CHAPTER 6: Our Home

2045 Words
Claude "Where are you now?" "In a place where I can chill," sagot ko kay kuya Charlie na kanina pa pala tumatawag sa cellphone ko. I just came out of the bathroom after taking a shower. "You alright?" "Yeah. I'll be fine too." Natanaw ko sa garden ang batang si Crystal habang kinakausap ng mga servant ko at hanggang ngayon ay mukhang kinukumbinsi pa rin nila na kumain. "Give me your address. I'll go there." "No need, kuya. I'm fine. I'll be home soon." "Are you sure?" "Yeah. I just want to be alone even now." "Don't kill yourself." I suddenly laughed at what he said. "Hindi ko pa naman naiisip 'yan." "Good. Mabuti nang nakakasiguro ako." Napangiti ako na may kasamang pag-iling. Naalala ko lang bigla noong tinangka niyang magpakamatay nang dahil kay Lhevyrose na asawa na niya ngayon. Iniwan siya nito noon dahil naman sa mga kagaguhan niya. Now they have two children. "I'm stronger than you think, akala mo lang. I would never do that just for a girl." Sinadya kong pasaringan siya. Siya naman ngayon ang narinig kong tumawa ng mahina. "Don't put an end to things that are yet to happen. Sige ka, ikaw rin." "I can't see myself killing myself over a woman." "Dad has done that before. I did too. Sana hindi umabot sa iyo." "Of course not." "I'm serious. I don't want that to happen to you. Just calm yourself down. We are here for you. Marami kaming pamilya mo." Hindi kaagad ako nakasagot. Napabuntong-hininga ako ng malalim. Parang naantig ang puso ko sa mga sinabi niya at ramdam ko ang pag-aalala niya sa akin. "Don't worry, I'm fine. I would never do that. Uuwi din ako d'yan. Magpapalamig lang ako." "Alright." Kaagad ko na ring pinutol ang linya at muling bumuntong-hininga ng malalim. Nalaman ko rin mula sa kanya at kay Dad ang nangyari noong pag-suicide ni dad noong iwan siya ni mommy. They kept it a secret from me. That was the reason why kuya Charlie didn't want to have a commitment to any woman. Ayaw niyang matulad kay Dad pero 'yon pa rin ang nangyari. Kinain pa rin siya ng sobrang pagmamahal niya sa isang babae. Mabuti na lang din at tumino na siya ngayon. Napatanaw akong muli sa garden kung saan naroroon ang mga servant at si Crystal, na mukhang umiiyak na naman. Ayaw niya pa ring kumain. Tsk. I turned around and quickly got dressed. Matapos ay kaagad na rin akong lumabas ng silid ko. Ngunit napahinto ako nang makita kong nakabukas ang pinto ng silid ng babaeng attention seeker at wala sa labas niyon ang mga bantay niya. What the f**k? Kaagad ko itong nilapitan at tiningnan ang nangyayari sa loob. "Sabi ko naman kasi naiihi na ako, eh!" "Pasensiya na po, may kausap pa kasi si Sir kaya hindi namin maistorbo." I saw that the servants were removing the bedsheets from her bed, which I noticed were indeed wet. "What's going on here?" I asked them as I entered. "Sir!" "N-Naku, Sir. N-Napaihi na po siya sa kama." Mukhang nataranta naman sila sa pagdating ko habang ang babaeng ito naman ay masama ang tingin sa akin kahit may luha pa rin ang mga mata niya hanggang ngayon. Bahagya nang nakababa ang collar ng damit niya sa dibdib niya kaya naman sumisilip na doon ang mga pisngi ng mapipintog niyang dibdib. Nakalilis din ang laylayan ng dress niya paitaas sa mga hita niya kaya naman nakahantad ngayon sa harapan ko ang mapuputi at makikinis niyang hita. Malapit na itong dumako sa singit niya. I wonder what kind of underwear she's wearing right now. What color? I immediately averted my eyes from there. Sandali akong napalunok nang bahagyang manuyo ang lalamunan ko. She's even dirtier now in my eyes. Huh! I walked closer to her while watching her and smiling insultingly. "You look like trash now." I looked at her boringly. Hindi naman siya sumagot. Nakita ko ang saglit na pagdaan ng sakit sa mga mata niya habang nakatitig sa akin ngunit kaagad din itong naglaho at naging blangko. "How can you make me pay? I can't even touch your body. It's disgusting, I swear. Tapos malalaman kong anak ko 'yong batang 'yon? Tsk. Haayts, you're f*****g dreaming." Hindi pa rin siya sumagot ngunit hindi na rin naman nakatingin sa akin. At mas lalo akong naiinis dahil parang walang epekto sa kanya ang mga sinasabi ko. "Hayaan niyo siyang mamaho d'yan. Bagay naman 'yan sa kanya," I said to my servants. "Sir, p-pakakainin po ba namin siya?" "Mukha pa naman siyang busog. Hayaan niyo lang siya." Kaagad na rin akong tumalikod upang lumabas nang muli ng silid. "C-Claude..." Ngunit kaagad din akong napahinto sa narinig kong 'yon. She knows my name. What the f**k? Dahan-dahan akong lumingon sa kanya hanggang sa magtamang muli ang aming mga mata. Naroroon nang muli ang pagmamakaawa niya. "Who mentioned my name to her?" I asked the servants. But they immediately shook their heads. "Hindi po kami, sir." I turned to the woman again. "You're also good at researching the people you're going to victimize." "Hindi na ako magpapaliwanag pa sa iyo. Hindi ko na dedepensahan pa ang sarili ko kahit ano pang panghuhusga ang gawin mo sa akin. May sarili ka namang pinaniniwalaan. Humihingi pa rin ako ng tawad para sa nagawa namin ng anak ko. Nangangako ako, tutulong ako para mahanap ang fiancée mo. Ibabalik ko siya sa iyo." "And how can I be sure? You ran away from me once... at church. Do you remember that?" "I-Iiwan ko dito ang anak ko habang nasa labas ako. Basta, ipangako mo lang din sa akin na magiging maayos ang lagay niya dito. Huwag mo siyang sasaktan. Siya lang ang buhay ko. Siya na lang ang mayroon ako. Kamamatay lang ng mga magulang ko at hindi ko na kakayanin pa kapag ang anak ko naman ang nawala sa akin." Saglit akong napahinto sa sinabi niyang 'yon ngunit hindi ako nagpahalata. Malamang, gumagawa lang siya ng kuwento para kaawaan ko siya. That's one of the strategies of the modus operandi, right? Para makuha nila ang loob ng mga taong bibiktimahin nila. I sighed deeply as I stared at her. Muli akong lumapit sa kanya hanggang sa maupo ako sa tabi niya. "Just make sure you're not fooling me. Dahil kapag nahuli kita, magpaalam ka na sa anak mo. You'll never see her again. I swear," I told her as I stared at her earnestly. Gusto kong ipabatid sa kanya na hinding-hindi ako nagbibiro. Muli namang tumulo ang mga luha niya sa pisngi bago marahang tumango. "P-Pangako, hindi kami tatakas." "I'll only give you one month to find her and bring her back to me. Napakahaba na no'n kung tutuusin. Siguraduhin mong magagawa mo 'yan. At huwag na huwag ka ring magkakamaling kumilos ng mga bagay na hindi ko magugustuhan. 'Yang anak mo ang malilintikan sa akin. Anyway, tumakas man kayo, mahahanap at mahahanap ko pa rin kayo. But prepare for the consequences of all that. Keep my word. I'll watch over you." She repeatedly nodded at me while I gave her a deep look. "O-Oo, pangako." "Lakasan mo." "Oo! Pangako, hindi kita lolokohin." "Huh." Kinuha ko mula sa bulsa ko ang susi ko at inumpisahang kalasin ang mga posas sa mga braso niya na nakakabit sa kama. Kinuha ko ang mga ito at isinilid sa bulsa ko habang pinagmamasdan pa rin siya. Hinaplos niya ang mga braso niyang namumula ng husto. Gumuhit doon ang bakal ng posas. "N-Nasaan 'yong sasakyan namin?" "Why?" "Y-Yong mga damit namin nandoon." Hinila niya paibaba ang laylayan ng dress niya. Nakikita ko rin ang bakas ng basa ng ihi niya sa foam ng kama. Tsk. Ang dumi-dumi niya. "Nasa garahe," sagot ko naman sa kanya. Tiwala naman akong hindi niya mailalabas ang bus na 'yon. Hindi rin sila makakatakas sa lugar kong ito dahil matataas ang mga bakod ng bakuran ko at may apat akong guwardya sa labas. "Kukuha lang ako ng mga damit namin ng anak ko." "Hindi mo na kailangan pang ipasok dito sa bahay ko. I'm still not letting you stay here. Bahay lang namin ito ng fiancée ko." She didn't answer and just bowed her head. "What's your name again?" "R-Roxanne... Roxanne Robel." "Miss Robel, don't ever call me by my first name. We're not close, at mas lalong hindi magkaibigan. Do you understand that?" "Y-Yes, sir." I stood up and walked out of her room. Nang dahil sa mga tulad niya kaya nakakagawa ako ng hindi maganda! Roxanne Pinunasan ko ang mga luha ko sa pisngi bago ako nagdesisyong lumabas na rin ng silid na ito. Hindi ko lang maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon? Ipinanganak ko at pinalaki si Crystal nang mag-isa. Hindi ako naghangad o nag-demand ng kahit ano mula sa ama niya dahil alam kong sa umpisa pa lang, wala akong aasahan sa kanya. Limang taon na ang nakalilipas pero bakit ngayon lang ako nakaramdam ng sakit na para akong dinudurog. Hindi ko inaasahan na sasapitin pa namin ito ngayon. Nakagawa ako ng desisyon noon na hindi na pinag-isipan pa. Sandaling kaligayahan para lamang makalimutan ang sakit na idinulot sa akin ng ex-boyfriend ko. Hindi ko inaasahan na mabubuo si Crystal. Pero tinanggap ko na, na buong buhay naming hindi makakasama ang ama niya. Kailanman ay hindi ako nangarap. Dahil sino lang ba ako? Tama naman siya? Sino ba ako? Isa lang akong estrangherang babae na walang karapatang makapasok sa buhay niya. Sa paningin niya ay mas maliit pa ako sa isang langgam na kailanman ay hinding-hindi siya maaabot. Gagawin ko ang kasunduan naming dalawa. Pipilitin kong maibalik sa kanya ang pinakamamahal niyang babae. Pagkatapos no'n, isinusumpa ko, hinding-hindi na niya kami makikita pa kahit kailan. Bumaba ako sa nakita kong hagdan sa kanang bahagi. Kaagad akong nagtungo doon at mabilis na bumaba. Kaagad namang sumalubong sa akin sa ibaba ang dalawang kasambahay. "Nasaan ang anak ko?" kaagad kong tanong sa kanila. "Nasa bakuran po." Iginiya nila ako patungo sa pinto. Saglit kong inilibot ang paningin ko sa kabuuan ng bahay na ito. Napakaganda naman talaga at napakalaki. Nakakalula. Magmimistulang reyna sa lugar na ito ang mahal niyang babae. Lihim na lamang akong natawa ng mapait. Tuluyan na kaming nakalabas ng pinto. Kaagad ko rin namang natanaw ang anak ko sa bakuran kasama ang dalawa pang kasambahay. "Crystal!" kaagad kong tawag sa kanya. Mabilis din naman siyang lumingon. "Nanay!" Kaagad siyang tumakbo patungo sa kinaroroonan ko. Hindi ko napigilan ang muling pagtulo ng mga luha ko sa pisngi na kaagad ko rin namang pinunasan. "Nanay!" "Anak." Sinalubong ko ng mahigpit na yakap ang aking anak. Pakiramdam ko ay isang taon kaming hindi nagkita. Mis na mis ko siya! Binuhat ko siya at hinagkan ang buo niyang mukha. "Kumusta ka? Anong ginawa nila sa iyo? Hindi ka ba nila sinaktan?" "Hindi po. Pero bad si daddy. Ayaw ko na sa kanya, nanay. Bad siya, eh." "Paano mo nasabi 'yan? Sinaktan ka ba niya?" Kinabahan naman akong bigla. "Hindi po. Sabi niya mamatay daw ako sa gutom kasi ayaw kong kumain." Napatiimbagang ako sa sinabi niyang 'yon. Aksidente naman akong napatingin sa balcony ng second floor ng bahay at natanaw ko doon si Claude. Nakatayo siya doon at taimtim na nakatitig sa aming mag-ina. Napansin ko ang baso ng alak na hawak niya. "Huwag mo siyang pansinin. Basta kapag may ginawa siyang hindi maganda sa iyo, isumbong mo kaagad sa akin, okay?" "Opo! Nanay, gugutom na ako." "Halika na, baka may noodles pa tayo sa sasakyan natin." Tumalikod na ako habang buhat ko siya. Natanaw ko din naman kaagad sa kanang bahagi ng malawak na bakuran na ito ang bus namin. Kaagad ko nang dinala doon si Crystal. Ramdam ko naman ang pagsunod sa amin ng mga kasambahay ngunit hinayaan ko na lamang sila. Kaagad din naman naming narating ang bus namin. Napapagitnaan ito ng dalawang mamahaling kotse. Pumasok kami sa loob at sumalubong naman sa amin ang ambiance na hindi ko naramdaman sa loob ng bahay ng Delavega na 'yon. Ito pa rin ang bahay namin ng anak ko na hindi mapapalitan ng bahay niyang singlamig ng yelo ang temperatura, kagaya ng amo nila! Isaksak niya sa baga niya ang bahay niya! Magsama sila!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD