Roxanne KINABUKASAN ay nagising akong tila may tao sa paligid. Pagdilat ng mga mata ko ay nabungaran ko si Claude na tinatanggal na ang pagkakasabit ng mga tali ng aming kulambo. Maliwanag na ang buong paligid. Kaagad akong napabangon ngunit naramdaman ko ang pagkirot ng likod ko. "A-Anong ginagawa mo?" Napansin kong nakasuot siya ng pormal at humahalimuyak ang panlalaki niyang pabango. Aalis siya? HIndi niya ako pinansin. Tuluyan na niyang hinawi ang kulambo sa aming mag-ina. Dinukwang niya ang anak namin na mahimbing pa ring natutulog sa tabi ko. Hinalikan niya ito sa sentido. Nagkalapit naman kami ng husto at mas lalo ko pang nalanghap ang napakabango niyang amoy. Mas lalo din siyang pumogi dahil sa suit niya ngayon kahit pa hindi maayos ang pagkakabuhol ng necktie niya. Mukha