Roxanne Pagdating ng mansion ni Claude ay doon na nga niya ako idiniretso sa ikalawang palapag, sa loob mismo ng kuwarto niya. Gusto pa niya sana akong buhatin simula sa pagbaba ng kotse papasok sa loob ng bahay ngunit hindi na ako pumayag. Dahil sa tingin ko ay magagalaw niya lang ang fracture ko sa oras na dumapo na ang mga braso niya sa likod ko kahit pa ba may suot akong brace. Mas masasaktan lang ako. "Nanay, galing ka na po?! Sakit pa likod mo?! Ano po 'to? Tigas!" Hindi magkamayaw ang anak ko sa pagtatanong sa akin at pag-iinspeksiyon sa katawan ko. Kasalukuyan na kami ngayong naririto sa kama. Ang daddy naman niya ay naghuhubad na ng polo niya ngunit taimtim namang nakatitig sa akin. Nakikita ko na naman ang mga namumutok niyang abs sa tiyan niya at mapipintog niyang mga masel