Roxanne "Crystal," tawag ko sa aking anak sa mababa lamang na tinig habang nananatili ako dito sa pinto ng dining room. Kaagad din naman siyang napalingon sa akin, pati na rin ang doctor at si Claude. "Nanay!" "Halika na." Alanganin akong ngumiti sa kanila. Pansin ko ang kakaibang pagtitig sa akin ng doctor ngunit naroroon naman ang munting ngiti sa mga labi niya at maaliwalas niyang awra. Mukhang bata pa rin naman siya. Base sa hitsura niya, sa tingin ko ay nasa edad thirty pa lamang siya. "You go ahead. I'll have Crystal check on him." Napahinto pa rin ako sa sinabi ni Claude kahit may hinala na ako. "Para saan? Wala naman siyang sakit," sagot ko pa rin sa kanya. "You know what I mean." Binigyan niya ako ng malalim na tingin. Napahugot ako ng malalim na paghinga. "Okay," ma