Roxanne "Change your clothes. Ako ang kumuha ng mga 'yan sa bahay para sa 'yo." Napalingon ako sa kanya sa sinabi niyang 'yon. Inilalabas na niya mula sa backpack niyang dala ang ilang piraso ng damit. Napansin kong iba na rin pala ang damit na suot niya ngayon. Hindi na ang robe. "Umalis lang ako sandali, may nakasalisi na kaagad," bubulong-bulong pa niya habang padabog na niyang isinasara ang zipper ng bag niya. Pabalya pa niya itong inihagis sa kama. "Nag-abala ka pa," sagot ko naman sa kanya. Ininspeksiyon ko ang mga damit na dala niya. Siya kaya ang kumuha ng mga ito sa durabox namin? "Don't you have a brain? Can you go home looking like a fool like that?" "Eh, 'di salamat." Kaagad niya akong sinamaan ng tingin. Inisnab ko na lamang siya bago dinala ang mga damit sa loob ng