CHAPTER 22: DNA Test

1368 Words

Roxanne "Anak, m-mamaya na lang ang dede sa bus natin. Hindi makakayuko si nanay kasi masakit ang likod." "Sakit po likod mo?" "Oo nga po." Ang kulit pa rin talaga ng batang 'to. Paulit-ulit. "Mamaya na lang, nanay!" "Oo, mamaya na lang. Magbanlaw ka na para makapagpatuyo ka na ng katawan." "Ligo pa 'ko, nanay, eh." Muli siyang bumalik sa tapat ng shower at isinahod ang ulo niya doon. Si Claude naman ay tahimik sa likuran ko. Patuloy pa rin niyang kinukuskos ang likod ko gamit ang scrub net. Bumaba ito sa bahagi kung saan may pasa ako. Ramdam ko ang mas lalo niyang pag-iingat sa pagkuskos doon. Halos bumigay naman ako nang maramdaman ko ang pagdapo bigla ng palad niya sa balikat ko at marahan akong hinawakan doon. Nawala na ang lamig ng tubig na nararamdaman ko kani-kanina lang.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD