CHAPTER 5: Pay for Sin

1754 Words
Claude "Kakain ka ba o hindi?" I asked this feisty girl again, who was staring at me the whole time. Dalawang oras na yata kaming naririto sa veranda ngayong umagang ito at sa buong oras na 'yan ay nakatitig lamang siya sa akin. Napakasama pa niyang tumingin na akala mo'y mangangain ng tao. She doesn't even answer my questions. "Ayaw mo ba ng mga chicken na 'yan? Pasalamat ka pakakainin pa kita matapos nang ginawa mo sa kasal ko." "Paano kung may lason 'yan?!" bigla niyang sagot na ikinanganga ko. Aba't--what the f**k?! "You know what, little brat? I could f*****g kill you with just one flick! 'Yang liit mong 'yan!" sagot ko sa kanya na may kasamang paninindak. Ngunit parang wala man lang 'yong naging epekto sa kanya. She didn't even f*****g blink. Ang tapang din naman ng batang 'to. Manang-mana sa nanay niyang siga, palengkera, attention seeker at malamang, gold digger na rin. Siguradong inutusan niya ang batang ito na pumagitna sa kasal ko at sabihing tatay niya ako para maisakatuparan nila ng magaling niyang ina ang mga plano nila. And they succeeded! They managed to run my fiancée and ruin my wedding day. Hinding-hindi ko sila mapapatawad sa ginawa nilang ito sa akin! They messed with the wrong person! "Fine! Ayaw mong kumain, p'wes mamatay ka sa gutom. Isama mo na rin 'yang nanay mo." "Bad ka!" kaagad niyang sigaw sa akin at ngayon ay nakikita ko na ang panunubig ng mga mata niya na parang iiyak na. I gave her a sarcastic smile. "Really? Bad ako? Sino sa ating dalawa ang bad? Alam mo ba kung ano 'yong ginawa mo sa akin kahapon? Sinira mo 'yong kasal ko at ngayon ay hindi ko alam kung nasaan 'yong babaeng pakakasalan ko. Naiintindihan mo ba kung gaano ka-importante sa akin 'yong araw na 'yon? Pero sinira mo!" "Ayaw na kitang maging daddy! Bad ka!" "I'm not your dad! Ilang ulit ko bang sasabihin sa iyo 'yan?!" I yelled at her. Hindi ko na naman mapigilan ang galit na nararamdaman ko para sa kaniya. Hindi naman kasi ito maliit na bagay lang na madaling kalimutan, na gano'n lang kadaling palampasin. Napakahabang panahon ang iginugol ko para mapa-oo lang sa kasal na 'yon ang girlfriend ko. Malaking preparasyon ang inihanda ko at nasayang ang bonggang surpresa na ibibigay ko dapat sa kanya. Pero nawalan ng kwenta ang lahat ng 'yon nang dahil sa mag-inang ito! Napahiya pa ako sa maraming tao, lalong-lalo na sa pamilya ko! Ngayon ay tuluyan na talagang tumulo ang mga luha niya sa pisngi niya ngunit nananatili pa rin siyang nakatitig sa akin. Kung noon ay napakalambot ng puso ko sa mga batang katulad niya, ngayon ay hindi na. Lalong-lalo na sa kanya! "Sige nga, sabihin mo sa akin kung paano mo nasabing ako ang tatay mo? Itinuro ng nanay mo, malamang. Tama ako, 'di ba?" "Di na ikaw ang daddy ko! 'Yaw na kitang daddy!" Napatiimbagang ako. Hindi talaga siya makausap ng maayos. Where the hell did she get that wrong information? From her stupid mother?! Damn her! "Sir!" Napalingon ako sa isang maid na paparating. "What?" "G-Gising na po 'yong nanay ng bata. Nagwawala na po doon sa loob ng kuwarto. Hinahanap po 'yong anak niya," mahinang saad niya sa akin mula sa tabi ko. I smirked at what she said. "Bantayan niyo ng mabuti 'yang batang 'yan. If you can feed her, feed her. Ayokong mamatayan ng tao itong resthouse ko." "Sige po, sir." I immediately stood up and walked towards the door of my house. Ngunit bago ako tuluyang pumasok sa loob ay nilingon ko muna ang batang babae. Nakatitig pa rin siya sa akin ngunit hindi naman umalis mula sa kinauupuan niyang silya. Namumula na ang mga pisngi niya at ilong niya sa pag-iyak niya. I still gave her a sharp look before I finally went inside. I can't be carried away by her f*****g tears! Nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad patungo sa ikalawang palapag ng resthouse kong ito na matatagpuan dito sa Antipolo. Surpresa ko sana ito para kay Athena at dito ko sana planong mag-honeymoon pagkatapos ng kasal namin pero paano ko pa ito maibibigay sa kanya ngayon? Dito ko na lang din naisipang dalhin ang mag-ina dahil hindi sila maaari sa bahay namin sa Manila. Naroroon sa lugar na 'yon ang buong angkan naming mga Delavega. Pag-akyat ko ng hagdan ay may naririnig na nga akong pagsigaw na may kahinaan pa ang dating sa tainga ko. Sa tapat naman ng pinto na kinaroroonan ng babaeng attention seeker ay naroroon ang dalawa pa sa mga servants ko at tila hindi malaman ang mga gagawin. Kaagad din naman silang napalingon sa akin at sumalubong. "S-Sir, g-gising na po 'yong nanay ng bata." "N-Nagwawala na po. Hinahanap po 'yong anak niya." "Crystaaal!! Ibalik niyo sa akin ang anak ko, mga hayop kayo! Crystal, anak! Nandito si nanay! Tulungan mo 'ko!" I ignored them and just continued walking towards the door. Dinukot ko mula sa bulsa ko ang susi nito at mabilis na isinuksok sa kandado nito. Pinihit ko ito at sinipa pa-bukas. Pa-balandra naman itong tumama sa pader at nakita ko ang pagkagulat ng babaeng nakaposas ngayon sa kama. She stared at me pleadingly. Basang-basa na ng mga luha niya ang buo niyang mukha at sabog-sabog na rin ang buhok niya. "P-Parang awa mo na, 'y-yong anak ko. Huwag mong sasaktan ang anak ko. Maawa ka sa bata. Ako na lang. Ako na lang ang saktan mo! Walang kasalanan 'yong bata. Hindi niya alam 'yong ginawa niya." Punong-puno siya nang pagmamakaawa habang nakatitig sa akin. I don't know who this girl is but she looks familiar to me. Pero wala pa rin akong pakialam kung sino man siyang Maria. Walang kapatawaran ang ginawa nilang mag-ina sa akin. I walked closer to her. She is beautiful and slim. Pero hinding-hindi niya magagawang palitan ang fiancée ko. Hindi niya kayang pantayan ang isang tulad niya. Bumuga ako ng malakas na hangin bago ko mahigpit na hinawakan ang pisngi niya at hinatak palapit sa akin. "Hmmph!" napadaing siya at kitang-kita ko ang sakit sa mukha niya kasabay nang muling pagtulo ng mga luha niya sa pisngi niya. "What do you think of me, a fool? Para maniwala na lang basta na anak ko ang batang 'yon? Sa tingin mo ba, papatol ako sa isang tulad mo? Look at yourself! Mukha namang ilang lalaki na ang nakatikim sa iyo at ipapaako mo rin sa kanila na anak nila ang batang 'yon!" Malakas kong binitawan ang pisngi niya. "S-Sinabi ko naman sa iyo, na nagkamali lang 'yong anak ko. Hindi ko siya inutusan na guluhin kayo! Hinding-hindi ko ipapain ang anak ko para lang magkapera! Humingi naman ako ng tawad sa inyo, 'di ba?" "Why? Do you think those words can bring back my fiancée? Do you know where she is right now? Alam mo ba?!" hindi ko napigilang sigaw sa mukha niya. Napapikit naman siya kasunod ang paglakas nang mga pag-iyak niya, na mas lalo pang nagpaparindi sa tainga ko. I'm now seething with anger and I can't stop clenching my fists. She didn't answer either. "Do you know how I feel right now? I want to hurt someone in front of me right now. Pero masuwerte ka dahil hindi ko kayang gawin 'yon sa isang babae... Imbes na masaya na sana ang araw ko ngayon dahil sa wakas ay naikasal na dapat kami ngayon at bubuo na ng sariling pamilya, pero hindi nangyari. Naging panaginip lang ang lahat ng 'yon!" "A-Ano bang gusto mong gawin ko? Sabihin mo lang, gagawin ko, mapatawad mo lang kami ng anak ko." "Pag sinabi ko bang tumalon kayo sa bangin, gagawin niyo?" She didn't answer and just continued to cry. "M-Maawa ka naman sa anak ko. Masyado pa siyang bata." "That's it... Lagi mong ipinapangkalang 'yang anak mo para matabunan ang mga ginagawa mong katarantaduhan. Napaka-kawawa ng bata sa iyo. You're just using her to hook people like me. For what? For money?" "Hindi totoo 'yan!" she immediately shouted at me. "Patungo kami sa Maynila para hanapin ang tiya namin at hindi para manggantso ng tao! Pinalaki akong mabuting tao ng mga magulang ko!" "Do you think I'll believe you? Sino ka ba? I don't even know you. Dapat d'yan sa anak mo, idinadala sa DSWD. Tama ba na patirahin mo siya sa isang bus?" Kaagad na lumarawan sa kanya ang matinding takot. Paulit-ulit siyang umiling sa akin nang may pagmamakaawa. "P-Parang awa mo na, huwag mong gagawin 'yan. Huwag ang anak ko, maawa ka. Hindi ko naman siya pinababayaan. Sabihin mo na lang sa akin, ano bang dapat kong gawin para mapatawad mo kami. Kahit ano, gagawin ko. Huwag mo lang ilayo sa akin ang anak ko. Hindi ko kakayanin 'yon. Siya na lang ang mayroon ako!" "'Yong nararamdaman ko ba ngayon, naiisip mo? My beloved woman is no longer with me. She has left me. Siguro para maging fair tayo, dapat ay maiwan ka rin nang pinakamamahal mong tao." "Huwag! Huwag! Parang awa mo na! Hindi kakayanin ni Crystal na mawala ako sa tabi niya. Parang awa mo na. Baby pa siya. Huwag siya, pakiusap. Kailangan ako ng anak ko." "Then, give me back my fiancée too!" I held her face tightly again. "Hmmph!" muli din naman siyang napadaing ngunit wala akong pakialam. "You don't want to be alone, don't you? We're just the same so find a way to get her back to me! Dahil kung hindi mo magagawa 'yan, pasensiyahan na lang tayo. Siya ang magiging kapalit nang kagaguhang ginawa niyo sa akin! I swear that! Keep my f*****g word!" I yelled at her face while giving her a sharp look. Kaagad ko rin siyang binitawan at lumabas ng silid. "Lock that door and keep a close eye on her," I ordered the servants who remained standing outside the door. "Opo, sir." Kaagad din naman silang nagsitanguan sa akin. Tuluyan ko na silang iniwan at pumasok sa loob ng silid ko. Paulit-ulit akong bumuntong-hininga ng malalim upang maibsan ang galit at paninikip ng dibdib na nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Sa ngayon ay inutusan ko na ang mga tao ko upang ipahanap si Athena. I can't f*****g lose her. We've been through a lot in our almost eight-year relationship. Ngayon pa ba kung kailan malapit na sanang matupad ang mga pangarap naming dalawa? Isang hakbang na lang sana pero naudlot pa. Hindi p'wedeng hindi magbabayad ang mag-inang ito sa akin! Kahit magbuwis pa sila ng mga buhay nila!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD