bc

Journey with My Daughter

book_age18+
75.3K
FOLLOW
1.1M
READ
billionaire
one-night stand
escape while being pregnant
dominant
single mother
drama
twisted
bxg
city
passionate
like
intro-logo
Blurb

Matapos mamatay ng mga magulang ni Roxanne Robel mula sa sakit na Tuberculosis ay pinili niya, kasama ng kanyang anak na maglakbay mula Leyte hanggang siyudad ng Manila upang hanapin ang natitira pa nilang kamag-anak sakay ng bus na minana niya mula pa sa kanyang ama.

Ngunit matapos gumitna ng anak niyang si Crystal na apat na taong gulang pa lamang sa isang kasal sa Laguna na nadaanan lamang nila ay hindi naisakatuparan ang nauna niyang plano nang bigla na lamang tumakbo palayo ang bride.

Abot-langit ang galit sa kanila ng bilyonaryong si Claude Delavega sa nangyari at mapapatawad niya lamang ang mag-ina kung magagawa nilang ibalik sa kanya ang nawawala niyang bride.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1: The Wedding Intruder
Roxanne "Anak, tatabi muna tayo, ha? Dadaan na muna tayo sa simbahan," aniko sa anak ko kasabay nang mabilis kong pagkabig sa manibela ng aming sasakyang bus patabi sa kanang bahagi. Malayo pa lamang ay natanaw ko nang may maluwag na parking lot sa labas ng simbahan kaya maaari kaming huminto na muna dito sandali. Pagod na rin naman ako at nakakaramdam na rin ako ng gutom mula sa ilang oras na naman naming paglalakbay. Nagmula pa kami sa probinsya ng Leyte at isang linggo na ang nakalilipas simula noong umalis kami doon. Kasalukuyan na kami ngayong nasa Laguna. Kaunting tiis na lang at makakarating na rin kami ng Manila. Pahinto-hinto kami ng anak ko sa pagbiyahe dahil kailangan naming maghanapbuhay muna sandali upang mayroon kaming panggasolina at pangkain sa araw-araw. Kailangan naming magtungo ng Manila upang puntahan doon ang natitira pa naming kamag-anak. Bukod doon ay ang Manila na lamang ang natatangi kong paraan upang maipagpatuloy pa namin ang buhay naming mag-ina. Wala na kasi akong maisip na iba pang paraan upang kumita ng pera. Napakahirap ng buhay sa iniwanan naming probinsiya. Yumao na ang aking mga magulang mula sa sakit na tuberculosis at naibenta na ang lupang kinatitirikan ng aming munting bahay na siyang tanging naipundar ko noong magtrabaho ako sa Italy. Iyon ang ginamit ko sa pagpapalibing sa kanila. Kaya naman ngayon ay wala na kaming matirhan ng anak ko kundi itong lumang bus na naiwan sa akin ni tatay bilang pamana niya, kung 'yon nga ba ang matatawag dito. Lumang-luma na ito dahil ito ay nabili pa ni tatay noong siya ay binata pa. Marami sana akong plano sa buhay noong nagsisimula pa lamang ako sa Italy. Ngunit bigla na lamang itong gumuho noong magkanda-letse-letse na lamang bigla ang buhay ko doon, matapos ang anim na buwan kong pagtatrabaho sa isang resto-bar. Nalaman kong wala palang permit at contract ang resto-bar na 'yon. Bukod doon ay natuklasan ko ring peke pala ang mga papeles namin. Hindi lang 'yon, pagsapit ng isang taon ko doon ay natuklasan ko naman ang panlolokong ginawa sa akin ng boyfriend ko na naiwan ko dito sa Pilipinas. Ang mga perang hiniram niya sa akin ay ginamit pala niya sa pambababae niya. At huli ko na nalaman na nagpakasal na pala siya sa iba. Naging miserable ang buhay ko sa Italy. Hanggang sa matagpuan ko na lamang ang sarili kong nakikipagtalik sa isang lalaki, na isa sa mga naging customer namin sa resto-bar. Kaagad akong nabuntis kay Crystal kaya hindi ko na natapos pa ang dalawang taon kong kontrata doon. Bumalik ako ng Pilipinas sa tulong muli ng kaibigan kong nagdala sa akin doon, si Marissa. Ngunit makalipas lamang ang limang taon ay ang mga magulang ko naman ang nawala. Naisipan kong ang bahay na lang namin sa Leyte ang ibenta dahil wala na rin naman kaming natitira pang kamag-anak doon. At itong bus naman na ito ang naisipan kong gamitin patungong siyudad. Ito na ang naging tahanan namin ng anak ko simula noong umalis kami ng probinsiya. Awa ng Diyos ay hindi pa naman kami nasisiraan na huwag naman sanang mangyari. Kailangan naming makarating kaagad sa Manila dahil malapit nang maubos ang natitira naming pera ng anak ko. Lumingon ako sa bakuran ng simbahan at nakita kong napupuno ito ng mga naggagandahan at mga mamahaling mga sasakyan. Napansin ko rin ang mga naggagandahang palamuting bulaklak sa ibabaw ng isang puting magarang kotse at sa ibang sasakyan naman ay mga balloon na nakatali sa mga side-view mirror. Sigurado akong may ikinakasal ngayon sa loob ng simbahan na ito. Nang maiayos ko na ang pagkaka-park ng aming bus sa isang tabi ay saka lamang lumapit sa akin ang anak kong babae, na nasa apat na taong gulang pa lamang. Siya na rin ang nagkalas ng suot niyang seat belt sa sarili niyang upuan na malapit sa aking likuran. "Nanay, gusto ko po ng lobo!" bulalas niya habang nakatanaw sa labas nang nakasarado pa naming pinto. Tuwang-tuwa siya at napapalukso pa siya sa sobrang kagalakan. "Susubukan nating humingi ng isa, anak. Hindi kasi sa atin ang mga 'yan, eh." Pinatay ko na ang makina ng aming sasakyan at saka hinugot ang susi. Inayos ko muna ang postura ng anak ko mula sa kanyang mahabang buhok hanggang sa suot niyang bestida. Saglit ko lamang ding sinipat ang sarili ko sa isang malapad na salamin na nakadikit sa tabi ng pinto. Hindi na ako magpapalit ng mas maayos na damit dahil hindi naman kami magtutungo sa altar. Gusto ko lang magdasal, magpasalamat at humiling sa Panginoon para sa aming mag-ina habang kami ay pansamantalang nakatira sa lansangan. "Sana bigyan nila tayo, nanay. Gusto ko ng lobo, eh." Napangiti ako nang makita ko na ang pagnguso ng anak ko. Umupo ako sa harapan niya at inayos naman ang suot niyang sandals. "Susubukan natin, anak. Pero kung hindi tayo bibigyan, bibili na lang tayo sa tindahan, okay? Kaya naman ni nanay bumili niyan, eh." Hinalikan ko siya sa noo bago ako tumayo at binuksan na ang pinto ng aming bus. "Sige po, nanay! Sana bigyan na lang tayo para 'di maubos ang pera natin. Cute naman po ako, eh!" Natawa naman ako sa sinabi niya. Nauna na akong bumaba ng bus bago ko siya isinunod. Ini-lock ko ng mabuti ang pinto nito bago ko siya inakay patungo na sa gate ng malaking simbahan. Natanaw naman namin ang dalawang guwardyang lalaking bantay doon. "Saan po kayo pupunta, ma'am? Isa po ba kayo sa mga bisita nang ikakasal?" tanong sa amin ng isa sa kanila kasabay nang pagharang niya sa amin. "Ahm... h-hindi, kuya," alanganin kong sagot sa kanya dahil nahihimigan kong parang hindi kami papapasukin sa loob. "Bawal po, ma'am." Sinasabi ko na nga ba. "Sandali lang naman kami, kuya," pakiusap ko pa rin sa kanya. "Bawal po sa ngayon, ma'am dahil may mayamang ikinakasal ngayon sa loob. Baka po maka-istorbo kayo," biglang singit na rin ng isa pang guwardya sa amin. "D'yan lang naman kami, kuya, sa labas." Pinilit ko pa ring maging mahinahon sa harapan nila. "Kahit na, ma'am. Bawal pa rin po. Baka po may madumihan kayong mga kotse dito." Biglang nagpanting na ang tainga ko sa sinabi niya. Ano bang tingin niya sa amin, pulubi? "Sila ba ang may-ari ng simbahan na 'yan?" inis ko nang tanong sa kanya. "Hindi po, ma'am--" "Hindi naman pala, eh! Huwag kang mag-alala, hindi kami papasok sa loob. D'yan lang kami sa tirikan ng kandila!" Hindi pa siya nakakasagot ay kaagad ko nang hinila ang anak ko papasok sa loob ng gate. Ayaw ko mang maging bastos pero siya ang nakakabastos. Dinaig pa niya ang mga mayayamang matapobre. Magdadasal lang naman kami kahit dito lang sa labas. Baka gusto niya ay pati siya ay ipagtirik ko na rin ng kandila! Hindi na rin naman nila kami hinabol pa ngunit nasa amin pa rin ang paningin nila. "Ang gaganda ng mga kotse, nanay! Ang daming lobong nakasabit!" sigaw muli ng anak ko habang nakaturo sa mga iyon. "Mamaya na lang, anak. Wala pang tao d'yan na p'wede nating mahingian. Samahan mo muna si nanay dito. Ipagdarasal natin ang mga lolo't lola mo." Hinila ko siya sa kanang bahagi ng simbahan kung saan may natanaw akong mga Santo at sa harapan nito ay may malapad na bakal na tirikan ng mga kandila. Mula dito sa labas ay bahagya na naming naririnig ang ingay ng mga tao sa loob ng simbahan, maging ang tinig ng Pari na nagsasalita sa mikropono. "Anak, dito ka lang, ha? Maupo ka lang d'yan. Huwag kang aalis." "Opo." Iniupo ko siya sa isang bakanteng silya na malapit sa akin. Mabuti na lang at may mga nakahanda na rin ditong mga kandila. Ang kailangan lamang ay maghulog ng barya sa isang donation box na naririto rin sa tabi nila. Kumuha ako ng dalawang dilaw na kandila at sinindihan ang mga ito bago ko itinirik sa isang butas ng bakal. Nagkasya naman ang dalawang kandila na iyon sa isang butas. Yumuko ako ng bahagya at ipinikit ang aking mga mata upang manalangin. Sa aking pagpikit ay mas narinig ko nang malinaw ang tinig nang nagsasalitang Pari sa loob ng simbahan. May naramdaman akong mahihinang yabag mula sa tabi ko ngunit hindi ko ito nagawang pansinin at nagsimula na lamang akong magdasal. "Bago natin simulan ang seremonya ng kasal... tumayo kung sinuman ang tututol--" "DADDDYYYY!!!" Bigla kong naidilat ang aking mga mata nang marinig ko ang malakas na hiyaw na iyon na parang kulog na dumagundong bigla sa magkabila kong tainga. "C-Crystal..." Napalingon ako sa upuang pinaglagakan ko sa kanya kani-kanina lamang at gano'n na lamang ang panlalamig ko nang hindi ko na siya doon natagpuan. "Crystal?... Anak! Crystal!"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.8K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.5K
bc

His Obsession

read
89.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
180.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook