lang yan,” sabat ni Miko sa usapan. “Lorren kay Mike ka’na sumabay at doon na lang tayo magkikita sa bahay ng kaibigan natin,” suhestiyon ni Miko kaya napangiti siya.
“Sigurado ka?” tanong ni Lorren kay Miko.
“Oo naman,” sagot ni Miko. Kumaway pa sa sa kanila si Miko bago tumalikod.
Inalalayan niya si Lorren hanggang sa makapasok ito sa kanyang kotse. Napatingin siya sa babae. Nakatingin ito sa kotse ni Miko. Hinintay niya munang maunang umalis si Miko bago niya pinaandar ang kotse.
Inabot niya ang bulaklak na binili at binigay iyon kay Lorren.
“For you,” nakangiti niyang wika sa babae.
Inamoy ni Lorren ang bulaklak na binigay niya.
“Thank you,” nakangiting sagot ni Lorren sa kanya. “Alam mo yang kambal mo wala nang ginawa kundi ang i-bida ka sa akin,” wika pa ni Lorren sa kanya kaya natawa siya.
“Baka sinisiraan ako sa’yo,” natatawa niyang sagot.
“Hindi ganyan si Miko. Mahal ka non,” turan ni Lorren sa kanya.
“Nagbibiro lang ako,” wika niya.
Ngumiti si Lorren. “Wala na akong naririnig sa kambal mo kundi si Mike ganito at ganyan. Puro papuri lahat ng naririnig ko,” masaya pang wika ni Lorren sa kanya. “Unlike sa amin ng kapatid ko, sumasakit ang ulo ko sa kanya. Lahat ng gusto ko ay sinusuway,” dagdag pang kwento sa kanya ni Lorren.
“Kahit magkalayo kami palagi ni Miko ay hindi napuputol ang samahan namin. We always find time para magkausap palagi,” wika niya sa babae.
“Tingnan mo yang kambal mo, mukhang nakikipagkarera sa kalsada,’ puna ni Lorren sa pagmamaneho ni Miko.
“Sanay kasi yan sa ibang bansa. Mabibilis kung magmaneho,” sagot niya niya.
“Ikaw Mike, wala ka bang balak na mag-stay sa ibang bansa?” tanong sa kanya ni Lorren kaya napasulyap siya nito.
“For good? Hindi siguro. Business trip lang siguro pero ang mag-stay ng matagal hindi ko ginagawa,” sagot niya sa babae.
“Ako pangarap kong mag-stay abroad. Iyon nga lang ang kapatid ko ayaw. Ang Pilipinas ang buhay niya,” kwento pa sa kanya ng babae.
“Mahal kita Lorren,” wika niya sa babae kaya natigilan ito sa biglaan niyang pagtatapat. Dalawang buwan na rin siyang nanliligaw dito, sa tuwing na binabanggit niya ang tungkol sa kanyang pagnliligaw ay umiiwas ito.
“Mike, alam mo naman na hindi pa ako handang pumasok sa relasyon,” sagot sa kanya ni Lorren. “Sana maintindihan mo,” sagot sa kanya ng babae na ikinalungkot niya.
“Handa akong maghintay Lorren, makamit lamang pag-ibig mo,” wika niya sa babae. Hindi siya susuko kahit pa sabihin ni Lorren na hindi pa ito handa. Kahit masakit ang pagtanggi nito sa pag-ibig niya ay tatanggapin niya. Maghihintay siya, makuha lamang ang matamis nitong oo. Hindi siya titigil hanggat hindi niya ito mapasagot. Sa dami ng naging babae niya ay kay Lorren lamang siya nahirapan.
“Wala pa akong panahon para sa pag-ibig Mike. Marami pa akong priorities na dapat unahin,’ wika sa kanya ni Lorren. “I’m really sorry,”
“Naiitindihan ko. Sabi ko nga maghihintay ako hanggang sa maging handa ka’na. Hindi ako mawawala sa tabi mo Lorren,” wika niya sa babae.
Simula noon ay hindi niya na tinigilan si Lorren. Lahat ginagawa niya mapaibig lamang ang babae kahit pa napakailap nito sa kanya. Mas higit na kampante pa si Lorren na kasama ang kanyang kakambal kaysa sa kanya. Kung minsan niya ay nagdududa na siya sa babae. Ginagawa lang nitong dahilan ang priorities pero ang totoo ay ang kakambal niya talaga ang dahilan.
Naging malapit sila ni Lorren sa isat-isa nang bumalik si Miko sa Amerika hanggang sa sinagot siya ng babae. Iyon na yata ang pinakamasayang araw ni Mike. Nang sagutin siya ni Lorren. Minahal niya ng husto si Lorren. Lahat ng pagmamahal ay ibinigay niya sa babae. Naging tapat siya dito. Nagbago siya dahil sa babae.
Akala niya at sapat na ang kanyang pagmamahal para sa babae. Hindi pala. Nang bumalik si Miko ay muling naging mailap sa kanya si Lorren, lalo na ng maging busy siya sa bagong bukas na restaurant. Masaya si Lorren kapag hindi niya ito nasusundo at kapag si Miko ang pinakikiusapan niya upang samahan ang nobya. Ang hindi alam ni Mike ay niloloko na siya ni Miko at Lorren. Hindi niya natanggap ang ginawang panloloko ng mga ito. Kahit kapatid niya si Miko ay hindi niya ito napatawad. Nagkaroon ng lamat ang kanilang relasyon at hanggang ngayon ay hindi niya pa rin kinakausap ang kapatid.
Napailing na lamang si Mike nang maalala ang nakaraan.