Roxanne Sinubukan kong ibangon ang katawan ko mula sa hospital bed. Medyo nahirapan ako dahil sa bakal na nasa likod ko pero okay na rin ito dahil nakakatulong naman ito upang hindi lumiko ang likod ko at manakit ang fracture ko. Mas mapapadali na siguro ang paggaling ko nito ngayon. Umayos ako nang pagkakaupo sa kama. Napalingon naman akong bigla sa pinto nitong silid na kinaroroonan ko nang bigla itong bumukas. At nagulat ako nang bumungad doon si Adam at ang baby niyang si Jr. "Mommy!!" "Jr!" Mabilis siyang tumakbo palapit sa akin habang may bitbit na mga bulaklak. Si Adam naman ay may napakalawak na pagkakangiti habang lumalapit na rin sa amin. May isang basket naman siya ng mga prutas na bitbit. "Mommy, for you po! Flowers for you!" Iniabot sa akin ni Jr ang dala niyang pum